"SO THIS was what you meant nang sinabi mong 'supporting character' ka."
"Shut up."
"It suits you."
"Shut up."
"Pinag-audition ka pa ba, o sadyang ini-offer na nila 'yung role sa 'yo?" Ren went on quipping. "Personally, I go for the second—"
"I said, shut up." Kung literal na kayang kumitil ng buhay ang mga tingin, tiyak na sa sandaling iyon ay napaslang na siya ni Mia.
Mabuti na lamang 'ka mo at hindi. Ren was having too much fun, as it were, bagaman nag-ingat rin siya na huwag ipakita iyon. Gaya ng dati.
At least, not too much. "Tapos na yata nilang ayusin ang props para sa last set n'yo," poker-faced niyang ulat sa nagngingitngit na dalaga. "Break a leg. Go, Mia."
Hindi na ito nag-abalang umimik pa sa pagkakataong iyon. Sa halip ay naglakad na lamang si Mia patungo sa lumang fountain para sa sunod na scene na i-shu-shoot.
Ngunit hindi bago patalikod siyang bigyan nito ng middle finger salute.
A girl after my own heart, Ren wryly mused. The thought almost made him smile. Almost.
Instead ay lumingon siya, his ears having picked up Bethany's bubbly voice from somewhere behind him, nangingibabaw sa contained cacophony ng iba pang mga taong nangagsitipon sa vicinity ng simbahan—mga bakasyunista man o taga-nayon—upang manood at makiusyoso.
"—and I sort of ran into her while we were out looking for you, 'Te," Bethany was saying. "Then here comes Kuya Ren—nainip yata sa kahihintay roon sa car—and wouldn't you know it? Ka-close pala niya si Miss Mia! Kuya Ren!" Iyong huli, nang mai-spot-an na siya sa wakas ng dalagitang pinsan. Dali-dali itong nagpunta sa kanya, halos kinaladkad ang naka-ponytail na babae na akay nito.
Ren folded his arms. "I only confirmed na kakilala ko siya, Beth. Hindi 'ka-close'."
"All the more reason para imbitahan si Miss Mia sa dinner party natin bukas, kung gano'n," hindi masaling—at baluktot—nitong katuwiran. Nag-puppy-dog-eyes pang binalingan ang babaeng katabi. "Right, Ate Sab? Puwede naman natin siyang i-invite, 'di ba?"
Napangiting kumibit-balikat ang kinonsulta. "Sure ba. Why not?"
"Great. It's decided then," masayang siyap ni Bethany. "Tutulungan mo kami sa pag-anyaya sa kanya, ha, Kuya Ren?" Dagling kumurap ang kanyang pinsan, belated realizing something. "Oh, where are my manners? Ate Sabrina, si Kuya Ren. Siya 'yung mag-re-rework ng wedding gown mo. Kuya Ren, si Ate Sab. Kuya Andy's fiancée." Sa pagkakabanggit nito kay Dr. Andy Silangan, na kaisa-isang nephew ni Ninang Laarni, tila nabawasan nang kaunti ang good cheer ni Beth. Subalit kaagad ding naka-recover ang dalagita, exceedingly bright smile returning in full force. "Bagay sila, ano?"
Namula si Sabrina, embarrassed but pleased. Ang "oo" namang isasagot sana ni Ren ay hindi pa nagawang makapamutawi pa mula sa kanyang bibig. Naantala iyon ng naka-amplify na boses ng isang lalaki, nananawagan sa lahat na magsitahimik muna sa paligid ng set. Uumpisahan na raw kasi nilang i-shoot ang huling eksena.
MADALI namang natapos ang eksena. Nakuha in one take, in fairness. Kulang-kulang na 20 segundo ang itinagal niyon, during which nagsasayaw si Mia sa palibot ng lumang fountain, sal-itan na tumatawa at kumakanta na animo'y tunay ngang tinakasan na ng bait.
Sinalubong siya ng masigabong palakpakan the moment na mag-"Cut!" si assistant Direk Lori, ang first AD na nakatoka sa kanila roon. Kinawayan ni Mia ang crowd, nag-bow, nag-blow ng kiss, nag-curtsey. With matching smile, v-sign, and con todo na pag-project, of course. Mahaba ang listahan ng mga katagang pupuwedeng maglarawan kay Mia Castillo, ngunit hindi kailanman magiging kasali roon ang 'mapagkumbaba' at 'mahiyain'.
'Medyo makakalimutin', maaari pa. Saka lang kasi niya muling naalala na bihis-taong-basahan siya nang magsi-datingan sina Weng at ang make-up artist na si Jaz sa kanyang tabi.
Oh, well, Mia mentally shrugged, who cares how I look right now? At least mukhang naaliw naman ang audience sa performance ko.
Dangan lamang ay dagling naalala rin niya kung sino pang unwelcome presence ang kasalukuyang kabilang doon sa mga manonood: si Ren.
No doubt ay naaliw rin ang kumag sa performance niya. He had certainly seemed entertained enough na tuyain at inisin si Mia in between takes, lalo na nang saglit na nagpaalam ang nakababatang pinsan nito na may pupuntahan munang ibang lugar. At tiyak din niya na may inihanda na namang panibagong witty one-liner ang binata para sa kanya, ngayong ligpit-at-layas time na ng Pahamak crew doon sa simbahan.
"Joy," Mia muttered beneath her breath, feeling anything but.
"Don't look now, pangga, pero parating na ulit rito si 'Labuyo' and company," waring may ESP namang inianas sa kanya ni Weng. Tinulungan nito si Jaz na ihiwalay sa totoong buhok niya ang kanyang 'Felyang Lukring' wig. "Ang pretty ng sinabi mong pinsan niya, ha. Artistahin. And who's that new girl na kasama nila? Dyowa ni 'Labuyo'?"
"Mâ." This time, pisikal na nagkibit-balikat si Mia. "Don't ask me." Si Ren Ishida, may girlfriend?
… Not that may paki siya ever kung 'yun na nga 'yon. Nuh-uh.
Beside her, takang inulit naman ni Jaz ang code name na nadinig. "'Labuyo'?" anito, just as sinimulan na nilang isa-isang tuklapin ang pitong kumpol ng artipisyal na mga pigsa sa kanyang wangis.
Nagpalitan ng tingin sina Mia at Weng. "Mahabang istorya!" ang magkasabay na pa-inosente nilang tugon.
Mala-Darna ang ginawang effort ni Mia huwag lamang mapa-giggle out loud.
Nag-take-pity naman si Weng sa mas nagulumihanan pang fez ng make-up artist. "I-te-text ko na lang sa 'yo mamaya, girl, anech?" pahapyaw na pangako ng bakla. "And'yan na sila, eh. Ah!"
"Miss Mia!"
Andiyan na nga, indeed.
Mia turned around, hurriedly plastering a great big happy smile on her face. "Hey, Beth."
"You were amazing!" nagbubunying bitiw ng dalagita. Morenang singkit si Bethany, hindi kaiba sa binatang minalas itong maging kadugo, but with fuller cheeks and gentler, more rounded-out features. On that note, decidedly flangak na korak si Weng sa prior assessment na artistahin nga ito. "Ang galing ng pag-arte mo, 'Te!"
"Tama," Ren chimed in. Nakahinto sa bandang kaliwa ng mas petite nitong cousin, nagmistulang kapreng hilaw ang binata. Isang gorgeous, arogante, at insufferably expressionless na kapreng hilaw. "Para ngang hindi ka umaarte kanina, eh. Parang natural lang."
And what the hell is that supposed to mean? Just like earlier, bago no'ng huling take, Mia had to forcibly tamp down the overwhelming urge na tuhurin ito sa itlog. "Naku, thanks," ang malugod na lamang niyang iniusal. Sinsero niyang idinirekta iyon kay Beth; sarkastiko naman para kay Ren.
Insolently meeting her gaze, Mia spied the corners of Ren's mouth twitch upward. "You're very welcome," anang binata.
Hmp, i-welcome mo ang lelang mo, Mia thought. Jerk.
"Ah, eto nga pala si Ate Sab," siyang banggit naman ni Bethany, blissfully oblivious sa glare of death na ipinukol ni Mia sa binatang cousin nito. "Ikakasal na siya this coming Sunday, would you believe it?" Nag-gesture ang dalagita sa slightly taller na babae sa kanan nito.
Maganda rin si 'Ate Sab', makinis at slim like herself, with big, beautiful doe eyes. Big doe eyes na kasalukuyang hindi nakatuon sa kanya, o sa alin man sa kanila na malapit, but rather at something—or someone—farther away. Either hindi nito alintana na ipinapakilala ito ni Beth, o wala itong pakialam. Kung pagbabasehan ang pamumutla ng balat nito, however, Mia would bet on the first. Lalo na nang bigla na lamang itong humakbang paabante, papunta sa kanya.
"A-ate Sabrina?" alangang turan ni Bethany dito.
Kumurap-kurap ang tinawag. Umiling. "Huh?" wala sa sariling bitiw ni Sabrina. Minasahe nito ang gilid ng sariling noo. "Sorry, Beth, p-para kasing—"
Iyon lang, at hinimatay ito.