MIA CASTILLO. Her, of all people, here, of all places.
Mattaku, pagod na eksklama ni Ren sa sarili. So siya pala 'yung nadinig kong tumatawag sa labas kanina.
So much for answering the door. Kung alam lang niya, hindi na sana niya minadali pa ang pag-step-out sa shower upang sagutin iyon.
Bad enough na hubo't hubad siyang nadulas at napabulagta sa sahig ng banyo, no small thanks to the combination of wet floor and the soap-slicked soles of his own stupid feet. Ngunit ang matagpuan siya sa ganoong kalagayan ng babaeng ilang taon na rin siyang itinuturing bilang kaaway na mortal? Motto warui. Terrible.
Konsuwelo na lamang ng binata na imbes na mapilayan, mabalian ng buto, o dili kaya'y mabagok ang ulo nang madulas at mapabulagta siya sa sahig ng banyo, pasa sa puwet lamang ang tanging pisikal na pinsalang kanyang tinamo. At nakayanan din naman niyang tumayo kaagad, all by himself—habang mistulang bagong-bingwit na isdang tumanga lang si Mia in the background—at matagumpay na naipalibot na sa wakas ang blue bath towel sa baywang at mga balakang niya.
Privates thus adequately concealed, Ren folded his arms squarely over his still-soaked chest, at suyang inirapan ang maarteng malditang kakambal na iyon ni Louisa. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"I think I could ask you the same thing myself." Kung batay rin lang sa tinging isinukli sa kanya ng dalaga, the dislike was decidedly quite mutual. Bahagyang nakaangat ang isang kilay nito; may undercurrent ng talim sa politely conversational nitong tono. "And FYI, si Mia 'to. Just in case na-lo-lost ka."
Like hell. "Oh, I knew it was you the second na makita kita," tugon ni Ren. "The Louisa I know would be sensible enough not to come barging into clearly occupied bathrooms. As would most other people."
Suminghot si Mia. "Most other sensible people lock their bathroom doors kapag naliligo sila."
"Sira ang lock, I needed a bath, and akala ko naman eh walang ibang tao sa vicinity." Humakbang si Ren papalapit sa lagusan ng banyo samantalang nagsasalita, sa kung saan nakabalandra pa rin ang dalaga. "Makikiraan," patuyang pakiusap niya rito. Kinailangan niyang yumukod nang kaunti upang makatagpo ang tingin nito. Matangkad si Mia—for a woman—ngunit mas matangkad pa rin siya, his height being just an inch or so shy of six feet. "And by the way, Mia, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko."
Umisod naman ito upang padaanin siya. "Not that it's any of your business, Ren, pero may taping lang naman po ako rito," karaka'y sabat ng dalaga. Sinundan siya nito pamula bathroom at pabalik sa loob ng kuwartong inilaan ni Ate Shirl para sa kanya. Nakapameywang na ito nang muling lingunin ni Ren, looking utterly pleased with herself. "I've landed a role sa pinakabagong teleserye ng MBC. Congratulate me."
Now it was his turn to snort. Talaga lang, ha. "'Role'? Ikaw? Bilang sino naman?"
"Bilang... supporting character." Tumikhim si Mia, saka pahapyaw na idinagdag, "Na ultra-mega-importante sa main plot ng istorya. Ang dami ko ngang scenes, eh."
"And yet nandirito ka," Ren pointed out.
"Eh sa maaga kasi akong pinagpahinga ni Direk today," medyo defensive nitong paliwanag. "Ngaragan kaya ang schedule ko bukas." Hindi namula si Mia, not quite, ngunit dagling iniiwas nito ang tingin sa kanya, carelessly flipping a lock of long black hair over one shoulder. "So what about you, Ren? What are you doing here?"
Ee, tuyot na balik-tanong ng isip niya, doushite?
'I came here para dumalo sa kasal ng pamangkin ng ninang ko,' Ren could have said. Among other things. Like the fact na tiyahin niya ang may-ari ng beach resort at lodge na kinaroroonan nila ngayon. Or that sadyang maaga siyang pinapunta sa Tanglad ng kanyang Ninang Laarni upang i-rework ang dati nitong wedding gown para sa bride.
Subalit gabi na, pagod siya, at tanging isang tuwalya lamang ang nagsisilbing panangga sa lamig ng simoy-dagat. "Nagbabakasyon," ang isinagot na lang niya. "Not that it's any of your business."
Tinalikuran niya ang dalaga at nagtungo sa maletang idineposito niya kanina sa tagiliran ng kama para makakuha ng matino-tinong damit. Akmang isusuot na niya ang white cotton t-shirt na kanyang napili nang mapagtantong naglalagi pa rin doon sa loob ng room si Mia. The girl couldn't take a hint, apparently.
Bumuntong-hininga si Ren. Tumikhim. "Do you mind?" he called, casting her a sideways glance. He put on the shirt without waiting for an answer saka muling hinarap ang dalaga. "You know, usually kasi the girls who watch me put on clothes are the ones who helped me take them off in the first place." Tumango si Ren, once, towards the door. "So?"
This time, Mia did blush. Nagkaroon siya ng eksaktong tatlong segundo para ma-appreciate ang bahid ng pula sa mapuputing mga pisngi ng dalaga bago irapan siya nito. "Jerk," anito, and without further ado, padabog na nagmartsa palabas ng silid.