Chereads / Is It Us? (FILIPINO) / Chapter 16 - Douze 2

Chapter 16 - Douze 2

Maaga akong nagising dahil sa alarm na ini-set ko kagabi. Ngayong araw na ang simula ng trabaho ko kaya naman agad akong dumuretso sa banyo para sana maligo pero nagulat ako sa nadatnan ko.

Nakaluhod si Keina sa tapat ng bowl habang nasa likod niya si Eiffel na hawak ang kaniyang buhok upang hindi makahadlang sa pagsuka niya. hinahagod nito ang likod ni Keina.

"Anong nangyari?"

Napatingin sa akin si Eiffel at nagsalita. Nakita ko namang nagmumog si Keina.

"Hindi ko nga alam, e. naabutan ko na lang na nagsusuka," napapakamot pa sa batok nitong sabi.

Tumingin sa akin si Keina saka ako inirapan bago lumabas ng C.R.

Nag-aalalang tumingin ako sa kaniya bago tiningnan si Eiffel sa gilid ko. "Nagsusuka rin siya nakaraan a."

Napatingin siya bigla sa akin. Parang may sasabihin siya sa akin pero hindi niya malaman ang gagawin. Sa huli ay napabuntong hininga na lang siya bago magsalita.

"Napapansin kong ganiyan siya tuwing umaga..." parang wala sa sariling sabi niya habang nakatingin sa dinaanan ni Keina kanina.

Bumaling siya sa akin at parang may kumurot sa puso ko nang makita ko ang peke niyang ngiti ngunit kitang-kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. Napayuko ito saka umalis papuntang kusina.

Anong nangyayari?

πŸ·πŸ—ΌπŸ·

Dumalas ang napapansin naming kakaiba kay Keina. At tuwing nakikita namin ito ni Eiffel ay hindi namin maiwasang pagtagpuin ang aming mata upang kumpirmahin sa isa't isa ang hinala namin. Hindi kami nagkaka-usap pero sigurado akong iisa lang kami ng nasa isip.

I've read it in books and seen in movies. Sobrang pamilyar na mga sintomas nito na masasabi kong tama ang hinala ko pero ayoko na magsalita at mangialam. Ayokong madamay. Pero kahit ano palang gawin kong iwas, damay at madadamay pa rin ako.

"Um, Bree..." alangang sabi ni Eiffel.

Napatingin ako sa kaniya saka inihinto ang aking ginagawa. Maaga akong nagising dahil naalimpungatan ako kaninang madaling-araw. Sinubukan kong matulog ulit ngunit tinakasan na talaga ako ng antok.

Napagdesisyunan kong pumunta sa sala at mag-sketch na lang muna sa gayon ay maging prodaktibo ang oras at hindi masayang sa kung anu-ano.

Napatingin ako sa aking telephono at nakitang alas-syete na pala ng umaga. Mabilis talaga ang oras kapag may ginagawa. Tumayo ako saka nag-inat.

"Hmm?"

"Nakita mo ba si Keina?"

Napahinto ako sa pag-iinat at napatingin sa kaniya.

"Ano?"

"Sabi ko nakita mo ba si Keina. Wala siya sa kwarto e," sabi nito at halatang nag-aalala.

"Hindi mo ba tiningnan sa C.R.? Baka naman nandoon lang." Umiling ito.

"Teka, Baka naman lumabas lang? Andyan pa ba 'yung mga gamit?" I started to feel unease. I remembered what she said when she saw the picture Landon posted.

"Oo."

I heave a sigh of relief.

"Ayon naman pala e. Baka lumabas lang."

Inayos ko na 'yung ginagawa ko saka muling humarap sa kaniya.

"Maliligo lang ako. Kailangan ko pa palang pumasok."

Umalis na ako saka pumuntang kwarto para kumuha ang susuutin. Mabilis akong naligo at kumain dahil nakaluto naman na ako kanina pa. Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa trabaho.

πŸ·πŸ—ΌπŸ·

Gabi na nang makauwi ako ng bahay dahil nag-overtime ako. Nakita kong bukas pa ang ilaw sa loob ng bahay kaya naman kumatok na lang ako sa pinto.

Naka-ilang minuto na akong nakatayo sa labas kaya naman napagdesisyunan ko nang pihitin ang pinto at bukas naman ito.

Napakatahimik sa loob kaya napakunot ang noo ko. Kadalasan kasi ay bukas pa ang TV ng ganitong oras dahil nanonood pa si Eiffel at Keina ng series.

Naglakad muna ako papuntang sala at nakitang walang tao roon. Inilapag ko sandali ang aking mga gamit na dala sa sofa. Sunod kong pinuntahan ang kusina at nakita kong nakayukyok ang isang lalaki sa hapag-kainan.

"Eiffel?"

Napaawang ang aking mga labi nang iangat niya ang mukha niya at nakita ko ang mga likidong sunod-sunod ang pagtulo sa kaniyang mga pisngi.

Humikbi siya at saka garagal na nagsalita.

"Bree, wala na siya. Iniwan na niya ako. Dumating na 'yung araw na kinatatakutan ko..."

*****