'UPO,' ang siyang natuksong ibalik doon ng isang hibang na yatang parte ng kanyang isip. 'Hindi patola, kundi upo.' Regardless, the better portion of her mind ay hindi pa naman ganoon kahibang—purihin ang Poong Diyos!—kung kaya't hindi na niyon nagawang mamutawi pa mula sa kissable lips ni Mia. Sukat ay muling iniikot ng dalaga pasalangit ang kanyang paningin, isinisi ang pamumula ng kanyang mukha sa sobrang anghang ng nilalantakang pagkain, saka humalakhak. Na parang hibang, granted, pero at least ay necessary para ma-reinforce ang punto niya.
"Ganiyan 'yung kay Ren," pahabol pang banat ni Mia, sabay turo sa siling labuyo ng kanyang bicol express. Taking a deep breath, she continued, "In fact, gan'yan ko rin mailalarawan ang una naming pag-mi-meet: maanghang. Five years ago 'yon; back then, baguhan pa lang akong modelo…"
HOT, ang natamemeng salinhaka ng 19-años na sarili ni Mia. Smoking hot.
And it wasn't only because matingkad na pula ang high-necked cambric sweater na pang-itaas ng lalaking sumalubong sa kanya. Nope. Rather, it was because the man was, to put it simply, tall, dark—and gorgeous. Inky black hair, maigsi pero artfully tousled. Balat na kulay-cappuccino. Chinito't maiitim na mga mata, pinalilihisan ng mga kilay na makakapal at gradually slanting pataas ang kurba. Ilong na tuwid at matangos, high, angular cheekbones, mga labing malalapad at sensuwal.
"Can I help you, miss?"
At ang tinig nito, na makalaglag-panty sa kalaliman—
Saka lamang lubos na napagtatwa ni Mia na kinakausap na siya ng naturang lalaki.
"Ha?" intelehenteng bitiw niya, realizing as well na at least five other people were in the same room, regarding her curiously. Mga babaeng more or less ka-edad niya, malamang mga modelo rin kagaya niya, at isang middle-aged na babae na mukhang senior exec.
"I said, can I help you?" muling usal naman ni Mr. Tall-Dark-and-Gorgeous. He didn't sound all that helpful, however, so much as annoyed. Pero gorgeous pa rin.
"Ren Ishida. I-I mean, I'm looking for Mr. Ren Ishida," medyo tarantang reply ni Mia. She inwardly groaned. Sino ba 'tong si Mr. Tall-Dark-Annoyed-But-Gorgeous, anyway? Modelo rin? Executive assistant? Edad twenty-something na dyowa ng designer na siyang pakay niya roon sa studio? "Ako si Mia. Mia Castillo. I'm here to replace Jillian… you know, from the modelling agency? Delayed daw kasi ang flight niya from Cebu, and so ako na 'yung, ano…" Kagyat na tumigil siya. Partly because batid niyang dumadakdak na lang siya, and partly because hindi na sa kanya nakadirekta ang atensyon ng kausap.
Bagkus, waring may kung anong hinagilap ang binata mula sa itim na leatherbound notebook na hawak nito. "Ah," ngali-ngali'y tumango ito, "okay." Isinara nito ang kuwaderno at bumaling ulit kay Mia. His face was devoid of expression maliban sa bahagyang paniningkit pa lalo ng mga mata nito. "Well, pleased to meet you, Miss Castillo. I'm Ishida. Ren Ishida. And you are—" kinonsulta ng binata ang suot nitong wristwatch, "—forty-three minutes late. Makakauwi ka na."
And with that, patay-malisya nitong itinuro ang pintuan sa likuran niya. Ang parehong pintuan na barely two minutes before ay humahangos na pinasukan ni Mia.
"… What?" Frankly bewildered, kumurap-kurap siya. "Pero—"
"Leave," inip na pakli ni Mr. Gorgeous. Na walang iba kundi si Mr. Ren Ishida pala. "Siguro naman, iyon, naiintindihan mo na? I've already called your agency para i-request na palitan ka. I don't tolerate tardiness from the people I work with, Miss Castillo. Especially from substitutes like you."
Oh, shit. "A-ano?" Mia managed to croak out. "Look, I'm really sorry kung na-late ako. Pero 'andito na naman ako, 'di ba? So there's no need to—"
'Go that far,' ang isusunod sana ng dalaga, ngunit once again ay hindi siya pinatapos nito. "Leave," ulit nito. Humalukipkip. "A word of advice: modelling isn't all about looks. If you can't even observe the barest modicum of professionality, maghanap ka na lang ng ibang career path."
"Gano'n?" inkredulosong balik ng pinangaralan. "Nahuli ako ng dating, so paaalisin mo na ako, tapos? Hindi mo man lang ba aalamin kung bakit ako na-late in the first place?"
Nagkibit-balikat si Ren. "That still wouldn't change the fact that you are late, would it?" anito. "Leave. You've wasted enough time for the both of us, don't you think?"
"… AND that's that," pang-wakas-kuwentong sambit ni Mia, "pagkatapos akong lait-laitin, ipahiya sa harap ng ibang tao, aba'y kulang na lang eh ipagtulakan ako out of there ng arrogant jerk na 'yon. 'Tapos sinabon pa 'ko talaga ng TC ng agency base do'n sa complaint ng mokong! Tatlong buwan akong hindi nagkaroon ng bagong raket, salamat sa kanya!"
"At naging hate mo na siya ever since," Weng concluded, nodding thoughtfully.
"Flangey na flangey." Tumango rin siya. "Kaya nga it totally, totally sucks to find him here, sa parehong isla. Sa pareho pang inn, even! As in." Bumuntong-hininga si Mia, silently praying na sana man lang kahit bukas ay hindi muna niya makita ang lecheng pagmumukha ng binata. O, dagdag niya, remembering the interlude sa suite nito, ano mang iba pang bahagi ng katawan nito. Utang na loob.
UTANG NA loob, singhal ni Ren sa sarili.
Oo't nakabihis-gusgusing palaboy ito, naka-wig, at pawang tinadtad ng mga pekeng bulutong ang mukha. Regardless, kaagad pa ring na-recognize ng binata kung sino iyon na nadatnan niyang kinakausap ng pinsan niya, from the moment na magtagpo ang kanilang tingin. Namilog ang mga mata nito. Nagtangka ring tumalikod, ngunit napigilan ni Bethany.
Well, she certainly isn't Sabrina, is she? pa-rhetorical ng isip ni Ren. Sabrina ang pangalan ng bride-to-be, at ang rason kung bakit nagpunta sila ni Bethany doon sa simbahan ngayong umaga.
"Ikaw 'yon, 'di ba?" manghang pahatid ng pinsang naturingan. Fourteen years old, Tita Belinda's youngest usually was very much the little lady kung kumilos at manamit. Not this time, however. This time, mistulang ano mang sandali ay magtatatalon na ito sa sobrang excitement, elegant floral print dress or no. "'Yung video blogger na babae sa commercial ng Laki Me? 'Yung sa sinigang na bangus?"
"H-ha?" napakurap namang bitiw ng tinanong, looking taken aback by the question. "Ah, eh, ano…"
Lalo lamang itong nilapitan ni Beth. "OMG, ikaw nga!" pagkuwa'y tili ng dalagita. "Ikaw si 'Lucky Lelay' ng Laki Me sinigang-na-bangus-flavored instant noodles! … Pero bakit gan'yan ang ayos mo today?"
"Yes," sabat ni Ren, sidling over sa kinatatayuan ng dalawa, "bakit nga ba?" Nasa interior courtyard sila ng simbahang-nayon ng Tanglad, sa walkway malapit sa restored na bahay-Kastila na ginawang tanggapan ng kura-paroko. Asul ang langit. Maaliwalas ang sikat ng araw. Sinubukang pamarisan iyon ng binata, smiling mock-benevolently sa babaeng kahapon lamang ay nakita siyang nakahubad. "Hello, Mia. 'Musta na?"
"Okay naman, Ren. Thank you so much for asking." Matamis ang pagkakasambit niyon. Sobrang tamis. Katernong-katerno ng teeth-baring nitong ngiti; the one that all but screamed, 'Hello-hin mo ang mukha mo.'
Bethany, however, was ecstatic. "You know each other, Kuya?"
"Yes." Unfortunately. "Kapatid siya ng patternmaker ng design team namin sa DC." At sapagkat more or less ay iyon ang tahimik na pakiusap ng mga mata ng kanyang pinsan, pormal na in-introduce na rin niya ang mga ito sa isa't-isa.
"Beth," magiliw na wika ni Bethany nang matapos siya. Inialok nito ang kanang kamay kay Mia. "'Yon ang nickname ko."
Nagkamayan ang dalawa.
"Charmed," balik ni Mia, the smile accompanying her statement warm and bright as the mid-morning sunshine.
Charmed, indeed, biglang hinuha ni Ren. In more ways than one. Charmed—as in kinulam.
Ano pa nga ba'ng maitatawag niya roon, kung kahit pinapangit na nang husto ang hitsura ng dalaga ay kaya pa rin nitong ngumiti na parang diwata.
Temporary nga lang, he appended. Naglaho ang mala-diwatang ngiting iyon ni Mia sa sandaling mapadapo muli ang tingin nito sa kanya. Once again, she looked no more than she was right now: unkempt and unattractive. And more than a little peeved na makasalubong ulit siya. Which—at least, as far as Ren was concerned—was just fine.
Afterall, kagaya ng una nilang engkuwentro kahapon, the feeling was quite mutual.