"Schei lumabas ka na diyan may pasok ka pa"
"ayokong pumasok"
Ayokong lumabas sa kwarto na ito kasi ayokong makita ang mukha niya, ayokong makita ang tao na nanakit sa akin lalo na sa puso ko.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si mommy na nakapameywang.
"Scheinel Yumi Schatz, fix yourself before I drag you out of your room!" galit na sigaw niya sakin.
Wala sa sarili na tumayo ako at pumasok sa banyo. Ilang minuto ako na nakatingin sa harap ng salamin at pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon. Bakit mo ako pinagpalit? Siguro naman mas maganda ako kaysa sa kaniya? Pinagpalit mo ako sa taong hindi ko alam ang itsura! Sana naman pinakilala mo sakin para nabati ko kayong dalawa.
Bigla na naman umagos ang luha ko.
"gah, Scheinel bakit mo ba iniiyakan ang lalaking yun? Hindi ka niya deserve okay?" pinunasan ko na ang aking luha at nag ayos na ng sarili.
Kailangan kong pumasok, kailangan ko siyang harapin at ipapamukha ko sa kaniya na hindi ako mahina, na kaya ko din siyang ipagpalit at kalimutan.
Lumabas ako ng kwarto at nagpaalam kay mommy na sa school na lang ako kakain. Pagkababa ko ng kotse ramdam ko agad ang tingin ng ibang mga estudyante sa akin. Bakit nga pala nakatingin sila sa akin eh wala naman ako ginagawang masama?! Nagpakatino na nga ako dahil ayoko ng lumipat pa ng school kaya as possible pinipigilan ko maging palaban. Napahinga na lang ako ng malalim at nakayukong pumunta sa room.
"duh akala ko pa naman mabait siya, yun pala isang bitch at mangaagaw!" tumingin ako sa grupo ng babae na nagtsitsismisan. Sino kaya pinaguusapan ng mga bruha na ito? Grabe naman kasi makasabing bitch at mangaagaw, diin na diin eh.
"yeah that Scheinel Schatz, ang bitch talaga!" napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko.
Ako? isang bitch at mangaagaw? Nagpantig ang tainga ko ng marinig ko yun, bigla na lang din napuno ng inis ang damdamin ko.
"excuse me?" I said in a cold voice. Tumingin naman sila sa akin ng masama pero nang marealize nila na ako na pinaguusapan nila ang kumausap sa kanila, nanlaki ng mga mata nila sa gulat.
"kung magtsitsismisan lang din naman kayo, baka gusto niyo sa gitna ng campus? gumamit na din kayo ng mic para dinig ng lahat ng students" sarkastiko kong sabi tsaka tumalikod sa kanila. Umagang umaga eh pinagiinit lalo ang ulo ko.
"bitch ka at mangaagaw huh! So it means totoo nga yung sinabi ng bestfriend mo" napatigil ulit ako at nagtatakang lumingon sa mga babaeng tsismosa.
"pardon?"
"oh mukhang di mo ata alam, kawawa ka naman" sabay sabay silang tumawa.
Hinatak ko ang kwelyo ng isa sa kanila at pinanlisikan ng mata.
"sabihin mo bago ka mawalan ng malay" takot na tumingin siya sa akin.
"a-ah k-kasi si ano si Winter sabi niya y-you're a bitch and slut kasi i-inagaw mo daw si J-jace sa k-kaniya then tinakwil mo daw siya as y-your bestfriend nung nalaman mo na s-siya pala talaga ang gusto ni Jace" mahaba niyang litanya.
What?
May gusto siya kay Jace at sila na?
So it means na ang taong ipinagpalit niya sa akin ay ang tinuturing ko na matalik na kaibigan? Kaya pala hindi siya makasagot nung tinanong ko siya kung sino ang ipinagpalit niya sakin pero hindi ko muna sila dapat paniwalaan hanggang walang ebidensya.
I trust Winter.
Binitawan ko naman siya at tumingin isa isa sa kanila.
"you know what? stop spreading fake news, nakakasira yan sa mundo" umalis na ako sa harapan nila at dumiretso na sa upuan ko.
Nangalumbaba ako habang iniisip kung totoo ang mga sinasabi ng mga bruha na yun. I shifted my gaze outside the window na sana hindi ko na lang pala ginawa. Masakit na mukhang totoo nga ang sinabi ng mga chismosa na yun na galing pa ang magandang pekeng balita sa tinuturing ko na bestfriend.
I saw Winter and Jace ma magkaholding hands habang papasok ng building. He smiles at her while she pinch his cheeks. Ginagawa din namin yun nung mga panahong nagpakatanga ako sa kaniya at naniwala sa mga sinasabi niya.
I try to control myself para hindi na umagos pa ang bwiset na luha na ito. Ang sakit kasi na malaman na yung lalaking minahal mo ay niloko ka at pinagpalit sa kaibigan mo. Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang pinto at magkasabay na pumasok si Jace at Winter kasunod ang teacher namin.
"okay class, may announcement ako para sa inyo. As of tomorrow until Friday, mawawalan ng pasok kasi the whole faculty will attend a meeting for this month's activity. So ibibigay na lang din namin ang araw na ito sa inyo as your free day" she said and left the room.
dahil sa sinabi ng teacher namin, naghiyawan silang lahat at lumapit na sa mga kaibigan nila at couples para magtsismisan at magharutan, and of course since wala na akong real friends here aalis na lang ako.
Bakit nga ba wala akong kaibigan dito?
Simple lang. May galit sila sakin, mga insecure ata. I'm just stating the fact, okay? I admit na ang sarcastic ko most of the time unlike them na sobra ang kaplastikan at chismosa.
Tumayo na ako at sinabit ang bag sa balikat ko.
"Where are you going Schatz?" tanong ng presidente ng klase.
"clinic" maikli kong sabi at naglakad palabas ng room.
Hindi pa ako nakakalabas ng magsalita ang isa sa mga classmate ko.
"hey Wintsy wag mo nga ipagtanggol si Scheinel. Remember tinakwil ka nga niya kasi hindi niya matanggap na kayo na ni Jace, masyado kasi siyang nagassume at malandi yan. Kung hindi ba naman malandi, matagal na niyang alam na may gusto ka kay Jace pero anong ginawa niya? Nilandi niya para maagaw sayo! Paawa lang yung bitch na yun! Malandi din siguro nanay niya kaya malandi din siya"
Sa sobrang haba ng pagpaparinig niya sa akin, isa lang ang pumasok sa utak ko. Yun ay ang tawagin nilang malandi ang nanay ko. Kaya ko tanggapin ang mga insulto nila sa akin pero wag na wag nila idadamay ang pamilya ko.
Ramdam ko ang mga tingin nilang nakakainsulto at may halong simpatya, samahan mo pa ng mga tawa nila na dinig sa buong room. Naikuyom ko ang kamay ko sa galit.
"Classmate quiet!" sinubukan silang sawayin ng president namin pero hindi sila nagpatinag.
Huminga ako ng malalim at ibinaba ang bag ko sa teacher's table. Ngayon ko lang ulit gagawin ang bagay na ito. Wala na akong pakielam kung maexpel ako dahil ang gusto ko ngayon ay malaman nila na mali ang tao na kinalaban nila.
Dinig ko ang malakas nilang pagsinghap at sabay sabay na tinawag ang pangalan ng babaeng nang insulto sa nanay ko na ngayon ay nakahiga na sa sahig at may dugo sa labi. She starts to cry at lahat sila tumingin ng may takot sa akin.
I cross my arms at tumingin ng walang emosyon sa kanila.
"hoy Schatz ano bang problema mo?!"
sasabunutan dapat ako ng isa pang babae but sorry siya mas mabilis ako kumilos kaysa sa kaniya. Kaya bago niya pa ako masabunutan, pinilipit ko ang braso niya at sinipa siya sa bandang sikmura dahilan para mapaupo siya sa sahig at pumilipit sa sakit habang humahagulhol ng iyak.
"MITCH!" sigaw nila sabay lapit naman sa babaeng pinilipit ko ang braso.
"Scheinel itigil mo na 'to" lumingon ako kay Jace na nagsalita tsaka siya tinitigan.
Walang luhang tumulo sa mata ko dahil napupuno ako ng inis at galit ngayon.
"S-scheinel tama na. Bakit mo ba 'to ginagawa? dahil ba kami na ni Jace? dahil ba hindi niya sinabi sa'yo na ako ang pinagpalit niya o dahil ba hindi na kita kaibigan? Itinakwil mo ako Scheinel. Gusto kitang kausapin at magpaliwanag pero nilalayuan mo ako" pagmamakaawa ni Winter, take note my former bestfriend. Bakas sa mukha ng mga classmates namin ang awa at pagsang-ayon sa kaniya at inis para sa akin.
Mukhang totoo nga na siya ang nagsimula ng fake rumors about me. I smirk at them as I lift my finger.
"Three, I don't care about your shitty relationship with him" I pointed my forefinger at Jace and smile at them in an evil way.
I know na hindi pa ako nakakamove-on kaya masakit sakin na sabihin na wala akong pakielam sa relasyon nila pero ang totoo sobrang selos at inggit ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa kanina pero napalitan ng galit lahat ng iyon ngayon.
Gulat na tumingin sa akin si Jace at akmang magsasalita pa pero itinaas ko na ang dalawang daliri ko.
"Two, for your information hindi kita itinakwil at hindi kita nilayuan. You are the one who isolated yourself from me. Spreading fake news are crime, don't you know it?" bakas sa mukha ni Winter ang pagkagulat at inis.
Naikuyom niya na din ang kamay niya while yung iba naming classmates parang mga balimbing. Karamihan sa kanila ay hindi naniniwala at may iilan na naniniwala. Whether they believe it or not, I don't even care.
"One" itinaas ko pangatlong daliri ko at pinasadahan sila ng tingin isa isa. Itinuon ko ang tingin ko sa babaeng nanginsulto kanina sa nanay ko.
"don't mess with me nor insult my family if you don't want to experience your life in hell when I'm your enemy" I wave my hand at them bago ko kinuha ulit ang bag at umalis ng room na iyon.
I left them speechless but I know na may gagawin sila para maghiganti sa akin lalo na si Winter. Isa sa mga ugali niya ang ayaw mapahiya at matalo.
Well, I'll just wait for that revenge to happen and fight her.