Tahimik lang ako buong byahe habang nagdadrive si Leandro. Nakatingin lang ako sa tanawin sa labas. Nahuhuli ko siyang pasulyap-sulyap sa akin. I don't want to be rude to him but I can't help it. Hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi niyang asawa ko siya because I can't any evidence of our wedding o picture frames naming dalawa. Umikot na ako sa buong mansion pero wala talaga.
I made a deep breath and release it immediately. Tinignan ko si Leandro and he's serious in driving.
"Malapit na tayo sa green house," he said without looking at me. Tumango na lamang ako atsaka muling tumingin sa maberdeng tanawin sa labas.
Kitang-kita sa labas ang malawak na lupain ng niyog. Sa malayo naman ay naroon nakahiwalay ang malawak ding ginintuang kulay ng palay at mais. Siguro malapit na ang anihan kaya ganoon ang kulay nito.
My eyes widened when we pass those rice and corn fields because of a pristine and vast ocean. I smile widely dahil ngayon lang ako nakalabas sa mansion at makita ang ganito kagandang tanawin. We are in the view deck which means nasa taas kami ng bundok.
Leandro stop the car and I immediately got out to see the ocean. Its clear and blue like the color of the sky.
"Akala ko ba pupunta tayo sa green house?" humarap ako kay Leandro but his eyes is on me. Nakatingin lang siya sa akin na may ngiti sa labi niya. "I am asking you," dagdag ko pa dahil hindi niya ata narinig ang tanong ko dahil abala siya sa pagtitig sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin ng magtama ang mata naming dalawa. Nag-init kaagad ang pisngi ko pero binalewala ko na lang at nagpatuloy sa pagtingin sa magandang tanawin.
"Andoon sa baba ang greenhouse." si Leandro sabay turo kung saang direksyon ang green house. "Hindi kita dito dahil nasa looban iyon at natatakpan ng mga naglalakihang puno ng niyog," dagdag pa niya. Tumango na lang ako bilang sagot.
Humaplos sa balat ko ang aalinsangang amoy ng hangin galit sa dagat. Maalat ang amoy ng hangin pero nagugustuhan ko iyon lalo na't tila hinihila ako nito para pumunta sa dagat at maligo.
"Hmm..." ipinikit ko ang mata ko at dinama pa ang hangin. Tinatangay nito ang buhok ko. Leandro stand beside me at siya na ang nag-ayos sa buhok ko.
"Pumunta na ba kami ni Xander dito?" wala sa sariling tanong ko habang nakapikit pa rin. He did not answer my question immediately. I heard him sighed. "Its okay if you don't want to answer it," I said.
"Ako ang kasama mong pumunta dito." rinig kong sabi niya. Sa tono ng boses niya ay bakas doon ang lungkot. Siguro dapat hindi ko na lang tinanong iyon sakanya. Siguro magpasalamat na lang ako because he bought me here.
Dumilat ako para tignan siya. Leandro is looking at the ocean. Sinasayaw ng hangin ang medyo mahaba niyang buhok. Sa malapitan kitang-kita ko ang magandang hulma ng kanyang panga na naigting ngayon. He got a pointy nose and a little rosy red lips. Bigla siyang humarap sa akin kaya agad kong iniiwas ang tignin ko. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko kung sakaling nahuli niya ako.
What are you thinking Yna? Bakit ka tumitingin sa kanya?! Gusto kong sabunutan ang sarili ko ngayon.
"I bought you here summer of 2010," he said.
2010? Ano namang gagawin namin dito ng mga panahong iyon? In my memory, si Xander ang lagi kong kasama and Leandro is not there. Wala siya sa mansion sa mga alaalang bumalik sa akin. But, I want to know why we were here that summer.
"That was the time when grandfather visits his friend here in Claveria and that was Governor Francisco Mariano. And also, that summer is the darkest time of our family." nakatingin lang si Leandro sa dagat habang nagkukwento sa nangyari. Bakit kami nagpunta dito? Anong ginagawa namin dito?
"Pero bakit ako kasama? Bakit tayo nagpunta dito?" I asked him. He smiled and then his eyes turned to me. Nag-iwas ako kaagad ng tingin dahil hindi ko mapantayan ang mga mata niyang may kakaibang ipinapahiwatig sa bawat pagtitig nito sa akin.
"Maalala mo din lahat." sambit niya saka inilahad ang kamay niya sa akin. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Tumawa siya sa inasta ko. May nakakatawa ba akong ginawa Leandro para tumawa ka dyan? Seryoso ng kwento mo tapos biglang ganito.
"Ano 'yan?" I was referring to his hand. He chuckled.
"Aalis na tayo dahil mainit na dito atsaka nag-aantay na ang pagkain sa resort." masaya ang pagakasabi niya. Sinimangutan ko siya dahil hindi pa niya sinasagot ang tanong ko kanina. Pabitin talaga ang isang ito! Gusto kong malaman bakit kami nagpunta dito dahil baka mag bigay iyon ng trigger sa utak ko at baka sakaling may bumalik na alaala.
"Tinatanong kita Leandro. Bakit tayo nagpunta dito?" seryoso na ako ngayon pero siya may ngiti sa labi niya. Gusto ko siyang sapakin ngayon dahil hindi ako natutuwa sakanya.
"Gusto mong malaman? Will you believe me if I tell you?" natigilan ako sa sinabi niya. Maniniwala ba ako sakanya? Hindi ko alam! Pero may kung ano sa akin na gusto kong malaman!
"Just tell me Leandro!" tumaas na ang tono ng boses ko.
"Alright! Alright! You're still the same Yna I have met years ago. Masungit at mainipin," tumatawa siya ngayon pero ako seryosong nakatingin pa rin sakanya. "We're here summer of 2010, this same place and same time, you confess to me that you love me," nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. What? Dito sa lugar na ito? Bakit ako magcoconfess sakanya?
Umihip ang malakas na hangin na siyang nagpagulo sa buhok ko. Lumapit si Leandro sa akin kaya napaatras ako. Hindi ako makapagsalita. Kabado ako ngayon. What did he say? I confess my feelings to him here? Bakit? Paanong nangyari?
Leandro lean closer to me. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha naming dalawa. Gusto kong umatras pero agad niyang nahawakan ang magkabilang beywang ko para pigilan ako.
"A-ano 'to? L-lumayo ka nga!" nauutal kong sambit. Ngumiti lang siya sa akin.
Pumikit ako ng mariin ng unti-unti pa niyang inilipit ang mukha niya sa akin. Ang kaba sa dibdib ko ay parang may mga kabayong nagtatakbuhan dahil sa bilis nito. Nakahawak ang dalawang kamay ko sa matigas na dibdib ni Leandro at wala akong lakas para itulak siya. Ano ba itong nangyayari sa akin? Yna hindi dapat ganito ang epekto sayo ng lalaking ito dahil alam mong nagsisinungaling siya!
Ramdam ko ang mainit na hininga ni Leandro sa mukha ko. Ramdam ko din ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa nangyayari ngayon. Wala akong maisip dahil naging blanko ang utak ko. Wala rin akong lakas para itulak siya.
"Sana maalala mo na ako. Miss na miss na kita," He said and I felt his warm lips on my lips. Ang kamay niyang nakahawak sa beywang ko ay humigpit na tila ayaw akong bitawan.