Chereads / Is It Us? (FILIPINO) / Chapter 15 - Douze 1

Chapter 15 - Douze 1

Friend Request

Landon Parker sent you a friend request.

Confirm    |    Delete Request

Ito agad ang bumungad sa akin nang pindutin ko ang friend request sa aking Facebook account. Hindi ko alam kung dapat kong i-accept o hindi ang friend request ni Landon. Sa hindi malamang dahilan ay may kakaiba akong nararamdaman. Parang may hindi maganda.

I've read the next name.

Keina Dallas

Confirm | Delete Request

France Buenaventura

Confirm | Delete Request

Three days had passed since Landon left Paris and go back to Manila. Nothing seems interesting in the past days except that I got the position I applied to. They said that I will start at work two weeks from now so here I am in my room, a laptop in front me. I started reviving my accounts on different social media again.

Isa sa mga ito ay ang aking Facebook account kung saan bumungad sa akin ang napakaraming messages, notification at iilang friend request. Pero ang kinagimbal ko ay ang pangalan ng tatlong taong parte ngayon ng buhay ko-- Sina Keina, Eiffel at Landon.

Simubukan ko munang tingnan ang mga account nila. Post, pictures, about at kung anu-ano pa. Naka-public ang friend list ni Keina. Hinanap ko ang pangalan ni Eiffel at nakita ko ito. Sunod kong hinanap ang kay Landon at

nagulat ako ng wala akong nakita. Napakunot ang noo ko.

Siguro ay blinock niya si Landon o baka naman si Landon ang nagblock sa kaniya?

Nang tingnan ko ang profile ni Eiffel ay wala akong ibang nakita maliban sa iilang shared post niya. I clicked the accept button and saw his other post and pictures that I guest was set to be seen by friends only. Nakita ko ang ilang litrato nila ni Keina na naka-gallery pa at ang iba pa ay may kasama sila na sa tingin ko ay katrabaho nila.

I go back to the friend request of Keina then accepted it.

I also visited Landon's profile and surprised that we don't have any mutual friend. Wala akong makita sa profile niya dahil parang hindi iyon naka-set sa public. Since hindi naman nila makikita ang isa't isa dahil baka nga may nang-block sa isa sa kanila, I clicked the accept button again. Since I'm still in Landon's profile, I can now see his post and I was shocked when I saw the latest post on his timeline.

It was a picture of a girl wearing a white long sleeve, a pants and a boots. Nakatalikod siya kaya hindi makita ang mukha pero sigurado ako kung sino 'yon. It was me. And what surprised me was the caption saying:

Is she the one? 😂😆

There are different reactions and comments on the post teasing him and asking who am I. Mayroon din na iilan na nanghihinayang na bakit daw wala na sila ni Keina. I was scrolling on the comment section when a new comment appeared. It was just a simply smiley emoticon but it has a huge effect on me specially when I read again the name just above the emoticon.

Keina Lee Dallas.

Pakiramdam ko tinakasan ako ng hininga dahil doon. Parang hindi agad nag-function ang utak ko kaya naman hindi ko namalayan na bumukas na pala ang pinto at may pumasok.

Agad siyang lumapit sa akin at naramdaman ko na lang ang kamay niya sa pisngi ko. Napahawak ako sa aking pisngi na parang namanhid sa sobrang lakas ng sampal niya.

"How could you?! Pinagkatiwalaan kita tapos ganto ang gagawin mo sa akin?!" pagalit na bungad niya.

"T-teka, Keina. Magpapaliwanag ako." Sinubukan ko siyang lapitan pero itinulak niya ako.

"Kaya pala wala ka dito noong nakaraang araw, lumalandi ka pala."

I felt a pang in my chest because of her choice of words. But then I composed myself and try to explain.

"Keina, ano—" itinaas niya ang kamay niya na parang pinapahinto ako.

"Kung akala mo maaagaw mo sa akin si Landon, nagkakamali ka." She looked at me furiously. Her eyes looks like a dagger that wanted to stab me.

Bago pa ako makapagsalita ay padabog na niyang isinara ang pinto ng kwarto ko.

Anong ginawa ko?

Nanghihinang napaupo ako sa gilid ng aking kama. Akala ko napabuti ko 'yung sitwasyon noong hindi ko sinabi sa kaniya at iniwasan ko na magkita-kita sila at siguradong gulo 'yon. Pero ako pa pala ang napasama. Gusto ko lang naman tumulong.

"Hay..." Napauntong hininga na lang ako. Kahit saan ako lumugar, parang mali pa rin.

Walang ganang ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Imbis na problema ko lang ang inaalala ko, nadamay pa ako sa kanilang tatlo.

I sighed.

Pero may kasalanan din naman talaga ako.  Ginusto kong lang naman makasama si Landon... Sobrang sama ko ba dahil ginusto kong pagbigyan 'yung sarili ko? Saka,  break na rin naman sila, diba?

"Umuwi na lang kaya ako?"

🍷🗼🍷

Tatlong araw na simula ng bumalik sa dati ang pakikitungo ni Keina sa akin. Hindi na naman niya ako pinapansin. Kapag kinausap ko siya ay para lang akong hangin. Alam kong napapansin ni Eiffel ang nangyayari sa amin pero parang ayaw niya mangialam. Ngunit parang mas malala ngayon ang mga kinikilos ni Keina. Maski kasi si Eiffel ay naaapektuhan. Madalas ko siyang makitang naiirita kay Eiffel at misan hanggang maaari ay ayaw niyang makita ito.

I discovered that Keina has two accounts. 'Yung isa, doon niya friend si Eiffel habang naka-block naman si Landon at sa isa namang account niya ay baliktad--Friend si landon at naka-block si Eiffel.

Naaalala ko pa 'yung sinabi niya noong huli kaming nag-usap pero naguguluhan ako sa huling sinabi niya.

'Kung akala mo maaagaw mo sa akin si Landon, nagkakamali ka.'

Anong ibig niyang sabihin?

Nakakunot ang noong pumunta ako sa may kusina para maghanda ng agahan nang may marinig ako. Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si Keina na nakayuko sa tapat ng lababo habang hawak-hawak niya ang kaniyang buhok upang hindi madikit sa lababo. Nakita ko siyang nagmumog at nanghihina na tumalikod kaya naman napaharap siya sa akin.

"Nagsusuka ba siya?" tanong ko sa sarili ko.

"Ayos ka lang?"

Inirapan niya lang ako saka ako saka nilampaasan.

Nakibit balikat na lang ako saka tumingin sa ref ng pwedeng lutuin.

🍷🗼🍷