"MAY BATTLE of the band daw sa Saturday, excited na ako makapanood n'on."
"Ay kahit hindi ako payagan ng papa ko, magpupumilit talaga ako, ngayon na lang kaya ako makakapanood nang gano'n."
"May inaabangan akong banda e, 'yong the spongebob band, kinikilig na ako, sobra!"
"Ikaw Twynie, pupunta ka ba?"
Agad namang bumaling si Twynie sa mga kaklase niyang nakatingin pala sa kanya. Una, she was shocked dahil included pala siya sa usapan, pangalawa, friends na ba sila ng mga classmates niya? Well, lately ay hindi naman na siya binu-bully ng mga ito, baka in some ways, naisip din ng mga ito na masama talaga mam-bully ng kapwa, kaya tumino na.
"Hindi ko pa alam, e." sagot niya sa mga ito, saka siya tipid na ngumiti.
"Sabihan mo lang kami kung pupunta ka, para sabay-sabay na tayong magpunta sa school gym ha, para mas maaga, mas maganda." Sabi ng isang kaklase niya.
"Oo. Salamat." Nakangiting sabi niya. Saka uli naging abala ang mga ito sa pag-uusap. Napabuga siya ng hangin.
Apat na araw na simula nang huling makita at makausap niya si Yasser—sa hospital pa 'yon noon—hindi na niya ito nakikita sa school o hindi na ito nagte-text o tawag sa kanya para i-remind siya sa diet and exercise niya, gayunpaman, nasanay na rin ang katawan niya sa morning jogging at more veggies kapag kainan. Nang magtimbang siya last time, nabawasan na ang timbang niya ng seven kilos, so far, so good.
Pero hindi talaga niya maiwasang malungkot sa tuwing naaalala niya si Yasser. At ang balita niya kay Arix, nakita daw nito sina Yasser at Hyoscine na lumabas two nights ago, siguro ay para mag-dinner, na-discharge na ang pinsan niya three days ago at maayos na ang kalagayan nito, mukhang bumalik na uli ang sigla nito—sino ba naman ang hindi, nagamot na ang puso nito ng lalaking gusto nito—si Yasser, siya kaya, sino'ng gagamot sa kanya?
Muli siyang napabuga ng hangin. Nakakalungkot lang dahil hindi man lang ipinagpilitan ni Yasser ang sarili nito sa kanya o ipinaglaban ang nararamdaman nito para sa kanya, kung gano'n ay talagang nadala lang ito sa alaala nila no'ng mga kabataan nila at hindi talaga siya ang totoong itinitibok ng puso nito.
Kunsabagay na kay Hyoscine nga naman ang katangian ng isang girlfriend material, basta mag-aral lang ito at matutong magluto. Hindi pa nagpupunta si Hyoscine sa bahay nila o siya sa bahay nito, ang awkward lang kasi, kaya nagpapalipas muna siya ng oras hanggang sa tuluyan nang maghilom ang sugat sa puso niya.
Ang boring pala ng buhay niya kapag wala si Yasser sa paligid. Ang guwapong lalaki na seryoso ngunit mas madalas makulit at masayahin. Ang ayaw na ayaw kay Justin Bieber pero kapag kasama siya ay napapakanta ng Justin Bieber dahil favorite niya, ang mga mata nitong laging sa kanya lang nakatingin despite of pretty girls around him, his hugs and kisses on her forehead and healthy living advices. She really had missed him so much!
Missing him makes it harder to fall asleep at night. Kumusta na kaya ito? Kumusta na kaya ito at si Hyoscine? Kung masaya ang mga ito, ibig sabihin ay tama siya nang ginawa. So, okay lang masaktan at ma-miss ito dahil nakatulong siyang makabuo ng isang tunay na pag-ibig. Na-realize din siguro ni Yasser na mas bagay ito sa pinsan niya at mas maganda kasama si Hyoscine kaysa sa kanya. Masakit pero real talk!
At kung meron siyang napatunayan sa sarili niya dahil sa nangyari sa buhay niya—'yon ay pagiging mapagparaya para sa kaligayahan ng iba, hindi niya kayang maging selfish para sa kanyang sarili, mas gusto niyang siya ang nasasaktan kaysa makita ang isang mahal sa buhay na nasasaktan dahil sa kanya. Ayaw niyang tawaging ka-martyr-an 'yon, mas gusto niya 'yong tawaging unselfishness.
Mas malakas pala ang damdamin niya kaysa sa inaasahan niya. Mas kaya niyang i-handle ang sarili niya at mas lumakas ang loob niya sa mga ganitong usapin. Siguro ay hindi na niya matatagpuan ang klase ng kaligayana na na matatagpuan lamang niya kay Yasser, pero maaari pa naman siyang sumaya sa ibang dahilan, alam niyang makakaya din niya maging masaya uli tulad nang dati.
ANG BORING nang mag-isang kumakain kapag meryenda break, kaya nagulat siya nang magsiupuan ang tatlo sa mga kaklase niyang kumakausap sa kanya sa bench na kinauupuan niya, napansin daw kasi ng mga ito na lately ay malungkot siya at wala si Yasser, kaya naisipan ng mga itong lapitan siya, napangiti na lang din siya.
Tinanong niya ang mga ito kung magkakaibigan na ba sila? Kaya nang mabilis sumang-ayon ang mga ito ay tuwang-tuwa siya. Ang babaw siguro ng dating niya para sa ibang mga tao, pero masayang-masaya talaga siyang malaman na may kaibigan na siya sa school. May kasama na rin siya kapag magla-lunch.
PAPASOK na siya noon sa loob ng bahay nila nang may tumawag sa pangalan niya—si Hyoscine na mabilis nakalapit sa kanya. Kukumustahin sana niya ito nang mabilis siyang niyakap nito nang mahigpit.
"I'm sorry." Malungkot na sabi nito. Siguro ay naisip din nito na nasaktan din siya sa mga nangyari at sa pagpaparaya kay Yasser. "I really really super like Yasser Marta so much," anito, saka ito kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "Ikaw, bakit mo gusto si Yasser?" kapagdaka'y tanong nito.
Hindi siya agad nakasagot sa pinsan, ngunit hindi yata siya nito tatantanan hangga't hindi niya ito sinasagot. "H-Hindi ko alam, pero hindi naman na 'yon mahalaga dahil kayo na..."
"Ako gusto ko siya dahil mabait siya, guwapo at smiling face." Anito. Nagtataka siya, bakit ba kailangan pa nitong sabihin 'yon sa kanya. "He asked me for dinner last time," kuwento pa nito, naisip niyang iniinggit ba siya nito? "At nag-usap kami nang masinsinan, ipinakilala din niya ako sa pinsan at—"
"Gusto ko nang magpahinga, Hyoscine, I'm sorry." Aniya, hindi na niya ito hinintay na muling magsalita dahil tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng bahay nila hanggang sa kanyang kuwarto at tuluyan nang nahiga sa kama, hindi siya napagod physically, pero emotionally sobrang pagod na pagod na siya.
KINABUKASAN ay maaga siyang nagising para sa early jogging niya at nagulat na lang siya nang paglabas niya ng pintuan ng bahay ay natanaw niya ang isang pamilyar na itim na sasakyan sa labas ng gate nila—sasakyan 'yon ni Yasser! Naisip niyang baka maaga lang nitong dinadalaw ang pinsan niya, parang may kaunting kumurot sa puso niya, pero in time soon, makaka-get over din siya, sana... sana...
Ikinabit niya ang magkabilang earpiece para makinig ng music at nang makalabas siya ng gate ay nag-jogging na siya agad. Iikutin lang niya ng limang beses ang park tulad nang dati. Ngunit napansin niyang tila may nakasunod sa kanya, kaya bumaling siya sa likuran niya, nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Yasser na nakasunod sa likuran niya.
Mabilis siyang umayos ng tingin at ramdam niya ang biglang pagkabog ng puso niya—saglit na nagulo ang sistema niya dahil sa lalaking nasa likuran niyang katulad niya ay naka-execise attire din—pero ano'ng ginagawa nito? Bakit ito nag-e-exercise kasama siya? Nasaan si Hyoscine? Gustuhin man sana niyang lumingon uli para tanungin ito kung nasaan ang kasama nito, ngunit nanatili na lamang siyang focus na tinatakbuhan niya, pero ramdam na ramdam pa rin niya ang weird na nararamdaman ng puso niya.
Habang abala siya sa pagjo-jogging, nagulat na lang siya nang umagapay sa kanya ang lalaki at binati siya nito—kinuha din nito ang kaliwang earpiece at inilagay sa tainga nito.
"Y-Yasser!" aniya.
"Kumusta?" nakangiting tanong nito sa kanya.
All of a sudden ay biglang nanlambot ang pakiramdam niya sa sobrang pagka-miss sa lalaking ito—lalo na ang mga ngiti nito sa kanya. Ngunit hindi na niya ito maaaring pangarapin dahil may ibang babae na sa buhay nito.
"M-May usapan ba kayong magjo-jogging ni Hyoscine? Parang hindi ko siya nakikitang kasama mo?" nagtatakang tanong niya. "B-Baka makita niya tayo, akin na 'yang earpiece ko—" akmang aabutin niya nang hindi ito pumayag. "Yasser!"
"Nandito ako hindi para kay Hyoscine kundi para sa 'yo."
"Ano?" gulat na tanong niya.
Ngumiti ito at mabilis na humarang sa harapan niya, kaya tumigil siya sa pagtakbo. "After all this time, I still miss you each day. No one in this world can describe how much I really missed you. We're still young to talk about this, but our hearts can feel it. Love can happen many times but true love only happens once in a lifetime, at hindi ko hahayaan na mapakawalan ko pa ang chance na 'yon, Twynie, minsan ka lang dumating sa buhay ko and I won't let go of you."
"Yasser, alam mo ba ang mga sinasabi mo?"
"Of course, I love you, Twynie, mula noon hanggang ngayon at hindi 'yon kailanman mababago ng sinuman."
"What are you talking? Si Hyoscine?"
"Nang araw na iniwan mo ako sa hospital at sinabing mas bagay kami ni Hyoscine at hinayaan mo ako sa pinsan mo, susundan sana kita para malaman ang buong katotohan kung bakit bigla kang nagbago, pero naisip kong si Hyoscine na lang ang kausapin dahil malaki ang kinalaman nito. At sinabi nga niya sa akin na nakiusap siya sa 'yo na gumawa nang way para magkagusto ako sa kanya." Imporma nito sa kanya, saka ito napabuga ng hangin. "Ngunit nang araw ding 'yon ay sinabi ko sa kanya na kahit kailan ay hindi na mababago ang puso ko—na ikaw lang ang laman. Hindi kita pinuntahan o nakipagkita sa 'yo para kausapin si Hyoscine at ipaliwanag sa kanya nang mabuti ang totoong nararamdaman niya para sa akin—ramdam kong infatuated lang siya sa akin—na gusto lang niya ako dahil sa isa o dalawang rason and she really didn't love me. Ipinaintindi ko sa kanya ang ilang mga bagay-bagay, naipakilala ko siya kay Brain and asked her for a dinner outside, hanggang sa nakuha din niya ang gusto kong ipaliwanag sa kanya—she was really just infatuated—and the funny thing was, she was also infatuated with Brain right now..."
"Crush din ni Hyoscine si Brain?" gulat na tanong niya.
Mabilis itong tumango. "Sinabi niya sa akin, o baka nga daw mas crush niya si Brain kaysa sa akin, mas magkasundo silang dalawa no'ng nagkausap sila at mas palangiti si Brain, so, mas gusto niya si Brain."
Napanganga siya. So, nag-let go at nag-drama lang pala siya sa wala. Mabilis din palang ma-shake ang feelings ni Hyoscine, may pa-drama-drama pa ito last time. O baka nga pagod lang ito emotionally dahil sa break up at rejection nito, kaya ito na-stress nang sobra. But now, may bagong crush na naman ito sa katauhan ni Brain.
Wait, baka nga ito ang gustong ipaliwanag ni Hyoscine last time kaya lang hindi niya pinakinggan dahil nangibabaw ang selos sa kanya? Lihim siyang napailing.
"I don't wanna rush things naman, Twynie, pero gusto ko muling ibalik ang friendship natin ten years ago, gusto ko mas maging closer tayo at makilala natin lalo ang mga sarili natin, at kapag alam nating handa na tayo sa commitment, then, let's go with the flow. Pero isa lang ang masisiguro ko sa 'yo—hindi na kailanman mababago ang nararamdaman ko para sa 'yo." Nakangiting sabi nito. "Saka naging abala din ako lately dahil tumulong ako sa pag-aayos ng bahay sa pagdating nina mommy at tito Nick, dumating na sila sa bahay kahapon at sinundo namin sila ni Lolo at lola, ngayon nga ay gusto nilang dumalaw sa bahay ninyo para makita ka at ang parents mo, naikuwento ko kasi kayo kay mommy at naging malapit din naman sila ng mama mo noon, so, gusto uli makita ni mommy ang mama mo."
"Wow!" masayang sabi niya. "Reunion na 'to!" nakangiting sabi niya.
"At maagang pamamahikan." Natatawa pang biro nito. Nagulat siya nang mabilis siyang ikinulong sa mga bisig nito. "I really missed you so much, Twynie."
"Na-miss din kita nang husto, Yas!" gumanti siya nang yakap dito.
"Punta ka sa satuday at manood ng battle of the bands, ah!" mayamaya ay sabi nito.
"Bakit? Pupunta ka ba?"
Mabilis itong tumango. "Isama mo sina Hyoscine at Arix tapos sabay-sabay ko na kayong susunduin."
"Pwedeng outsiders?"
Ngumiti ito. "Pwede para sa lahat nang gustong manood."