Chereads / Maldita Kong Puso / Chapter 8 - Chapter 8: Wicked

Chapter 8 - Chapter 8: Wicked

"SO, PANGGA… nasarapan ka naman ba?"

Nagbunton ng hininga ang 'pangga' na tinawag.  "Weng," ani Mia, sa tonong mapagbanta, "Swear ko talaga, for the last time—"

Subalit hindi noon natinag ang bading.  "How did he taste?" pakli nito.  Kasabay ng bawat follow-up, pa-isa-isa nitong binilang ang sariling mga daliri.  "Matamis?  Maalat?  Mapait?  Maasim?"

"Weng…"

"Or wait, baka naman maanghang talaga siya, gaya nu'ng una mo nang na-say?"

"Ewan ko sa 'yo."  Mia rolled her eyes.  "Iaabot mo na ba sa akin 'yang script o gusto mo pang masakal?"

"Aba'y huwag," bulalas ni Weng, pakunwang nasindak.  With that, ibinigay na nito sa kanya ang kopya ng screenplay. 

While Ren and company had business elsewhere, balik-simbahan naman sina Weng at Mia.  Currently on standby silang dalawa, hinihintay ang reply ng casting—via landline ng church—kung uuwi na muna sila sa lodge o pupunta na sa sunod na taping location.  Ang kopya ng updated na manuscript ay idinaan kanina after lunch, kasabay ng catering.

"Good news nga pala, dear.  Tama ang fearless forecast natin.  Partially."  Pinabuklat ni Weng kay Mia ang naka-bookmark na pahina ng script.  "May ravishingly beautiful na twin sister si Felya na ubod ng sama na magiging karibal ni Almira sa pag-ibig.  'Solenn' 'yung name, tentative.  Siyempre ikaw rin ang gaganap.  Pero sa Manila naka-set 'yung karamihan nu'ng mga scenes ni evil twin, so end of next month ka pa raw slated na mag-transform nang bonggang-bongga."

"'Evil twin', huh," anas ni Mia.

Bigla niyang naalala si Louie.  Oo't kakambal niya nga ito, pero 'evil'?  Never.  Unless ma-i-ka-count mo towards kasamaan ang corny sense of humor nito.  As for Mia herself, well, mas maldita siya, admittedly… ngunit malayong-malayo pa rin sa level ng total bitchiness ng mga kontrabidang mapapanood sa mga pelikula't teleserye.

Hindi nga lang kasing-layo kumpara sa dati, rebiso niya, remembering how she had responded to Ren's kiss.  Ren; Louisa's boss.  Mia's sworn enemy.  Isang insufferable jerk na hindi niya boyfriend, na hindi si Adrian.

Sweet, goofy Adrian, lovable as a teddy bear, who for her own selfish reasons ay hindi man lang siya nangiming linlangin.  O dili kaya'ya nag-atubiling idawit pati ang sariling kapatid sa kanyang panlilinlang.

Bad enough na hindi talagang siya ang kasama ni Adrian sa kanila sanang romantic cruise… pero ang ma-tempt si Mia na pagtaksilan ito dahil lamang sa isang nakaw na halik?  Na ang nagnakaw pa ay isang guy na guwapo nga, subalit pinaka-iinisan niya sa buong daigdig?

Wicked, tugon ng isip niya.  Wala pa sa radar ng pagka-'evil', ngunit pasok na pasok sa pagka-'wicked'.  Ako na 'yon: Mia Castillo, the wicked twin.

"Uy, si Labuyo."

"H-ha?"  Nabulabog mula sa kanyang pagmumuni-muni, tarantang iminasid ni Mia ang mga mata.  "Saan—?"

"Chorva lang," matamis na balita sa kanya ni Weng.  "Mag-da-dalawang minuto ka na kasing nakatanghod diyan sa script na parang timang.  Walang kibo.  Tahimik.  Nakaka-unnerve na, so I thought that it's high time I got your attention."

"Echosera," aniya.  "'Tsaka, natural lang na matahimik ako, ano.  B-binabasa ko kaya 'yung script."

"'Yon nga 'yung ipinagtataka ko, eh."  The skeptical arch in Weng's left eyebrow spoke volumes.  "'Yang 'binabasa' mo kasi, you're holding it upside down.  Ano 'yan, dear, hidden talent mo?"

Tiningnan ni Mia ang script.  Baliktad nga ang pagkakahawak niya rito.  Shit.

"Oo," pilay niyang palusot.  She lifted her chin haughtily.  "Ka-di-discover ko nga lang, eh, actually."

Inismiran lang siya ni Weng.  "Whatever you say, Mia," tuya nito.  "Whatever you say."