Chereads / Maldita Kong Puso / Chapter 3 - Chapter 3: ... Patola?

Chapter 3 - Chapter 3: ... Patola?

REN ISHIDA. Him, of all people, here of all places.  Kung noon ay kutob lamang ni Mia na pinag-ti-trip-an siya ni Manay Palabirong Tadhana, ngayon ay sure na sure na siya.  Katulad ng pagka-sure niya na ang sagwang-sagwang-sagwa pala talaga ng sense of humor nito.  As in.

Ano pa nga bang katibayan ang kakailanganin niya, matapos ang masalimuot, traumatic, at hindi na niya ever gustong ma-relive na pagkikita—at pagkakita—sa nakakabuwisit na bugnuting boss na iyon ni Louie?

Konsuwelo na lamang ni Mia na hindi siya naka-ayos 'Felyang Lukring' nang makaharap ito.  Baka nalusaw na siya sa sobrang kahihiyan kung nagkataon.  But as for the rest, well…

"Kalurkey!" 'ika nga ni Weng, noong maikuwento niya rito ang naganap.  Nagkasalisihan pala sila ng bakla; mula sa palengke ng Tanglad, kung saan earlier ay sinamahan ni Weng ang ilan pang mga amiga nitong writers at PA para sa Pahamak, imbes na dumaan sa lodge ay dumiretso na rin ito sa beach sa pag-aakalang naroroon pa rin si Mia.  Bandang alas-siete na nang makauwi ito sa kanilang suite, dala ang rellenong bangus, bicol express, at spicy bagoong rice na hapunan nila for the evening.  "So 'yung sawimpalad na fafa na nag-may-I-fall sa sahig ng CR, siya 'yung matagal mo nang ikinukuwento sa 'kin na Fil-Japanese boss ng sister mo?  That Ren Ishida?"

"Flangey," ang siyang isinagot naman niya.  "Siya 'yung pumalit kay Yesha Lagman bilang head designer ng DC.  May one year na."  Personal pa nga raw ito umanong pinaanyayahan ni Miss Yesha para humalili rito sa naturang high-end na clothing company.  For some reason.

Well, siguro dahil minsan nang nakatsambang magka-award ang binata sa fashion design mula sa isang prestihiyosong international competition or other.  Besides being a perennial nominee—at twice-hailed na awardee—sa taunang Philippine Fashion Awards ever since mag-career-change ito half a decade ago from in-demand male runway model into a full-fledged fashion designer extraordinaire.

Kuno.

"And obviously siya pa rin ang least favorite person mo in the whole wide world," buong kaaliwang puna ni Weng, saka isinubo ang kanin at kapirasong isdang kinutsara nito.  Bahagyang nakakunot ang noong tumitig pa ito sa kanya, marahang nginuya-nguya ang pagkain na animo'y may ninanamnam na kung anong kuro kasabay niyon.

"What?" naitanong tuloy ni Mia sa bakla.  "Don't tell me tumalab na 'yong sex appeal ko sa 'yo, ha.  Bigla mong na-realize na like mo rin pala ang mga babae."

"Gaga, hindi 'yon," kastigo ni Weng, na mistulang kinilabutan at the very idea.  "'Yung original back story ninyo ni Ren; iyon ang pinag-wo-wonderan ko.  Saan, kailan, at paano ba kayo unang nagkakilala?  I mean I do recall you mentioning na personal mo nang na-meet 'yung guy even before naging head designer siya sa DC, 'di ba?  And bakit ba ganoon na lamang ang pag-sa-sour guyabano ng fez mo madinig mo lang ang name-sung ng pobre?"

"Rumaket ka na rin bilang writer ng showbiz intriga talk shows, ano, Weng?"

"Answers first, speculations later."  Napaumis ang bading.  "Parang training mo na rin ba, for when super-sikat ka na at nasa TKT Hotseat ni Kumareng Spicy."

"Mambola ba," may pa-eyes-rolling-heavenward na tuya ni Mia.  Ganoon man, hindi pa rin niya napigilang mapangiti.  "Fine," bumuntong-hininga siya, "sure, sige.  Alin ba'ng version ng story ang gusto mo, 'yung long o 'yung short?"

"The long one, of course," agarang tugon ni Weng, sa tonong 'Itinatanong pa ba 'yan, haller?' ang pahiwatig.  "Kilala mo naman ako, mahilig sa mahahaba.  Speaking of which…"  Pilyang nangagkislapan ang mga bilugang mata nito, "Ano nga ba si Ren, 'Te?"

"Ano'ng ano?"

"Talong, kamoteng kahoy, o pipino?"

Mia groaned.  "Weng!"

"What?"  Humagikgik ang bakla.  "Nakita mo naman ang sa kanya, right?"

"Weng—"

"Patola?" walang-kadala-dalang buwelta nito, thoroughly enjoying himself.  "Oh là là, Mama Mia, nag-bu-blush ka!  Patola nga, ano?"