"NASAAN NA ba si Yasser, basta na lang tayong iniwan dito sa upuan natin, hindi pa niya nasasagot ang tanong ko kung pupunta din ba ang pinsan niya dito, e." maktol ni Hyoscine.
Napailing-iling naman siya. "Ang lakas yata ng tama mo kay Brain, hay naku, infatuation lang uli 'yan!"
"Hindi!" mabilis na sansala nito sa kanya. "Infatuation ang naramdaman ko para kay Yasser—kasi alam ko ang mga dahilan kung bakit ko siya gusto, pero kay Brain, hindi ko alam kung bakit ko siya gusto—parang ikaw kay Yasser." Anito.
"Talaga?" naguguluhang tanong niya.
"Oo, promise!" nagtaas pa ito ng isang kamay. "Na-stressed lang talaga ako kay Aston at kay Yasser dagdag na rin ang aralin sa school noon kaya ako nagkasakit, pero hindi 'yon dahil lang kay Yasser, mas na-stress pa rin ako dahil sa school work, ang hirap pala talagang mag-college." Naiiling na sabi nito.
"Hindi ka naman kasi nag-aaral, e." singit naman ni Arix.
Mabilis naman itong binatukan ni Hyoscine. "Oo na, alam ko naman 'yon e, kaya huwag ka nang maingay, nakakahiya sa mga tao." Pabulong na sabi nito. Nasa harapang bahagi sila stage, sa bandang second row.
Nang makarating sila sa school gym kanina ay marami ng mga tao, katabi rin niya ang ibang mga kaklase niya noon at excited na manood ng battle of the bands. Naghiyawan na ang lahat nang magsalita ang host na magsisimula na ang kompetisyon. Nagtataka siya dahil wala pa rin si Yasser.
ALL THE FOUR bands did an amazing performance. Halos mayanig ang buong gym sa sobrang ingay ng mga manonood dahil sa astig performances ng mga banda. Hanggang nang mga sandaling 'yon ay wala pa rin si Yasser, hindi na nito napanood ang kompetisyon. Hindi rin niya ma-contact ang phone nito.
Abala siya no'n sa phone niya nang muling magsalita ang host ng event, may ipinakilala itong mag-i-special number—at gano'n na lamang mabilis napatutok ang kanyang atensyon nang tawagin ng host ang pangalan ng lalaking kanina pa niya tinatawagan.
"Ladies and gentlemen, Mr. Yasser Marta of the Chemical engineering department!" Nagsigawan at nagtilian naman ang mga kababaihang naroon, panay tukso at sundot naman ng mga katabi niya sa kanya.
May special number si Yas? Nagtatakang tanong ni Twynie sa sarili, at itinuon na lamang ang atensyon sa lalaking nasa stage.
"My friends say I'm fool to think that you're the one for me, I guess I'm just sucker for love. 'Cause honestly the truth is that you know I'm never leaving 'cause you're my angel sent from above..." napangiti siya nang maluwang at mabilis na tumibok ang puso niya nang marinig niyang kinakanta ng binata ang 'Love Me by Justin Bieber' in an acoustic guitar version. Sobrang kilig na kilig siya—'yong tipong halos maghihihiyaw na siya sa sobrang kaligayahan. "...Love me, love me, say that you love me, fool me, fool me, oh how you do me, kiss me, kiss me, say that you miss me, tell me what I wanna hear, tell me you love me..."
Habang nag-i-strum ito ng gitara nito ay bigla itong nagsalita. "Inaalay ko ang awiting ito sa nag-iisang babae sa puso ko, the avid fan of JB and the only love of my life." Nakangiting sabi nito, saka ito muling kumanta. Naghiyawan naman ang mga tao—nang bumaling ito sa kanya ay ngumiti ito sa kanya at kumindat. Kaya hindi niya napigilang mapangiti—tuksuan tuloy ang mga kasama niya na nasa tabi niya. Eh, ikaw ba naman ang haranahin ni Yasser ng paborito pa niyang JB song, aba quota na siya sa kilig.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabilis nitong inilapag ni Yasser ang gitara nito sa sahig at naglakad ito pababa ng stage, kumabog ang puso niya nang nakatingin ito ng diretso sa kinaroroonan niya—balak yata siyang puntahan nito. Nanginig ang kalamnan niya at nagulat na lang siya nang nakangiti siyang hinila nito paakyat sa stage.
Saka uli ito nagpatuloy sa pagkanta habang nakatingin ito sa kanya. Para siyang hinaharana nito sa harapan ng maraming taong manonood, hiyawan at tilian tuloy ang mga manonood nila na animo'y kinikilig sa kanilang dalawa, pakiramdam tuloy niya ay napakaganda niya nang mga sandaling 'yon dahil gano'n ang ipinaramdam ng binata sa kanya.
"...Love me, love me, say that you love me, fool me, fool me, oh how you do me, kiss me, kiss me, say that you miss me, tell me what I wanna hear, tell me you love me..." nakangiting pagkakanta nito.
"I love you." Nakangiting bulong din niya.
Mabilis nitong ipinatalikod ang gitarang nakasabit sa katawan saka siya mabilis na niyakap. "And I so much love you too, Twynie." Anito, saka siya hinalikan sa kanyang noo.
"BASTA sundin n'yo po 'yong instruction na sinabi sa inyo ng doctor kanina at huwag niyo pong kalimutang na after meals po ang pag-inom ng gamot." Nakangiting bilin ni Twynsta sa isang pasyente bago siya tuluyang nagpaalam sa ginang.
After five years sa wakas ay isa na siyang ganap na Nurse ngayon sa isang government hospital sa bansa, for a year now, mula nang makapasa siya mula sa Nursing licensure examination. Dahil sa sipag at tiyaga sa pag-aaral ay nagbunga ang pagod at pagsasakripisyo ng mga magulang niya para sa kanya, she also graduated as cum laude.
Si Arix naman ay nasa fourth year college na rin sa limang taong kursong chemical engineering na na-inspired kay Yasser na ngayon ay isa na ring ganap na chemical engineer sa isang successful electronic industry sa bansa, three months after passing the board exam.
Nagtapos din ang binata with the degree of cum laude at ikalimang anibersaryo na rin nila ngayong taon. Na-meet na rin nila at nakasalo-salo sa isang dinner ang pamilya ng bawat isa at kasundong-kasundo nila ang bawat isa sa miyembro ng pamilya.
Si Hyoscine rin ay nakapagtapos ng pag-aaral at dahil sa sipag at tiyaga ay kasalukuyan na rin itong guro sa isang pampublikong paaralan pagkatapos nitong makapasa ng board exam this year at gladly, nakilala na rin ito ang totoong lalaking para dito, sa katauhan ni Brain, na isa na ring Engineer. Yes, nagkatuluyan ang dalawa na hinding-hindi niya kailanman naisip na seryoso na pala ang dalawa, sabagay, love moves in mysterious ways.
Dahil rin sa sipag at tiyaga ni Yasser para tulungan siya sa araw-araw na pag-e-ehersisyo at healthy diets ay naging one hundred ten pounds na lamang siya ngayon mula sa two hundred pounds dati. Hindi niya inakala na papayat pa siya dahil sa nakakatuksong mga pagkain, pero wala talagang imposible sa pusong nangangarap.
Ngayon ay mas lalong umangat ang self confidence niya—pero marami siyang natutunan no'ng mga panahon na sobrang chubby pa niya; dapat ay mahalin at huwag ibaba ang tingin sa sarili at syempre pa, maniwala sa kakayahan ng true love. Dahil kahit chubby pa siya—meron isang Yasser Marta ang nagmahal sa kanya nang totoo.
Break time noon nang makatanggap siya ng tawag mula sa kasintahan, nasa labas daw ito ng hospital at hinihintay siya, kaya mabilis niya itong pinuntahan, nakita niya ang binata na nakatayo sa harapan ng sasakyan nito at nang makita siya ay mabilis itong lumapit sa kanya.
Mula sa likuran nito ay inilabas nito ang isang bouquet ng pink roses na paborito niya, saka nito inabot sa kanya.
"Happy weeksary, my love, I love you so much." Nakangiting bati nito sa kanya, saka siya mabilis niyakap at hinalikan sa kanyang noo. "I'll never get tired of greeting you weekly." Nakangiting sabi nito. "And I know I did right when I gave my heart to you, fifteen years ago." Masayang alaala nito.
Napangiti naman siya at kinilig. Sa limang taon nila together, walang time na nakalimot ito para bigyan siya ng pink roses para sa kanilang weeksary lalo na kapag monthsary at anniversary. He's still sweet as ever, habang tumatagal ay mas lalo pa itong nagiging sweet, cheesy and corny kaya love na love pa rin niya ito at ito rin naman sa kanya.
"Happy weeksary too, my love and I love you too." Nakangiti ring bati niya. "And I also love all about you and I'm happy that you came into my life." Masaya ding sabi niya.
Nagulat at napangiti na lang sila nang makarinig sila nang masigabong palakpakan mula sa mga watchers, patients na nakasakay sa wheel chairs, doctors at iba pang mga empleyado sa hospital na noon ay nanonood pala sa kanila.
Kumaway at nginitian na lamang nila ni Yasser ang mga tao sa paligid, saka niya mabilis hinila ang binata patungo sa canteen, nagugutom na kasi siya.
DEAR DIARY,
Hindi ko akalain na habang tumatagal ang panahon ay mas lalo kong nare-realize kung gaano ako kasaya at ka-blessed na mayroon akong pamilyang tulad ng pamilya ko at ng lalaking katulad ni Yasser na magmamahal sa akin. Wala na akong iba pang mahihiling kundi patuloy na kaligayahan at kalusugan para sa lahat.
Love truly makes anything possible and true love does not have a happy ending because true love never ends. Kaya road to forever na 'to!
Salamat diary, salamat for always being with me, forever na rin 'to, ha? I love you!
Love,
Twynsta
WAKAS