Chapter 18 - 18

KINABUKASAN, pagkatapos ng PM class ni Twynsta ay sinundo siya ng binata sa classroom nila, tinukso nga sila ng mga kaklase niya dahil napapadalas nang nakikita ng mga ito ang pagsundo-sundo sa kanya ng binata, masyado daw silang makeso at nainggit ang mga ito.

Niyaya siya ni Yasser na mag-stroll saglit sa mall at habang naglalakad sila ay bigla na lang itong humawak sa kamay niya, pinilit niyang hinila 'yon dito dahil nakakahiya sa mga taong nakakakita sa kanila, pero hindi nito hinayaan, kaya sa huli ay napailing na lang siya ngunit sobrang kilig na kilig at masayang-masaya siya.

Nag-foodtrip sila, naglaro ng videogames sa arcade, pumasok sa bookstore para magtingin-tingin ng bagong release books, nagpunta sa department store para mag-window shopping at kung saan-saan pa. Nag-early dinner sila sa isang grilled resto—ngayon lang daw sila kakain ng meats, next time daw ay babalik na uli sila sa veggies, saka sila dumiretso sa cinema house. Kinikilig nga siya dahil hindi nito mabitiw-bitiwan ang kanyang kamay, para naman siyang mamahaling diyamante na anumang oras ay nanakawin sa pagkaka-secure nito sa kanya.

Napili nila ay isang romcom movie. At habang nanunood sila ay tawa sila nang tawa, nakaakbay pa nga si Yasser sa kanya at sa tuwing tumatawa ito ay humahalik din sa sintido niya. Feeling tuloy niya ay humu-hokage move ito, mabuti na lang at mahal naman niya ito at alam niyang masayang-masaya lang din ito dahil after ten years ay muli silang nagkasama.

Nang makalabas sila sa sinehan ay nakangiti pa rin silang dalawa. The movie was great and really funny o masarap lang talaga ang company ni Yasser? Both!

"I forgot to tell you, nag-skype pala kami ni Mom last time, kasama si tito Nick at nagkakuwentuha kami, nabanggit din kita." Nakangiting sabi nito, na ikinatuwa niya. "Nakilala na din nina lola at lola si tito Nick."

"I'm happy for you." Nakangiting sabi niya.

"Ito ay dahil sa 'yo."

"Ako?" nagtatakang tanong niya.

Tumango ito at ngumiti. "You gave me courage and you enlightened my mind."

Napangiti naman siya. "My pleasure to help."

Nang makarating sila sa parking lot at mabilis siyang pinagbuksan nito ng pintuan sa passenger's seat at nang makaupo na siya at ito na rin mismo ang nagkabit ng seatbelt niya, saka ito agad nagtungo sa driver's seat at tuluyan na silang umalis sa lugar. Nasa biyahe na sila no'n nang saglit nitong inihinto ang sasakyan sa isang tabi.

"I wanna watch the stars with you." Nakangiting sabi nito, kasabay niyon ay bumukas ang bubong ng sasakyan nito at tumambad na nga ang naggagandahang mga bituin sa kalangitan.

"Wow!" hindi niya napigilang sabi. Naramdaman niyang hinawakan ni Yasser ang kamay kaya mabilis siyang bumaling sa lalaki, hinalikan nito ang ibabaw niyon at ngumiti sa kanya.

"I'm really blessed to be with you right now. Ang saya-saya ko dahil malaya ko nang nagagawa ang mga gusto kong gawin sa 'yo dahil hindi ka na nagpapanggap na sinuman."

"Masayang-masaya din akong makasama ka ngayon at makita uli after ten years, akala ko hindi na tayo magkikita at nakalimutan mo na ako since wala naman tayong naging komunikasyon."

"But believe me, walang araw na hindi kita naalala. I always have your picture with me," anito, saka nito inilabas sa wallet nito ang larawan nilang dalawa no'ng nasa grade one sila, ang chubby pa nito noon at ang cute pa niya noon. "May ten years na din ang picture na ito sa akin at paiba-iba na ito ng wallet ko na napupuntahan." Nakangiting sabi nito.

"Wala akong picture natin na ganyan, ito lang ang meron ako," aniya, saka niya rin inilabas ang seven years old picture niya. "Ang cute ko pa noon, 'no?" nakangiting sabi niya.

"Hanggang ngayon pa rin naman." Nakangiting sabi nito. "If you like, mag-swap tayo ng pictures? May ganito pa akong isang picture sa bahay, e." nakangiting deal nito.

"Sure!" mabilis din naman niyang payag, may gano'n pa rin naman siyang picture sa photo album niya, e. Kaya nagkapalitan sila ng picture. Saglit pa silang nanatili doon para mag-stargazing at magkakuwentuhan ng nakaraan bago siya inihatid pauwi.

Nang makarating sila sa tapat ng bahay nila ay mabilis itong bumaba para pagbuksan siya ng pintuan, nagpasalamat naman siya at ngumiti dito. Nagkapaalam na sila sa isa't isa at akmang papasok na ito sa kotse nito nang pigilan niya ito.

"Sweet dreams, Yas, ingat!" nakangiting sabi niya.

"Sweet dreams, my Princess, good night." Nakangiting sabi naman nito, bago tuluyang pumasok sa sasakyan at mabilis nang umalis.

Napangiti siya at kinilig. Hindi niya inakala na gano'n pala kasarap sa feeling nang ma-in love. Palibhasa ay ito ang unang beses niyang magkagusto sa isang lalaki—nang totohanan, panay crush lang naman siya sa iba at imaginary lang naman kay JB, pero ngayon ay sorry JB na lang, dahil mukhang may iba ng naghahari sa puso't isipan niya.

Akmang papasok na sana siya sa gate nila nang biglang may tumawag sa pangalan niya kaya mabilis siyang bumaling—si Hyoscine, na noon ay naglalakad palapit sa kanya. Nakasuot pa ito noon ng pajamas at kagagaling lang nito sa halos isang linggong pagkakasakit.

Mabilis niya itong nilapitan para alalayan. "Bakit ka lumabas ng bahay ninyo? Mamaya mahilo ka." Aniya.

"Akala ko ba gagawin mo ang lahat nang makakaya mo para matulungan mo ako kay Yasser, pero bakit parang iba naman ang nakikita ko?" malungkot na sabi nito, saka nito mabilis hinila ang kamay nito na hawak niya. "Nagtapat ka na sa kanya na ikaw si Twynie, 'di ba? Kaya ba nakalimutan mo na rin ang usapan natin?"

"H-Hyoscine."

Tumulo ang luha sa mga mata nito. "Sabagay, uunahin mo naman talaga dapat ang sarili bago ang iba, doon ka masaya, e." anito. Hindi siya agad nakasagot dito. "Kasalanan mo ang lahat nang sakit na nararamdaman ko, Twynie, kung hindi mo ako pinagpanggap na ikaw at nakilala si Yasser, hindi naman ako magkakaganito, e."

"I'm sorry."

"Masakit na masakit na ang ulo at puso ko, iniwan ako ni Aston, inayawan ako ni Yasser, ano'ng mali sa akin? Bakit hindi nila ako kayang mahalin?" naiiling na sabi nito, saka ito nagtatakbo pabalik sa bahay nito.

KINABUKASAN ay nalaman ni Twynsta sa papa niya na itinakbo daw sa opsital ang pinsan niya dahil nakita itong nakahandusay sa loob ng kuwarto nito—nawalan daw ito ng malay dahil sa labis na panghihina at stress. Sa sobrang pag-aalala niya ay napaliban siya sa unang klase niya para bisitahin ang pinsan niya, nadatnan niya ito sa suite room hospital bed at pinipilit na pinapakain ng mama nito, kaya mabilis siyang lumapit sa mga ito at sinabing siya na ang magpapakain sa pinsan niya at dahil may gusto din siyang sabihin dito.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ni Hyoscine sa kanya.

"Kung ipaparaya ko ba ang pag-ibig ko, hindi ka na magkakaganito?" tanong niya.

Bigla itong natigilan at napatitig sa kanya. "G-Gagawin mo 'yon?" tanong nito.

"I don't wanna see you sad at kasalanan ko naman ang lahat ng ito." Aniya, saka pinatatag ang kanyang sarili. "Tatawagan ko si Yasser at papunpuntahin siya dito after PM class. Just promise me na magiging okay ka na."

"You don't love Yasser?"

Mahal na mahal niya ito, ngunit naisip din niyang mas bagay naman ang dalawang ito kung tutuusin. Marahil siya ang gusto ni Yasser ngayon, pero hindi naman mahirap magustuhan si Hysocine kapag madalas na itong nakakasama ng binata. Magiging maayos din ang lahat.

KINAHAPUNAN, after class ay sinabihan ni Twynsta si Yasser na dinala si Hyoscine sa Hospital kaya sabay na silang nagtungo doon, ngunit papasok na sana sila sa loob ng kuwarto ng dalaga nang pigilan niya ang braso nito.

"Can I ask you big favor?" aniya.

Nagtatakang napatitig ito sa kanya. "Sure! Ano 'yon?"

"Can you take care of my cousin until she gets better?" tanong niya, hindi agad nakasagot ang binata. "She likes you a lot! At kaya siya nagkakaganyan dahil sa kagagawan ko, dahil kung hindi ko siya pinilit na magpanggap na ako, hindi siya magkakagusto sa 'yo, ako ang may kasalanan ng pagkakasakit niya."

"What do you mean?" kunot-noong tanong nito na tila nahuhulaan na ang gusto niyang sabihin.

"Hindi siya mahirap mahalin, Yas, at mas bagay kayong tingnan ni Hyoscine kaysa sa akin, kaya sana i-consider mo siya."

"Pinagtutulakan mo ba ako sa pinsan mo?" nagtatakang tanong nito.

"Please take care of her and I wish you the happiness." Aniya, akmang aalis na siya nang mabilis itong nakaharang sa daraanan niya.

"I don't get you."

"Mas bagay kayo ni Hyoscine, you'll two get along well, kilalanin mo siya."

"I thought you love me." Hindi siya nakasagot. "So, paano tayo?"

"I'm sorry." Aniya, saka na niya ito iniwan at nagmamadaling sumakay ng elevator. Hindi na rin niya napigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata dahil sa sakit na nararamdaman niya. After all, mas nanaig pa rin ang pagiging selfless niya.

DEAR DIARY,

Tama ba ang mga ginawa ko? I let go of the man I love for the sake of my cousin, pero mas bagay naman sila, 'di ba? I should be happy dahil naging match maker ako at natulungan ko pa ang pinsan ko sa minimithi ng puso niya—pero ang sakit-sakit ng puso ko! Pakiramdam ko ay halos mamatay na ito sa labis na kalungkutan. Ito ang consequence sa lahat nang pinaggagagawa ko.

Diary, ano'ng gagawin ko? I feel so incomplete without Yasser. I don't know why they call it heartbreak. It feels like the other part of my body is broken too. I'm sorry, Yasser, but I think you deserve a beautiful girlfriend. I love you so much but I am no match with you.

Diary, pahinging hugs.

Love,

Twynsta