"HA!" ANG TINANGKA ni Mia sanang sambitin, "as if!" Subalit maski ang tatlong katagang iyon ay hindi man lamang niya natapos.
A pair of lips—Ren's lips—pressed insistently against her own. Sinalakay ng dila ng binata ang kanyang bibig, mamasa-masa, mainit, seeking her own tongue, tasting her, making Mia savor the taste of him in turn.
Sprite, she noted in passing. Sprite na may konting vanilla. And an underlying flavor na hindi niya matukoy, na tanging kay Ren lamang.
Lumawig pa ang halik, lumalim, sumidhi. Swept inexorably away, Mia could do little more than shiver even as a moan bubbled helplessly from her throat and—
Oh.
Nanigas si Mia. Iminulat ang kanyang mga mata. Kailan ba niya ipinikit ang mga iyon, anyway? Hindi niya maalala—
Ren.
Hinahalikan siya ni Ren.
Oh, shit.
Hinahalikan siya ni Ren at hinahayaan niya ito. Malala pa roon, she had actually even—
"Ahem!" May tumikhim.
Kagyat na tumingala si Mia, binalingan ang tunog. Nanggaling iyon sa direksyon ng—
Oh, eksklama ng diwa niya, double shit.
May audience sila. Si Sabrina at ang katipan nitong si Doc Andy. Si Beth. Nangagsiksikan ang tatlo sa ngayo'y nakabukas na pintuan ng patient's room, lahat pawang nakatitig sa kanila ni Ren.
Kung puwede lang siya sigurong mag-spontaneously combust on the spot, nagawa na ni Mia.
She pulled her wrists free—Ren's grip had loosened, so it was easy—at itinulak ang binata palayo. Malakas. Sumobra pa nga marahil. Caught completely off-guard, napahiga si Ren sa kabilang arm rest ng sofa. He looked shocked, nawiwindang na ewan na animo'y hindi makapaniwala na naganap ang kagaganap lamang.
Sentimiyentong sa totoo lang ay siyento porsiyentong nakaka-relate si Mia, sapagkat iyon din ang nadarama niya at that very moment.
Coupled with the fact na ganoon na lamang ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso.
When Ren moved to sit up, umisod din si Mia. "B-beth," turan niya, inwardly cursing how out of breath she sounded. How guilty. "Sabrina. Feeling, ah... feeling better?"
"... Oo," siyang maingat namang itinugon ng kinamusta. "Um, sorry kung naabala namin kayo." Bakas ang gitla at pagkahiya sa wangis ni Sabrina, taliwas sa ekspresyong taglay ng dalawang nakaalalay rito.
"Hindi pala ka-close, hm, Kuya Ren?" nakangising kantiyaw ni Bethany.
"It must be the sofa's fault," Doc Andy put in. Kung batay sa tinig nito, ito ang narinig ni Mia na bumahin. Nakangiti rin ang lalaki. May lambing nitong sinulyapan si Sabrina, sabay pinisil ang bahagi ng braso ng kasintahan na kasalukuyang kawit-kawit. "Hindi n'yo na naitatanong, pero enchanted 'yang sofa na 'yan. Aba'y diyan nga kami unang nag—ow!" Iyon, nang dagli itong sikuhin ni Sabrina. "Honey naman!"
"N-never mind!" medyo may-kalakasang sabat ng 'honey' na binansagan. "Tingnan mo na lang kaya ang lagay ng isa mo pang pasyente, ano, Doc?" In-indicate nito ang black eye ni Ren.
Right next to her, Beth let out a giggle. "Bakit pa?" kinikilig na hirit ng dalagita. "I'm sure that Miss Mia has kissed it all better!"
And of course it would have to figure, wouldn't it, na tiyempong mag-si-swing pabukas ang front door just then? Or that si Weng ang iluluwa ng pinto, sack of store-bought bottled tea in tow?
"Kissed what better?" curious na usisa ng bakla.