"Ahh" impit ko ng nagtangka ako bumangon. Masakit ang kaliwang tagiliran ko maging ang ulo.Luminga-linga ako sa paligid pero sobrang dilim tanging ilaw lang sa ulanan ko.
Pilit akong bumangon sa kama kahit na nangingig ako sa sakit ng ulo at tagiliran. May pumatak na luha sa mata ko dahil sa sakit nararamdaman ko ngayon. Nang nagtagumpay akong bumangon at nakaupo sa gilid ng kama muli akong luminga-linga sa paligid. I was in a dark room!
Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung saan to. I want to shout to seek help, but I keep myself quiet not to make any noise dahil hindi ko alam kung ano ang nag-aantay sa akin. It was new to me; I don't remember this place at all!
Gamit ang nanginginig na mga paa sinubukan kong tumayo.
"Ahh!" Napabalik ako sap ag-upo dahil sa kirot ng tagiliran ko. Gusto kong umalis sa lugar na 'to. Parang hindi magandang nandito ako. Hindi ko rin matandaan kung kailan ako napunta ako dito o kung bakit ako narito.
Pilit kong hinakalungkat sa utak ko ang mga huling pangyayari pero kahit isa ay wala akong maalala. Everything in my mind was blur! Everything!
Sino ako?
Who I am? Fuck! Anong pangalan ko? Ano 'tong nangyayari? Napapikit ako sa biglaang pagsakit ng ulo ko. Naluha ako dahil sa pinaghalong kirot at sakit ng ulo ko sumabay pa ang takot sa dibdib,
Hindi ko matandaan lahat. Wala akong maalala kahit na ano!
Napahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko parang mabibiyak sa dalawa!
"H-Help! Please help me! P-Please!" sinubukan kong muli bumangon mula sa pagkakaupo. Kahit masakit ang tagiliran. Impit dahil sa sakit ang lumabas sa bibig ko. I bit my lower lip and close my eyes as I landed on the floor. Nanghina ako. Nanghina ang mga binti ko sa panginginig.
"H-Help!" sigaw ko habang umaagos ang mga luha sa mata ko. I want to leave this place badly! Sana isang panaginip lang ako pero ang hapdi sa tagiliran at ulo ko ay totoo!
"H-Help me!" umiiyak na ako. Gumapang ako sa sahig upang puntahan ang isang butas na may kaonting liwanang. Butas 'yon ng doorknob!Â
Isa-isang pumatak sa sahig ang mga luha ko. Para akong isang baldado ngayon dahil sa itsura. Hawak ang tagiliran naramdaman kong basa 'yon. Tumigil ako sa pag gapang saka tinignan ang kamay kong nakahawak sa tagiliran.
Dugo! May dugo! Bumuhos pa ang luha sa mata ko. Ano ang nangyari sa akin? Bakit may dugo. Pinagpatuloy ko ang pag gapang upang marating ang doorknob. Ang dugo mula sa tagiliran ko at kamay ay nagmantsa sa sahig. Nanghilakbot ako lalo dahil sa kalagayan.
Mas lalo pang sumakit ang ulo ko pero pinilit kong marating ang doorknob that probably the way out of this room. I need to get there pero parang anlayo pa! Parang sobrang hirap ang makapunta doon.Â
Unti-unting nawalan ako ng lakas dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Sana isang panaginip lang ako pero hindi! Pain and agony, I feel right now. It feels like I am dead and only waiting for satan to get me here.Â
My eyes blur from all the tears coming down. Pagod na ako. Pakiramdam ko buong buhay ko ay lumaban ako para mabuhay. Tumigil ako sa pag-gapang at tanging impit lang ng iyak ko ang maririnig sa madilim, malamig at nakakatakot na lugar na 'to.
I heard a creak from a door opening. Nabuhayan ako ng loob. Tumingala ako sa liwanag na nagmumula sa pintuang unti-unting bumubukas at lumalamon sa kadiliman ng lugar na ito. Heaven! Is it heaven? Si sanatas na ba o si san pedro ang susundo sa akin?Â
Silhouette of a man came in from the door. "H-Help me, please?" I said but the man still standing from the door and I can't see his face even though there's a light.
"Please? I need help. Nasaan ako?" bumuhos ang mga luha sa mata ko. Mas lalong humina ang katawan ako. Parang kinakain ng dilim ang liwanag ganun din ang lakas ko.
"Yna! Yna! What is happening here?!" narinig kong sigaw mula sa labas ng pintuan. Bumukas ang ilaw sa buong kwarto.
Pumikit ako ng mariin dahil sa pagkakasilaw. Yna? Sino si Yna?
Pilit kong idinilat ang mata ko pero wala na akong lakas. Unti-unting bumagsak ang ulo ko sahig. Ramdam ko pa ang sakit non.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?! Tulungan mo ako!" muli kong narinig ang salita ng isang lalaki pero wala na akong lakas para Makita pa siya until I felt a hand that touch my neck and legs.Â
Sumilay na ang sinag ng araw sa katabing bintana ng aking kama. Everything was blur to me. Isang araw gumising na lang akong nakahiga sa kamang ito. I remember small details of what happened last night but some of it was blur like my other memories.
Hindi na ako nagtangkang bumangon dahil sa alaala kagabi. Bumabalik ang takot sa akin. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana na kita ang dagat.
Gusto kong alalahanin ang pangalan ko o kung tagasaan ako at paano ako napapadpad sa bahay na ito pero ayaw kong maramdaman ulit ang sakit na naramdaman ko kagabi.
Tinignan ko ang kamay at braso ko, ang paa at binti ko, there were scars all over my body. Sinilip ko din ang tagiliran ko and it is covered with medical badges. Masakit pa din 'yon pero bearable naman.
Gumala ang buong paningin sa kwarto. There's a small painting of a flower hanging from the other side of the room. May isang pintuan sa gilid ko. Isang malaking cabinet na walang laman at ang side table ng kama ay isang vase na punong-puno ng mga makukulay na bulaklak.
Tumingin ako sa orasan, alas otso ang nakalagay mataas na ang sikat ng araw kita sa labas na maganda rin ang panahon kahit medyo makulimlim sa kanluranin.
May mga narinig akong mga yapak na paparating. A knock on a door until the slowly opening inside of my room. Kinabahan ako bigla dahil sa kaonting alaala na sumagi sa isipan ko. Tumaas ang balahibo ko! Lumunok ako ng dalawang beses dahil sa takot na nararamdaman.
I feel numb but at the same time pained. Parang kang patay pero buhay ka naman. Yung pakiramdam na tinatanong mo sa sarili na kung buhay ka ba pero kita ng dalawang mata mo ang katotohanan.
My system feels threaten. Sino kaya ang kumakatok? Ang nagbukas ng pinto at ang papasok? My mind is flooded with questions dahil sa takot.
Bumukas ng husto ang pintuan at iniluwa nito ang isang lalaki. Naalala ko ang nangyari kagabi. Siya ba ang lalaki kagabi na hindi man lamang ako tinulungan?
Agad akong napaatras sa ng kaonti sa kama ko. Siya ba ang lalaking yon?
Unti-unting lumapit sa akin ang lalaki. My heart beats so fast and my breathing is not normal right now. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa matinding takot. Umusog ako pataas pero headboard na ng kama ang naramdaman ko sa likod ko.
"Sino ka?! H-Huwag kang lumapit!" I shout so loud. Huminto siya sa paghakbang. Kita sa mukha ng lalaki ang pag-ibaba ng itsura nito. Kanina walang emosyon ngayon ay takot at awa.Â
"I won't hurt you," sambit ng lalaki pero hindi pa rin ako naniniwala. Kung siya ang lalaki kagabi ay wala siyang balak na tulungan ako!
Umusog ako pakaliwa, "Ahhhhh!"Â
"Shit!" agad na dumalo sa akin ang lalaki dahil nahulog ako sa kama. Hindi ko napansin na nasa dulo na pala ako ng kama.
He touches my neck and my legs at agad na binuhat. "Bitawan moa ko! Bitaw!" nagpupumiglas ako! Sino ba 'to? Killer ba 'to? Pinagsusuntok ko ang dibdib niya. Hindi ko napigilan ang pag-iyak dahil sa frustrations na nararamdaman ko.
Nilapag niya ako sa kama. Humihikbi na ako dahil sa matinding takot.
"You okay?" hinawakan niya ang kamay ko pero tinapik ko lang 'yon.
"Huwag mo akong hawakan! Hindi kita kilala! Sino kaba at bakit ako nandito?!" hindi ko na napigilan pa ang umiyak dahil sa halo-halong emosyon.
"Hush. I won't hurt you. Please, hush?" tila pagod at awa ang nasa boses ng lalaki pero wala akong pakialam! Ang gusto kong malaman ay bakit nandito ako? Bakit wala akong maalala? Bakit?Â
A lot of questions that I want an answer pero ang lalaki ay tikom ang bibig na tumingin lang sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama ko. Napayuko at inihilamos ang mga palad sa mukha.
"Sagutin mo ako! Sino ka at bakit ako nandito?!" kanina'y takot ang nananalaytay sa buong sistema ko ngayon naman ay galit. Gusto kong malaman ang mga kasagutan sa mga tanong ko.
"P-Please? P-Please tell me." Pagmamakaawa ko.
Tumingin sa akin ang lalaki at dahan-dahang lumapit. Wala akong lakas pa para umusog. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas mo sa pag-iyak.
"Hush," hinawakan ng lalaki ang baba ko gamit ang kaliwang kamay. Pinagtama niya ang paningin naming dalawa. Ang isang kamay naman niya ay dahan-dahang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"Gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong umalis sa lugar na 'to," I said.
"You can't" hirap na hirap na sambit ng lalaki. Parang yon ang pinakamahirap na salita ang nasabi niya sa buong buhay niya.
"Why? Why can't I leave this place? Sino kaba? Sino ka sa buhay ko dahil hindi ko alam kung pagkakatiwalaan kita o hindi?" hawak ang pisngi ko ay muling bumuhos ang mga panibagong luha mula sa aking mga mata.
"You will leave this place once you are ready." He said.
"I am ready! I can leave right now if you help me! We can leave this place!" pagmamakaawa ko sakanya.
"No, you can't, you only leave this place until you remember everything," sa bawat salitang binibitawan niya ay parang kay hirap sakanya.Â
Humagulhol lang ako sa iyak at muling sinubukang alalahanin ang mga nakalimutang alaala. Sinubukan kong isipin lahat.Â
"A-Ahh A-Ang sakit!" unti-unting dumaloy ang sakit sa ulo ko. Ito ang pakiramdam na naramdaman ko kagabi. Ang pakiramdam ng nabibiyak na ulo.
"Yna! Yna!" nanghihina akong tumingin sa lalaki habang hawak hawak ng dalawang kamay ang ulo.
"Ang sakit!" para akong pinapatay ng sakit ng ulo ko.
"Remedios! Bilis!" sigaw niya.
Narinig ko ang mga yapak ng pagtakbo hanggang sa unti-unting nagdilim ang paningin na tanging init lang ng katawan ng lalaki ang huling alaala na aking naramdaman.