You who came from the mortal world
Blessed with a powerful sword
Destined to save us from the enemies
Hear our voices
tinakpan ko ang aking tainga dahil sa naririnig ko na boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero parang may epekto ito sa katawan ko kasi hindi na ako makakilos para tumakbo.
"AHHH!"
"ANAK"
Isang malakas na sampal ang natanggap ko na nagpagising sa natutulog kong diwa.
"m-mom? anong nangyari? andito na ba ulit ako sa bahay? Wala na ba yung mga weird people?" binigyan niya naman ako ng nagtatakang tingin.
"ano ba sinasabi mo anak? kanina ka pa dito sa bahay at kanina ka pa natutulog. Nagulat na lang ako na bigla kang sumigaw kaya nasampal kita. I'm sorry baby" niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko.
Heto na naman ang pakiramdam na niyakap ako ng reyna sa panaginip ko dahil sa nagaalala siya. I let out a deep sigh. Panaginip lang ulit ang mga yun okay? Hindi ko na dapat isipin dahil hindi naman iyon totoo.
"are you fine now?" tumango na lang ako kay mommy bilang sagot. She combs my hair once again bago lumabas ng kwarto ko.
"destined to save us from enemies" I uttered. Bakit nila sinabi iyon at sino ba sila? Bakit boses lang at hindi sila nagpakita? Hindi ko maintindihan, that's only a dream pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko totoo lahat ng iyon?
"Schei kakain na" inayos ko muna ang sarili ko. I look at myself in the mirror bago lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina. Naabutan ko si mommy na naghahanda ng pagkain. What? Nasaan yung mga katulong sa bahay?
"mom nasaan po yung mga maids?"
"pinagbakasyon ko muna" napatango na lang ako tsaka umupo sa harap ng lamesa at sinimulang kumain.
"mom, may ibig sabihin po ba bawat panaginip?" tumingin siya saken at ngumiti.
"naniniwala ako na lahat ng panaginip ay may ibig sabihin, bakit mo naitanong baby?"
"ah wala naman po" tinuloy ko na lang ulit ang pagkain. If mom believes na bawat panaginip ay may meaning, should I search kung ano ang sa akin kasi curious ako. Ang linaw kasi ng mga nangyayari sa panaginip ko at detailed din kaya nagtataka ako.
Biglang nagring yung phone ko, sino na naman kaya ang tumatawag? Tiningnan ko kung sino and I'm really surprise na makita yung name niya sa screen ng phone ko.
It's Winter.
Ano kaya ang sasabihin niya at tumawag pa talaga siya tss.
Nagpaalam ako kay mommy na sasagutin ko lang yung tawag. Pumunta ako sa living room at doon kinausap sa call si Winter.
"S-scheinel" wait what? Hindi naman si Winter to eh.
"Jace" I uttered.
"ako nga" what does he needs from me?
"nasaan si Winter? Why did you call using her phone? Another trick na naman ba ito? I don't have time to play with the both of you"
"S-schei si Winter kasi a-ano"
"what?"
"nandito kami ngayon sa hospital. Naaksidente siya. S-she needs you"
hindi ko alam kung ano ang dapat ko ireact. Kung maiinis ba ako o maaawa.
Maiinis kasi pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin, tatawag sila at sasabihin na kailangan niya ako samantalang halos ipagduldulan niya sa akin na magjowa na sila ni Jace kahapon. She even exerted efforts to spread rumors about me. On the other hand, naaawa ako sa kaniya. Kahit naman papaano naging kaibigan ko siya and we shared good memories together.
"I'll go" I pressed the end button of the call at nagpaalam kay mommy na may pupuntahan lang ako saglit.
"take care okay? Wag uuwi ng late, I'm telling you Schei" may halong pagbabanta sa boses niya. Parang ayoko na tuloy umalis and besides hindi na maganda kutob ko.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko at pinaandar iyon papunta sa hospital.
Habang nasa daan, naiisip ko kung ano ang kalagayan ni Winter, suddenly tears flow from my eyes. I wipe it away at finocus ang attention sa pagdadrive. Kailangan ko makapunta sa hospital as soon as possible. I need to know what happened to her, kung ano na ang condition niya. Good thing dahil walang traffic.
Binilisan ko ang speed ng kotse ko but the most unexepected thing happen.
Sinubukan ko iliko ang kotse para maiwasan ang truck na parang may balak banggain ako. When I turn left, may isa pang truck ang padating.
Shit. Aksidente ba ito o planado?
Kailangan ko na makarating sa hospital. Tumingin ako sa kanan at may kotse na papunta sa direksyon ko. Wala na akong choice kung hindi ang umatras. Iaatras ko na dapat ang sasakyan but an old woman appears. Patawid siya ng kalsada at sobrang bagal niya. Looking at the side mirror of my car, nakita ko yung matanda na tumigil sa gitna ng kalsada at ngumiti ng nakakakilabot sa akin. It sends chills to me and I eventually stop my car. Nakatulala lang ako na nakatingin sa matanda nang bigla siyang nawala. What was that? How-
I heard a huge crash. Tumama ang ulo ko sa manubela at nabasag na din ang bintana ng kotse, nakikita ko pa din ang paligid, it only means na may malay pa ko. Damn. I need to get out of this car now! Tinanggal ko ang seatbelt ko at sinubukan buksan ang pinto but my vision became blurry and I can feel blood flowing on my face. May mga dugo din sa braso ko at nakalubog ang ilang piraso ng basag na salamin.
Sinubukan ko sumigaw para humingi ng tulong pero parang walang nakakarinig sa akin. Imposible na walang tao dito! Paano yung matanda? Yung mga driver?
I heard footsteps na papalapit sa kinaroroonan ko. Sinubukan ko imulat ang mata ko para maaninag ang taong papalapit sa akin.
Paano niya nagawa ito sa akin?
"byebye Scheinel, see you sa kabilang buhay" she waves her hand then walks away.
They fooled me.
She betrayed me again.
I will remember all of this and I will make sure na pagbabayaran mo lahat ng ito, Winter.