Chereads / Maldita Kong Puso / Chapter 11 - Chapter 11: Like Cat and Dog 3

Chapter 11 - Chapter 11: Like Cat and Dog 3

NAKABIBINGING katahimikan.  Iyon ang bumati sa mga katagang binitiwan ni Mia.  Angkop na katuwang sa mga dumbfounded looks ng ibang mga tao roon sa kanilang mesa.  Apat na pares ng mga mata ang kay Ren kagyat na napatitig.  Just as quickly, 'dumbfounded' gave way to 'intrigued'.

Mattaku, tungyaw ng diwa niya.  Hindi na niya alam kung matatawa ba, ma-di-disturb, o ma-o-offend at tila ganoon lamang kadaling mapaniwala ang mga ito sa paratang na ganoon kabaliw.

And untrue.  But that goes without saying.

"What?" bitiw ni Ren, more than a little exasperated sa mapanimbang na mga tingin ng mga ito.  "Don't tell me you seriously—"

He stopped in mid-sentence nang mapansin ang pagbungisngis ni Beth.

"Hehe, kidding!" siyap ng dalagita.  "Sa macho mo ba'ng 'yan, eh."

Bagay na tinawanan ni Mia. "Macho si Ren?  Really?"  May apog pa itong mag-feign ng wide-eyed surprise.  "Wait, so he's—?"

"He's straight, Miss Mia."  Tumango si Tita Belinda, nakangiti na rin.  "As in super-straight.  Mas-tuwid-pa-sa-ruler straight, even."

"Kaya you better be extra careful next time," dagdag-kantiyaw naman ni Doc Andy.  "Kung—ahem—balak n'yo ulit na mag-'rehearse'.  Doble ingat."

"Er, h-hindi sa nanghihimasok kami sa relasyon ninyong dalawa, or anything," salo ni Sabrina, sending an apologetic smile to both Mia and Ren.

"Wala kaming relasyon," magkasabay nilang sinambit.

But their protests, predictably, fell on deaf ears.

PREDICTABLY as well na nang oras na para umuwi, tanging si Mia at Mia lamang ang ka-isa-isang pasahero na ipinagmaneho niya sa kanyang Honda Accord.  Nauna nang umalis sina Andy at Sabrina.  Sina Tita Belinda at Bethany naman, doon sa Ford Explorer ni Bogart—and panganay ni Tita Bel at kuya ni Beth—nakisiksik.  Ngunit hindi bago siguruhin ng mga ito na walang ibang makakasuno sina Ren at Mia sa kanilang kotse.  Hindi padadaig ang mag-ina, after all, pagdating sa pagiging self-appointed na mga alagad ng pag-ibig.

Gaano man ka-misguided—and out and out mali—ang mga ito.

Mali, muling untag ni Ren sa sarili.

Ows, talaga?  Then bakit parang kinakabahan ka ngayong kayo na lamang dalawa, bro?

Saa.  Kagyat na humigpit ang hawak niya sa manibela.

"You could have at least tried to play along, you know."

Si Mia ang nagsalita, naturally.  Sa front seat ng sasakyan ito nakaupo, sa tabi lang niya.

"Sa alin do'n?" bitiw ni Ren, risking a sideways glance sa profile ng dalaga.  O, ano?  Ganiyan ba ang 'kinakabahan'?  "The 'rehearsal' bit?  Or the one where you claimed na 'bakla' ako kuno?"  Umiling-iling siya.  "Did you even believe they'd buy any of that, Mia?"

"Eh sa 'yon lang 'yong naisip kong matino-tinong palusot, eh!" napahalukipkip na depensa nito.  "I dare you to come up with a better excuse."

He shrugged.  "You could have told them instead na lesbiana ka."

"Har har."  Natahimik ito sumaglit.  "Pero kunsabagay, mas mainam din 'yon, 'no?  Kesa naman isipin nila na papatol ako sa 'yo."

How flattering naman.  "You know, on second thought, maybe I should have said I was gay.  Better 'yon kaysa isipin nila na mahuhulog ang loob ko sa isang babaeng kagaya mo."

"And what the heck is that supposed to mean?"

"Honestly?"  Nilingon ni Ren ito, saka itinuon muli ang atensyon sa daan.  "You're superficial.  Maraming arte.  May pagka-childish and immature.  You are technically Louisa's older sister, right?  By what, three minutes?"

"Five."

"Alright, five.  In any case, ang point ko ay it's quite easy to tell the two of you apart.  Louisa's the mature one, whereas ikaw, Mia... well, you're you.  The typical spoiled princess."

"'Spoiled princess', huh?" mapanuyang ulit ni Mia.  "Wow, Ren.  Thanks.  It's so good to know na kilalang-kilala mo na pala ang buong pagkatao ko.  I mean, it's always been my dream to have my character assessed by an insensitive, arrogant prick like you."

"At least you're pretty smart, I'll give you that," balik naman ni Ren sa dalaga.  "Sarcastic, but smart."

"Salamat."

"Walang anuman."

"Sarcastic din 'yon, Ren."

"Alam ko."

Bumuntong-hininga si Mia.  "Why do I even bother?" pa-rhetorical nito.  "And come to think of it, dapat sinabi ko na lang kina Beth ang totoo."

"Ang totoo?"

"That you forced yourself on me, of course."

Ren frowned.  Did he, really?  "Only because hinamon mo akong halikan ka."

"I did no such thing."

You did, salungat ng diwa niya.  Perhaps not in so many words, but you did, Mia.  "Maybe," Ren uttered aloud.  "Pero you also 'did no such thing' to stop me nang halikan na kita.  Enjoyed it too much?"

"Don't flatter yourself, Ren.  Na-paralyze lang ako noon from shock."  Humalukipkip ulit ito.  "Pull over."

He blinked.  "What?"

"Stop the car.  Bababa na ako," Mia said, beginning to unbuckle her seatbelt already.  "Pamilyar na sa 'kin 'tong area na 'to.  Maglalakad na lang ako back to the lodge from here."

Sa suot mo'ng 'yan?  I don't think so.  Imbes na tumalima ay nagpatuloy na lang si Ren sa pag-da-drive.  "'Wag na," aniya sa dalaga.  "Papalubog na ang araw.  Baka kung mapa'no ka pa."

Suminghot ito.  "At concerned ka pa, gano'n?"

"Bawal ba?  I may be an insensitve, arrogant prick, Mia, but I'm not heartless.  We're practically there, anyway."  Tinanguan ni Ren ang karatulang nakapaskil just up the road.  It advertised na malapit na sila sa grounds ng Johaira's.  "Siguro naman eh kaya mo'ng tiisin ang presensya ko for a few more minutes?"

"Spoiled princess ako, remember?" singhal nito.  "'Tsaka if I say 'no', pabababain mo ba ako?"

Umumis siya.  "Hindi rin."

"So wala na akong ibang choice kundi magpahatid sa 'yo."

"Well, wala rin akong ibang choice kundi ihatid ka, so quits lang tayo."

"Fine."  Nadama ni Ren, bagkus na makita, ang matalim na tinging itinarak sa kanya nito.

"Fine," he shot back.  He turned to glare at her, too.

Mabuti na lang.  Akmang bubuksan na ni Mia ang pinto upang tumalon mula sa bahaging iyon ng kotse.  It was all Ren could do para apakan ang preno at kabigin ang kamay ng dalaga pabalik, away from the door.

"Are you crazy?" galit niyang dara rito.  Of all the stupid, foolhardy, childish—

"Let go of me!"

Three things happened all at once.  Ang biglaang paghinto ng sasakyan.  Ang pagkawala ng balanse ni Mia dala ng puwersa niyon.  Ang pagsaklot ni Ren sa ano mang bahaging mahahagip niya sa dalaga.

Bahaging sa pagkakataong iyon ay ang de-filigree na kaliwang strap ng minidress nito.  Napunit iyon, napigtas hanggang sa tahing nagdurugtong doon at sa harapan ng damit ni Mia.  The tear exposed the upper swell of her left breast, pati ang black lace trim ng low-cut strapless bra sa ilalim noon.

Subalit hindi gaanong rumehistro iyon sa kamalayan ni Ren.

Not with Mia's hands having ended up where they were at the moment, with one hand clenched tightly doon sa forearm na ipinanghalwat niya sa strap.  Ang kabila naman, doon sa hita niya napahawak, scant inches from his crotch.

And certainly not with Mia's face having ended up so close to his own, nakatingala't nakatitig sa kanya, lips parted ever so slightly as she breathed in shallow, steadying bursts.

"Ren—"

"Mia—"

Tumigil si Ren.  Dagling napalunok.

He could kiss her right now; bigla niyang napagtanto iyon.

Bigla rin niyang napagtanto na he wanted to kiss her.

How he wanted Mia right then, ached to sweep her in his arms, to devour those taunting lips of hers in a searing kiss.  Tingnan kung makakaya niya itong paungulin muli... na panabikin sa kanyang haplos gaya ng pananabik niya para rito.

Pero to do those things—to give in—would be tantamount to admitting defeat.  At kay Mia pa, ang babaeng kani-kanina lamang ay kasagutan niya sa loob ng sasakyan.

Hindi puwede.  Hindi maaari.  Zettai dame da.

And so sa halip ay binitawan na lang ni Ren ang strap ng damit ng dalaga.  Tiim-bagang na iniiwas ang kanyang tingin mula sa wangis nito.

Bumitaw rin si Mia sa braso niya, lifting her other hand off his lap as well upang pansamantalang ipantakip sa punit na parte ng kasuotan nito.  Umayos ito ng pagkakaupo.

"Sorry," sambit ng dalaga kapagkuwa.

"That's my line, I think."  Hinubad ni Ren ang long-sleeves niya at iniabot iyon kay Mia, leaving his upper body clad only in the white t-shirt he wore underneath.  "I'm sorry."

Ibinalabal ni Mia iyon sa sarili while Ren started the car.

Kapwa sila tahimik for the rest of the ride.  Walang kibo.  Pilit itinataboy sa isip, bagaman bigo, ang tungkol sa kung ano ang muntik na namang mangyari sa pagitan nila.

... At kung paano gusto pa rin nila iyong mangyari.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag