Chereads / Wild Waves (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Done with my food, I decided to take a bath at ngayon nasa walk in closet ako ng narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto. Lalabas na sana ako ng bumukas naman ang pintuan ng walk in closet.

Nagulantang ako ng niyakap ako bigla ni Leandro. Mabilis ang tibok ng puso niya dahil damang-dama ko 'yon dahil sa higpit ng yakap niya.

"Don't do that again." Bakas sa tono ng boses niya ang takot. Nalilito ako sa nangyayari. Bakit niya ako niyakap?

Marahang bumaba ang dalawang kamay niyang nakayakap sa akin. Umatras siya ng kaonti saka niya ako tinitigan. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa kakaibang uri ng tinging ibinibigay niya sa akin. 

My face heated like a hot tomato. Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya. Dumiretso ako sa malaking salamin saka dahan-dahang sinuklay ang buhok. Hindi ko maintindihan ang kakaibang pakiramdam ng yakap niya. Its like forbidden.

"S-Sorry." Nauutal niyang sabi. 

Kita sa gilid ng mata ko ang pagkamot niya sakanyang batok na tila nahiya sa ginawa niya.

Naglakad ako at nilampasan siya. Bumalik ako sa kwarto. Dumeretso ako sa kama.

"I heard that you want to go out para malibang." He stands tall in front of me. Nakayuko lang ako habang sinusuklay pa rin ang buhok. Wala akong maisahgot sakanya dahil sa kaba. 

Tumingala ako para makita ako ang mukha niya but still his eyes are different. Kakaiba. Nakakatakot. Nakakakaba. Ngayon ko lang ba ito naramdaman? Pero bakit pamilyar sa akin ang damdaming ito? Nakakalito. Nag-iwas na lamang ako ng tingin sakanya at pinagpatuloy ang pagsuklay.

"Bored na ako rito sa loob ng kwarto. I don't know if it is right to go out in this strange house at baka maulit ang nangyari kanina but I really want to go out." I said. Huminga siya ng malalim sa mga sinabi ko. Parang pinoproseso pa sa utak niya ang lahat ng iyon.

"And I don't know kung pagkakatiwalaan ko ba ang lahat ng taong narito o hindi. Dalawang linggo na ako rito but still they don't want to open their mouth to speak and say all the things that I don't remember." Nagiging emosyonal na ako. Nararamdaman ko ang mga maliliit na butil ng luha sa gilid ng mata ko pero pinipigilan ko ang maiyak dahil paniguradong sasakit na naman ang ulo ko kapag nagpumilit akong alalahanin lahat.

"You can trust me." Sambit niya dahilan ng pagtingala kong muli sakanya. Seryoso na ngayon ang tingin niya. Leandro sino ka ba sa buhay? 

How can I trust someone that I don't even remember? How can I trust him gayong hindi ko alam kung bakit niya ako pinirmi dito sa bahay na ito at hinayaang huwag magsalita ang mga tao? How can I do that?

Napairap ako dahilan kung bakit napatingin siya sa akin. Lumamlam ang tingin niya tila naawa siya sa kalagayan ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang.

"How can I trust you when I don't know you. Hindi ko nga rin matandaan kung kilala ba kita o magkaibigan ba tayo noon? How can I trust somebody who's not familiar to me?" Diretsyahan kong sabi. Napaawang ang bibig niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

I want him to speak and tell the truth pero tila wala siyang balak na magsalita. Itinikom na lang niya ang bibig niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

Naghihintay ako ng sasabihin niya pero wala na. He made a deep sighed saka tinakuran ako saka siya nagmartsa palabas ng kwarto ko. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay naubusan ako ng hangin sa baga dahil sa pag-uusap namin.

"Wala kang utang na loob sa pamilya ko!" Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa babaeng hindi ko kilala.

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. Isa-isang nahulog ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masakit ang sampal niya pero mas masakit ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko.

"Hindi po sa ganun. Nagkakamali kayo sa narinig niyo." Sambit ko ng nakabawi sa malakas na pagkakasampal niya sa akin.

Tumawa siya na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Umiiyak pa rin ako. Hindi ko mapigilan. Gusto kong lumuhod sa harap niya para maniwala siya sa mga sinasabi ko.

Isa pang sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko naman. Tila namanhid na ang buong sistema ko sa ginawa niya. Masakit pero parang wala na sa akin. Palagi naman akong nasasaktan. Palagi akong nagpapaubaya.

"Leave him! Hindi kayo bagay! At ikaw? Walang lalaking babagay sayo. Pareho kayo ng ina mo." Humagulhol ako ng iyak pero balewala lang iyon sakanya. Parang nasisiyahan pa siyang nakikitang nasasaktan ako.

"I will leave him. I'm going to leave him kung iyon ang gusto niyo kahit masakit...kahit mahal na mahal ko na siya." Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Pinipigilan ko pero para silang tubig mula sa gripong sira na patuloy na nahuhulog.

Tumawa ulit ang babaeng kaharap ko. Makinis ang mukha niya. Maganda siya pero naroon sa mukha niya ang bakas ng katandaan dahil sa mga maliliit na kulubot. Naroon pa rin ang pagiging elegante niya dahil sa mga dyamanteng nasa leeg at tenga niya. At ang mga mata niya, nakakatakot. Galit na galit.

"Mahal? Nahihibang kana ba? Minahal mo ang lalaking hindi mo dapat mahalin. Minahal mo siya kahit alam mong hindi kayo para sa isa't-isa. You're unbelievable, Yna! You shouldn't dream on something that doesn't belong to you!" Nag-igting ang panga niya. Mas lalong nagbaga ang galit sa mga mata niya.

Napayuko ako. Tama siya hindi dapat ako nagmahal ng taong hindi para sa akin. Hindi dapat ako nagmahal dahil hindi ko siya maabot.

Napamulat ako ng aking mata. Basa ang magkabilang pisngi ko. Humikbi na ako. Hindi ko alam. Natatakot ako. Bakit ganito?

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga. Natatakot ako. Isa lang ba iyong panaginip o nangyari iyon sa akin at hindi ko lang maalala?

Marahas kong binuksan ang pintuan at agad na kumaripas ng takbo papunta sa spiral na hagdanan. Gusto kong tumakbo! Gusto kong kumawala! Iyon ang nais ko. Natatakot ang buong sistema ko sa aking panaginip.

Umiiyak pa rin ako. Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha. Sino ang babaeng iyon? Bakit siya galit na galit sa akin? Sino ang lalaking tinutukoy niya? At bakit? Bakit hindi ako maaring magmahal sa lalaking yon?

Ano itong nangyayari sa akin?

Isang hakbang na lang ang gagawin ko bago makababa sa hagdanan pero may isang mainit na kamay ang humawak sa braso ko.

Tinignan ko kung sino iyon and I saw Leandro's face. My tears are keeps on flowing and I don't have enough strength to wipe away my tears.

Bakit parang araw-araw na lang ay umiiyak ako?  Natatakot ako sa sinuman dahil wala akong maalala. Tila lahat ay galit sa akin at maging ang mga alaalang bumabalik ay ganoon din.

He held me in his arms and hugged me tight. Nanlaban ako sa yakap niya. Like what I've felt in his hugs early this morning is like its forbidden. Parang kasalanan kong yakapin siya o yakapin niya ako.

"Bitawan mo ako! Ito ang gusto mo diba?!" unti-unti niyang binitiwan ang pagkakayakap sa akin na tila nawawalan ng lakas dahil sa mga sinabi ko.

Galit ko siyang tinignan at agad na naglakad ng mabilis palabas ng bahay na 'to. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin dahil wala kahit na anong alaala ang meron ako. Nasa pintuan na ako ng marahas muling hinila ni Leandro ang braso ko.

Hinarap ko siya kahit na patuloy na umiiyak.

"Tell me please? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Ramdam ko ang awa sa buoses niya. Pinilit kong makawala sa hawak niya pero dahil sa lakas niya ay hindi ko magawa.

Iniharap niya ako. Yumuko ako dahil hindi ko kayang pantayan ang tingin niya sa akin. Agad na dumapo ang kamay niya sa baba ko para magpantay ang tingin naming dalawa.

"I'm here now. Stop crying. I will not leave you." si Leandro.

"Ano bang nagawa ko? Sa panaginip ko bakit galit na galit ang babae sa akin? Panaginip ko lang ba yon o totoong nangyari? Tell me, please?" nag-igting ang panga niya. Pinaghalong galit at awa ang nasa mata niya. I can't contain what I am feeling now.

Dahil sa pagod sa kakaiyak at takot ay naupo na lang ako. "Bakit ayaw mong sabihin sa akin? Hindi mo magawang sabihin ang totoo?" tinakpan ko ang mukha dahil sa pag-iyak.

"Because I want to help you remember all your memories on your own," marahan niyang sinabi. Nag-iskwat siya sa harapan ko upang maglebel ang paningin naming dalawa.

Dumampi ang dalawang palad niya sa magkabilang pisngi ko. Hinayaan niya akong umiyak. Pero laking gulat ko ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa mukha ko.

Naglapat ang ilong naming dalawa.I can feel his warm breath. 

"The doctor wants you to remember your memories on your own. I am here to help you. Ayaw kong maniwala ka sa sariling bersyon ko ng katotoohan para makaalala ka lang." titig na titig siya sa akin habang sinasabi niya iyon sa akin. May tama siya sa sinabi pero palagi bang ganito ang mangyayari sa akin? Umiyak at maawa na lang sa sarili?

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kanina ay takot na takot ako pero bakit ngayon tila biglang nawala at napalitan iyon ng kaba at kakaibang kiliti sa tyan ko. Tila may mga paru-parong nagsisiliparan, nagbabangaan at gustong kumawala sa aking tyan.

"He also said that there will be triggers to your brain to help you remember pero," tila nagdadalawang isip siyang ituloy ang sasabihin pero nagpatuloy pa rin siya. "Hindi rin pwedeng pilitin mong makaalala dahil pwedeng mawala na ang lahat ng alaala mo, pwedeng mabura." 

Lumunok siya ng isang beses bago lumayo sa akin. He helps me to stand up saka dahan-dahang dinala sa isang magarang sofa para paupuin.

"Wait here I'll get you a water." Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Hindi ko gusto ang huli siyang sinabi na may tendency na hindi na bumalik ang mga alalala ko. I afraid of it. Takot akong mangyari iyon dahil wala na nga akong maalala ay mawawala pa sa akin ang lahat ng iyon.

Pagbalik niya ay may da na siyang tubig. Hindi naman sumakit ang ulo ko pero ang panaginip ay parang sakit sa puso. Hindi ko maintindihan ang sakit nun. Parang binibiyak ang puso ko sa dalawa na mas masakit pa ata kaysa sa sakit ng ulo ko kapag pinipilit ang sariling maakaalala.

He handed me a glass of water and I quickly drink from it. Hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko.

"I want to room around," I said after drinking my water.

Tumango lang siya kahit kita sa itsura niya ang hindi pagsang-ayon sa gusto kong mangyari. Kaninang umaga ay hindi ako natuloy sa paglabas ng kwarto dahil sa nangyari sa amin sa kwarto ko at ang sagutan namin.

Ang pagyakap niya sa akin ay kakaiba yun. Yung yakap niyang mahigpit na tila takot na takot siyang mawala ako sa paningin niya. He explained it to me afterwards at nag-alala lang daw siya dahil katok ng katok siya sa pintuan pero walang sumasagot. 

"Ihahatid kita sa kwarto mo para makatulog ka ulit." tila may nagbara sa aking lalamunan dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako dala ng panaginip na iyon o kung panaginip nga iyon. 

Umakyat kaming dalawa sa hagdan. Sumagi ang braso niya sa braso ko. Napalunok ako dahil doon. Ano ba tong narararamdamn ko? He slowly held my hands. Napatingin ako sakanya pero seryoso lang siya habang paakyat kami sa hagdanan. Hindi ko binawi ang kamay ko dahil sa takot. Bakit takot? Hindi ko rin alam.

Noong una ay kaba lang pero kalaunan ay mabilis na ang pagtibok ng puso ko. Nang nakarating na kami sa pangalawang palapag kung nasaan ang kwarto ko ay bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin.

Iniwan niya ako para buksan ko ang pintuan ng kwarto ko. Natatakot akong matulog ulit mag-isa. Paano kung managinip ulit ako? Paano kung magbalik lahat ng mga alaalang kagaya ng napanaginipan ko? Sapat bang nariyan siya para patahanin ako o dapat kong harapin ang mga iyon ng hindi man lang kumukurap ang mga mata sa pag-iyak?

Gusto kong nariyan siya pero nagtatalo ang aking isip at puso. Hindi tama ito. Hindi ko siya kilala. Pero magaan ang loob ko sakanya. Magaan ang pakiramdam ko kapag nakayakap siya pero ang pakiramdam ng nalilito at kinakabahan ay kakaiba sa akin. Para iyong pakiramdam sa akin noong una akong nagising. Nalilito at walang alam. Takot at bawal sa aking maramdamam ng ganito para sakanya.

Pumasok ako sa kwarto at sumunod naman siya. Umakyat na ako sa kama habang siya ay umupo sa gilid na ng kama.

"I'm here. Sasamahan kita ditto hanggang sa makatulog ka." Nagtatalo ang kagustuhan kong paalisin na lang siya o magbantay sa akin. Kinumutan ko na lang ang sarili saka ipinikit ang mga mata. 

Seconds, minutes, hours have passed pero hindi ako makatulog. Nakapikit lang pero naglalakbay pa rin ang diwa sa mga panaginip na nagbibigay takot sa akin ngayon.

Umuga ang kama hudyat na aalis na siya. Napabangon ako at dali-daling hinagilap dulo ng damit niya.

Nagtataka siyang tumingin sa akin.

"I can't sleep," nag-iwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Gaya kanina ay nagtatalo ang kagustuhan kong nandito siya o wala na lang. "P-Pwede bang tabihan mo ako sa pagtulog?" hindi pa rin ako makatingin dahil sa kahihiyan.

Hindi ko nakitang tumango siya. Binitawan ko ang damit. 

"Papatayin ko lang ang ilaw. Alam kong hindi ka nakakatulog kapag may ilaw." Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Magiging relieve ba o mahihiya sa sinabi?

Muli akong nahiga sa kama. Madilim na ulit sa buong kwarto. Tanging ang tumatagos na ilaw ng maliwanag buwan sa bintana ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Umuga ang kama. Tumagilid ako ng higa. Naramdaman ko ang paghiga niya sa gilid ko.

Pumulupot ang isang kamay niya sa beywang ko at agad na hinila sa tabi niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa likod ko.

Kakaibang sensayon ang naglakbay sa aking katawan na lumagpas sa aking diwa. Kakaiba iyon dahil kahit takot ako sa kanya dahil hindi ko maalala kung sino at ano ba siya sa buhay ko pero ang yakap niya ay nagbibigay sa akin ng kasiguraduhan na sa sarili ko ay wala akong maibigay na kahulugan. I closed eyes and slowly drifted to sleep.