DISCLAIMER: I just wrote this and I did not edit this so bear with typos and errors. Pasensya na din kung maikli.
Of course, please leave some comments below and like this chapter. Thank you!
-
I was wondering if I did good when I have my memories. I was wondering if I am that naive to love someone to the point of being foolish.
I still have those memories in my mind when I get back to the old mansion. Leandro was not there siguro dahil abala na naman sa plantasyon ng bulaklak.
We did not talk that much. Iniiwasan ko ding kausapin siya because I get these feeling na uneasy at 'di makatingin sakanya. Yung mga mata niyang tila binabasa ang buong pagkatao mo. I don't why I got those feelings or because I don't know him.
Leandro's face is similar to Xander, the boy in my memories. He got those long eyes lashes, pointed nose, beautiful scultured jaws and his eyes that can see through your soul.
I think Leandro has a spanish ancestry lalo na't ang mansion ay purong anthic at gawa noong panahon ng mga kastila. Also, Remedios mentioned before that his great-grandfather was a former Gobernor Sibil of this province which only a spaniard can occupy that position.
"Ma'am Nessa," si Remedios na galing sa kusina. Nakahain sa harap ko ang mga hinandang panghapunan ni Remedios. Hindi ako tumingin sakanya dahil alam ko kung ano ang sasabihin niya.
"Okay lang. If you want you can sit here at sabayan mo akong kumain." nahimigan ko ang kaonting inis sa boses ko pero hinayaan ko na lang.
Leandro's busy. Wala siya parati dito siguro dahil ayaw niyang magkita kaming dalawa at iniiwasan niya ang pagtatanong ko!
"Naku! Kumain na po ako Ma'am," she said. Tumango na lang ako. Nahihiya pa siyang umalis sa harap ko kaya tipid ko siyang nginitian para makita niyang ayos lang sa akin na mag-isa kumain.
Nasa kalagitnan na ako ng pagkain ng bumukas ang malaking pintuan ng mansion. Umirap ako sa kawalan. Speaking of the devil!
Hindi na ako nagdalawang isip na antayin pa ang pagdating niya sa hapag. Uminom muna ako nh tubig saka dumiretso ng tayo!
He shot his brow up. Aba! Huwag mo akong sinusubukan sa pagtataas mo ng kilay!
"I'm sorry I have been busy these past few days because I need to attend some errands," si Leandro. Anong paki ko? Sasabihin ko na sana pero isinara ko na lang ang bibig ko. I don't want some fight right now. I am exhausted walking back here galing sa batis.
"It's okay. I know you just want to make yourself busy because you don't to answer my questions and you are tired of hearing it." Naiinis na ako dahil hinarangan pa niya ang dinadaanan ko. Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa kabilang bahagi ng hapag para doon dumaan. But to my surprise, hinila niya ang braso ko at inihrap niya ako.
What is wrong with him?!
"I said I'm sorry. May inaayos lang ako and I will be here with you. Hindi na ako aalis." Namungay ang mga mata niya. Agad akong nag-iwas ng tingin. Hinila ko ang braso kong hawak-hawak ng kamay niya.
Ano ba 'tong pakiramdam na 'to? Bakit parang ang init ng mukha ko?
"Okay," simple kong sagot bago ako mabilis na naglakad muli at patakbong umakyat sa hagdaan papunta sa kwarto ko.
Mabilis akong nagpunta sa banyo para makaligo. I want some dip bago matulog. Ayaw kong isipin pa ang nangyari sa pag-uusap namin ni Leandro. Hindi ko alam kung bakit ganun ang pakiramdam ko. Para akong isang tambutso ng sasakyan sobrang init dahil sa inis ko sakanya pero noong nakaharap ko na ay nag-iba. What's wrong Yna? Si Leandro Del Franco lang 'yon na isang ekstranghero sa buhay mo! You don't need to feel those heat in you cheeks!
Pagkalabas ko ng banyo ay halos mapatalon ako sa gulat. Leandro's sitting on the edge of my bed with his usual look wearing a v-neck tshirt and a short shorts!
Pinakalma ko muna ang sarili ko. Buti na lang at nakatapis ako hanggang dibdib. Dama ko ang init sa buong mukha at dibdib ko. Pakiramdam ko ay para akong sinisilaban ng apoy!
Bakit ba nandito ang isang 'to? Tapos na kaming mag-usap, ah?!
Nagtama ang mga mata namin at agad akong nag-iwas ng tingin. Isang hakbang ang ginawa ko at mabilis na pumasok sa malaking closet ng kwarto ko.
Ano ba 'to? Dapat mainis at galit ka sakanya Yna! He's the one who's keeping you here na sana nasa labas kana at nangangalap ng impormasyon at mga lugar kung saan maaring makatulong sa pagbabalik ng mga alaala mo! Dapat galit ka kasi he's keeping all the information to you!
Padabog kong isinara ang pintuan ng closet. Namili ako ng maayos na susuotin para sa pagtulog. Lahat ng nandito ay disente namang tignan pero mas pinili kong suotin ang daster na bigay ni Remedios sa akin. I wore this before at presko siya sa pagtulog.
Pagkatapos ko magpalit ay lumabas na ako. Sinusuklay ko ang buhok ko dahil medyo nabuhol.
"Bakit ka nandito? Matutulog na ako." hindi ako tumitingin sakanya samantalang siya ay ramdam ko ang tingin niya sa likod ko.
"I want us to talk. May mga naalala kaba?" malumanay ang pagkakasabi ni Leandro ng mga salita. Huminga ako ng malalim bago humarap sakanya.
"Yes." ako. Nagulat siya sa sinabi ko. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papunta sa sofa na nasa malapit. Umupo siya dun na tila pagod na pagod sa araw na ito. Siguro nga madami siyang mga ginawa.
"What are those memories?" nag-iwas ako ng tingin. Kinabahan ako. Sasabihin ko bang tanga ako sa pag-ibig noon? Sasabihin ko bang gustong gusto ko si Xander? Sasabihin ko bang gusto ko siya kahit may gusto siyang iba? How should I tell him those memories? Embarrassing!
"D-Do you know Angela?" nautal ako sa sinabi. Tinignan ko si Leandro at tuliro siyang na malayo.
"Ano pa?" He asked.
"Xander likes him so much. That's all." umapo ako sa gilid ng kama pagkatapos kong magsuklay ng buhok. Hindi na bumalik ang tingin ko kay Leandro dahil pakiramdam ko anytime masabi ko ang ibang detalye ng mga alaalang bumalik sa akin. But I want to know something from him.
"Where's Xander right now?" bumaling ako sakanya para makita ang reaksyon niya.
Nakakuyom ang dalawang kamay niya. Nagkaigting din ang panga niya at ang tingin niya sa akin ay galit
Galit? Bakit galit? Kanino siya galit? Sa sinabi ko o kay Xander?
"He's gone," nag iwas siya ng tingin. Pinaningkitan ko siya ng mata pero di na niyo iyon nakita.
"Gone? As in namatay like Angela? or he's somewhere else?" I said. Galit lang na mga tingin ang ipinukol niya sa akin. Napalunok ako nung biglaan siyang tumayo at mabilis na humakbang papunta sa harapan ko.
"Let's not talk about him, okay?" umamo ang mukha niya at naging malambing ang boses niya. What's wrong with you Leandro? Kanina galit ja ngayon para kang maamong aso!
Nakatingala lang ako sakanya at kumakalabog ang dibdib ko dahil sa kakaibang tinging ibinibigay niya sa akin. I feel like he sees everything in me. Yung hanggang buto nakikita niya!
Nanlaki ang mata ko nung pinaglandas niya sa pisngi ko ang mainit niyang daliri. Mas lalo akong kinabahan at ang mukha ko ay labis-labis ang pag iinit nito! Ano bang nangyayari! Bakit ganito?!
"We can't talk about that bastard, my wife. He's gone now."
Wife?!
"Wife?!" Tinuro ko pa ang sarili ko para makasigurong ako ang sinasabi niyang asawa niya.
What the hell?!
Nag iwas siya ng tingin. "I'm sorry I got jealous at nasabi ko 'yan." Mabilis siyang bumalik sa sofa. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Ako naman at tila natuod sa kinauupuan.
Totoo ba ang sinasabi niya? Kung totoo bakit hindi niya sinabi noong una sa akin? Atsaka wala siya sa alaala ko. There was only Xander!
"Nagsisinungaling ka!" tumayo ako para lapitan siya.
Bumalik ang tingin niya sa akin. Hindi na galit o maamong tingin kundi awa. Awa? Kanino? Sa akin? Siguro nga awa dahil mabilis lang ako mabibilog dahil wala akong maalala pero di ako naniniwala sakanya! Si Xander lang ang naalala ko at wala siya doon! Si Xander ang kasama ko sa aalaalang iyon at bata pa kami doon!
He's lying! Paano ko magiging asawa ang isang taong wala sa mga alaala ko?!
"Ikaw na mismo ang nagsabing ayaw mong maniwala ako sa sariling bersyon mo ng katotohanan pero ngayon pa lang 'di na ako naniniwala sayo! Si Xander ang kasama ko sa mga alaalang 'yon! I am in love with him!" nangagalaiti na ako sa galit.
Gulat na gulat siya sa sinabi ko pero hindi man lang siya nagsalita. Napayuko siya at sinabunutan ang buhok niya na tila problemadong-problemado.
"I am sure si Xander ang mahal ko! Kahit sa alaalang 'yon ramdam ko siya, ramdam ko sa dibdib ko na mahal ko siya. At ikaw? Sino kaba? Sino ka sa buhay ko Leandro?" nahulog isa-isa ang mga butil ng luha sa mata ko. Naguguluhan na ako sa nangyayari. Alam ko at ramdam ko noong bumalik ang mga alaalang 'yon na mahal ko si Xander. Ramdam ko yung sakit sa puso ko nung mga panahong malungkot siya. Ramdam ko yung pagdadalamhati niya kay Angela pero ramdam ko din sa dibdib ko yung kagustuhan kong sumugal sa pagmamahal para sakanya at there's no Leandro in those memories. Wala siya doon dahil nagsisinungaling siya.
Dahan-dahan ang pagtayo ni Leandro sa sofa. Bakas sa mukha niya ang pagod at awa. Andoon din ang lungkot pero hindi ako madadala. Alam ko nagsisnungaling siya!
Mabilis siyang dumalo sa akin. Gamit ang hinlalaki niya ay dahan-dahan ang pagpunas niya ng mga luha sa pisngi ko.
Hinawi ko 'yon. Nagulat siya sa ginawa ko. Nahulog ang kamay niya sa gilid niya at hindi na inulit pang punasan ang mga luhang patuloy na bumubuhos sa mata ko.
Sinuntok ko ang dibdib niya. Galit ako! Hindi ko alam kung dahil ba sa pagsisinungaling niya o dahil wala lang talaga akong maalala!
Bakit ako pa? Bakit nangyari 'to sa akin?
Gusto kong isatinig ang mga katagang iyan ngunit wala akong lakas na sabihin.
Isang iglap lang ay nakayakap na si Leandro sa akin. Mahigpit. Mainit. Nakakatunaw na yakap.
"Bakit? Bakit ako narito? Bakit ayaw mo sabihin ang totoo? Naaksidente lang ba ako? Kung asawa kita bakit wala kang alaala sa akin? Bakit?" humihikbi na ako sa dibdib niya. Pilit kong kumawala sakanya at mahihinang suntok ang iginagawad ko sa dibdib niya dahil sa inis ko sa sarili. Bakit wala akong maalala?!
"Tahan na." si Leandro. Sa simpleng sabi lang niya ng mga salitang 'yan para akong nanghina. "I know you'll remember those memories you have. Maalala mo rin lahat. Andito lang ako para tulungan ka."
"But you lied!" sigaw ko. Hindi siya sumagot.
Ilang minuto din kaming ganun ang posisyon. Nakaramdam ako ng pagod sa sarili. Parang naibuhos lahat ng lakas ko dahil sa pag iyak.
Inalis ni Leandro ang pagkakayakap sa akin kaya bumalik ako sa kama at tahimik na umakyat. Nahiga ako at tinakpan ang sarili ng kumot. He did not say any word. He just turn the lights off and walk into the door before leaving my room.
Naiyak na naman ako sa nangyari. Bakit hindi niya sinabing nagsisinungaling siya. Asawa ko ba talaga siya? What happened to Xander? What happened to us?
Ipinikit ko ang mata ko. Gusto ko mang pilitin ang utak ko ngayon para makaalala kahit kaonti ay 'di ko ginawa dahil natatakot ako sa sinabi ng doktor na baka dahil sa pagpilit ay 'di na bumalik pa.
I made a deep breathe and immediately release it. Pagod at pagkalito sa nangyayari. Mga aalaalang gusto kong bumalik. Bakit wala siyang sinasabi sa akin? Is he hiding something from me?