Pumunta ako sa likod ng campus, wala namang nadaan dito kasi ewan ko, natatakot daw sila, puro kasi matataas na puno ang nandito. Advantage ito para sa mga students na katulad ko na walang kaibigan. I close my eyes and let myself fall into deep slumber.
Pagmulat ko, nandito ulit ako sa lugar na hindi ko alam pero ang kaibahan lang nakakagalaw na ako ngayon kaya malaya ako na makita kung ano ang meron sa lugar na ito. Nandito pa din ang mga matataas at berdeng puno na nasa paligid, makikita din ang asul na kalangitan at mga ibon na nagliliparan.
Naglakad-lakad ako hanggang sa mapunta ako sa mataong lugar. Napanganga ako sa nakikita ko ngayon, halos lahat sila ay nakasuot ng formal attire. Lahat ng kababaihan ay nakasuot ng gown na balloon or dress na sobrang haba while yung mga lalaki naman ay mukhang coat or tuxedo yung suot basta pang royal blood tapos may mga ilan din na nakasuot ng armor like knights! Ah basta to make it short, they all look like fairytale characters.
I look at myself para tingnan ang damit ko. To my surprise, nakasuot na din ako ng pink dress pero simple lang siya. Take note, long sleeves yung dress at kulang na lang ng three inches para umabot sa talampakan. Speaking of talampakan, napatingin ako sa paa ko na ngayon ay pink doll shoes na ang suot, nasaan na yung black shoes ko at yung school uniform? Nasapo ko ang ulo ko dahil sa katangan na naisip ko. Geez bakit nga pala ako umalis sa kinatatayuan ko kanina? Naiwan ko ata doon ang gamit ko kasama na pati phone ko.
Naglakad na ulit ako sa lugar na madaming puno. Hindi pa ako nakakalayo nang makarinig ako ng iyak ng isang bata at sigaw ng mga matatanda. Patakbo ako na lumapit sa kanilang kinaroroonan.
"ano po ang nangyayari?" tanong ko sa matandang babae na katabi ko.
"mga bandito sila at nais nilang angkinin ang ari-arian namin ngunit ang batang iyan ay lumaban kahit alam niyang wala siyang magagawa" sabi niya habang umiiyak na.
Lumingon ako sa bata na ngayon ay nakahiga na sa lupa na puro dugo at pasa ang buong katawan samantalang ang mga bandito ay tumatawa pa habang nakatutok ang kanilang espada sa bata.
"anak ko! HUWAG!" may isang ginang na tumakbo papunta sa bata at hinarangan ito upang hindi saktan ng mga bandito.
"nagmamakaawa ako sa inyo, kuhanin niyo na ang lahat nang mayroon kami, huwag niyo lamang saktan ang aking anak" pagmamakaawa ng ginang.
Lahat ng tao na naririto ay takot na makielam dahil may posibilidad na sila ang paginitan at baka patayin ng mga bandito.
"kuhanin lahat ng ari-arian ng pamilyang ito" utos ng lalaki na may hawak ng sandata.
Pinasok naman ng iba pa niyang kasamahan ang isang maliit na bahay at lumabas na madami ang dalang kagamitan.
"Nay! hindi! anong gagawin ninyo sa nanay ko?!" napalingon muli ako sa bata na hinahawakan ng mahigpit ang kamay ng kaniyang ina upang hindi makuha ng bandito.
"isasama namin ang iyong ina!" sinipa niya ang bata hanggang sa mapaluhod na ito sa sakit.
"anak! huwag tama na! Sasama ako ngunit huwag niyo sasaktan ang anak ko" patuloy na hagulhol ng ginang.
Nadidinig ko ang iyakan ng ilang matatanda at ang simpatya nila para sa bata. Napagalaman ko din sa matanda kanina na wala na itong ama dahil napatay ito sa isang digmaan laban sa mga pirata.
Hindi ko na makayanan ang eksena na ito dahil naaawa ako sa bata. Nawalan na siya ng ama sa murang edad at mahirap kung pati ang kaniyang ina ay mawala pa. Sobrang importante ng pamilya at ayokong maghirap siya.
Kumuha ako ng bato at inihagis ito sa bandito na may hawak sa ginang. Bulls eye! Napahawak siya sa ulo niya na natamaan at lumingon ng masama sa amin.
"sino ang lapastangan na naghagis ng bagay na iyon sa akin?" galit na bulalas niya.
Nagsimula naman magbulungan ang mga tao sa paligid. May halong takot ang kanilang boses.
"bakit niya binato?"
"madadamay lang siya"
"hija anong ginawa mo?" sabi ng ilang mga tao sa paligid pero hindi ko sila binigyang pansin at patuloy na naglakad papalapit sa bata. Nginitian ko siya at inabot ang aking kamay para itayo siya.
"wag ka mag-alala, ililigtas ko ang nanay mo kaya naman lumapit ka dun kay lola at maghintay" tumango siya at iika-ikang lumapit sa mga matatanda na katabi ko kanina.
Hinarap ko ang nga bandito at binigyan sila ng ngiting nakakainsulto.
"ikaw ba ang naghagis sa akin ng bato?!" galit na sigaw niya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot sa katanungan niya.
"bitawan mo ang ginang, iwan mo ang mga gamit na kinuha mo at umalis ka na ng mapayapa" sabi ko sa kalmadong boses. Halata sa mukha niya ang matinding galit sa akin.
"lapastangan! hulihin ang babaeng iyan!" utos niya muli sa kaniyang alagad.
Lima silang lahat at pare-parehas na may hawak ng sandata.
"ako na ang bahala sa babaeng ito" sabi ng isa sa kanila. Sumugod siya sa akin pero naiwasan ko ang pagtira niya. Sinipa ko siya sa sikmura at pinilipit ang kaniyang kamay para mabitawan ang hawak niyang espada. Napasigaw naman siya sa sakit. Kinuha ko ang sandata niya bago binigyan ng nanghahamon na tingin ang natitirang apat.
"Ikaw!" sabay sabay na sumugod silang tatlo sa akin.
Ginamit ko ang espada para harangan ang isa sa kanila pagkatapos sinipa ko siya sa parteng 'where-it-hurts-the-most' kaya nabitawan niya din ang hawak niya. Lumusot ako sa ilalim ng isa pa nilang kasama at sinipa siya sa likod na nagpatumba agad sa kaniya. Sa isang tira, sinipa ko naman sa leeg ang natitirang isa hanggang sa mawalan siya ng malay.
Bigla naman naghiyawan ang mga tao sa paligid na akala mo ay nanonood ng isang palabas. Hinarap ko muli ang pinuno ng mga bandito. Hawak niya ngayon ang ginang sa leeg habang nakatutok dito ang espada niya. Dahil doon napalitan ng kaba ang emosyon ng mga tao.
"bitawan mo ang hawak mo kung ayaw mong mamatay ang babaeng ito!" binitawan ko ang hawak ko at itinaas ang kamay na parang sumusuko.
"bitawan mo na siya" mariin kong sabi.
"nagkakamali ka binibini sa iyong kinalaban" isang malakas na halakhak ang pinakawalan niya.
Itinaas niya ang kaniyang espada at akmang sasaksakin ang ginang. Hindi maaari!
"INA!" sigaw ng bata. Nangangatog ang tuhod ko at napapikit na lang dahil ayokong makita ang maaaring kahantungan ng ginang.
Malakas na pagsinghap na napalitan ng malakas na hiyawan at sa ilang segundo namayani ang katahimikan. Iminulat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang magina na magkayakap samantalang ang pinuno ng mga bandito ay nakahilata na sa lupa.
Ang mga tao sa paligid ay tahimik na nakayuko at lumuhod sa harap ng isang lalaki na nakasuot ng simpleng damit at may hawak na sandata na naglalabas ng asul na liwanag sa kaniyang kanang kamay.
Lumingon siya sa akin at nagtama ang aming paningin. Ang kulay itim niyang buhok na umaalon dahil sa pagihip ng hangin at mga mata niya na puno ng emosyon pati na din ang ngiti na gumuhit sa labi niya na parang nahihiya. Humakbang siya papalapit sa akin ngunit bago pa siya tuluyang makalapit biglang nagdilim ang buong paligid. Nawala ang mga tao, ang mag-ina pati ang lalaki na tumapos sa mga bandito.