Chereads / Wild Waves (Tagalog) / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

04 XANDER

Kinabukasan ay nagising ako sa kakaibang halimuyak ng aking kwarto. Bumangon ako at agad na natuon ang pansin sa pagkaing nakalatag sa side table.

Iginala ko ang mata ko sa paligid. Wala na si Leandro sa tabi ko. Bumangon ako sa kama at dumeretso sa banyo. Nag-ayos muna ako bago kumain. Mamaya na ako maligo.

Nagpasya akong lumabas ng kwarto kahit takot ang bumabalot sa akin. Hindi iyon napigilan ang kuryosidad ko sa buong bahay dahil para itong isang misteryo sa akin lalo na sa bawat parte nito'y tila kakambal na ng alaalang meron ako.

Bumaba ako ng spiral grand staircase ng bahay. Walang tao sa malawak na sala. Iginala ko ang mata ko. Wala si Remedios, siguro nasa kusina para maghanda ng pananghalian mamaya.

Maganda talaga ang bahay na ito kahit na medyo may kalumaan na. Nagsusumigaw sa kintab ang mga kagamitang kahoy gaya ng mga kabinet at malalaking upuaang kahoy.

Wala akong alam sa bahay kaya dumiretso na lang ako sa main door. Pinihit ko ang door knob at agad na binuksan iyon. Bumungad sa mukha ko ang nalamig na simoy ng pang-umagang hangin. Napangiti ako dahil doon. Ngayon lamang ako nakababa. Tila nawala ang takot sa dibdib ko nitong nagdaang araw dahil sa ganda ng tanawin sa harap ko.

Sa malayo mula sa aking kinatatayuan ay may isang malaking fountain na may anghel na nakahawak ng jar at doon nahuhulog ang tubig. Sa tabi naman ng fountain ang mga halo-halong mga nag gagandahang mga bulaklak.

Lalapitan ko na sana ang mga bulaklak ngunit napatingin ako sa tabi ko. Nakatayo na si Remedios sa tabi ko at nakatingin rin sa mga bulaklak.

"Tanim iyan ni Sir Leandro, Ma'am." kay Leandro ang mga bulaklak na yan? Sa matipuno at ganda ng katawang meron siya ay nagtatanim ng bulaklak na katulad ng nakikita ko? Did he plant all of these flowers?

Natuwa ako ng kaonti sa kaisipang nagtatanim si Leandro. Napangiti ako ng bahagya at nakalimutang nasa tabi ko pala si Remedios na nakamasid na pala sa akin. I bring back my poker face and continue to look those beautiful flowers.

"Siguro nagtataka ka kung bakit nagkalat sila at sobrang dami." Tumango ako sa sinabi niya. Bakit nga ba sobrang dami at para kanino ang mga bulaklak na itinanim niya?

I begun to think about my questions ngunit kagaya ng mga nawalang alaala sa akin ay wala ring kasagutan sa mga tanong ko.

"Bakit dyan siya nagtanim? Hindi ba yan malalanta kapag maarawan?" Tanong ko. Nag-iwas ako dahil kakaiba ang ibinibigay niyang tingin sa akin. May kakaibang kahulugan iyon.

"Naglagay siya dyan dahil iyon ang gusto mo Ma'am." nagulantang ako sa sinabi niya. Ako ang dahilan? Bakit? Kailan? Noon ba?

Leandro planted these flowers because I want it there? Sino si Leandro sa buhay ko? Ano ako sakanya? Kinakabahan ako bigla sa mga tanong na 'yan. Kanina lang ay curious ako kung para kanino ang mga 'to iyon pala ay ako ang may gusto kaya niya itinanim dito.

"Bukod kasi sa green house ay narito ang mga ibang bulaklak." dagdag pa ni Remedios.

Napakagat labi ako sa mga impormasyong nalaman. Hindi mahagilap ng utak ko ang mga alaalang gusto kong ibalik baka sakanilang maisip ko na ako nga ang dahilan ng mga bulaklak na iyan.

Wala nang nagsalita sa amin ni Remedios. Nakatitig na lamang naming dalawa sa mga bulaklak na isinasayaw ng pang umagang hangin. Ang ganda nila tignan na para silang bahaghari sa kalangitan dahil sa halo-halo nilang kulay.

The footstep behind, interupted us from looking at the view. Napatingin kaming dalawa ni Remedios doon.

Si Leandro with his serious look and clenched jaw is walking towards our direction. His eyes are directed to me kaya nag iwas ako ng tingin. Ibalik ko na lamang sa mga bulaklak na sumasayaw pa rin dahil sa hangin.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" May bahid ng pag-aalala ang tono ng boses niya. Nakatitig siya sa akin at hindi ko kayang salubungin 'yon.

"Maayos na." iyon na lang nasabi ko.

Narinig kong huminga siya ng malalim na para bang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan.

"Asan nga pala tayo?" ako naman ngayon ang nagtanong. Noon ko pa iyan gustong itanong sa lahat pero ayaw lumabas sa bibig ko.

"Sta. Ana, Cagayan. Andito tayo sa ancestral house namin." Tumango na lamang ako sa sagot niya.

"Bakit andito tayo? Dito ba ako lumaki?" muling tanong ko.

"Hindi." maikling sagot niya pero wala ata siyang balak sagutin kung bakit ako nandito. Gusto kong intindihin siya dahil wala akong alaala pero punong-puno na ako ng mga tanong na gusto ko ng mga sagot.

"Bakit tayo andito Leandro?" mariin ang pagkakasabi ko baka sakaling maramdaman niyang gusto kong malaman talaga. Huminga siya ng malalim at tumitig sa akin.

"To keep you safe. To be with me. I want you here by my side, Nessa." seryoso niyang sambit bago ako tinalikuran. May galit ang mga mata niya. Bakit naman niya ako gustong nasa tabi niya? Para maging ligtas ako? Bakit?

Mas nadagdagan ang mga tanong sa utak ko dahil sa mga iniwan niyang sagot. Umirap na lamang ako saka mabilis na naglakad papunta sa mga rosas upang maiwala ang mga naiisip ko. Nakakastress. Gusto ko munang maging mawala ang nga iniisip ko ngayong araw.

Sa bawat umaga na gumigising ako ay palaging may mga pagkain nang nakalatag sa side table ko. Hindi na rin nagagawi si Leandro sa kwarto ko.

Pagkatapos kumain ay pabago-bago ako ng routine para sa mga gagawin. Minsan sa garden ako namamalagi sa umaga upang taniman ang mga paso. Natuto ako dahil sa tulong na rin ni Remedios. Noong una ayaw pa niyang gawin ko ang pagtatanim dahil magagalit si Leandro kapag nalaman niya ito pero sinabi ko sakanya na huwag siyang mag-alala dahil kagustuhan ko naman ito.

Nagagawi rin ako palagi sa green house. Buong akala ko noon ay mga rosas lang ang mga tanim sa ancestral house yun pala ay halo-halo. Pero ang pinakagusto ko sakanilang lahat ay ang mga naglalakihang bulaklak ng orchids na may ibat-ibang mga kulay.

Ang sabi ni Remedios, si Leandro daw ang bumili ng mga iyon at pinadami lamang.

Isang araw, tinanong ko si Remedios.

"Wala bang asawa si Leandro?" kita sa gilid ng mata ko ang halos pagkawala ng hininga niya dahil sa tanong ko. Noon, parang kay hirap sa aoon na ngumiti pero nitong nagdaang araw na kasama at nakakausap ko si Remedios ay nakakabawas sa iniisip ko ang simpleng pagngiti. Natatawa ako sa reaksyon niya pero hindi ko pinakita dahil abala ako sa pagspray ng kung ano sa mga orchids.

Tinignan ko siyang muli dahil hindi siya sumagot sa tanong ko. Namumula siya na parang hindi mapirmi sa kinatatayuan niya.

"May mali ba akong nasabi?" nagtataka ako kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya. Siguro nga hindi ko dapat tinanong iyon dahil baka sinabihan siya at ang mga iba pang kasambahay na huwag magsalita sa personal na buhay ni Leandro.

"Hindi ko alam ang isasagot dyan Maam Nessa," si Remedios.

Sa mga nagdaang araw din na kasama ko siya ay nakasanayan ko na ring tawagin akong Nessa dahil sa tuwing naalala ko ang pangalang Yna biglaan na lamang sumasakit ang ulo ko.

Hindi na lang ako nagsalita muli dahil ayaw ko namang ipilit ang bagay na tungkol kay Leandro and besides ayaw kong mangialam sa personal na buhay niya. I have my problems to solve and that is to remember my past especially why I am here and what happened before the accident.

Palaging wala si Leamdro. Magdadalawang linggo na rin siyang wala sa bahay na ito. Mabuti na rin iyon para hindi kami magkaroon ulit ng sagutan at tanungan na wala naman siyang balak sagutin.

Tinatanong ko si Remedios sa pagkawala ni Leandro nitong mga nagdaang mga araw ngunit tanging sagot lamang niya abala ito sa trabahong naiwan.

Naisipan ko na lang na pumunta sa likod ng mansion para doon magpalipas ng oras. Malapit lang iyon sa batis kung saan dumadaloy ito patungo sa green house sa di kalayuan.

Ayaw kong mamalagi sa loob dahil wala akong ibang gawain doon kundi nakaupo lang. Hindi rin ako pinapayagan na gumawa ng mga gawaing bahay dahil utos daw iyon ni Leandro.

Minsan nga isang beses sinubukan kong maglinis sa sala ay pinagsabihan lang ako ni Remedios na huwag ko ng ituloy.

"Kaya ko naman 'tong trabaho na ito. Atsaka isa pa gusto kong tumulong sa gawaing bahay." huminga ng malalim si Remedios bago siya nagsalita.

"Maam ang sabi sa amin ni Sir Leandro ay huwag kang hahayaang magtrabaho ng mabibigat. Baka masisante po ako niyan." nag-iwas siya ng tingin. Napakagat ako sa labi. Amnesia lang ang meron sa akin hindi pagkabaldado para huwag niyang payagang kumilos.

"Madali lang naman tong trabaho. Kayang-kaya ko naman." pagpipilit ko pa. Inabot ni Remedios ang walis na hawak ko ng makitang papasok si Leandro ng bahay.

Pumirmi ang tingin sa akin ni Leandro. Ibang-iba iyon sa mga tingin niya sa akin noong mga nakaraang linggo. Lumapit siya sa amin ni Remedios na ngayon ay nakayuko na.

"Bakit ayaw mo akong payagang magtrabaho?" seryoso at may diin sa tono ng boses ko.

Titig na titig siya sa akin. Namumungay ang dalawa niyang mata na tila may gustong sabihin ngunit ayaw lumabas.

"Kaya ko naman ang paglilinis. Magaan naman iyang trabaho para sa akin." dagdag ko pa pero tila balewala sakanya ang sinabi ko.

"Hindi kita dinala rito para pagtrabauhin, Nessa." iyon lang ang sinabi niya at nilagpasan na kami.

"Sorry po Maam." si Remedios naman.

Nagmartsa na ito paalis sa harap ko. Huminga na lang ako ng malalim. Nakaramdam ako ng kaonting inis dahil sa sinabi ni Leandro pero hinayaan ko na lang.

Humaplos sa balat ko ang malamig na hangin galing sa batis. Naupo ako sa upuang kahoy na sabi ay matagal nang narito. Wala na naman si Leandro. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ako o talagang wala siyang pakialam sa akin. Baka dahil siguro'y sa trabahong nabanggit ni Remedios pero ano nga bang trabaho iyon?

Parang may gumuhit na sakit sa aking puso sa kaisipang wala siyang pakealam sa akin. Ngunit bakit nga ba siya magkakaroon ng pakialam? Sino ba siya sa buhay ko?

Pumikit ako ng dahan-dahan. Kasabay ng pagdala ng aking mata patungong kadiliman ang siya namang pagbuhos ng mga alaala sa akin.

He holds my left hand with gentle and care like I will break anytime. I smile at him and he just kiss my hand.

"What if Angela is still alive?" I said without thinking. Inalis niya ang pagkakahalik sa kamay ko.

May mali ba akong nasabi? He likes Angela only that she died in that accident. I don't know the details of it and how it happened but the rumours is that someone tried to kill her.

Hindi siya nagsalita. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. I know that he's still love her and I am his rebound. Pampalipas ng oras o pantangal lungkot na nararamdaman niya.

Matangkad at matipunong lalaki siya. Maputi ang balat niya at ang buhok niyang may kaonting kulot sa dulo na sumasayaw sa bawat hampas ng hangin. Simpleng salitang babagay sakanya ay ang salitang gwapo.

Everyone likes him and that includes me. Pero hindi niya ako gusto. We've been together for so many years. We attended the same school and same class.

But, that's just all. Hanggang dun lang ang pagkagusto ko sakanya. Hanggang kaibigan lang at tila isang akong nakababatang kapatid para sakanya. I've always admired him from afar and he's also admiring someone na 'di rin siya gusto but time goes by he pursued Angela and they end up together.

I was devastated back then. For me it's unfair because I always there for him but he doesn't see me. Pero I get to understand the situation between Xander and me kasi siguro ito yung tama para sa amin, ito yung magtatagal at 'di maiwawala pagdaan ng panahon.

When Angela died in the accident, ako yung nagsilbing katuwang niya, yung aalalayan siya dahil anytime he will do something wrong. He's hurt because of Angela's death. Mahal na mahal niya si Angela at kung susukatin para iyong walang katapusan.

Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siyang makabangon. 'Di dahil mahal ko siya kundi dahil isa siyang mabuting kaibigan pa rin para sa akin. Pero, nagkamali ako.

Akala ko wala lang lahat ng 'to. Akala ko kaonting pagtulong ko lang para sakanya 'to. Yung para bang sandalan sa oras ng kalungkutan pero nagustuhan ko siya lalo. Nagustuhan ko siyang yakapin at hawakan sa mga bisig niya. Nagustuhan ko ang init ng katawan sa tuwing magkayakap kami at magustuhan ko pang lalo ang mga mata niyang puno ng emosyon.

"You know that I can't anything for you," I already heard this from him. Tumango ako. Akala ko pwede. Akala ko nakalimot na siya. Akala ko lang pala.

Napayuko ako. Takot akong salubungin ang tingin niya sa akin dahil alam ko sa sarili kong bibigay ako.

"Paano ako? I always there for you, to look for you and to love you. Bakit wala ka man lang maibigay kahit kaonti sa akin? Angela is already dead two years ago. Bakit-" maharas siyamg tumayo sa harapan ko. Tumingala ako para makita ang mukha niyang puno ng galit.

"She's here." Sabay turo niya sa dibdib niya. Nangigilid na ang luha sa mata niya. "Nandito pa rin siya sa puso at isip ko. Nandito siya kahit patay na siya!" He shouted so loud. Napapikit ako dahil doon.

"When she died, Xander, you, you died too. " dagdag ko pa. Natuod siya sa kinatatayuan niya. Unti-unting bumuhos ang mga luha sa mata ko.

"A-andoon ako noong mga panahong malungkot ka at nandoon rin ako noong panahong masaya kang kasama siya pero kahit isang beses hindi ako naghangad na mapasaakin ka dahil mahal mo siya. I am not selfish enough to tell you that I am in love with you. Pero nung nawala si Angela, nawala kana rin." Humagulhol na ako sa iyak. Nakatayo pa rin siya sa harap ko na parang walang narinig sa mga sinabi ko.

I opened my eyes at ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Bakit ganoon ang alaalang 'yon. Bakit? Sino si Angela? Si Xander? Bakit malungkot ang alalang 'yon. Umiyak lang ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na hangin na humahaplos sa balat ko. Kasabay ng pag-iyak ko ang pagbuhos ng malakas na ulan.