Chapter 14 - 14

"Sana pala niyaya din natin siya dito, para makasama mo siya."

"Gladly you're here, thanks."

"I'm always here for you." I'm Twynie, your childhood bff, Yasser; can't you recognize me with your heart? Naputol ang pag-uusap nila nang mag-ring ang phone ng binata, ngunit nanatili lang itong nakatingin sa phone nito. "Nagri-ring ang phone mo." Imporma niya.

"It's mom." Anito.

"Then answer it!"

"I don't wanna talk to her,"

"So, hanggang kailan mo balak iwasan ang mommy mo?"

"I just don't want to talk to her."

"Ayaw mo bang sumaya ang mommy mo? Hindi naman ibig sabihin na kapag magpapakasal siya sa ibang lalaki ay kalilimutan na niya ang daddy mo, gusto lang niyang may makasama uli—hindi ka ba masaya dahil may mag-aalaga na uli sa mommy mo?" hindi ito agad nakasagot sa sinabi niya. "Bakit hindi mo subukan makipagkilala sa fiancé ng mom mo, malay mo magkasundo pala kayo at pakinggan ang gustong sabihin ng mom mo, it's just a matter of acceptance and if you really love her, maging masaya ka sa kung saan siya masaya."

"Paano kung makalimutan niya si daddy?"

"That's impossible, Yas, once na dumating ang isang tao sa buhay natin, hindi na natin sila makakalimutan, unless sinadya mo siyang kalimutan. Your dad will live forever in your mom's heart, kaya kung anuman ang nakakapagpasaya sa mommy mo ngayon, tanggapin mo na, kasi mas importante naman na makita mo siyang masaya kaysa araw-araw mo siyang nakikitang malungkot." Aniya, hindi ito muling sumagot at tila pinag-isipan ang kanyang mga sinabi. "Isipin mo, in the future magkakaroon ka na ng sariling family mo, tapos may family activity kayo sa school nang magiging mga anak mo, sino'ng maiiwan sa bahay kasama ng mommy mo? 'Di ba mas maganda kapag may makakasama siya?"

"You're right," sa wakas ay sumusuko na ring wika nito. "I think I need to talk with mom and clear this thing."

Tumango-tango siya at tipid na ngumiti. "That's right, nagkaayos na kayo, masisiyahan pa siya. Hindi ka na din mag-aalala kung mag-isa siya dahil nandyan na ang magiging step dad mo para sa kanya. And for sure kung nakikita siya ngayon ng dad mo, masaya din siya dahil may makakasama na uli ang mom mo."

Tipid itong tumango at ngumiti. "I'm such a baby." Pailing-iling na sabi nito.

"At least natauhan ka din." Nakangiting sabi niya.

"I'll talk to mom and my future step dad."

Tumango siya. "Give them a chance and meet him."

"I didn't know what to do without you, Twysnta."

"Marami na kasi akong napanood na movies na katulad nang pinagdadaanan mo, kaya nai-relate ko. Sana maging masaya na kayong family."

"Thanks, Twyn—" hindi nito naituloy ang sasabihin nang phone naman niya ang tumunog, si Cloud ang nasa kabilang linya kaya agad niyang sinagot. Sinasabi nitong susunduin daw siya bukas ng hapon para sa dinner na inihanda ng parents nito para sa kanya. Saglit pa silang nagkausap ng kinakapatid bago ibinaba ang tawag.

"Si Cloud?" tanong ni Yas na tinanguan niya.

"He asked me for a dinner together with his family." Imporma niya, dahil nagtatanong ang mga mata nito.

"So, you'll going with him?"

Tumango siya. "Hindi ko na rin naman kasi nakikita sina ninang at ninong." Aniya.

Hindi niya alam kung bakit biglang tumamlay ang mukha nito. Muling nag-ring ang phone nito na mabilis nitong sinagot, it was his mom at sa pagkakataong 'yon ay sinagot na nito ang tawag ng ina. Sana rin ay tuluyan nang magkaayos ang mga ito.

Nang matapos ang tawag ay napangiti ito sa kanya. "Mom said she'll come to visit me and my grandparents, and she'll formally introduce tito Nick to us. Like what you've said, she was so sorry for everything she has done at marami pa daw siyang gustong sabihin sa akin, soon."

Napangiti naman siya sa sinabi nito. "That's a good news."

"Thanks for clearing my mind; I was really not thinking."

"Ikaw pa, malakas ka sa akin, e." nakangiting sabi niya. Mabilis naman itong nakalapit sa harapan niya at kinurot ang magkabilang pinsgi niya. Akmang tatampalin niya ang mga kamay nito nang mabilis lumapat mga labi nito sa kanyang noo—para sa matagal na halik sa kanyang noo—na ikinatigil ng mundo niya.

"I've missed you so much, Twynie..."

Hindi niya alam kung tama ba siya nang narinig na sinabi ni Yasser, basta may 'I've missed you so much' sa sinabi nito. Ang bilis ng kabog ng puso niya, hindi kaya side effects na 'yon ng mga fatty foods na kinakain niya—o baka sign and symptoms ng mga taong nahuhulog na ang damdamin?

DEAR DIARY,

Am I really have fallen for Yasser? I'm always happy whenever I'm with him, feeling ko ang ganda at sexy ko kapag kasama ko siya, he treat me like a Princess, ang bilis ng tibok ng puso ko kapag malapit siya sa akin lalo na kapag nakangiti siya sa akin. Pakiramdam ko namumula ang magkabilang pinsgi ko kapag tinititigan ako at gabi-gabi ko siya iniisip.

I could still feel his soft lips on my forehead. Ang dami kong kilig that time—pero sa tuwing naiisip ko na nagsinungaling ako sa kanya, feeling ko ang laki ng pagkakasala ko sa kanya. Wala naman akong pretentions whenever I am with him—'yon lang, hindi niya alam na ako talaga si Twynie.

But I had decided. Magtatapat na ako sa kanya, na ako si Twynine, ang dating cute na bff niya, kung ma-disappoint siya, okay lang, pero nararamdaman ko namang hindi siya gano'ng uri ng tao. He's a nice guy and kindhearted, alam ko 'yon, diary. Kaya nga ang bilis niyang natabunan ang insecurities at sadness na nangingibabaw sa puso ko—dahil pinunan niya 'yon ng love. Kinikilig ako, diary!

Salamat diary, I love you!

Love,

Twynsta