Chapter 17 - 17

"YASSER, you're really here! Ang saya-saya kong makita ka ngayon, feeling ko magaling na ako, e." masayang sabi ni Hyoscine sa binata, saka nito hinawakan ang kamay ng binata.

Niyaya ni Twysnta si Yasser na magtungo sa bahay ng dalaga para dalawin ito pagkatapos ng kanilang PM class, hindi na nga nagtanong ang binata nang sa totoong bahay ng pinsan niya ito dinala. Bahala na kung ano'ng isipin nito.

Hindi na nakapasok sa klase si Hyoscine dahil natuluyan na ito ng lagnat at halos itakbo na rin kagabi sa ospital dahil sa dehydration, ngunit tumanggi ito dahil ayaw nitong maturukan ng gamot at nag-iiyak pa ito, kaya nga pumayag na itong kumain ng sopas kanina. Kinausap niya din ito na gagawin ang lahat nang makakaya niya tungkol sa naging usapan nila about Yasser, basta kumain lang siya.

At balak na rin niyang aminin ang lahat ng kasinungalingan niya kay Yasser bago umuwi mamaya ang binata, tutal nagiging kumplikado na rin ang totoong tirahan nila ni Hyoscine na hirap na rin niyang itago. Hindi deserve ni Yasser ng mga kasinungaling sa kabutihang ipinapakita nito sa kanila ng pinsan niya—lalo na sa kanya. He's a good man.

Gusto niyang isipin na baka may alam na ito sa katotohanan, pero imposible! Paano? Hindi pa naman sinasabi ni Hysocine ang katotohan sa pagpapanggap nila. Kailangan na niyang mag-ipon ng sapat ng lakas ng loob para sa gagawing pagtatapat mamaya.

"Balita ko kay Twynsta hindi ka daw kumakain, kaya dinalhan ka namin ng fruits, sana pilitin mong kumain kahit wala kang gana."

"Ngayong nakita na kita, may gana na uli ako." masayang sabi ni Hysocine.

"Kung gano'n kumain ka na," ani Yasser, saka nito kinuha ang soup na nasa bed side ng dalaga at ipinaharap dito. "Kain ka na."

"Subuan mo ako." nakangiting sabi ni Hysocine. Saka ito masayang ngumanga.

Mabilis namang bumaling sa kanya si Yasser, parang tinitignan kung ano ang magiging reaksyon niya, ngunit hindi siya nagpakita ng anumang emosyon—instead ay tumango at ngumiti siya sa lalaki para pagbigyan nito ang kahilingan ng pinsan niya, saglit pa ay sinubuan na rin nito si Hyoscine na tuwang-tuwa.

"Sa labas muna ako, dito muna kayo." Paalam niya.

"Sandali!" mabilis namang awat sa kanya ni Yasser. "We'll talk later, okay?" anito, tipid lang siyang tumango sa binata, saka tuluyang lumabas sa kuwarto ng pinsan, pero bago pa siya tuluyang nakalabas ay nginitian siya ni Hyoscine at sumenyas nang pasasalamat sa kanya, na tipid lamang niyang nginitian.

Napabuga siya ng hangin at nagpaalam sa tita at tito niyang babalik na sa bahay nila. Pagkadating niya sa bahay nila ay mabilis niyang tinungo ang kanyang kuwarto at nagpalit ng damit saka humiga agad sa kama. Hindi niya napansing nakasunod pala ang mama niya sa kanya.

"Ang tamlay mo yata ngayon anak." Naninibagong wika nito, dati-rati kasi ay maingay siya kapag dumarating sa bahay nila at mabilis na hapag-kainan ang tinutungo, kaya nanibago ang mama niya nang mas inuna niyang puntahan ang kuwarto niya.

"Pagod lang po, 'ma." Sagot niya.

Mabilis namang umupo ang ina sa bed side. "Nakita ko ang sasakyan ni chubby kid."

"Opo, na kina Hyoscine po siya dumadalaw."

"Ang lungkot mo, anak."

Pinilit naman niyang ngumiti sa ina. "Bakit naman ako malulungkot mama? Okay na okay po ako!" pinasigla niya ang kanyang boses.

"Pero hindi makakapagsinungaling ang mga mata mo."

Doon na siya sumuko at napabuntong hininga. "In love na po si Hysocine kay Yas, 'ma." Imporma niya.

"Hindi imposible anak, mabait at guwapong bata si Yasser." Sagot nito, saka ito bumuga ng hangin. "Dahil sa ginusto mong pagpapanggap, 'yan ang nangyari."

"Kaya hindi ko po masisisi si Hyoscine dahil ako naman po ang dahilan ng lahat," naiiyak na sabi niya. "Pero 'ma, magtatapat na po ako ngayong gabi kay Yasser."

"Talaga anak?" gulat na tanong ng mama niya.

"Salamat sa inyo ni papa at Arix dahil hindi n'yo ako ibinuko sa pagpapanggap ko, pero noon pa man gusto ko na ring sabihin ang lahat nang tungkol dito, nauunahan lang ako ng panghihina ng loob ko. Pero handa na po ako ngayon."

Tumango-tango ang mama niya. "Anuman ang mangyari, nandito lang kami sa likuran mo anak." Tipid itong ngumiti.

"Salamat po mama," aniya. Niyakap siya nito bago tuluyang umalis sa kanyang kuwarto, kapagdaka'y kumatok si Arix sa harapan ng kuwarto niya, nasa salas daw si Yasser dahil gusto siyang kausapin.

Lumabas siya sa kanyang kuwarto at bumaba patungo sa salas, niyaya niya ang binata na sa mini-garden na lang sila magpunta dahil may nais din siyang sabihin dito, kaya sabay silang nagtungo doon, presko at masarap ang simoy nang mababangong rosas na alaga ng mama niya doon. Naupo sila sa round table.

"Ano'ng gusto mong sabihin?" magkasabay nilang tanong sa isa't isa, saka sila napangiti. "Ikaw nang mauna." Aniya.

"Hindi ikaw na." sabi naman nito.

Umiling-iling siya. "Ikaw na." pagmamatigas niya, kaya tumango na lang din ito.

Tumikhim muna ito at humugot nang malalim na hininga bago ito bumuga ng hangin at muling bumaling sa kanya, seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa kanya, bigla tuloy siyang kinabahan. Nagulat pa siya nang mabilis nitong hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Twynsta, I like you!" ani Yasser na ikinalaki ng kanyang mata at ikinatigil nang pag-ikot ng kanyang mundo. "Please date me."

"A-Ano?"

"I'll promise that I will never cheat on you, no one will gonna try to steal me away from you because I'll never let that happen, I laugh at my own jokes, so, you don't have to force yourself to laugh whenever my joke is really well-worn, I'm fun to be with and I'll promise you that I'll always make you happy. I don't have lot of friends here, so, I can spend all my time with you."

"B-But Yasser—"

"No more 'buts' please, try to date me and if you get bored with me, I'll let you go—no, I'll try to be more funnier next time. I super like you, Twynsta and I'm really serious about you!"

"Mataba ako at mukhang balyena!"

"I said stop looking down on yourself."

"Hindi naman e, totoo lang ang sinasabi ko."

"Fine! I don't care whether you're a balyena or an alien or a mermaid, all I know is that I really really like you or maybe I already have fallen in love with you."

Kumabog ang puso niya at parang may daga at pusang naghahabulang sa kanyang dibdib. The super handsome Yasser Marta is in love with her? Is this a joke? But he looks very serious at hindi pa niya ito nakikitang gano'n ka-seryoso ang mukha nito.

"H-Hindi tayo bagay." Malungkot na sagot niya.

Napakunot ang noo nito. "Why?"

"Guwapo ka—"

"Maganda ka, matalino, mabait at masayahin and you're my dream girl!"

"Yasser..."

"Ang dami mong excuses, Twynie, hindi mo ba ako gusto?" gumuhit ang sakit sa mga mata nito. At saglit silang napatigil sa pagsasalita.

"I lied to you. I am a liar at hindi ako deserving para sa 'yo."

"Ano'ng kasinungalingan ang ginawa mo sa akin para hindi ka maging deserving para sa akin?"

Napalunok siya nang mariin at kinalma ang kanyang sarili. "I am that little girl... Twynie." Pagtatapat niya. "Ako talaga ang cute na si Twynine noon at bff mo no'ng grade school. At ang Twynie na nakilala mo ay si Hysocine, ang pinsan ko na pinangpanggap kong ako. Ayoko kasing makita mo akong nag-evolve from a cute little girl to balyena."

"I know." Sagot nito na muling ikinalaki ng kanyang mga mata. Ngumiti ito sa kanya at hinawakan nang magaan ang kanyang pinsgi. "You won't believe me, pero nang magpunta pa lang ako sa gadget shop niyo, alam kong ikaw na 'yon—naipahanap na kita agad sa private investigator at sa tulong ng lolo ko. Nagpasama lang ako sa pinsan ko na bumili ng phone niya, pero hindi naman talaga siya dapat bibili ng phone, sinamahan lang niya talaga ako para makita ka, kaso bigla akong nahiyang magpakilala," pagtatapat nito na sobrang ikinagulat siya at sa gulat niya ay na-speecheless siya. "Gladly, ang school na pinag-aaralan mo ay pagmamay-ari din ng kaibigan ng lolo ko, kaya doon ako nag-aral."

"Kaya din hindi mo ako binuko tungkol sa pagpapanggap ko bilang girlfriend mo dahil alam mong ako 'yon?"

Tumango ito at ngumiti. "Alam mo bang balak ko pa lang sanang makipag-close sa 'yo since hindi ko masabi na ako si Yas, the chubby kid in grade school, pero ikaw na ang gumawa ng way para magkalapit tayo, kaya nga nang gusto mo nang tapusin ang pagpapanggap natin ay hindi ako pumayag. Gusto ko pang mas lalong makipaglapit sa 'yo." Nakangiting sabi nito. "Ipinahanap ko sa PI ang home address mo at nakilala ko ang younger brother mo na kahawig mo, pero nagulat ako nang ibang tao ang ipinakilala mo sa akin na Twynie, hinayaan kita sa desisyon mong 'yon, pero umaasa ako na ipagtatapat mo din sa akin ang lahat kung bakit mo ginawang magpanggap na ibang tao, ngayon ay alam ko na ang lahat—to tell you honestly, walang nagbago Twynie, para sa akin ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa mga mata ko mula noon hanggang ngayon, my ever cute Princess." Anito. Saka siya nito mabilis na niyakap.

Sa sobrang sayang nararamdaman niya mabilis siyang gumanti ng yakap sa lalaki. Hindi niya kailanman inakala na mangyayari ang eksena ito sa pagitan nila ng lalaki. Magulo man ang nararamdaman niya ngunit nagagawa pa ring pakalmahin ni Yasser ang lahat. She really loves this man!

Oo, bata pa nga siguro siya para malaman ang tungkol sa love, pero kung ang pakiramdam nang hindi ma-explain na nararamdaman niya ay love—then she must really have fallen in love with him.

Kumalas si Yasser sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa kanyang noo. "It's really nice to meet you again, Twynie. Alam mo bang sobrang na-miss kita nang husto. Akala ko sa pagpapanggap mo, hanggang tingin na lang kita mayayakap, pero pwede palang ganito..." anito, saka siya muling niyakap nito at mabilis naman siyang gumanti. "Hindi ako tumingin sa ibang babae dahil noon pa man ay ipinangako ko na sa sarili ko na sa 'yo ko lang ilalaan ang puso ko—those girls? They were just after my handsome face, money and fame at hindi ko sila kailangan sa buhay ko dahil meron nang nakalaan sa puso ko noon pa man. I only look at you, Twynie, only you."

Kumalas siya sa pagkakayap dito at tipid na ngumiti. "Alam mo ba, no'ng una kitang makita sa shop namin, I was captivated by your charms, bl-in-eutooth ko pa nga ang picture natin sa phone ko at ginawang wallpaper, kaya nang hanapan ako ng boyfriend ng mga bully girls sa school, ipinakita ko ang larawan natin—hindi ko inaasahan na makikita pa uli kita." Nangingiting sabi niya, napangiti din ito.

"So, can I have a date with you?"

Saglit siyang natigilan. Masayang-masaya siya—pero paano si Hyoscine? May usapan sila nito. Hindi niya alam kung alin ang mas nangingibabaw sa nararamdaman niya ngayon, sobrang saya niya pero inaagaw din ang saya niya nang kalungkutan.

Pwede bang maging selfish kahit minsan? Tanong niya sa kanyang sarili. Bago niya nginitian at tinanguan ang lalaki.

"Yes!" masayang sagot niya Yasser saka siya niyakap nang mahigpit.