Chapter 15 - 15

"PAUWI KA na ba Twynsta? Ihatid na kita." nakangiting alok ni Yasser sa kanya, saka ito may inabot sa kanya na mini-cupcakes. "Dapat kanina ko pa 'yan ibinigay sa 'yo no'ng meryenda break, kaya lang may activity daw kayo kaya hindi ka nakalabas ng classroom, tapos nag-busy din kami kanina sa seatwork kaya ayon buong hapon tayong hindi nagkita, kaya nagmamadali akong sinundan ka dito." Anito. Kalalabas lang niya from her classroom.

Nakangiting nagpasalamat siya sa binata sa ibinigay nitong mini-cupcakes. "Baka mas lalo akong tumaba, balak ko pa naman sanang mag-diet uli." Nakangiting sabi niya.

"Kahit tumaba ka pa, maganda ka pa rin naman," nakangiting sabi nito. "Saka i-less mo lang ang carbo at meats and more fibers, maganda 'yon sa diet mo and a little exercise. Some time, samahan kita mag-exercise." Nakangiting sabi nito.

"Thanks, Yas." Nakangiting sabi niya. "Ahm, ngapala Yas, hindi ako makakasabay sa 'yo ngayon, e, dadalaw ako sa bahay ng ninang at ninong ko at susunduin ako ni Cloud." Aniya.

"Oh!" anitong napakamot sa ulo. "I forgot."

Tipid din siyang ngumiti dito. "Sorry talaga, sa susunod na lang, kung okay lang sa 'yo."

"Of course," tipid uli itong ngumiti sa kanya. Nagpatuloy silang naglakad hanggang sa makababa sila sa Science building. Mula sa labas ng campus ay nakita na niyang kumakaway sa exit gate si Cloud.

"Nandyan na si Cloud." Imporma niya sa binata. "Sige, Yas." Paalam na niya, akmang maglalakad na siya nang maramdaman niyang hinawakan siya sa kamay ng binata, kaya mabilis siyang bumaling dito. "B-Bakit?" aniya, muling bumilis ang tibok ng puso niya.

"D-Do you like him?" nag-aalangang tanong nito.

"Ha?" naguguluhang tanong niya.

"D-Do you like Cloud?"

"Of course, kinakapatid ko siya. Why?"

"I mean, as a man?" nahihiyang tanong nito.

Hindi tuloy niya napigilang mapangiti. "Kinakapatid ko lang siya at may nagugustuhan na yata siyang ibang babae." Nang maka-text niya ito last time ay may nabanggit itong babaeng nililigawan daw nito.

"R-Really?" biglang nagliwanag ang mukha nito.

"Yes!" nangingiting sabi niya. Ngumiti na din ito saka agad pinakawalan ang kanyang kamay.

"Ingat kayo sa biyahe," nakangiting paalam na nito sa kanya.

"Ikaw din." Kumaway siya dito at kumaway sa lalaki bago tuluyang umalis ng school.

"TWYNSTA, I think I already have fallen in love with Yasser. Iba na 'tong nararamdaman ko sa kanya, e. He's really a sweet and gentle guy, malayong-malayo siya sa mga lalaking nakilala ko—especially kay Aston, hindi ka naman in love sa kanya, 'di ba? Can I love him?"

Saglit natigilan si Twynsta sa sinabi ng Hyoscine. Nasa kuwarto niya ito dahil may gusto daw kasi itong sabihin sa kanya, kagagaling lang niya no'n sa bahay nina Cloud para mag-dinner; na-miss niya nang husto ang buong pamilya ng lalaki kaya masaya siyang nakipag-kuwentuhan sa mga ito, pasado alas nuwebe na siya inihatid pauwi ng kinakapatid niya, she had a wonderful night, masarap din ang mga inihandang dinner nila.

"Sa palagay ko, kailangan ko nang sabihin kay Yasser ang tungkol sa pagpapanggap natin, Hyoscine." Aniya.

"Why? In love ka na ba sa kanya?" anito, hindi siya nakasagot sa sinabi nito. "Cousin, ngayon na lang uli ako nagkagusto sa isang lalaki—na feeling ko magiging forever ko na. Kung malaman man niyang hindi ako ikaw, at least I can teach him to love me. Hindi naman ako mahirap mahalin, e."

"I like him too, Hyoscine." Pagtatapat niya na ikinalaki ng mga mata nito sa gulat.

"I'm so heart broken, Twynie, and I can't afford to be heart broken once again."

"Ngayon lang din may lalaking nagtrato sa akin na para akong isang Prinsesa at ngayon lang din ako nasiyahan nang husto, Hyoscine."

"I think I'll just die."

Naalarma naman siya sa sinabi nito. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan."

"Kaya ibalato mo na siya akin, please? I know, you're closer and you get along well, pero gusto ko din siya. Simula pa lang ay iba na ang pakiramdam ko sa kanya, akala ko hindi ako magkakagusto sa kanya, pero nagbago ang tingin ko—kasundo ko siya sa mga bagay-bagay at nasisiyahan ako kapag kausap ko siya. Nakaka-text ko din ko siya and he's very approachable." Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. "I'll ask him out the next day then I'll talk to him."

"Hyoscine—"

"Kasalanan mo naman 'to e, hindi naman sana ito mangyayari kung hindi mo ako ipinasubo dito. Nakilala ko tuloy siya at hindi na siya mawaglit sa isipan ko." Akmang magsasalita siya ay muli itong sumingit. "Mahal mo ako, 'di ba? Then give me your blessing, please?" nagsusumamong wika nito, mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin sa pinsan niya. Ngayon lang niya ito nakitang gano'n ka-seryoso sa sinasabi nito—she seemed really have fallen for Yas. How about me? This is her consequence; siya naman ang may kagagawan nang lahat ng ito, kaya kailangan niyang tanggapin ang kapalit.

"TWYNIE!"

Mabilis namang lumingon si Twynsta sa tumawag sa pangalan niya, si Yasser 'yon na tumatakbo palapit sa kanya, nasa isang bench siya noon para sa meryenda break. Wait, did he just call her Twynie?

"Pwede naman akong makisabay sa meryenda break mo, 'di ba?" nakangiting sabi nito, saka ito mabilis na naupo sa harapan niya at inilabas ang fiber cookies and fruits nito sa bag. "Ginawa ko ito kanina, para sa 'yo." Mabilis nitong inabot sa kanya 'yon.

"Eh, paano ka?"

"Pwede naman tayong mag-swap ng food, e." nakangiting sabi nito.

Mabilis niyang inilabas ang sandwich niyang may strawberry na palaman at ibinigay dito. "Sure." Nakangiting sabi niya.

"From now, I'll watch your food." Nakangiting sabi ni Yasser.

"Wow! My instant dietitian na pala ako ngayon." nakangiting sabi niya.

"Of course!" masayang sabi nito. "Can I also get your phone number?"

"Ha?"

"Tatawagan kita every weekends from five AM para gumising nang maaga para sabay tayong mag-jogging, kailangan mapanatili ang good exercise and healthy foods." Anito.

Mabilis naman siyang nakipagpalit ng cell phone number. "Hindi mo naman kailangang gawin ito, e, nahihiya ka na ba na kasama ako?" biro niya.

"Silly!" naiiling na sabi nito, saka nito pinisil ang tungki ng kanyang ilong. "Kahit ikaw na ang pinaka-chubby na taong naitala sa kasaysayan, I will not be ashame of you because you are beautiful inside and out plus you're intelligent. Mas nakakaangat ka pa nga kaysa sa mga sexy girls out there!"

"Naku! Huwag mo nga akong pinagbibibiro."

"Seryoso." Nakangiting sabi nito. Sinimulan na nitong kainin ang strawberrry sandwich niya at siya naman sa binaon nito para sa kanya, ang yummy! He's so thoughtful. "Saan ka palang club sasali?" tanong nito habang kumakain.

"Science club, newspaper club, gusto ko din i-try sa drama club. Ikaw?"

"I'd like to try the Archery department and other outdoor sports."

"Marunong ka pala sa archery?"

Tipid itong tumango. "My dad taught me how to play archery, when I was in grade six, then I was enrolled in Archery."

Tumango-tango siya at na-amazed. "That's great!"

"Thanks! I'll cheer for you."

"Mas lalakasan kong mag-cheer para sa 'yo." Nakangiting sabi niya.

SATURDAY. Nagulat siya nang malakas na tumunog ang phone niya, kaya napakusot siya ng mga mata at mabilis na bumaling sa bed side clock, it's five AM. Sino'ng lapastangan ang tumatawag sa kanya nang mga gano'ng oras? Napahikab siya at tinignan ang nagri-ring na phone, unregistered number ang nasa screen ng phone niya, ayaw sana niyang sagutin ngunit parang may humila sa kamay niya para sagutin ang tawag nang hindi kilalang caller.

"This is Yasser, wake up sleepy head!" masayang bungad sa kanya ng taong nasa kabilang linya, nanlaki ang kanyang mga maya nang marinig niya ang pangalan sinabi ng lalaki, animo'y nagising tuloy ang lahat ng kamalayan at dugo niya. Bumilis ang kabog ng puso niya.

"Y-Yasser?" aniya, saka siya mabilis naupo sa kanyang kama.

"Yes! At 'di ba usapan natin na mag-e-exercise tayo together?"

"But I really didn't know that you were serious that time." Aniya.

Narinig niyang tumawa ito sa kabilang linya. "I'm always serious about you... I mean about everything I say." Nang hindi siya nakapagsalita ay muli itong nagsalita. "Nandito ako sa labas ng bahay ninyo."

"Agad-agad?"

"Yes, I'll wait for you outside. See you." Masayang sabi nito.

"Okay." Sabi na lang niya, saka na siya mabilis tumayo sa kanyang kama. Sumilip siya sa labas ng bintana niya at nakita nga niya ang binata na naghihintay na ito sa harapan ng bahay nina Hyoscine, dala nito ang sasakyan nito at naka-ready na rin ito sa exercise attire nito. Napaka-guwapo talaga nito kahit anupamang isuot nito. Nang maramdaman yata nitong nakatingin siya dito ay agad itong bumaling sa kinaroroonan niya, mabuti na lang at nakapagtago siya agad.

Mabilis na siyang nag-toothbrush at naghilamos saka agad nagpalit ng pang-jogging pants and black shirt. Sa likod-bahay siya dumaan para dumaan sa gate nina Hyoscine at mabilis na niyang tinungo ang gate at binuksan 'yon. Mabuti na lang at hindi pa gising ang parents ng pinsan niya kundi magkakabukuhan na.

"Good morning!" nakangiting bati nito sa kanya.

Ngumiti din siya dito. "Good morning din sa 'yo." Aniya.

"You look cuter with you attire." Nakangiting sabi nito sa kanya.

Pakiramdam tuloy niya ay namula ang magkabilang pinsgi niya. "Ikaw din." Ganti niya.

Kapagdaka'y nagsimula na rin silang mag-jogging, napagpasyahan nilang ikutin ng limang beses ang park na malapit sa bahay nila. Nasa park na sila noon at sabay na nag-jo-jogging nang tumabi sa kanya ang binata at isinuot nito sa kaliwang tainga niya ang isang earpiece nito.

"These are my song compositions that I've wanted you to hear." Anito, nang tingnan niya ito ay nakangiti ito sa kanya. Hindi lang niya mapigilang kiligin dahil sabay na nga silang nagjo-jogging, tag-isa sila ng earpiece habang sabay na pinapakinggan sa phone nito ang song compositions daw nito.

"You can play instruments too?" amazed na tanong niya.

"Yes, especially guitar and keyboards. I also used to teach kids from playing instruments." Imporma pa nito.

"Pwede bang magpaturo?"

"Sure!"

"Libre?"

"Kahit kiss na lang." nakangiting sabi nito, na halos ikaubo niya. Kiss? Seryoso ba ang lalaking ito. Kinabahan na naman tuloy siya.