Chereads / Maldita Kong Puso / Chapter 10 - Chapter 10: Kasinungalingan

Chapter 10 - Chapter 10: Kasinungalingan

WHERE DID she go? takang-wari ni Mia.

Luminga-linga siya sa paligid.  Isang open corridor ang kanyang narating, overlooking a tiled pathway at isang hardin.  Wala nang ibang tao sa bahaging iyon ng Bellamar, ang orihinal na resort lodge na pagmamay-ari ng mga Sarmiento.

"Sabrina?" she called. 

Walang sumagot.

"Pero dito ko naman siya nakitang pumunta," bulong ni Mia sa sarili.

Bigla na lamang umalis si Sabrina kanina, quickly mumbling some excuse na tanging ito lamang ang nakaintindi.  Sa pagmamadali ay naiwan pa nga ang gift-wrapped box na dala-dala na nito noong bago pa sila magkuhanan ng litrato.  She hadn't been gone long nang mapansin nila iyon ng Mama ni Bethany.  Mia had then volunteered to return the box to the bride-to-be.

And so here I am, panapos niya sa sarili.  Dagling tiningnan ni Mia ang kahong nasa kamay.  Maliit lamang iyon, square on all sides, hindi hihigit sa kamao niya ang laki.  Kulay lila ang ipinambalot na papel.  Ang ribbon naman, pale pink.

Pale din ang naging hitsura ni Sabrina, Mia suddenly recalled, just before ito umalis.  Hindi na nalalayo sa noong himatayin ito kahapon.  This time nga lang, bagkus na mawalan ng ulirat, naglakad ito nang matulin.  Kulang na nga lamang ay tumakbo.  At doon pa sa direksyong patungo pala sa liblib na parte ng gusaling pinagdarausan ng despedida para rito.

Pumanaog si Mia sa pathway ng hardin.  Nagpatuloy sa paglalakad.  "Sabrina?" muli niyang tawag.

Nakakailang hakbang na rin siya nang matagpuan niya ito: isang pigurang nakalugay ang alun-along buhok, ang suot nitong amber-colored blouse na off-shoulder at olive green pencil skirt unmistakable bagaman ito'y nakatalikod.  Nakatayo si Sabrina sa ilalim ng isang puno, shoulders tensed, left hand pressed againt the tree trunk as if for support.

Hay, sa wakas.  Patakbong nilapitan ni Mia ito.  "Sabrina!"

Sa tinig niya, sukat lumundag sa kinatatayuan ang binati.  Lumingon ito, 'sing-bilis ng kidlat.  Mababanaag sa mukha nito ang matinding takot.

Ngunit saglit lang.  Sabrina's face visibly relaxed nang mapagtantong siya ang tumawag dito.  "Miss Mia," pahat na sambit ng babae, relieved.  Pilit nitong ngumiti.  "I-ikaw lang—"  Kagyat na puwang, and then— "Ikaw pala."

Hm?  Nahiwagaan man, nginitian din ni Mia ito.  "You forgot this," aniya, handing her the gift-wrapped box.

Tinanggap naman ni Sabrina iyon.  "Salamat."

Mia studied the other woman for a long, quiet second.  "Ayos ka lang ba?" usisa niya at last, if only dahil talagang na-wi-weirdo-han na siya sa ikinikilos nito.

Muli itong tila natigilan.  "Oo naman," sambit ni Sabrina pagkuwa.

Kumurap-kurap ito habang nagsasalita, doe eyes unable to meet hers directly.  But Mia didn't need those tell-tale signs upang mabatid na hindi ito nagsasabi ng totoo.  After all, kung pagsisinungaling din lang ang pag-uusapan, mismong ang sarili niya ay maituturing nang dalubhasa sa larangang iyon.

No matter what Ren may claim to the contrary.

***

MAY KUNG anoong bagay na nakagulantang kay Sabrina noong nasa gazebo kami, sapantaha ni Mia.  That's why she'd left in such a rush.  And that's why she'd looked so shaken when I found her.

Kumunot-noo siya.

Pero ano?  At may kinalaman din ba iyong bagay na 'yon do'n sa pag-faint ni Sabrina yesterday?

Assuming na isang bagay nga iyon, that is.  For all Mia knew, maaari naman kasing isa iyong tao.  Hindi 'ano' kundi 'sino'.

And assuming na mayroon nga talagang nakagulantang sa naturang dalaga.  Looking at Sabrina now, Mia couldn't help but wonder if in-imagine lang niya ang lahat.  Gone were the fear-stricken face, the shifty eyes, the lying, nervous smile.  Bagkus ay hindi maitatatwang masaya ang wangis nito ngayon, taglay ang maningning na ngiti ng isang babaeng nalalapit nang ikasal sa lalaking pinakaiibig nito.

'Lalaking pinakaiibig' na kasalukuyang ka-holding-hands nito sa kabilang gilid ng table, poging-poging naka-sky blue na polo at dark gray slacks at ngiting kasing-ningning ng kay Sab: si Doc Andy.

Kanina lamang noong magkasalubong sila roon sa corridor on the way pabalik sa party.  Kasama ni Doc Andy si Beth—na pretty in a pink blouse and pettiskirt sa parehong kulay—oh, at si Ren din, na tila napilitan lang na i-accompany ang dalawa sa paghahanap sa kanila ni Sabrina.

Napangiwi si Mia.  Ren.  She had been so sure na kaya niyang iwasan ito all throughout the party.  Malaki naman ang venue, after all.  Matao pa.  But no, kahit sa ganoon kaliit na tagumpay ay nais pa rin siyang baratin ng tadhana.

Not that Ren had looked all that happy to see her, either.  Sumimangot ang kumag nang magtama ang kanilang paningin, promptly looking away.  Dedma ang beauty niya.

Dedma pa nga magpahanggang-ngayon, actually, at kahit nakaupo pa ito sa silyang katabi ng sa kanya.  At kahit na ang paksang napiling talakayin just then ng ibang mga taong kasalo nila roon sa hapag ay—

"So you're not dating?"  Kakatwa ang ekspresyon sa mukha ni Bethany: skeptical na disappointed na nalilito.  "Mere acquaintances lang talaga kayo ni Kuya Ren?"

"Talaga," sagot naman ni Mia.  "Magkakilala lamang kami, 'yon na 'yon.  Nothing more, nothing less."  Pasimpleng sinulyapan niya si Ren as she spoke, wanting to see kung mag-re-react ito o hindi.

Dedma pa rin, as usual.  Waring mas interesado pa itong lantakan ang plato nito ng lumpia't pansit kaysa makisawsaw sa usapan... all while somehow still managing to look as ridiculously handsome as ever—and just as appetizing—sa simpleng cream-colored long-sleeved shirt and coffee brown na trousers nitong attire.  Black eye notwithstanding.

Mabilaukan ka sana.  Hmp!  With that as a parting curse sa binata, nakatawa namang binalingan ni Mia ang younger cousin nito.  "Bakit, what makes you think ba na there's anything going on between him and me?"

"Well..." Beth paused, briefly trading looks with Andy and Sabrina, "there's yesterday, 'di ba?"

Oh.  Pasikretong binatukan ni Mia ang kanyang self.  Siya nga naman.  There's that.

Tila biglang nagkabisa naman ang sumpang ipinukol niya earlier kay Ren.  Dagling nasamid ang binata.

"'Yesterday'?" samantala'y ulit ni Mommy Bel, ang ina ni Bethany.  "What's the deal with yesterday, honey?"

"W-wala!"  Bumuwelta na si Mia kaagad, bago pa iyon masagot ng anak nito.  "That was just... a big misunderstanding.  Yes."  Humagikgik siya nang kaunti.  "Isa lamang malaking misunderstanding."

Nag-blink doon si Beth.  "Misunderstanding?  Pero 'di ba, you and Kuya Ren were—"

"Rehearsing a scene," Mia filled in smoothly.  Nag-shrug pa siya, confidently, convincingly, and totally not as if she was lying through her teeth.  Saglit niyang nilingon muli si Ren.  Naka-recover na ito sa pagkakasamid, ngunit waring nahihirinan pa rin.  Kung may kinalaman iyon sa pinagsasasabi niya, however, Mia couldn't say.  "I kinda talked him into it habang ginagamot ko 'yung black eye niya.  Katuwaan lang.  I'm surprised na hindi pa rin niya in-e-explain sa inyo 'yon, actually."  She smiled.  "Besides, hindi kami talo.  I mean, bading naman siya, right?"