Chereads / Wild Waves (Tagalog) / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Weeks have passed and I am still here in this room, in this place. Isang malaking tanong pa rin sa akin kung sino ako at bakit ako narito. 

Sinubukan ko ng magtanong sa mga taong narito, kay Remedios, ang matandang katulong pero wala siyang maisagot sa akin. Palaging inililihis ang usapan o kung hindi man ay umaalis na lang sa harapan ko and still my questions left hanging and unanswered.

Leandro Thaddeus Del Valle ang pangalan ng lalaki. He's always here and checking on me. Hindi ko siya pinapansin. Hindi pa rin ako mapanatag kapag nasa malapit siya sa akin. I feel unsafe.

Nakatingala lang ako sa kisame. Maaga ako nagising ngayong araw. Binuksan ko kanina ang bintana para makita ang pagbubukang liwayway ng araw sa dulo ng karagatan.

Bawat araw na nagdaan tanging ang buwan sa gabi at liwanag ng araw ang nakakasaksi sa kagustuhan kong malaman ang katotohanan.

"Kailan ako aalis dito?" sambit ko ng muling bumisita si Leandro sa kwarto ko dala ang pagkain ko sa umagang 'yon, inilapag niya sa side table saka umupo sa gilid ng kama. Umusog ako ng kaonti to give him enough space to sit.

"May amnesia ka, Yna" inihilamos niya ang kamay sa mukha. Natahimik ako sa sinabi niya.

May amnesia ako? Isang tanong na nagpadagdag pa sa dami ng tanong na nakaimbak sa utak ko. Isang luha ang tumakas sa mata ko.

"Bakit ako nagkaamnesia?" tumingin ako sakanya. Awa ang tinging ibinigay niya sa akin.

"Car accident" simple niyang sambit.

"Car accident pero bakit?!" hindi na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil hindi niya magawang diretsuhin sa akin ang lahat. Dahil sa sinabi niya sinubukan kong halungkatin ang mga alaala kung kalian ako naaksidente. 

Kaonting kirot ang dumaloy sa ulo ko. Napakagat labi ako dahil sa unti-unting pagdaloy ng sakit sa buong ulo ko.

"Hindi pwedeng ako ang magsabi kung ano ang nangyari," umiwas siya ng tingin sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naglakad papunta sa harapan niya.

I slowly kneeled in front of him kahit masakit ang ulo ko. More tears are coming pero wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko ngayon o kung mukha na ba akong kaawa-awa sa paningin niya.

Gulat na gulat siya sa ginawa ko, "Please? Tell me…" humikbi ako. Nagmamakaawa na sabihin niya ang katotohanan kung bakit nangyari sa akin 'to.

Hinawakan niya ako sa braso at pilit na itinayo pero hindi ako nagpatinag sa pagkakaluhod. "I am begging you. I want to leave this place and I want to know what happened to me."

Lumuhod na rin siya sa harap ko. Kahit hindi na malinaw ang mga mata ko dahil sa mga luha ay kita pa rin ang pinaghalo-halong mga emosyon sa mata niya.

Galit, poot, awa at pagmamahal ang mga emosyong iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit may pagmamahal doon. Hindi ko makuha bakit may emosyong ganoon sa mata niya. Sino ba siya sa buhay ko?

Leandro sino kaba sa buhay ko?

He uses his fingers to wipe away my tears. Pagkatapos ay dahan-dahan niya akong hinila sa mga bisig niya saka niya ako ikinulong sa mainit niyang mga yakap. 

Nagpumiglas ako pero ang lakas ko ay tila nilalamon ng init ng katawan niya.

Hikbi na lang ang ingay na namamagatan sa aming dalawa.

"Gustong-gusto kong sabihin sayo ang lahat. Kung anong nangyari at kung bakit ka nandito pero ayaw kong maniwala ka sa sariling katotohanan ko. Gusto kong ikaw mismo ang makaalala sa lahat, sa katotohanan."

"Pero bakit?" I said. 

"I don't want to lose you and I am doing this because I am afraid lose those precious memories you have," mas lalo akong umiyak sa mga nasabi niya.

Napapikit ako ng matagal bago ibinukas muli ang mata dahil sa isang katok sa pintuan ko na nagpabalik mula sa alaala. Bumukas ang pinto saka pumasok si Remedios.

"Dadalhin ko lamang 'tong pagkain niyo," tinignan ko si Remedios. Nang naramdaman niyang nakatingin ako sakanya ay dali-dali niyang inilapag ang pagkain sa gilid ng kama. 

"Kumain na po kayo" si Remedios. I want to try my luck this time and ask her again pero mukhang wala rin akong makukuhang sagot sakanya kaya tumango na lang ako saka ibinalik ang tingin sa kisame.

"Nasaan si Doc?" wala sa sariling sambit ko. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagsinghap niya at pagbuga ng hangin mula sa bibig.

Hinintay ko siyang sumagot ngunit tikom ang bibig niya ng hinarap ko siya. Andoon din ang pagdadalawang isip kung sasagot ba o hindi.

"Kausap po ngayon ni Senyor Leandro," Iyon lang ang sabi niya saka mabilis na umalis.

Walang gustong magsalita sakanila at sabihin ang katotohanan. Pumikit ako ng mariin saka dinama na lamang ang malamig na hangin galing sa labas. Ngumiti ako ng mapait. Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil pakiramdam ko ay sasakit na naman ang ulo ko.

Umatake ang sakit ng ulo ko pagkatapos naming mag-usap ni Leandro and he immediately call the doctor to check on my condition.

The doctor arrived and he injected me with pain reliever para mawala ang sakit ng ulo ko. And clearly, I remember what he doctor said habang nagkunwari akong tulog.

"From the car accident, nagkaroon siya ng head injuries which caused her to lose memories. May gamot ako as a pain reliever and I can't guarantee her fast retrieving of her own memories. Usually, it takes months-" sambit ng doctor and Leandro interrupted him.

Napatigil ako sa paghinga dahil sa narinig. Pilit kong pinakalma ang sarili kahit gusting-gusto ko ng magtanong.

"Months?" hindi ko man nakikita ang mukha ni Leandro ay bakas sa tono ng boses niya ang takot. Tears are forming in my eyes at kagat-labing pilit na huwag makatakas ang hikbi.

"Yes months. In her condition it takes months pero hindi sigurado kung ilang buwan niya bago maalala ang lahat ng alaala." Hindi na nakatakas ang hikbi sa bibig ko. Tinakpan ko ang bibig ko at isa-isang pinunasan ang mga luhang nahuhulog. 

Agad na dumalo sa akin si Leandro and sit beside my bed. He patted my back like a child. "Hush. Everything will be alright, okay?" he said.

Hindi ako sumagot sakanya. Iyak lang ako iyak. He holds my hand na tila andoon ang lakas at gusto niyang i-share sa akin para maging malakas din ako but honestly pakiramdam ko I felt brave with his words and touch. 

"Maiwan ko muna kayo" bumukas at sumara ang pinto kaya tanging kaming dalawa na lamang ni Leandro ang naiwan sa loob. Umiiyak pa rin ako at hindi ko alam kung matitigil pa ba to. Nanlulumo ako sa kalagayan ko and I don't know how to solve it and bring those memory back.

Iniwala ko sa isip ang mga sinabi ng doctor. Hinarap ko ang pagkaing nakapatong sa side table ng kama saka kumain ng tahimik.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Ngayong araw ay napagdesisyon akong bumaba at magliwaliw sa magandang garden sa baba. 

Dalawang linggo na rin akong nakakulong sa kwartong ito at tanging pagtanaw sa labas mula sa bintana ang ginagawa ko.

Pagkatapos ay unti-unti kong binuksan ang pintuan saka sumungaw ang ulo para tignan kung may tao sa labas ngunit wala. Lumabas ako at tahimik na isinarado ang pintuan. Tahimik rin akong humakbang dahil ayaw kong gumawa ng ingay.

Iginala ko ang paningin ko sa buong bahay. Malaki ito at medyo luma na pero bakas pa rin ang pagiging engrande lalo na sa chandelier na nakabitin sa itaas sa gitna ng bahay. Nagsusumigaw naman sa kulay ginto ang paspiral na hagdanan pababa.

May dalawang kwarto sa gilid at ang kwartong aking tinutuluyan ay nasa gitna. Hindi lang iyon dahil sa kabilang bahagi mula sa aking harapan ay ang isang malaking piyano at mga nakasalansan na mga libro.

Hindi ko alam kung bakit naenganyo akong lumapit. Dahan-dahan ang ginawa kong hakbang hanggang sa makarating sa mga libro. Namangha ako sa dami nito. Mga klasiko pero mayroon ring mga bago.

Nanatili akong nakatayo doon at isa-isang tinignan ang mga titulo ng mga libro. Most of them are historical books pero ang ilan rin ay mga disyonaryo at libro tungkol sa medisina at mga hayop.

Ngumiti ako ng mapait saka ibinaling naman ang tingin ko sa napakalaki at makintab na piyano sa tabi. Walang kahit na alikabok ang naroon maging ang repleksyon ko ay kitang-kita.

Lalapit na sana ako pero hindi ko naituloy. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang biglaang pagsakit ng ulo ko and waves of memories came into my head.

"Alam kong kaya mo yan, Yna" sambit ng isang lalaki na may malambing na boses. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya dinala sa labi niya at hinalikan ang likod ng aking palad.

Ngumiti ako sakanya ng malawak saka nagsimulang magtipa ng nota sa piyano. Napapikit ang lalaki. Tumingin ako sakanya at walang pag-alinlangang ngumiti.

Ramdam ko ang pagpulupot ng isang kamay niya sa aking baywang. Hindi ko maiwasang makaramdam kaba dahil sa kakaibang sesasyong dala ng init ng hawak niya. 

Nagpatuloy lang ako sa pagtipa ng mga nota sa piano. Maganda sa tenga ang bawat musikang lumalabas at masarap iyon sa damdamin.

Pabilis ng pabilis ang pagtipa ko. Pabilis ng pabilis din ang buhos ng aking luha. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Masarap sa damdamin ang musikang nililika ng piano gawa ng bawat pagtipa ko pero pakiramdam ko ay unti-unting nawawasak ang puso ko.

Dumilat ako at isa-isang nahuhulog ang butil ng mga luha mula sa aking mata. Kasabay ng paghawak ko sa aking ulo ay ang pagsakit din ng aking puso. 

Napaluhod ako sa makintab na sahig. Humagulhol ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung umiiyak ako dahil sa alaala bang bumalik sa aking isipan o sa pakiramdam na naramdaman sa mga naalalang iyon?

Nanghina ang katawan ko bigla dahil sa sakit ng ulo ko. Nanlalabo ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan sa makintab at malamig na sahig. 

Ang huling alaalang nakita ko ay ang mabilis na pagdalo ng isang mainit na kamay sa aking braso at beywang hanggang sa nagdilim na ang aking paningin at namanhid sa bawat sakit na aking nararamdaman.

"Maayos na ang lagay niya." Narinig kong sambit ng doctor. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Bumalik sa isipan ko ang nangyari.

"Okay kana?" si Leandro na nasa malayo at kausap ang doctor. Rinig ko ang mabibigat nitong hakbang patungo sa akin. Kita ko ang takot sa dalawang mata niya pero naroon rin ang awa.

"May nagtrigger lang sa utak niya kaya nangyari iyon." nakita ko ang pagngiti ng doctor sa akin. Medyo may katandaan na rin siya pero bakas ang pagiging isang matipunong lalaki.

Umupo si Leandro sa gilid ng kama ko. Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko iyon binawi. Nagulat siya sa ginawa ko at agad na nag-iwas ng tingin. 

"Ako na ang bahala sakanya." hinarap ni Leandro ang doctor at tumango naman ito bilang pagsang-ayon. 

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin pero tikom ang bibig ko. Wala akong balak na sagutin siya pero ang mga alaalang bumalik sa akin ay napabagabag sa akin.

"Maayos na." simple kong sambit saka tinalikuran siya. Huminga siya ng malalim. May sasabihin sana siya pero inunahan ko na.

"May bumali sa aking alaala." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nag-igting ang panga niya ng napagtanto kung anong sinabi ko ay muli ay nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Xander," Mahina pero sapat na para marinig ko ang sinabi niya.

Humarap ako sakanya at kitang-kita ang galit sa mga mata niya.

"Fuck!" Marahas niyang mura. Marahas rin siyang tumayo mula sa gilid ng aking kama at napasabunot sakanyang buhok sabay hilamos sakanyang mukha. 

Kitang-kita ang frustration sa mukha niya. Andoon pa rin ang galit na hindi natitinag mula sakanyang mga mata.

"Ano pa? Ano pa ang naalala mo bukod sakanya?" Pumikit siya ng mariin bago ako ulit tignan.

"Pakiramdam ko…noong kasama ko siya sa alaalang 'yon ay masaya ako, masaya akong kasama siya habang nakaupo kami at tumutugtog ng piano," Nagpalakad-lakad siya sa harap ko. Mabibigat ang bawat hakbang niya. Nagbabaga ang galit sa mga mata niya pero may kumikislap roon sa gilid ng mga mata niya. Naiiyak na siya pero pinipigilan niya iyong bumuhos.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko na kayang harapin ang mga mata niya. Matutupok ako at magliliyab na parang isang kahoy na puno ng gaas. Ayaw ko. Nakakatakot.

"Natatandaan mo ba ang mukha niya? Ano pang naalala mo?" Napalunok ako. Gusto ko mang sabihing oo ay hindi ko na ginawa. 

Sa alaalang yon ay alam kong naroon ang sinseridad ng lalaki. Bakit masakit ang aking puso sa paglapat ng labi niya sa likod ng aking palad? Bakit ako umiiyak sa alaalang iyon?

Marahas ang ginawa kong buntong hininga saka nagsalita pero bigla na lang umalis si Leandro. Mabibigat ang mga hakbang na ginagawa niya saka marahas na isinara ang pintuan.

Napapikit ako dahil doon. Unti-unting bumalot sa akin ang nakakabinging katahimikan sa aking kwarto. 

Madilim na ang labas nang iginala ko ang paningin ko doon. Ilang oras kaya akong nakatulog? 

Pilit kong iwaglit sa isipan ang reaksyon ni Leandro. Bumukas ang pintuan at sumungaw doon ang ulo ni Remedios. Tumingin lang siya sa akin. Unti-unting niyang nilakhan ang pintuan para nakapasok ang buo niyang katawan at para na rin hindi matapon ang laman ng hawak niyang tray.

May katandaan na rin si Remedios. Kita rin ang mga puting buhok sa ulo niya. Sa mukha naman niya ay mga kulubot na rin pero mababakas roon ang kabaitan.

"Narinig ko ang nangyari. Hindi ko inaasahan. Humihingi ako ng paumanhin dahil hinayaan kitang lumabas-" hindi ko siya pinatuloy sa pagsasalita niya.

"Ako ang nagdesisyong lumabas. Gusto kong malibang sa ibang bagay maliban sa pagtanaw sa labas mula dito sa kwarto." Maagap kong sabi. Napayuko siya at marahang inilapag ang mga pagkain.

"Wala ka dapat ihingi ng paumanhin." dagdag ko pa. Tumingin siya sa akin saka naman ako ngumiti sakanya.

Ngayon lang ako ngumiti sa higit dalawang linggo ko rito. Kakaiba iyon sa pakiramdam. Nag-iwas ng tingin sa akin ang kasambahay. Nagmartsa siya palabas ng pintuan ng hindi ako nililingunan.