Chapter 16 - 16

Inabala na lang niya ang sarili sa pakikinig ng mga kanta sa phone nito. Iba-iba ang genre ng mga kanta nito, the melody and lyrics were impressive and his voice was perfect! Nakaka-in love! Parang kapag pinapakinggan niya ang kanta at boses nito, parang gusto na lang niyang mahiga sa kama habang nag-iimagine ng mga nakakakilig na eksena kasama ang binata.

May mahigit isang oras din silang nag-jogging, saglit silang naupo sa isang bench para magpahinga at magkakuwentuhan at kapagdaka'y bumalik na rin sila sa bahay nila. Lalagpasan na sana nila ang bahay nila nang lumabas ang papa niya mula sa gate para magtapon ng basura, nanlaki tuloy ang mga mata niya dahil baka kung ano'ng isipin ni Yasser—na bakit nandoon sa bahay na 'yon ang papa niya samantalang ang alam nito ay nakatira sa kabilang bahay.

"Good morning po, tito." Nakangiting bati ni Yasser sa papa niya na ginantihan naman agad.

"Nag-jogging kami, 'pa, tutulungan daw po ako ni Yas na pumayat." Imporma niya sa mapanuksong mga titig ng papa niya.

"Kung gayon, pumasok na kayo sa loob, naghahanda na ang mama mo ng agahan." Sabi ng papa niya, saka ito pumasok sa loob ng bahay. Napakagat siya sa ibabang labi niya, ang hirap talagang magpanggap! Sana ay hindi siya mabuko dahil magtatapat naman na siya, e, soon!

"Ahm, wala kasi sina tito at tita, kaya sina mama at papa ang nagbantay dito sa bahay nila." Palusot niya sa kasamang lalaking mukhang malayo namang magduda sa iniisip niya. Lihim siyang napailing saka niyaya itong pumasok sa loob ng bahay. Naabutan niyang naghahanda na ng agahan ang mama niya—nagulat pa nga ang mama niya dahil maaga daw siyang nagising.

Nag-oatmeal and fruits siya para sa breakfast habang ang binata ay nag-hotdog, itlog at sinangag at bago pa ito tuluyang umalis pagkatapos nitong makipah-agahan sa kanila ay saglit munang nakipag-kuwentuhan ito sa mga magulang niya at may inabot din itong CD for fitness exercise sa kanya, gawin daw niya 'yon tuwing umaga at tingnan niya ang mga kinakain niya—for healthy living. Mabuti na lang at 'di na ito nagtanong tungkol sa ginagawa nila sa nakilala nitong bahay nina Hyoscine—ni hindi nga nila na-topic ang pinsan niya o ang kagustuhang makita ng binata si Hyoscine.

"Mukhang alagang-alaga ka ni Chubby kid, ha." Nakangiting tukso ng mama niya sa kanya.

"'Ma, ako na ngayon ang chubby kid, sexy na si Yas ngayon," nakangiting sabi niya.

"Asus! May kinikilig na bata." Sabi uli ng mama niya.

"Hindi naman bawal magka-crush anak, basta hindi ka nagpapabaya ng pag-aaral." Singit ng papa niya.

"Naman, 'pa! Gagawin ko siyang inspirasyon para mas lalo kong mapagbuti ang pag-aaral." Nakangiting sabi niya, alam na rin naman ng mga ito na crush niya si Yasser, so, bakit pa niya itatago ang nararamdaman sa mga ito? Napangiti na lang siya.

Nagtataka siya kung bakit hindi yata nagpunta ngayong agahan si Hyoscine sa kanila? Eh, kapag weekends naman ay nangunguna ito sa hapag-kainan nila. Mabilis siyang nagtungo sa bahay ng pinsan at napag-alaman niya sa mama nito na may sakit daw ito at isang araw na daw walang ganang kumain, kaya mabilis niya itong pinuntahan sa kuwarto nito.

Gising ito at nakangitin lang sa kisame, putlang-putla ang mukha nito at mukhang nanghihina. "H-Hyoscine..." agaw-atensyon niya dito. Hindi siya nilingon nito, kaya dahan-dahan siyang naupo sa bed side nito. "Okay ka lang ba?" tanong niya.

"No." mabilis namang sagot nito.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo? Bakit ayaw mong kumain?" aniya.

"I asked Yasser last time to go out with me," anito, saka ito dahan-dahang umupo sa kama. "And I confessed everything about my feelings, but you know what his answer was?"

"A-Ano?"

"Na may nagugustuhan na daw siyang ibang babae." Kumabog ang puso niya sa nalamang sinabi ng pinsan niya. Kaya ba hindi nila na-topic ni Yasser si Hyoscine kanina? "I'm so broken, Twynie, hindi ko kayang pati si Yasser mawala sa akin. Help me."

"Hyoscine..."

"You love me, right? Then do me a favor, tulungan mo ako sa kanya. Ginawan din naman kita ng pabor, e." Nagsusumamong sabi nito, saka nito hinawakan ang dalawang kamay niya. Hindi siya nakasagot sa pinsan niya, nanatili lang siyang nakatitig sa mukha nito, nangingitim na rin ang palibot ng mga mata nito at animo'y hinang-hina na dahil sa hitsura nito. "I don't know what to do anymore."

"D-Do you really love him?"

Mabilis itong tumango. "Hindi ko talaga alam ang nangyari sa akin, nagising na lang isang umaga na hinahanap-hanap ko na ang mga ngiti niya, then, ayon hindi na siya nawala sa isipan ko."

"What if you're just infatuated?"

"This is love."

DEAR DIARY,

I don't know what to do anymore; I'm torn between my own feelings and my cousin's... it's like tearing up apart by just the thought of letting my feelings for Yas go. Ayaw kong nakakakita ng mga taong nasasaktan—ngunit paano naman ako?

Naaawa ako para kay Hyoscine—ngunit paano naman ang puso ko? Diary, masakit din pala ang ma-in love sa lalaking gusto din ng pinsan ko, akala ko dati sa mga dramas; ang aarte lang ng mga gano'ng eksena at madaling solusyonan, pero kapag pala ako na ang nasa sitwasyon, mahirap pala talagang pag-isipan ang gagawin.

Diary, ano'ng gagawin ko? Pagbibigyan ko ba ang puso ko—ngunit masasaktan ko ang pinsan ko? O ipaparaya ko si Yasser para sa kanya—ngunit paano ako? Pero naisip ko din, mas bagay naman sila, e, they would look great together. Kung ako ang magiging girlfriend ni Yas, baka pagtawanan lang siya ng mga tao. Hindi ko minamaliit ang sarili o nagse-self pity, I learnt to love myself a lot because of Yasser—nagre-real talk lang ako.

Diary, give me strength!

Love,

Twynsta