"Eiffel, pahatak naman, please," I asked him as I stretched the fabric in the long table that I'm going to cut.
Hinatak naman niya ang kabilang dulo ng tela saka ko ginupit ng papunta sa kaniya ang direksyon.
"Salamat." I smiled.
"Eiffel, can you lend me a hand? I need your help here."
I rolled my eyes as I heard Alicia's flirting voice. Irritating.
So, here we were. Sa pinakamahirap at pinakamatagal na parte—ang buoin ang damit. ang magtahi nang magtahi nang magtahi. I asked Eiffel if he still wants to go because he might be bored but instead, he said that he won't as long as he's not alone in the house.
I put my wireless earphones on my ears so I will not be distracted. Baka kasi may kung ano pa ako akong marinig na hindi ko gusto. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at nang maayos na ang tela ay saka ko ito ginuhitan gamit ang pattern para sa damit.
I hummed at the beat and make myself move because of the music when suddenly Eiffel lean his face just an inch away from me. My eyes widen and instantly lean back. Itinaas niya ang kamay niya at akala ko kung ano ang gagawin niya pero hinawi niya lang ang buhok ko at inilagay sa likod ng aking tenga bago niya tinanggal ang aking earphones.
"B-bakit?" nauutal na tanong ko. His smell lingered in my nose. He really smelled good.
Umayos siya ng tayo saka napakamot sa kaniyang batok. "Kanina pa kita tinatanong kung gusto mo na bang kumain at umuwi. Gabi na o."
Ipinakita niya sa akin ang kaniyang relo at napatango ako. Oo nga, 8:30 na. Masyado 'ata akong naging busy an hindi ko na namalayan ang oras.
"A-ano..." Napakagat ako ng labi. Ba't ba nauutal ako?
"Hmm, Kain na tayo. Sabay tayo kay Alicia."
"No!"
I instantly want to put my hands on my mouth to shut it but it will be more embarrassing If I do so.
He blinked. "Ha?"
"A-ano... baka may gagawin pa siya. Saka may date 'ata siya... oo... ganon nga, may date pa siya." I try to smile but it becomes epic.
Nagkibit-balikat siya. "Okay. 'Asan 'yung gamit mo?"
"Huh? Ayon, o, nasa dulo," sabi ko sabay turo ng bag ko na nasa dulo ng lamesa.
Lumapit siya doon saka kinuha. Inayos ko naman ang mga gamit sa tapat ko bago napatingin sa kaniya na inilapag sa harap ko 'yung tote bag ko.
I mentally pouted. Akala ko naman magpapaka-gentleman. I sighed. Napapagod na ako. Gusto ko na matulog sa malambot kong kama.
"Tara na sabi ko, ang bagal naman nito."
Napalingon ako sa kaniya. Hindi ko namalayan na umalis na pala siya sa harap ko.
Lumapit ito sa akin saka kinuha ang aking bag. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinatak.
"Ang bagal mo. Nagugutom na ako."
"Sana kasi kumain ka na."
"Iniintay nga kita, e."
"E paano kung namatay ka kakaintay? sisisihin mo pa ako."
"Okay lang. Atleast nag-antay ako para makasama ka."
Napahinto ako. "H-ha?"
Tiningna ko siya na nasa unahan ko at hatak pa rin ang aking kamay. Nakita ko ang pagsilay ng ngti sa kaniyang mukha.
"Tara na, 'wag ka na huminto, nagugutom na nga ako e."
🍷🗼🍷
The next days becomes so exhausting. We need to finish everything before November ends because models should also be prepared. From what I
heard, the slots for fashion show was sold out. Well, beside us four, there will be also fashion designers from other branch that will be joining the fashion show. Some of the audience were foreigner according to them so the company is depending on us.
My days become a routine of wake up, work, sleep, wake up, work, sleep. I don't even eat sometimes. Eiffel and I, we barely talk but he never failed to remind me to eat at work. He start doing papers since malapit na ang meeting niya with their french clients so minsan ay tinatawagan niya ako o kaya naman ay nagte-text sa akin. Pero kahit ganoon ay sumasama pa rin siya mga twice a week lalo na kung wala na siyang gagawin.
"Hi, Alicia!"
"Bonjour, Eiffel!" she greeted him back and give him a peck in his cheeks.
I immediately turn around and face the mannequin near my table then start working.
Ayon 'yung nakakabigla sa mga Linggong lumipas. Napansin kong nagihing malapit sila Eiffel at Alicia. And something inside bothers me. Anong meron sa kanila?
I focus myself on what I'm doing until the day already ends. Hindi ko namalayan ang oras.
"Bree, mauna ka na umuwi."
"Ha?" Napatigil ako sa pag-aayos ng aking mga gamit.
"May pag-uusapan lang kami ni Alicia."
Nakipagtitigan ako sa kaniya. "Fine."
Tumalikod na ako sa kaniya saka dali-daling naglakad. I hear him calling my name but I acted as if I don't hear anything. Dumiretso ako ng labas sa kompanya saka pumara ng taxi.
I'm done. Tapos ko na 'yung trabaho at kahi hindi na ako pumasok ng isang Linggo ay okay lang dahil tapos na ako. Papasok na lang ako dalawang araw bago ang fashion show para i-double check kung ayos ba lahat.
Huminto ang taxi sa isang bar. I need to unwind. I'm free from stress now that I'm done with my work. I go near the counter and ordered.
I'm used to this. Even when I'm in the Philippines, I go to bars to unwind with or without friends. But I never—ever— feel this pain before.
Damn loneliness.
Nakailang order pa ako ng alak bago ako makaramdam ng likidong tumutulo sa mga pisngi ko. I felt empty. I feel alone. I want to go back home. I want to feel again the warm hugs from my dad and talk about stupid things with Philip. I want to talk to Thalia and miss how she'll greeted me with good news. I miss my country despite of being here in my dream city.
I want to see them again but I'm way too far from them. And the person who brought me here left me for a 'talk'. I chuckled. Why did I end up here? Again?
I felt miserable at the moment.
Why am I not enough for everyone?
My parents thinks that I'm not good enough not dicide for myself. Landon chooses Keina than me. Then Eiffel... I smiled. He choose Alicia over me.
I took my phone and look for the time. It's 10 already? Ang bilis naman ng oras.
Parang may sariling utak ang kamay ko na hinanap ang contact at nagdial ng number. Pagkatapos ng ilang ring ay may sumagot sa kabilang linya.
"Hello," sagot nito nang malalim ang boses at halatang bagong gising lang.
"Oh my God, sorry! Nagising 'ata kita."
"Britany?"
Tumango ako kahit na alam kong hindi naman niya nakikita. "Yeah. It's me... Landon."
***
"Another brokenhearted."
Inangat ko ang aking ulo nang may narinig akong magsalita.
Beside me is a gorgeous man in his black leather jacket and black jeans. I sense how cold his stare are. He looks like a man of few words. But I don't care.
I smiled at him.
"Your with someone, handsome?" I flirted.
"Ba't ba 'ko lumapit rito," I heard him say before he tsked.
"Uy, nagsasalita ka ng Filipino! Great!" I giggled.
He looked at me as if I do something that's weird. "Same as you. You look drunk. Kailan ka pa rito?" uminom ito sa kaniyang baso.
"Kanina pa."
He looked at me for a minute then he smirked. "I'll go."
Nakita kong naglabas ito ng wallet at saka nag-iwan ng pera sa counter bago tumalikod at naglakad paalis. Mabilis akong kumuha ng pera at nagbayad bago sumunod sa kaniya.
"Ay, teka." Tumakbo ako pabalik sa counter at kinuha yung baso ko kanina na may laman pa at saka tinungga ang laman nito.
"Hey, wait! Ikaw lang ang kalahi ko rito!" Mabilis akong tumakbo sa direksyon niya pero pagewang-gewang na ako. Muntik pa akong matapilok.
Hay nako. Lumilindol na naman 'ata.
Kahit na maraming tao sa dance floor ay sinikap kong hindi siya mawala sa paningin ko.
Naabutan ko siya sa labas ng kotse niya. Huminga muna ako dahil medyo hiningal ako sa paghabol sa kaniya. Humarap siya sa akin saka ako tinitigan.
"Wala akong kasama." I pouted.
"So?" saad nito na walang kagana-gana.
"Sungit," bulong ko.
"I heard that."
I pouted again.
Napabuntong hininga ito at parang suko na sa kakulitan ko. Makulit ba ako? Hindi naman ha!
"Okay, What do you want me to do?"
Napatulala ako sa kaniya. Nagkibit balikat ako. "I... Dunno."
Bigla nitong binuksan ang pintuan sa driver's seat at mukhang balak ako iwan pero hinawakan ko siya sa braso.
When I looked in his eyes, I'm shocked. There's... Adoration in it.
"You really looked like her..." Bumukas sa mukha nito na parang naguguluhan at may kung anong nagtatalo sa isipan niya. Sa huli ay napabuga na lang ito ng hangin. "C'mon, I'll drive you home."
Inalalayan niya ako papasok sa passenger's seat saka sinara 'yung pinto bago siya umikot at umupo sa driver's seat.
Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan. Nagulat ako ng lumapit 'yung lalaki sa akin.
"Seatbelt."
Pagkatapos noon at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
🍷🗼🍷
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong kung anong gumagalaw sa labi ko. As I open my eyes, I saw Eiffel.
And he... h-he's kissing me.
I froze. I know it's wrong. But then, I don't know why I reacted like this. I don't push him away and instead, I close my eyes and savor his kisses. Then after few moments I kissed him back and I felt myself pushed deeper through the soft cushion of the bed as he deepened the kiss.
He's caressing my cheeks while I put my arms the the back of his neck.
We both moan.We are almost out of breathe until the names that came from our mouth make us stop.
"Eiffel."
"Ashley."
Napatigil kami. Napadilat ako at sa tingin ko ganoon rin siya. That is when we both realized that we are both strangers for each other. That the alcohol play with us with illusions.
Bigla siyang umalis sa ibabaw ko at naupo sa paanan ng kama, patalikod sa akin.
"Fuck," rinig kong usal niya
"S-sorry." Pagkasabi niya noon ay lumabas siya ng kwarto. He was the man who drive me ho— wait...
'asan ako?!
Napatingin ako sa paligid na unfamiliar na may black and white theme interior.
Nasabunutan ko ang aking sarili habang nakahiga.
"Ugh, stupid, Britany!"
🍷🗼🍷
I woke up the next day with a painful headache. Tumayo ako agad para sana maghanap ng pwedeng inoming gamot kung saan man sa loob ng kung kanino mang kwarto ito.
Pagkalabas ko sa kwarto ay bumungad agad sa akin ang isang lalaking nakahiga sa sofa na namamaluktot.
Napaisip ako kung paano ko siya gigisingin baka kasi magalit siya sa akin. Mukhang ang sarap-sarap pa ng tulog niya kahit mukhang hindi naman siya komportable--okay ang gulo.
Dumirestso na lang ako sa kusina at lumapit sa ref para kumuha ng tubig. Kumuha rin ako ng baso at nagsalin doon ng tubig. Napapangalahati ko na yung baso nang may marinig akong ingay. At infairness, ang kapal ng mukha kong maging at home dito.
Ibinaba ko ang baso at tumingin sa aking likuran.
"Um, good morning?" alangang bati ko. Napangiwi ako.
Dali siyang napaharap sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I blushed.
Is he checking me out?
"Who are you?" I felt chill when he spoke.
"A, dinala mo 'ata ako dito kagabi..." hindi siguradong sabi ko.
Napatingin siya sa akin at parang inaalala ang mga nangyari kagabi.
"I remember." Napaiwas ito ng tingin at ganoon rin ako nang maalala ang nangyari.
He fake cough. "I think you should leave."
I blinked. Nawala bigla 'yung sakit ng ulo ko.
"Y-yeah. I-I'll go then," hinanap ko 'yung gamit ko sandali bago ako lumapit sa pinto. Bubuksan ko na dapat iyon nang magsalita siya.
"Shit. She really look like Ashley pagnakatalikod," narinig kong bulong niya habang hinihilot ang kaniyang sintido. "I'll drive you home."
🍷🗼🍷
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na fastfood restaurant. Bumaba na agad ako saka humarap sa kaniya.
"Thanks!" I smiled at him before closing the door.
Hinintay ko ang pag-alis ng sasakyan niya bago ako tumalikod at pumasok sa loob. Medyo maraming customer sa loob dahil karamihan sa kanila ay nagbi-breakfast gaya ko. Medyo matagal rin bago ako makapunta sa harap at masabi ang order ko.
Pagkakuha ko ng pagkain sa may counter ay naghanap agad ako ng upuan pero puno na. Inikot ko pa ang mata ko sa buong paligid hanggang sa may makita akong lalaki na nakataas ang kamay. Napakunot ang noo ko pero pumuta sa table niya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang inilalagay ang aking pagkain sa lamesa.
Nagkibit balikat lang siya saka tumayo. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang pumila siya sa may counter.
Gusto ko na sanang kumain dahil nagrereklamo na ang tiyan ko kaso paran ang rude naman kung hindi ko siya hihintayin.
Kinuha ko na lang ang hot choco ko at saka ito ininom para kahit papaano ay mainitan na ang aking sikmura.
Napaisip ako sa kagagahang ginawa ko kagabi.
Inom pa kasi, Bree. Muntik nang may mangyari—may nangyari na pala pero buti na lang... Nako, buti na lang talaga kung hindi baka susugudin ako ng mga magulang ko kapag nalaman nila.
I blushed when I remember the kiss, but what makes me blush more is the person I thought I'm kissing.
Stupid alcohol. Kung anu-anong ginagawa kapag pumasok sa sistema ko.Naalala ko tuloy yung time na inaya ako ni Eiffel para samahan siya rito sa Paris. I smiled bitterly.
Tapos siya iiwan lang pala ako. hmmp!
Mabuti nalang mabait kahit mukhang masungit 'yung nakasama ko kagabi dahil kung hindi, baka wasak na ang bataan.
Napatigil ako sa pag-iisip ng huminto siya sa harap ko at inayos rin ang pagkain niya. We eat in silence.
Hindi naman awkward para sa akin dahil busy ako sa paglafang at mukhang wala rin naman siyang pake.
"The offer to drive you home is still open."
Napaangat ang tingin ko sa kaniya. I shook my head. "Dadaan pa ako sa salon. But really, thank you."
"I'll drive you to the salon then," he insisted. Ang kulit rin nito, e.
Wala na akong nagawa. Saka mas okay 'yon, sayang rin pamasahe. Mukhang hindi rin naman kasi siya masamang tao. Kung may gagawin man siyang masama, e di sana kagabi niya pa ginawa. But maybe he's doing this because just like what he said, I look like someone he know. And maybe he's guilty of what happened.
"Merci," sabi ko at nag-bow pa pagkalabas na pagkalabas ko sa kotse niya nang huminto ito sa tapat ng isang salon.
"By the way, I'm Terrence. You?"
"Britany." Inabot ko ang kamay niya saka nakipag-shake hands.
"Nice to meet you, Britany. See you around?"
I just nodded until his car was gone before I made my way in the salon.