"Bree, wala na siya. Iniwan na niya ako. Dumating na 'yung araw na kinatatakutan ko..."
Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko malaman kung anong dapat kong gawin. Ano bang nangyayari? Ba't nagkakaganito?
I hesitantly approached him. Alangan kong inilapit ang aking kamay sa kaniyang likod saka ito marahang hinagod para pakalmahin siya.
Doon ko lang napansin na may ilang bote ng alak ang nasa harap niya. Ilan sa mga ito ay wala ng laman at sa wari ko ay kanina pa nag-iinom si Eiffel dahil na rin sa dami ng boteng ubos na ang laman.
Napapilatak ako saka hinampas ang kamay niya nang lumapit ito sa boteng nangangalahati na ang laman.
"Ano ba? Lasing ka na, o."
"H-hindi pa ako lashing..." Muli siyang yumukyok. Pagkatapos ng ilang sandali ay sinubukan na naman niyang kumuha ng bote pero agad ko iyong nailayo sa kaniya.
"Eiffel naman... Ang dami mo nang nainom, o."
Tinitigan niya ako ng matagal.
"Bree... ang sakit." Muli na namang tumulo ang luha niya.
Napabuntong hininga na lang ako saka naupo sa katapat ng upuan niya. Kumuha ako ng isang bote ng alak saka pinagbuksan ang aking sarili. Uminom ako saka ko inilapit sa kaniya yung bote niya kanina.
"O. Pasalamat ka broken ka dahil kung hindi, kanina pa kita inawat."
Mapait siyang ngumiti. "Merci."
"Hay. Ba't ba tuwing may problema tayo laging alak kasama natin." Wala sa sariling sabi ko.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pag-inom.
Nakaisa't kalahating bote pa si Eiffel ng alak bago siya tuluyang makatulog sa kinauupuan. Bagsak ang ulo niya sa lamesa at natutulog ng mapayapa—or that's what I thought so.
Nakita ko ang kumawalang luha sa kaniyang mga mata. Napahinga ako ng malalim.
"Ano ba 'yan. Tulog na nga, umiiyak pa rin," komento ko habang tinitingnan siya. Nakapaling kasi ang ulo niya sa kaliwa kaya nakikita ko ang kaniyang mukha.
Umalis muna ako sa sala saka pumuntang kwarto para kumuha ng damit. Maliligo muna ako. Pakiramdam ko kasi ang lagkit ko dahil kung anu-ano ang pinuntahan ko para sa trabaho. Mamaya ko na lang babalikan si Eiffel. Baka kasi gumising pa mamaya.
Habang nasa ilalim ako ng shower, hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko ang nangyayari. Nasaan kaya si Keina? Bumalik na kaya siya sa Pilipinas? Pinuntahan ba niya si Landon?
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. kung babalikan niya si Landon, sana nakipag-break man lang siya ng maayos kay Eiffel, 'di ba? hindi 'yung iiwanan na lang niya bigla sa ere 'yung tao. Hindi niya ba naisip 'yung nararamdaman ni Eiffel?
Nakramdam ako ng inis. Ano bang tingin niya sa tao? Bagay na pwedeng balikan at iwan kapag gusto niya?
Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumalik sa kusina at nakitang nahihimbing pa rin si Eiffel. Kinuha ko na ang mga bote at iniligpit hanggang si Eiffel na lang ang nasa lamesa.
"Ano ba 'yan," napakamot ako sa aking ulo. "Mabigat ka, e."
Akala ko pa naman kanina magigising siya kaya naligo muna ako. 'Yun pala kailangan ko pa siyang asikasuhin papunta sa kwarto niya.
"Ay, bahala na nga."
Pumunta ako sa kwarto niya saka kinuha ang kaniyang kumot saka bumalik. Inilagay ko sa likod niya 'yung kumot at saka inayos.
"Mabigat ka, e," I said while pouting and remembering the first time we met. Ang bigat niya noon, a. Kaya ilang beses kami muntikang ma-out of balance no'n, e.
I patted his head as if he's a dog. I smile at the thought.
"Nighty night, Eiffel. Everything's gonna be fine," I said in a sing song voice.
🍷🗼🍷
I was woke up by the light passing through the window from the sun. I looked at the clock on the bedside table and saw that it's already 9 in the morning.
I moved in front of the window. I breathe the air surrounding the city then look at the view.
"Good morning, Paris!"
After that, I've done my morning rituals. Wala akong pasok sa trabaho ngayon dahil day-off ko kaya ayos lang gumising ng medyo tanghali.
Pumunta ako sa kusina para sana maghanda ng makakain pero nagulat ako sa dinatnan ko.
"Andito ka pa rin?" tanong ko pero mukhang tulog pa rin siya. Parang hindi siya gumalay buong gabi pero imbes na sa kaliwa ay sa kanan na nakabaling ang kaniyang mukha.
I neared him and poke his cheek that's showing. "Uy, gising na."
Hindi siya kumilos o gumalaw man lang kaya dinutdot ko ulit ang pisngi niya.
"Ey, umaga na." I keep poking his cheek.
"Sleepy head, wake up!"
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Masaket, Bree," sabi niya nang nakapikit pa.
I rolled my eyes. Kagabi niya pa 'yan sinasabi. Ang aga-aga ang drama niya, ha. Kinuha ko ang kamay ko sa kaniya at sinundot ulit ang pisngi niya.
"Oo na, broken ka na. Pero hindi ibig-sabihin noon matutulog ka na lang d'yan o kaya magmumukmok. Hindi hihinto ang mundo para sa 'yo. Kailangan mong sumabay sa agos ng mundo dahil kung hindi, maiiwan ka. Ikaw ang kawawa. Kaya move on!"
Hinawakan niya ulit ang kamay kong sinusundot ang pisngi niya saka umupo nang maayos at dumilat.
"Ang dami mong sinabi, hindi naman 'yon 'yung tinutukoy ko..."
Kumamot siya sa kaniyang ulo habang ang isang kamay na pinangpigil niyasa daliri ko kanina ay inilapit niya sa kaniyang pisngi at parang hinilot ito.
"Oops, Sorry," I apologized with a wide smile on my lips.
He massage his cheeks with my hand in between. Pinabayaan ko na lang at minasahe rin ang pisngi niya.
"Eiffel."
"Hmm?"
"Balita ko masarap magluto ang mga broken hearted. Subukan nga natin."
"Saan mo nabalitaan 'yan?" kunot-noong tanong niya.
"Wala. Sabi ko lang," sagot ko saka tumawa. Kinuha ko ang kamay ko sa kanya.
"Pinagtitripan mo pagiging broken hearted ko. Nakaka-offend." He acted offended though sobrang OA kaya nalaman kong nagbibiro lang.
I laughed at him. "But really, magiging maayos rin ang lahat."
"Think so... I hope," he tried to smile but failed.
Tumayo siya saka pumunta sa may ref. Titingnan niya 'ata kung ano pwedeng makain. Medyo nagdiwang ako dahil hindi ko kailangang magluto. Ewan ko ba. Tinatamad ako kumilos ngayong umaga.
Unfortunately, wala na palang laman ang ref. Eiffel and Keina supposed to buy food yesterday but things happened.
I think we have the same thought in mind kaya biglang bumakas sa mukha ni Eiffel ang lungkot.
"Kain na lang tayo sa labas?"
Tumingin lang siya sa akin saka tumango.
"Sige, magbibihis lang ako," walang ganang sabi niya.
Walang imik siyang pumunta sa kwarto niya. Napabuntong hininga na lang ako saka pumuta ng kwarto ko para kunin ang ibang gamit ko.
🍷🗼🍷
The cold wind blows as we made our way in a restaurant nearby. The mount of dried leaves at the sidewalk scattered a little ruining its cone shape just a while ago. The crowd is a bit thinner since autumn starts because autumn means end of summer vacation. Tourists are surely back on their works or school.
The wind blows again making some strand of my hair blocked my sight. I instantly tucked it behind my ears. I am so glad that I'm wearing a sweater that keeps me warm.
Naglakad pa kami ng kaunti hanggang matanaw na namin ang restaurant. We occupied a table that is set outside the restaurant. The sun just rised and even though there's a roof, the sun ray's touches our skin adding to the source of heat.
Simula nang lumabas kami ay ni isa wala pang umiimik sa amin. Mukha kasing ang lalim lalim ng iniisip niya. Pero base sa ekspresyon ng kaniyang mukha, parang alam ko na kung sino ang tumatakbo sa utak niya.
A man in his long sleeves and vest approached us. He said something in French but I really don't get it so I looked at Eiffel who's staring at the table. Sinipa ko ang paa niya kaya napatingin siya. Nginuso ko 'yung lalaki na sa tingin ko ay server.
"Pouvez-vous parler Anglais?" I heard him say.
"Oh, yes sir. My apologies. Here's the menu."
"Merci."
Umalis 'yung lalaki. Tumingin ako sa kaniya. "Anong sabi mo?"
"Thank you."
"Hindi. Alam ko na ang ibig sabihin ng merci ay thank you, pero ano 'yung una mong sinabi?"
"Tinanong ko siya kung marunong siya magsalita ng English."
"Ah," patango-tangong sabi ko.
Sa ilang buwan ko na dito. iilang French word lang ang alam ko at syempre 'yung mga basic lang.
"Sa tingin ko kailangan ko na matutuong mag-French."
"You should."
"You'll help me?" Tumingin ako sa kaniya na parang nagpapaawa.
"May choice ba ako?"
I smiled. "Wala."
I scanned the menu. After a few minutes, the server came to our table again.
"Can I take your order please?"
Sinabi namin 'yung order namin tapos ay umalis na ito. Nakatulala na naman si Eiffel at parang sinakluban ng langit at lupa. His eyes is full of sadness na parang kahit anong oras ay may tutulo ng luha sa kaniyang mga mata.
"Gusto mo na bang umuwi?"
Napaangat siya ng tingin sa akin saka parang batang umiling. Maybe the house just bring back Keina's memory.
"Sige. Bumili na lang tayo ng groceries mamaya."
"Okay."
Pagkatapos noon ay tumunganga na naman siya sa kung saan. Napabuntong hininga na lang ako. Napatingin ako sa daan sa gilid kung saan may nagbibisikleta.
Dumating 'yung order namin namin kaya nagsimulanna akong kumain. Ganoon rin naman si Eiffel pero mukhang wala siyang gana.
"Gusto ko bumili ng bike," I said.
Napatingin siya sa akin.
"Samahan mo ako."
🍷🗼🍷
"Eiffel, madaya ka!"
"Hindi, a!" sigaw niya.
"Oo kaya! Hintayin mo ako!"
Nakita kong bumagal ang andar ng bike niya bago huminto at itapak ang mga paa niya sa simentadong kalsada.
Ipinaling ko ng kaunti ang manibela hanggang huminto sa gilid ni Eiffel.
"Ang daya mo! May tinuro ka sa akin tapos nagpaardar ka na agad!"
Ngumiti siya na parang wala siyang ginawang masama.
"Talo ka, ililibre mo ako ng chocolate."
"Oo na." Inirapan ko siya.
"'Yung dark ha."
"Bitter!" I teased pero hindi na niya pinansin.