Another exhausting week had pass. Masyado akong nagiging busy sa trabaho dahil nga sa nalalapit na fashion show. Plano o designing pa lang kasi ang nagagawa, syempre dapat may allotted time rin sa pagbuo na mismong damit.
The tenth month already starts and the temperature keeps falling everyday.
A lot of things happened just like the black bags under my eyes because of sleep lost. But there are also things that never change just like the drunken Eiffel every night.
Sa tuwing uuwi ako mula sa trabaho ay naaabutan ko siya sa kusina. Drunk and wasted. Pinagalitan ko na nga siya pero parang wala lang siyang naririnig. Ilang araw na rin siyang natutulog sa kusina. I wonder kung hindi ba nananakit ang katawan niya sa gabi-gabing pagtulog roon.
One time naabutan ko pa siyang gising sa tapat ng ref. May hinahanap ata.
"Anong ginagawa mo?" I asked him. Nakita kong kumukuha siya ng yelo.
Humarap siya sa akin. "Bree, ba't ang sakit-sakit pa rin? bakit hindi pa ako namamanhid? Ba't nagpapakatanga pa rin ako?" Narinig ko ang pagkabasag ng boses niya. Kitang-kita ko kung paano magtubig ang mga mata niya at kung paano kumawala ang mga luha patungo sa kaniyang mga pisngi.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at bigla akong niyakap.
"Ito ba 'yung kapalit ng ginawa ko? Karma ba 'to?" Napatawa siya ng pilit. "Kasalanan ko bang hinayaan kong mahulog ako sa kaniya kahit hindi tama?"
What does it mean?
Umiyak siya nang umiyak pagkatapos. Hindi ko na pinansin 'yung pagkabasa ng suot ko dahil sa luha niya. Hinayaan ko na lang na ilabas niya 'yung sakit na nararamdaman niya. I patted his back and said cliche phrases to comfort him. To make him feel better.
He kept on crying with his hearts out until I felt his weight on me. "Eiffel?"
Hindi siya sumagot kaya tinawag ko ulit siya sa pangalan niya. "Eiffel?"
Nang hindi pa siya sumagot ay iniatras ko nang kaunti ang aking mukha para tingnan siya at nakita kong nakapikit na siya.
"Ugh! Ang bigat mo, e!"
Tinapik ko siya nang medyo malakas upang magising. "Eiffel, gising muna. Baka ma-out of balance tayo!"
"Eiffel!" I shook him.
"Hmm." Mukha naman siyang nagising.
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at saka inilagay ang kaliwa niyang kamay sa kaliwang braso ko. Inalalay ko naman sa likod niya ang isa ko pang kamay upang alalayan siya papuntang kwarto niya.
Binuksan ko ang pinto sa kaniyang kwarto saka diretsong inalalayan siya pahiga sa kaniyang kama. Nang makaayos na siya ng higa ay kinumutan ko siya. Agad naman siyang nabalik sa pag-idlip niya.
I don't know what's with me, but then I find myself staring at him— again. His eyes are swollen from crying as well as his reddened nose. There are also the mark of tears that already dried on his cheeks. Napansin ko rin na tumutubo na ang kaniyang mga bigote at balbas. Maybe he's not shaving for weeks. I tsked. He's obviously not taking care of himself.
Inayos ko ang buhok niyang mahaba na humaharang na sa kaniyang mukha. Kahit tulog ay bakas pa rin ang lungkot sa mukha niya. Hindi ko makita yung dati na parang ang kalma-kalma at parang walang problema.
Napahinga ako nang malalim.
"You'll be fine soon," bulong ko bago lumabas ng kwarto niya.
🍷🗼🍷
I woke up early the next day just to prepared breakfast. Trip kong magluto at kumain ng tapsilog. kahit kasi gaano kasarap 'yung pagkain dito, hinahanap-hanap ko 'yung pagkaing pinoy.
I've arranged everything on the table. Nang matapos ay naisipan kong tawagin si Eiffel para sana sabay na kami kumain pero mukhang natutulog pa siya kaya pinuntahan ko sa kaniyang kwarto.
Pagbukas pa lang ay nakita ko na agad siyang nakabaluktot sa kama. Nakabalot siya ng makapal na kumot at... teka, nanginginig ba siya?
Agad akong lumapit sa kaniya upang tingnan ang kaniyang kalagayan. Nanginginig nga siya dahil sa lamig. Hindi naman ganoon kalamig pero nanginginig siya.
Kinuha ko ang remote ng heater at itinaas nang kaunti ang temperatura bago umupo sa gilid ng kaniyang kama.
"Eiffel, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Idinikit ko ang aking palad sa kaniyang noo na mabilis ko ring tinanggal dahil sa init ito.
"May lagnat ka!" sabi ko sa kaniya.
Marahan niyang binuksan ang mga mata saka tumingin sa akin.
"Bree... ang lamig..." nanghihinang sabi niya habang nangangatal.
Kinuha ko ang remote at saka tinaasan pa ang temperatura nang kaniyang kwarto.
"Teka lang ha, kukuha lang ako ng gamot at ang taas-taas ng lagnat mo," paalam ko bago lumabas muli ng kaniyang kwarto. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng gamot sa isa sa mga cabinet doon. Kumuha rin ako ng isang baso ng tubig bago bumalik sa loob.
Inilapag ko sa side-table ang gamot at baso.
"Eiffel, o."
Inalalayan ko siya paupo. Nang makaupo ay nalaglag ang kumot sa kaniyang bewang na kanina ay nakasaklob sa kaniya. Napansin ko na naka-jacket pa pala siya. Napailing na lang ako. Ilang araw na ba niyang pinapabayaan ang sarili dahil lang sa pag-alis ni Keina? Ayos lang sana kung nagmumukmok lang siya pero kasi naaapektuhan rin 'yung kalusugan niya.
Gumaling lang siya, sermon na naman aabutin nito sa akin.
Ibinigay ko sa kaniya ang gamot sa iniabot ang baso ng tubig. Ininom niya naman ang gamot bago humiga. Tinulungan ko siyang bumalik sa paghiga at kinumutan pa siya tulad ng madalas gawin ng mga magulang sa kanilang anak.
I cringed at the thought. Parang ang bata ko pa masyado para maging magulang pero para naman kasing mayroon akong batang kasama at alagain rito sa Paris! Dyosko!
Ilang minuto ko rin pinagmasdan ang kalagayan ni Eiffel na sa tingin ko ay natutulog na bago ako tumayo. Mukhang mas maayos naman na siya ngayon kaysa noong naabutan ko siya kanina. Hindi na rin siya nanginginig 'di tulad kanina.
Patalikod na ako nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko--Mahina pero sapat lang para marinig ko.
"Salamat," malamlam ang matang aniya.
Ngumiti ako sa kaniya. "Tayong dalawa lang naman ang nandito. Sino pa nga ba ang magtutulungan?" I patted his head. "Magpahinga ka ha? At itatago ko na ang mga alak. Wala ka nang ibang dulot kung hindi maglasing."
He chuckled. I smiled before heading to the door. Before I close the door, I heard him whisper-- just audible enough for me to hear.
"Je suis désolé."
🍷🗼🍷
Nagpaalam ako na hindi muna ako makakapasok sa trabaho at saka tutal naman day-off ko kinabulasan. Kinain ko 'yung niluto kong tapsilog kanina tapos ay itinabi na lang 'yung para sana kay Eiffel. Pagkatapos ko kumain ay nagluto ako ng lugaw para kahit papaano ay may makain naman siya at magkaroon man lang ng laman ang kaniyang tiyan.
Pumasok ako sa kwarto niya dala ang lugaw na niluto ko. Naabutan ko siyang nakatalikod sa akin pero naramdaman 'ata niya ang presensya ko kaya umikot siya paharap sa direksyon ko.
"Nilutuan pala kita ng lugaw baka kasi nagugutom ka na."
"Salamat," sabi niya nang makalapit ako.
"Kaya mo na?" tanong ko patungkol kung kaya na niya kumain mag-isa.
Tumango lang siya saka ngumiti. Iniabot ko sa kaniya ang mangkok ng lugaw at isang kutsara. Kinuha niya iyon saka nagsimulang kumain.
Habang kumakain siya ay napansin kong ang payat na pala ng katawan niya. Malaki na rin ang eyebags niya dahil sa gabi-gabing pagpupuyat at pag-iinom. Habang mabagal siyang sumusubo ay hindi ko napigilang magsalita.
"You need to let go, you know."
Napatigil siya sa pagsubo at napatingin sa akin. "I'm trying."
"Try harder. It's not healthy."
Hindi siya sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain.
"Hindi ka pa ba pagod?"
"Kahit naman pagod na ako, hindi naman hihinto na lang bigla 'yung puso ko sa pagmamahal sa kaniya, di' ba?"
Hindi ako nakapagsalita. Who am I kidding? Hindi ganoon kadali mag-move on. Madaling sabihin, madaling magpayo. Alam mo kung ano ang dapat gawin pero kapag nasa sitwasyon ka na, matatanga ka na lang talaga.
Mahirap mag-move on, oo. Pero mas mahirap kung hindi mo tutulungan ang sarili mo. Kung hahayaan mo ang sarili mong kainin ng sakit. Kung papabayaan mo ang sarili mo.
Maski naman ako nahirapang mag-move on dati. It really takes time for the wounds to heal and for the heart to fully recover. But then you need to take care of yourself. Naka-move on ka nga, ang dami mo namang sakit pagkatapos. Edi nahirapan ka pa rin.
"I wanted to go after her. Pero may kailangan pa akong gawin rito, e." He sighed. "Pasensya ka na, ha. Nagiging pabigat na ako. Ayaan mo, hindi ako iinom bukas."
"Bukas lang? Sa mga susunod na araw, iinom ka ulit?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya nang makahulugan.
🍷🗼🍷
"Sasama ka talaga?"
"Bree, wala akong gagawin dito. Kapag iniwan mo ako, I'll end up being wasted again," sabi niya habang sinusuot ang isang black leather jacket.
"Hay, ba't ba nakasama kita." Isinara ko ang pinto ng aking kwarto.
"Kasi pareho tayong lasing noon."
"Yah, yah. 'wag na ipaalala." Inayos ko ang scarf sa aking leeg bago kunin ang bag ko sa couch.
"Tara na."
Lumabas kami ng bahay saka sumakay sa isang taxi. Nagpahatid kami sa pinagtatrabahuan ko.
Eiffel was so bored that he wanted to know how it felt like to be me. Isama ko raw siya sa pinagtatrabahuan ko. Gusto niya raw ma-experience ang ginagawa ko. But then alam namin pareho na palusot niya lang 'yon dahil ayaw niya lang talaga mag-stay sa bahay kung saan marami silang memories ni Keina. It seems like every part of the house have the presence of Keina. And I know that if ever I left him in the house, he'll just drown himself again with alcohol just like what he said. Mabuti na lang pinayagan ako ng boss ko ng sinabi ko kung pwede ba siyang sumama.
Bumaba kami sa isang botique. Dumiretso kami sa second floor nito kung saan ako madalas, kasama ang iba ko pang co-designer. paglabas pa lang namin ng elevator ay tumambad na sa amin ang amoy ng mga tela. The room is spacious enough for four designers with their tables to do the sketches either by their hand or using the Computer-Aided Design (CAD). There are also fabrics in different color, size and texture that hang on the side of the walls. Mannequins are everywhere which serves as the prototype for us.
In front is a whiteboard with the words 'Winter hymn' in capital letters at the center, which is the theme of the fashion show. The lower right corner says '5 weeks to go before the fashion show!'
"Hey!" Alicia, my co-designer, greeted.
"Hi, Alicia," I greeted back as I came to her for a hug.
"Bonjour," Bella and Monnet said in chorus. Monnet's drinking in her cup of coffee while Bella is busy in front of her computer.
"Who's this guy?" Nabalik ang tingin ko kay Alicia na ngayon ay parang iniinspeksyon si Eiffel habang iniikutan ito. Napansin ko naman na medyo nailang si Eiffel sa ginagawa niya kaya hinatak ko si Alicia palayo rito.
Alicia raised her hand as if surrendering then chuckled. "Okay, he's all yours," sabi niya habang may mapang-asar na ngiting naglalaro sa kaniyang labi.
"Alicia!" Suway ko habang pinandidilatan siya ng mata. Tumawa lang siya habang napapailing.
"Don't worry Bree, I'm not that bad to laid your boyfriend." Then she laughed.
Napailing na lang ako. Alicia is a liberated person. She's really talking about her 'adventure' every free time we had. Paminsan nga ay pakiramdam ko naaasiwa na rin sila Bella sa pinagkukuwento niya. I mean, sino bang hindi e kulang na lang ipagsigawan niya ang sex life niya. Pero kahit ganoon siya, mabait naman s'ya sa amin.
"He's not my boyfriend."
"Oh!" She said in a flirted tone which makes me rolled my eyes. "By the way, what's your name handsome?"
Lumapit siya kay Eiffel at napansin kong napaatras naman ito.
"Eiffel," alangang sagot niya.
"Wow! I hope your mighty just like the tower," she said emphasizing the mighty word while giving Eiffel a seductive smile, the in a snap, her fingers raced on Eiffel's nose bridge down to his lips.
Napailing na lang ako saka hinatak sa likod ko si Eiffel. Humarap ako kay Bella na nakaupo at parang may binabasa sa kaniyang phone.
"Are we leaving already?"
"Yep, just a sec," said Monnet while clicking on her computer.
"Done, let's go."
"What you're doing here, Eiffel?" I heard Alicia asked. When I looked at them, she's already hugging Eiffel's arm.
So they're in talking terms na? Ang bilis naman. Kakagaling ko lang ng restroom ha.
"He just want to visit my workplace, Alicia. C'mon, leave him alone," sabat ko saka tinanggal 'yung pagkakakapit niya sa braso ni Eiffel.
"Bree, you're acting like a jealous girlfriend."
I looked at her intently. "I'm not," I said seriously. "I won't even care if you get laid with him. But please, be professional here."
I get my bag then turned my back at them and leave the place.
I heard her laughed but that didn't sounds good to my ears.