PARA I-CALL ang bluff nito. Para ito'y patahimikin. Para pawiin ang infuriatingly prideful smile mula sa infuriatingly beautiful na mukha nito. Last, but definitely not the least, para turuan ito ng liksyon.
Apat na posibleng tugon sa nakahaing katanungang kahapon pang bumabagabag sa kamalayan ni Ren: So bakit ko nga ba hinalikan si Mia in the first place?
Na ang pinakawastong sagot, kung hindi man ganap na matapat, ay 'all of the above'.
He certainly hadn't kissed her to prove her right. Hindi siya attracted kay Mia. Hindi maaari. No way in hell. Zettai ni.
Now, if only mapapaniwala ni Ren ang kanyang sarili na totoo iyon.
And if only dumalo ito sa party na ang Felyang Lukring costume nito ang suot, at hindi midnight blue na mini-dress.
'Party' meaning ang despedida de soltera ng angkan ng mga Sarmiento para kay Sabrina, na ulilang anak pala ng yumaong dating-katiwala ng pinakauna nilang resort doon sa isla. Sa poolside at main hall ng parehong resort iyon idinaos.
'Mini-dress' meaning ang kasuotan ni Mia sa party. Gawa sa satin iyon, cinched at the waist. Ang hemline niyon ay hindi bababa sa five inches above the knee, shamelessly exposing slim, shapely legs and sandal-clad feet. Squarish na halter-type naman ang neckline, na tanging isang silver filigree na korteng rosas sa kaliwang strap ang palamuti, showing off toned arms, graceful shoulders, and a slender neck, na inilantad ng chignon na hairstyle ng dalaga.
A lovely dress to complement a lovely figure and even lovelier face. Nakatayo sa ilalim ng isa sa mga gazebo, game na nagpapa-picture with Tita Belinda, Sabrina, at ng resort manager na si Kuya Ipe, Mia looked composed, sophisticated, worldly. In her element, kumbaga. Easy on the eyes… albeit—sa kaso ni Ren, at least—unmercifully hard on certain other parts of his anatomy.
"Enjoying the view?"
Muntik na siyang mapatalon sa pool sa sobrang gitla.
"'Sensya kung nagulat kita," nangingiting dispensa ni Bethany.
"Hindi mo 'ko nagulat," protesta ni Ren, turning around with as much dignity as he could muster.
"Yeah, sure." She didn't sound like she believed him. "At 'hindi' mo rin ino-ogle si Miss Mia just now, right?"
Kuso. "Of course I wasn't," kaila niya.
"Usotsuki," turan sa kanya ni Beth. Salitang Nihongo iyon para sa 'sinungaling'. "Sige nga, Kuya Ren, pinky swear tayo. Baka kailanganin mong lumulon ng isang libong karayom at putulin 'yang pinky finger mo."
"Tanda mo pa 'yon?" Grade three pa lamang si Bethany noong itinuro niya rito ang mga taludtod ng 'yubikiri genma'. Isang maikling panata iyon na pambata, kung saan nagkakawitan ng hinliliit ang mga kasali at nanunumpang hindi magsisinungaling. Ang sino mang hindi tutupad doon ay paiinumin daw ng isang libong karayom at puputulan ng daliri. Now, six years later, Ren sorely regretted na tinopak pa siyang ibahagi iyon sa nakababata niyang pinsan.
"Siyempre!" samantala'y bibong sambit ng nakababatang pinsan in question. "And I really don't see the point kung bakit idine-deny mo pa na may 'something' kayo ni Miss Mia. Sobrang obvious naman."
"'Idine-deny' ko 'yon, Beth, as you say, dahil wala naman talaga," ani Ren. "Itanong mo pa sa kanya. Walang namamagitan sa 'ming dalawa.
None; unless ma-i-ka-count towards 'something' ang mutual nilang pagkainis—to put it lightly—sa isa't-isa.
And that kiss, sutil na paalala ng kanyang isip. Oh Lord, that kiss.
There had been something there, hadn't it? Isang emosyon na hindi pagkainis o pagkamuhi. Isang bugso ng damdamin na nag-udyok kay Ren upang patagalin ang halik, upang ipagpatuloy iyon beyond what he had originally planned on the sly. Something.
Bethany thought as much, apparently. "Then bakit namin kayo nahuling naghahalikan?"
At paano naman niya sasagutin iyon?
Puwede bang next question na lang, please?
Gayunman ay nasagip si Ren from having to answer said question, thankfully, sa pagdating ni Doc Andy.
"Beth. Ren." Kumaway ang doktor sa kanila, approaching them chipperly.
Siniringan ni Bethany ito. "Late ka na naman, Kuya Andy," sumbat ng dalagita. "Baka naman sa wedding day ninyo ni Ate Sab, eh siya pa ang mauna sa 'yo du'n sa dambana, ha."
Andy grinned. "Takot ko lang," half-joking nitong balik. "That being said, nasa'n na nga ba ang aking irog, ang aking pinakamamahal, ang kahati ng aking—"
"Ang corny mo," Beth cut in, bago pa man nito matapos manalumpati. "'Andun si Ate Sab—" Lumingon ang dalagita, sabay turo sa gazebo, "—kasama nina Mommy at Miss Mia—" Dagli itong tumigil. Napakurap.
Bakit nga ba hindi, gayong sina Tita Belinda at Kuya Ipe na lamang ang naroroon?
"… Or maybe not," belated na bawi ni Bethany. "Pero nando'n lang sila ni Miss Mia kanina." She smiled playfully. "Itanong mo pa kay Kuya Ren."
Pawang naningkit ang mga mata ni Ren at that. Neither Beth nor Andy appeared to notice, however. Kapwa abala nang sinusuyod ng paningin ng dalawa ang dagsa ng mga panauhin sa paligid ng pool.