Chereads / Fairy Tale Dream / Chapter 7 - VII. Another Princess

Chapter 7 - VII. Another Princess

"gising na prinsesa"

"hm mommy maaga pa po" tumagilid ako ng higa at nagtaklubong ng kumot.

"m-mommy?" 

napamulat ako at napabangon bigla nang madinig ko muli ang boses ng tinawag ko na mommy.  Nagulat ako kasi hindi si mommy ang bumungad sakin kundi ang maganda at maamong mukha ng reyna.

"pa-patawad po mahal na reyna, akala ko po kayo ang aking ina" mas lalong bumakas ang pagkalito sa mukha ng reyna. huh may mali ba ako na nasabi? hm pwera na lang kung oh shit?! Kung andito sa harapan ko ngayon ang reyna na nakilala ko sa panaginip ko nung isang araw ibig sabihin, andito ulit ako sa lugar na ito? nanaginip na naman ako? Naitakip ko tuloy ang aking kamay sa bibig at napayuko sa sobrang pagkapahiya. Ako nga pala ang tinuturing nilang anak dito, hindi ko na alam gagawin ko.

"may sakit ka ba anak?"

"w-wala po, nanaginip lang po ako hehe" tanging sagot ko sa reyna at binigyan siya ng matamis na ngiti. Bigla naman niya ako niyakap. 

"kung ano man iyon wag mo nang alalahanin pa" napatango na lang ako habang nakayakap na din sa kaniya. 

Siguro kailangan ko sanayin ang sarili ko na tawagin siyang 'ina' pansamantala. Alam ko na paggising ko babalik na ulit ako sa totoong mundo ko, makikita ko si mommy at dadalawin ko pa si Winter sa hospital.

'bye bye Scheinel see you sa kabilang buhay'

nagulat ako sa ala-alang pumasok bigla sa utak ko kasabay ang sunod na pag-agos ng luha sa mga mata ko. 

Winter fooled me. She betrayed me.

ibig sabihin ba nito na patay na ako? Pero bakit ako nandito? Kung patay na ako dahil sa aksidente na iyon, bakit ako nasa lugar na laging lumalabas tuwing nananaginip ako?

"prinsesa bakit ka lumuluha" tumingin ako sa reyna. Pinunasan ko ang luha ko at pilit na ngumiti. 

"masaya lang po ako" lies, dahil pakiramdam ko ngayon ay patay na ako at wala nang pagasa pa na makabalik ako sa sarili kong mundo. Niyakap ko na lang muli ang reyna. Hinimas niya ang buhok ko at pinapatahan. 

"shh andito lang kami ng iyong ama, prinsesa. Kung nais mo man lumabas muli ng palasyo pahihintulutan ka namin pero dapat ipapaalam mo sa amin at isasama mo si Verina" hinarap ako ng reyna at siya na ang nagpunas ng luha ko. Patuloy pa din ako sa paghikbi at alam ko na namumula na ang mata ko. 

"maiwan muna kita magisa, kulang ka lang siguro sa pahinga" ngumiti muli siya sa akin bago tumayo at tuluyang umalis sa kwarto ko.

I want to think positive, iniisip ko na nawalan lang ako ng malay and at that moment someone came to save me. 

Tumayo ako at pinagmasdan ang sarili sa malaking salamin dito sa loob ng kwarto. I'm wearing a blue dress paired with the same color of shoes. Gulo-gulo ang ayos ng buhok ko, namumula ang mata pati na din ang pisngi ko. 

Pinikit ko ang mata ko, umaasa na pagmulat ko kaharap ko na ulit ang pamilya ko at nandoon na ako sa tunay kong kwarto pero iba pa din ang nakita ko sa bagay na inaasahan ko. Nandito pa din ako sa tapat ng salamin at may sulat na dito. What? saan nanggaling ito? Wala naman akong naramdaman na presensya nang kung sino dito sa loob ng kwarto, so who the heck wrote this?

"ikaw ang magiging ikalawang prinsesa ng kaharian upang iligtas ang mundong ito sa kapahamakan" what? prinsesa ng kaharian? sa mundong ito? bakit may nakasulat na ganito dito?

Biglang nagliwanag ang salamin at lumabas dito ang isang babae. A long blonde hair with a silver tiara on her head. She's wearing the same clothes I have, she's smiling at me. 

"who are you?"

"I am the real owner of that body" she said but the smile on her face never fades. Katawan niya to?

"wait! what are you talking about? This is my body, okay? baka nagkakamali ka lang. Bakit mo naman magiging katawan ito eh hindi naman tayo magkamu--" napaisip ako bigla tsaka hinalungkat kung may maliit na salamin sa may cabinet. 

"what the hell? hindi ako ito" naguguluhan ako. The second time na nanaginip ako when the prince approached me, may pinakita siyang papel na may mukha ko, yun yung sabi nila ay umalis ako ng palasyo at nawala ng matagal na oras kaya sa sobrang pagaalala ng hari at reyna, napagdesisyunan na nilang ipahanap ako. At yung papel na yon, I can clearly recognized that it was me! Tumingin ako sa babaeng nasa salamin, nawala ang mga ngiti sa kaniyang labi at gumuhit ang lungkot sa kaniyang mukha.

"patawarin mo ako, ito lang kasi ang naisip ko na paraan para maligtas ang kaharian namin, ang mundo dito" 

"iligtas? paano mo naman ililigtas ang mundo na ito kung sa salamin ka lang nagpapakita tsaka diba katawan mo ito? bakit ako ang nandito at hindi ikaw?" 

"hayaan mo akong ipaliwanag ang lahat" 

"go, explain it briefly. Kapag hindi ko nagustuhan ang sasabihin mo, humanap ka ng paraan para ibalik ako sa katawan ko" umupo ako sa kama. Nakita ko naman na napapikit muna siya bago simulan ang pagpapaliwanag niya. 

"three months ago, my older sister vanished. Madalang lang ako lumabas ng silid dahil pinagaaralan ko maperpekto kung paano gamitin ang elemento ng hangin. We all believed that the god of wind is protecting our country Windrine and every royal blood should mastered the power of the wind element. They even searched the neighbor countries, Fraendier and Elvesier pero hindi nila siya nahanap" ah so nawawala yung kapatid niya and if my guess is correct, her name is Eureka, the one prince Lance mentioned before. 

"ano naman kinalaman ko sa pagkawala ng kapatid mo?" seryoso siyang tumingin sakin.

"my sister went to your world pero hindi ko alam kung nasaan siya o anong pangalan ang gamit niya sa mundo niyo. The only clue I have is my prophecy" sa mga nababasa ko na libro noon, lahat ng propesiya ay nagkakatotoo. Hindi malabo na mangyayari talaga sa mundo na ito ang sinasabi sa propesiya nila pero ano yon? at bakit pakiramdam ko may masamang mangyayari sakin?