Bumungad ang malalaking chandeliers na nakasabit sa ceiling tapos ang kikintab ng sahig. Muntik na nga akong madulas pero nasalo agad ako ng prinsipe.
"salamat"
"ang lampa mo pala prinsesa" mahina niyang usal habang tumatawa.
Hindi ko na lang ulit siya pinansin dahil tumayo mula sa kaniyang kinauupuan ang sinasabi nilang hari. Tumingin ako sa kaniya at base sa kanilang kasuotan mukhang sila nga ang hari at reyna.
Nakita ko naman na nakaluhod na ang prinsipe at yung babae kaya wala sa sariling lumuhod din ako.
"anong ginagawa mo?" nilingon ko ang prinsipe at binigyan siya ng nagtatakang tingin.
nakaluhod ako, hindi ba halata?
"Eulka tumayo ka" tumingin ako sa babae na katabi ko sa kaliwa kasi ayaw niya tumayo.
Lagot siya niyan.
"prinsesa tumayo ka" mahinang sabi ng bwiset na prinsipe.
Tiningnan ko naman siya nang nagtatakang tingin. Hindi naman Eulka ang pangalan ko ah.
"prinsesa Eulka Symmeria inuutos ko na tumayo ka" lumingon ulit ako sa babae na katabi ko at sakto naman na nakatingin siya sa akin.
"hindi ka pa ba tatayo? papagalitan ka ng hari niyan!" mahina kong sabi sapat para madinig niya.
"po? prinsesa ikaw po ang pinapatayo ng hari" sagot niya sa mahinang boses din. Lumingon naman sa akin ang prinsipe and gave me a 'you-should-stand-up' look.
"inuulit ko, Eulka tumayo ka!" dali-dali naman akong tumayo kahit hindi Eulka ang pangalan ko pero nanatili akong nakayuko. Nakakatakot kasi ang boses ng hari puno ng awtoridad tapos sinigaw niya pa na tumayo ako. Well, hari siya kaya siguro ganoon.
"ano nangyari sa iyong kasuotan? at bakit ka lumabas ng palasyo nang walang kasama?"
Ano ba sasabihin ko? ama o mahal na hari? Ah basta bahala na ang anghel na gumagabay sa akin. Acting muna ako ngayon habang wala pa akong information about sa nangyayari sakin.
Napahinga muna ulit ako ng malalim bago magsalita.
"Ipagpatawad po ninyo ang aking pag-alis kamahalan, nais ko lamang po maglibot sa kaharian" napapikit ako, sana maniwala siya.
Sinubukan ko itaas ang paningin ko sa kanila at kita ko ang pagbuntong hininga ng hari. Ngumiti sa akin ang reyna at lumapit upang yakapin ako.
"wag mo na ulit kami pag-aalalahanin aking anak" naspeechless ako dahil sa ginawa niya. Hindi naman kasi talaga ako prinsesa, hindi Eulka ang pangalan ko, hindi din ako dito nakatira, at higit sa lahat may talent pala ako sa pag-acting.
Tumingin naman ako sa hari na lumapit din sa amin at nakiyakap. Nang matapos na ang yakapan session namin, humarap ang hari at reyna sa prinsipe.
"prinsipe Lance Dwane Monfier na nagmula sa kaharian ng Fraeindier, isang karangalan na makarating ka muli dito sa aming palasyo"
"isang karangalan din po na makita kayong muli kamahalan" ngumiti siya at yumukod sa harap ng hari at reyna.
"maaari ko po bang makausap sandali ang prinsesa?" tiningnan ko naman siya ng masama.
Anong kailangan namin pagusapan?
"sige" matipid na sagot ng hari.
Hinila naman ako ni Lance papunta sa lugar na walang masyadong tao — ang hardin ng palasyo.
Napakaharsh naman ng prinsipe na ito. Kung makahila feeling close. Pasalamat siya dahil kaharap ang hari at reyna dahil kung hindi napilipit ko na ang braso niya.
Tumingin tingin naman siya sa paligid at seryosong tumitig sa akin.
Kinakabahan ako na ewan, kasi naman kung tumitig siya para namang mamamatay tao ako. Eh kung siya kaya pinapatay ko tapos isasabit ko siya patiwarik at kukunin ko ang laman loob niya?
Pero syempre joke lang yun, masyado akong mabait para gawin ang ganoong bagay.
Nakacross arms pa siya habang nakatitig ng maigi sa akin at iniikutan pa ako na parang sinusuri ang buong pagkatao ko.
"hindi ka ba titigil sa kakaikot?"
"bakit?" aba nagtanong pa.
"kasi nakakahilo"
"hahaha ganoon ba? pasensya na"
"ha ha ha tawa ka pa" sarkastiko kong sabi tsaka siya inirapan.
"ang sama mo prinsesa"
"matagal na" narinig ko na tumawa siya ng mahina. Ano nakakatawa sa sinabi ko ah? Pakisabi nga sa akin kung ano!
I crossed my arms and raised my eyeberow as I looked at him directly in his eyes. Naging maaliwalas naman ang mukha niya at ngumiti sa akin.
"hahaha ibang iba ang ugali ninyo ni Eureka"
"alam mo tigilan mo na ako dahil wala akong alam sa sinasabi mo" nakakairita na siya eh.
"ikaw ba talaga si prinsesa Eulka? Ang kapatid ni Eureka na ayaw magpakita sa kahit na sino at hindi nalabas ng palasyo? Pero bakit ang tapang mo ata pati sa pagsasalita? Nagsanay ka ba? Tinuruan ka ba ng hari? Sa pagkakaalam ko kasi, si Eureka ang nagsasanay sa pakikipaglaban at paggamit ng kapangyarihan na taglay ng inyong kaharian"
huh? ang dami niyang tanong pero kahit isa doon, wala akong ideya kung ano ang isasagot kasi wala akong alam. Hindi ako aware sa kung ano kaganapan tsaka ano ba pinagsasabi niya? Sinong Eureka? First of all, hindi ko siya kilala at hindi talaga Eulka ang pangalan ko!
Higit din sa lahat, hindi ako nagbago dahil talaga naman na ganito na ako simula pa nung bata-
wait, sinabi niya ba na may kapangyarihan ako? Wooh mukhang astig yun ah
"anong kapangyarihan?" tanong ko muli. Siya naman ang mukhang naguguluhan ngayon sa sinabi ko.
"ang kapangyarihan na pasunurin ang elemento ng hangin. Iyon ang kakayahan ng namumuno at ilang pinagpalang tao sa Windrine"
humawak siya sa baba niya na parang nagiisip ng malalim na bagay.
"imposible na hindi mo alam kung paano gamitin iyon?"
"ah hindi" kasi hindi ko nga alam na may ganoon pala dito. Cool.
"ano?"
"hindi ko nga alam"
"paano?"
"ewan ko sayo!" naglakad na ako palayo sa kaniya.
"saglit prinsesa, hindi ba dapat alam mo iyon"
"sinabi ko na sayo na hindi ako taga dito diba?!"
"nagpapatawa ka ba?" napahinto ako at inis na humarap sa kaniya.
"layuan mo ako!"
"mukhang may sakit ka nga"
Talaga naman kasing hindi ko kayang gamitin ang sinasabi niyang kapangyarihan eh. Ilang beses ko ba dapat sabihin na una sa lahat, ngayon ko lang sila nakilala at wala akong alam sa kung ano anong mga bagay ang pinagsasabi nila. Ikalawa, hindi ako dito nakatira, okay? at pangatlo, hindi ako isang maharlika na prinsesa. I was given the title of so-called 'princess' in our organization before but not in this imaginary fairytale!
"bahala ka, gusto ko na magpahinga" yun na lang ang sinabi ko at umalis na ng hardin.
Binilisan ko ang paglalakad para hindi niya ako masundan. Nasa harap ako ngayon ng isa pang malaking pinto. Dahan dahan ko ito binuksan. Nagulat ako na sobrang dilim ng paligid kahit na alam kong maaga pa ang oras.
This room is so mysterious.