Chapter 13 - 13

"WOW! THIS is paradise!" humahangang wika ni Yasser, habang pinapalibot nito ang paningin sa kabuuan ng Borawan Island. This was the third beach that they've visited this day. Maagang sinundo si Twynsta ni Yasser sa bahay, buti na lang at parang hindi na nito matandaan ang mukha ng parents niya no'ng mga bata sila, ipinakilala niya ang mga ito sa isa't isa, sobrang nagulat ang mama niya dahil ibang-iba na si Yasser sa batang nakilala nito noon. Gamit ang sasakyan ng binata ay nagpatuloy na sila sa get away nila—siya bilang human map.

Nag-search siya kagabi nang magagandang places na malapit lang sa Manila, para accessible at hindi mapagod ang binata sa pagmamaneho. Sa dinami-dami ng gusto niyang puntahan ay napili niya ang tatlong magkakalapit lang na beaches near Quezon Province.

Pasado alas nuwebe na sila nakadating sa Lukang Cove, in-explore nila ang Kwebang Lampas, the place was really breathtaking. Hindi sila nag-swim ng binata though gusto din sana nila dahil napaka-inviting ng beach, pero pinigilan na lamang nila ang mga sarili nila para mas makadami pa sila nang pupuntahan.

Nag-boating din sila at namasyal. Nag-lunch sa isang seafood resto na malapit doon pagkatapos ay dumiretso na sila sa Dampalitan Island, saglit silang namahinga sa ilalim ng mga puno, mabuti na lang at hindi mainit at maalinsangan nang mga sandaling 'yon, picture taking with the beautiful place at ngayong hapon nga ay nasa Borawan Island sila.

Borawan Island is like Boracay for having white sand, it's not as fine as Boracay's but the place was really awesome! It's majorly composed of small shells and pebbles, may climbing rock formations pa, gusto sana umakyat doon ni Yas, kaso hindi siya makakasama dahil nga mabigat siya at baka gumuho 'yon at hindi niya kayang umakyat sa matarik na rock formation, kaya hindi na rin ito tumuloy. Picture taking and food tripping na lang sila. Naglakad din sila sa seashore at pinakiramdaman ang malamig na tubig sa kanilang mga paa.

"This place is really amazing!" humahangang wika pa rin ni Yasser. "Madami ding beaches sa States, pero mas magaganda ang beaches dito sa Philippines."

"Yeah and the air is so refreshing." Nakangiting sabi niya, ang presko sa lugar gawa ng mga puno sa paligid, masarap din sa tainga ang paghampas ng alon sa karagatan, ang mga huni ng ibon sa paligid at ang papalubog na araw sa gawing kanluran.

Nakaupo sila noon ni Yasser sa beach chair habang nakatanaw sa magandang papalubog na araw, they even get a picture with the sunset. Unang beses niyang ginawa ang mga ganitong get away at masayang-masaya talaga siya.

"Thanks for bringing me here Twynsta." Nakangiting sabi ni Yasser sa kanya.

Napangiti din siya dito. "Walang anuman, salamat din dahil ako ang napili mong kasama."

"Okay lang ba sa 'yo kung magpasama uli ako sa 'yo bukas?"

"Saan tayo pupunta?"

"Somewhere special in my heart." Nakangiting sabi nito, saka ito muling bumaling sa papalubog na araw. "The sunset is beautiful as you."

"Ha?" hindi niya gaanong narinig ang sinabi nito.

Nakangiting bumaling ito sa kanya. "Let's take an early dinner before we leave."

"Naku, sa araw na ito, panay kain lang tayo, baka mas lalo akong maging balyena nito." natatawang sabi niya.

"Then you'll be the most beautiful balyena in the world." Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Kapagdaka'y hinila na nito ang kamay niya para magtungo sa isang buffet restaurant na malapit lang sa kinaroroonan nila for their early dinner.

Maraming napapalingong mga babae sa kasama niyang lalaki, nakakaagaw kasi ito ng atensyon; siya din naman ay tinitignan—kaya lang may pagtataka sa mga mata ng mga ito, 'yong tipong 'kaano-ano kaya ng guwapong lalaking 'yan ang kasama niyang balyena?', 'yong kinu-question ang katabaan niya at kung anu-ano pa, she can read through their eyes.

Pagkatapos nilang kumain ay bumili muna sila ng mga pasalubong para sa kani-kanilang pamilya; tulad ng parents niya ay mahilig din daw ang grandparents ni Yasser ng authentic bags na made of shells, dried sea foods at marami pang iba. Nasa sasakyan na sila noon ng binata pabalik sa kani-kanilang mga bahay.

"Napagod ka ba?" tanong ni Yasser sa kanya.

Mabilis siyang umiling. "Mas nag-enjoy ako." nakangiting sabi niya. "Ikaw? Sorry, hindi kasi ako marunong mag-drive ng kotse, isu-substitute sana kita."

Umiling ito at ngumiti. "I'm okay at mas nag-enjoy din ako. Those places were great! I want to bring my grandparents there some time." Masayang sabi nito. "And also Twynie." Nakangiting sabi nito.

Saglit siyang natigilan. Gustong dalhin ni Yasser si Hyoscine sa lugar na 'yon ? Hindi niya alam kung bakit nakaramdamn siya nang kurot sa kanyang puso. Right! Nandoon lang naman siya dahil abala si 'Twynie' na kilala nito—at may favor itong ginawa sa kanya kaya bilang kabayaran ay sinamahan niya ito.

Napabuga siya ng hangin, kung may sapat lang sana siyang lakas ng loob na sabihin dito na siya talaga si Twynie ay hindi na siya nahihirapang magpanggap, gusto na rin niya itong makakuwentuhan ng mga nangyari sa buhay nito at kung anu-ano pa. She missed her bff!

"Natahimik ka na dyan." Mayamaya ay sabi nito.

"Siguro ngayon na ako tinatablan ng pagod." Palusot niya.

"Then get some rest."

Umiling-iling siya. "Hindi ako inaantok. Kung pagod ka na sa pagmamaneho, pwede muna tayong magpahinga." Aniya.

Tumango naman ito. Natahimik sila kaya i-on nito ang radio ng sasakyan. Pumailanlang ang kanta ni Justin Bieber na 'Baby', gumaan na tuloy ang pakiramdam niya. Pero mabilis siyang bumaling sa lalaking katabi niyang nagmamaneho nang biglang sumabay ito sa kanta.

"Baby, baby, baby, oooh! Like baby, baby, baby, nooo! Like baby, baby, baby oooh! I thought you'd always be mine, mine..." nakangiting bumaling sa kanya ang lalaki saka muling sinabayan si Justin Bieber sa pagkanta bago itinuon ang atensyon sa pagda-drive habang kumakanta, hindi tuloy niya napigilang mapangiti.

Ang ganda ng boses ng binata—parang kailan lang no'ng mga bata sila ang tuwang-tuwa siyang pinapakinggan ang pagkanta nito, ngayon kasi sobrang nag-mature na ang boses nito at pwede na itong magkaroon ng sariling concert. Well, hindi na siya nagtataka dahil bukod sa magaling ang mga magulang nitong mang-aawit, naging voice teacher din daw ito sa music studio ng parents nito sa States. Ang weird pero mas nagagandahan na yata siya sa boses nito kaysa sa idol niya.

Hanggang sa ilang saglit pa ay pati siya ay nakisabay na rin sa pagkanta. Tawang-tawa siya habang sumasabay sa awitin, may pataas-taas pa siya ng kamay, she knew she can sing but not as good as Yasser. Nang matapos ang kanta ay nagkatawanan sila.

"I didn't know you can sing." Anito.

"And I didn't know that you are more awesome than JB." Nakangiting sabi niya.

"You think so?"

Natawa siya at tipid na tumango. "I am a JB fan, but I think I became an instant Yasser Marta fan. You are awesome!" nakangiting puri niya dito, nakita naman niyang namula ang mukha nito at nahihiyang napangiti. "But I thought you don't like JB?"

"But you like JB!"

"And?"

"And I can be a temporary fan of JB for you." Nakangiting sabi nito.

"Really?" nangingiting sabi niya. Tumango naman ito at ngumiti sa kanya.

Hindi niya naiwasang mapangiti at kiligin dahil sa sinabi nito. Gugustuhin nito ang ayaw nito para sa kanya? That's some kind of something.

KINABUKASAN ng hapon ay sinundo siya ni Yasser para dalhin daw sa isang special place na paborito at gusto na nitong puntahan matagal nang panahon. Kaya gano'n na lang ang gulat niya nang makita niyang 'yong school nila no'ng grade school ang hinintuan nila. Sabay silang bumaba ng sasakyan.

"What are we doing here?" nagtatakang tanong niya.

"To reminisce my childhood." Nakangiting sabi nito. Saka siya mabilis hinila nito sa likuran ng school dahil may secret way daw doon—alam niya ang way na 'yon dahil madalas silang dumaan ni Yas noon doon kapag naglalaro at nagtatagu-taguan sila.

Nang makapasok sila sa loob ay agad silang nagtungo sa playgroud, nagtatakbo itong parang bata para umakyat sa slides saka ito nag-slide doon. Saka ito sumunod na nagtungo sa swing at nag-swing doon. Gusto niyang matawa dahil sobrang saya nitong pagmasdan at nagtatakbo pa ito at umikot-ikot sa playgroud, nang mapagod ito ay muli itong bumalik sa tabi niya at naupo sa damuhan.

"Hindi ko nagawa ang mga bagay na 'yon noon kaya ginawa ko ngayon." nakangiting sabi nito sa kanya. Sa taba kasi nito no'ng grade school ay ni hindi ito makapaglaro sa slides at swings dahil pinapaalis ito ng mga bata, baka daw kasi masira ang mga laruan doon.

Napangiti siya dito at naupo din siya sa damuhan, saglit itong nagpaalam sa kanya at pagbalik nito ay may dala na itong picnic basket, nag-prepare daw kasi ito ng food nila para sa araw na 'to. Inilapag nito ang picnic blanket saka nito inilabas ang mga fruits, cookies, sandwiches, vegetables salad, fried chicken, fruit juices at kung anu-ano pa. Lihim siyang napangiti, hindi pa kasi siya nakaka-encounter ng lalaking kasing caring and thoughtful nito.

Ipinagsalin pa siya ng pagkain sa paper plate na inilabas nito mula sa picnic basket at inabutan ng juice, nagpasalamat naman siya dito saka agad sinimulan ang pagkain niya.

"Naalala ko, madalas kami dati dito sa playground ni Twynie, kaya lang pinapanood ko lang siya noon dahil hindi nga naman ako makapaglaro dahil natatakot akong masira ang slides at swings, pero kayang-kaya pala ako e, ni hindi nga nasira ngayon." Nakangiting sabi nito. "Nagkakantahan din kami ni Twynie dito noon kapag dalawa na lang kami habang naghihintay sa mga sundo namin, kumakain ng mga street foods kahit madalas akong napapagalitan pag-uwi dahil ayaw ako kumakain ni mom ng mga street foods, kaya lang masarap kasi."

"Tapos no'ng minsang umulan, sumilong tayo, I mean kayo ni Twynie sa ilalim ng slides nahirapan tuloy maghanap ang parents ninyo—k-kuwento sa akin ni Twynie." Aniya. Tatlumpong minuto din daw sila hinanap ng parents nila bago sila nagtagpuan sa ilalim ng slides kung saan sila nagtago.

Ngumiti ito at tumango. "Ang hilig naming kumain no'n ng mga tig-pi-pisong candies na binibili namin sa canteen, nagpapalitan din kami ng mga baong lunches and meryendas." Masaya itong ngumiti sa kanya. "Nagiging palaban si Twynie sa tuwing binu-bully ako ng mga kaklase namin, at siya lang ang taong hindi umayaw sa akin and we were bff, sayang lang dahil isang taon lang kaming nagkasama!" grade one sila no'n—mas ahead kasi ito sa kanya ng six months. "Kaso dahil sa school for voice lesson at motorcycle lifestyle shop, café and bar nina daddy sa States, napilitan akong mag-transfer nang walang paalam dahil biglaan ang lahat. Later ay nalaman ang sakit niya na nasa stage four na," biglang nalungkot ang hitsura nito.

Hinawakan niya ang kamay nito. "Be happy and for sure your dad will be happy too."

"Sa ngayon, si Twynie na lang angmakakapagpaligaya sa akin."