"ARAY!"
"Ay naku, Ren, sorry," Mia singsonged sa tabi niya, not at all sounding apologetic in the slightest. She did seem to take extra care not to apply too much pressure, however, nang muling idiit nito ang cold compress sa pasa niya sa mukha. "Okay," pagkuwa'y anito, matamang kinikilatis ang apektadong bahagi—specifically, the area around his left eye, "medyo nabawasan na 'yung pamamaga. I'm sure na bukas, wala na 'yan."
Suminghot si Ren. "I'm sure na bukas, maitim pa rin 'to, Mia."
"Eh di mag-shades ka," matter-of-fact na mungkahi nito. "Maaraw naman, eh."
"You're not really sorry, are you."
"For punching you in the face nang mahuli kitang sumisilip sa boobs ko? Why, no, Ren. Not at all."
Nasa town clinic sila ng Tanglad, literal na isang tawiran lang ang layo mula sa plaza at sa harap ng simbahan. Solo nilang dalawa ni Mia ang visitors' lounge at the moment, parehong nakaupo roon sa sofa sa mala-balkonaheng alcove immediately adjacent sa entrada ng pagamutan.
Si Sabrina naman ang umookupa sa silid-pahigaan further inward. Ang fiancé nitong si Doc Anding Silangan ang mismong nagbabantay rito ngayon. Muling nagkamalay man noong nasa simbahan pa sila, liyo at kapansin-pansing maputla pa rin si Sabrina, kung kaya naman hinimok na ni Beth na dumiretso ito sa clinic upang magpatingin.
As for Ren himself, well, naisipan na rin niyang sumama. If only para mabigyan ng pangunang-lunas ang brand-new black eye niya.
Black eye na nagmula sa maliit pero deceptively powerful na kanang kamao ni Mia. Black eye na sa pananaw ng dalaga ay nararapat lang sa kanya.
Ren, of course, begged to differ. "Hindi kita sinilipan," giit niya.
Mia shot him a withering look.
"Not on purpose," agarang amiyenda ng binata. "Aksidente lang, kumbaga."
And what an accident it had been. Classic slapstick. Nang biglang himatayin kasi si Sabrina, kapwa mabilis na kumilos sina Ren at Mia upang saluhin ito. Iyon nga lang, hindi hamak na mas mabilis si Beth kaysa kanila. Matagumpay nitong nasambot si Sabrina, kinabig ang walang-malay na katawan ng babae paatras at patayo… at iniwan sina Mia at Ren with nothing to reach for but air, at kapos sa isang segundo para umiwas mapasubsob sa isa't-isa.
Tarantang naitulak siya ni Mia. Taranta namang nahigit ni Ren ang isa sa mga braso nito. Sabay silang tumilapon sa damuhan, si Mia sa ibabaw niya.
Well, was it his fault that her breasts had ended up dangling so close to his face? And was it his fault na hinatak pababa ng gravity ang maluwang na neckline ng suot na damit ni Mia? And was it Ren's fault na may dalawa siyang perfectly functional na mga mata, na sort of medyo nabigong hindi titigan ang hindi dapat titigan ng mga iyon?
Okay, maybe 'yes' doon sa huli, pero ang point pa rin niya ay aksidente 'yung nangyari. Nagkataon lang. Guuzen.
Bahagya siyang umumis. "Besides," dagdag ni Ren, partly para mang-asar, partly just because he could, "wala rin naman akong particularly noteworthy na nakita."
Kung sa unang layon din lang, tagumpay siya. Napikon si Mia. "You are such a—"
"And given your line of reasoning, Mia," Ren went on, pushing the proverbial envelope even further, "mas may karapatan pa yata akong magalit kaysa sa 'yo, I should think. After all—" He waggled his eyebrows at her meaningfully, "—Sino ba sa atin ang mas maraming nakita?"
Hindi ito naka-reply kaagad. Even through the makeup ay hayag ang pamumula ng mukha ni Mia sa pagpapaalala niya ng tungkol sa kahapon.
"A-aksidente lang 'yon," bitiw ng dalaga sa wakas.
Humalukipkip si Ren. "Yet that doesn't change the fact that you've seen me completely naked," ang smug na ini-retort niya rito. "Does it?"
Humalukipkip din si Mia. "Whatever. Wala rin naman akong particularly noteworthy na nakita, eh," anito, in mocking mimicry of what he'd earlier said.
Ah, talaga? "Then I suppose may iba pang rason kung kaya namumula ka right now?"
"Hindi ako namumula."
"Wanna bet?"
Mia raised her hand—the one holding the compress—para hampasin siya, o merely para madampian siya muli ng yelo, Ren wasn't sure. Maanupaman ay sinalag iyon ng binata, catching her by the wrist with ease.
"You know, Mia," marahan niyang puna, "'pag pala off-cam ay nawawala ang galing mo sa pag-arte, ano?" Iniangat ng dalaga ang kabila nitong kamay. Hinaklit din ni Ren ito. He leaned forward, moving in close, hanggang halos gadangkal na espasyo na lamang ang agwat ng kanyang mukha sa mukha ni Mia. He smirked. "Or maybe na-fa-fluster ka lang kasi attracted ka sa 'kin?"
Sumimangot ito. "Or maybe may na-dislodge na brain cells diyan sa kukote mo noong sinapak kita," singhal ni Mia. Pinilit nitong kumawala sa kanya, to no avail. Mahigpit ang pagkakahawak ni Ren dito. "Bitawan mo ako, ungas. Huwag mo namang gawing sobrang obvious na ikaw ang attracted sa akin."
Siya naman ngayon ang natigilan. Mattaku, haka ni Ren, the sheer audacity of this woman.
Palaban si Mia, ayaw umurong kahit heto't dehado na nga. May apog pang itira pabalik sa kanya ang sarili niyang mga salita... and effortlessly maneuver him into a 'damned if you do, damned if you don't' situation in the process. Kung pakakawalan ni Ren ito ngayon, lalabas na tinamaan siya sa ipinaratang nito. Kung hindi naman, gayundin.
Mattaku mendokuse na, darang muli ng kanyang isip.
What to do?
Tinitigan ni Ren ang dalaga nang mata sa mata, trying to decide. Mia looked smug, defiant, victorious. Beautiful din, in that brazen, unapologetic way. 'Maganda ako,' that look proclaimed. 'I know it. You know it. And i-deny mo man o hindi, Ren, alam ko'ng gusto mo ako. However could you not? Wala ka nang choice, ano.'
Damned if you do; damned if you don't.
... And then it hit him: option three.
The smirk resurfaced on Ren's lips. Attracted pala, ha? I'll show you attracted.
Walang pasubaling hinigit niya ito papalapit pa lalo sa kanya. "You'd like to think so, wouldn't you, Mia?" he whispered.
It gratified Ren to see her blush visibly again sa mga sinabi niya. He fully expected Mia to back down at that point, to concede defeat.
Pero sadyang puno talaga ng sorpresa ang dalaga. Sa kabila ng pamumula nito ay may gana pa rin itong ismiran siya, hamunin siya gamit lamang ang isang nakataas na kilay at mapanudyong tingin.
"When you're about to kiss me, Ren? I know so," kampanteng bitiw ni Mia.
Gano'n? Saglit na tumalilis ang paningin niya sa malarosas na mga labi nito. Fine, then. Call na kung call. "'Yun ba 'yung gusto mo?" tanong ni Ren, equally insolent.
"Ha!" sambit nito, "as i—mmph!"
Ngunit hindi na niya ito pinatapos pa.