Chereads / Fairy Tale Dream / Chapter 9 - IX. Mysterious Book

Chapter 9 - IX. Mysterious Book

Tumingin ako sa nakangiti pa ding prinsipe sa harapan ko. May kailangan ba mga ito sakin? 

"prinsesa, nais sana kitang makausap" ano naman gustong sabihin sakin nito? as far as I remember, we're not even close. Niligtas niya lang ako nung araw na may humahabol sakin then after that wala na. Although hindi naman siya mukhang masama but who knows? Innocent looking people hide a beast inside. Either they're full of dark secrets or schemes. 

"patawad prinsipe pero sa pagkakatanda ko wala tayong dapat pagusapan" nilagpasan ko na silang dalawa. Kailangan ko hanapin kung may library ba sila dito. This palace is so big and I need to do it fast! Para makapagsimula ako sa plano na gagawin ko and about sa discovery of the magics on my own, mas maganda siguro kung basahin ko muna ang history ng bansa na ito as well as the neighbor countries. In that way, I can be aware kung paano sila kumilos and their culture. Secondly, dahil zero magic ako kailangan ko din pagaralan kung anong magic ba ang meron sa ibang lugar dito. What if ang kalaban pala is fire magic tapos wind magic lang alam ko? edi it will result to my defeat. I need to learn a lot or lahat na. Simple spells are important too. 

Napatigil ako sa paglalakad sa harap ng isang malaking pinto. It's a huge white door with a several diamond shape carved on the sides. It's so simple hindi katulad ng ibang pinto na dinaanan ko. 

"iba ang kinikilos ng prinsesa ngayon" 

"hindi kaya sinapian siya o sinumpa?" 

Binuksan ko agad ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto na iyon nang may marinig ako na boses. Ako ata pinaguusapan nila ah? at sinong sinumpa? hanggang dito ba naman paguusapan pa din ako. Nang maramdaman ko na nakalayo na sila, nakahinga ako ng maluwag. 

Napatingin ako sa paligid, nasaan ba yung switch ng ilaw dito? masyadong madilim. Hindi din ata uso dito ang cellphone. ilaw, ilaw nasaan ka na? Tumingin ako pataas when I saw something glimmering. Papalapit sakin ang liwanag and when it landed on my hands, the light disappeared. Ano ba ito? ang hirap maaninag dahil wala nang liwanag pero pakiramdam ko libro ito, oh so does it mean I'm inside the library? Lucky! Since madilim dito at di ko alam kung paano magkakaroon ng ilaw, lumabas na ako ng kwarto na iyon. 

Walang mga tao sa paligid kaya binilisan ko ang paglalakad ko habang yakap-yakap ang libro, yung tipong di nila makikita yung itsura ng hawak ko. Pumasok agad ako sa kwarto tsaka iyon sinusi. Mabuti nang walang mangistorbo sakin baka mahuli pa nila ako na hindi marunong magmagic tas mabuko na ibang katauhan ang nasa katawan ng prinsesa nila. 

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang libro na hawak ko. Ngayon ko lang napansin na the door I just went and this book have the same color and design, yun nga lang may diamond din sa gitna ng libro. I touch the diamond on the center of the book, lumiwanag muli ang libro at kusang bumukas. Damn! It's cool! 

I scan the pages of the book pero wala ako napala. Puro blanko ang mga pages, wala man lang nakasulat dito. The mechanism to open it was amazing yet it doesn't have any content. May kailangan din kayang gawin or sabihin para magkaroon ng sulat ito? 

When I'm about to close the book, some words appear on the first page. 

"Magna potestas est, quae tenet clavis, sive pacis exitium. Et emittam furorem incredibilem magicae possessor est in manu"

what's this? Wala naman translation na nakalagay dito tsaka ano bang language ito? Kung alam ko lang na ganito pala mangyayari sakin edi sana nakinig ako sa language class namin, wait may tinuro ba samin na ganitong languange? wala naman ata. 

Pag nagtanong ako sa hari o reyna baka maghinala sila sakin kasi diba they all know how to cast spells, of course they can read it too! But what if...

I hide the book under my bed sheets. Wala naman sigurong maghahalungkat dito sa kwarto and if ever na may servants na maglilinis, lalagyan ko na lang ng 'keep out' sign sa labas ng pinto.

Lumabas ulit ako ng kwarto para gawin ang plano ko. While on my way to the queen's room, I acted like a weak and sick girl hanggang sa may natanaw ako na padaan dito sa may hallway. Nang medyo malapit na siya, sinadya ko na madapa at kunware nawalan ng malay sa sahig. I can hear loud footsteps coming near me kaya umacting ulit ako na walang malay. 

"Eulka? Prinsesa Eulka?! ano nangyari sayo? gumising ka!"

Kung hindi ka nga naman sinuswerte, it's the Prince. Nakapikit pa din ako at pinapakiramdaman kung sino ang susunod na dadating. Madaming yabag ng paa ang naririnig ko at mga boses na nagsasalita sa paligid ko. I recognized the queen's voice immediately.

"Eulka! ano nangyari sa anak ko?"

"nakita ko na lang po siya na biglang nawalan ng malay" there's a hint of worry in the princes' voice. 

"magmadali! dalhin siya sa kaniyang silid at tumawag ng manggagamot!" sigaw ng hari. I can feel someone's carrying me. My first part of plan was successful. All I have to do next is to wake up before the doctor examine me while I'm pretending to be unconscious. Kung hindi dahil sa words na hindi ko kayang basahin, I will not do this. 

"nasaan na ang manggagamot?" the king asked.

"padating na po siya mahal na hari" 

"Eulka anak ko" naririnig ko na ang paghikbi ng reyna. Baka masakal ako ng totoong Eulka pag nalaman niya na umiyak nanay niya dahil sakin. Pagkatapos ko magbilang ng 100 sa utak ko, dahan dahan ko iminulat ang mata ko. 

"Eulka, anak!"

"prinsesa Eulka" pinagmasdan ko ang mga tao na nasa paligid ko. The queen is here as well as the king, pati ang prinsipe at yung babaeng katulong kanina. 

"Verina kumuha ka ng tubig" utos ng reyna sa katulong na babae. Ah, so Verina pala pangalan niya.

"anak kamusta pakiramdam mo? ano nangyari sayo? bakit nawalan ka daw ng malay sa daan sabi ni prinsipe Lance?" the  second part of my acting plan starts now. Tumingin ako sa reyna, my eyes clear and doesn't have any emotions. In case they have some sort of spells to read a person mind, wala din akong ibang inisip kumbaga, I emptied my mind before I speak.

"sino kayo?"

Translation:

Latin: Magna potestas est, quae tenet clavis, sive pacis exitium. Et emittam furorem incredibilem magicae possessor est in manu

English: The great power is the key that holds the peace or destruction. An unbelievable magic will unleash on the holder's hand.

Related Books

Popular novel hashtag