"miss hey" nagising ako dahil sa pagtapik ng kung sino sa braso ko.
Bumungad sa akin ang medyo pamilyar na mukha. Nakita ko na ba siya noon?
Tinaasan ko siya ng kilay at tinulak palayo sa akin. Kahit na pamilyar lang ang mukha niya sa akin, the fact na hindi ko pa din siya kilala ay dapat na itaas ako ang depensa ko.
Tumayo na ako at pinagpag ang uniform ko. Ibig sabihin panaginip lang pala ang nga nangyari kanina pero bakit mukhang totoo? Napapikit ako dahil sariling utak ko naguguluhan din.
"ako nga pala si Wren" sumulyap ako sa lalaking hanggang ngayon ay nandito pa din, nakangiti naman siya sakin. Tinitigan ko lang siya tsaka naglakad palayo.
"Yumi" napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Paano niya nalaman ang pangalan ko at second name ko pa talaga pinangtawag niya ah?
"how did you know my name? and please stop calling me by my second name. We're not close"
"dahil sa ID mo tsaka ang cute kaya pakinggan nang Yumi" then it means tiningnan niya ang ID ko?
"aish paano ka nakapasok sa school namin? Hindi ka naman nakasuot ng uniform ah"
"ah yun ba? May dinaanan lang ako dito. Yung ano kasi "
"kasi?"
"wait! hindi mo ba alam na kami ang may-ari ng school na 'to?"
"as if I care" I said as I rolled my eyes at him. Wala naman kasi akong pake kung sino ang mayari ng school na pinapasukan ko, aanhin ko ba naman ang information na yon?
"pfft hahaha"
"bakit ka tumatawa?"
"kaya pala outdated ka hahaha"
"geez ano na nga ulit sinasabi mo kanina?" binalik ko ulit ang topic dun sa unang dahilan niya ng pagpunta dito. Bakit ba ang curious ko? hindi ko din alam.
"ahem one of the school staff told my dad na may nangyaring gulo sa star section kanina tapos may student na sinugod sa ospital para magpax-ray kasi daw baka may bali yung buto sa braso kaya pumunta ako dito para isolve yung case tapos napadaan ako dito sa likod ng campus at nakita kita na natutulog. Ginising kita kasi ang daming estudyante na naglalabasan baka matripan ka nila" tumingin siya muli sa akin at ngumiti.
Ang haba haba ng sinabi niya eh siya nga itong nangistorbo sa pagtulog ko. Kung hindi siya dumating at tinapik ako edi sana, may posibilidad na malaman ko ang pangalan ng taong iyon.
"tapos? alam mo na ba kung sino ang gumawa?"
"ng gulo? Oo naman. Alam mo ba kung ano ang parusa?" natutuwang tanong niya.
"suspension or kick-out"
"yup! pili ka na sa dalawa" nakangising sabi nito.
"what?" inis na tanong ko.
"pipili ka lang ng parusa mo"
"at bakit?"
"dahil ikaw ang may kasalanan diba?"
"how did you know?"
"sinabi ng classmates mo" napangisi ako sa sinabi niya. As expected nga naman.
"tss kaya pala nilapitan mo ako"
"haha hindi naman sa ganon"
"at alam mo ang pangalan ko" malamang naman na nasabi nila ang bagay na iyon diba? That's the most important thing to tell kapag nagsusumbong ka about sa ginawa sayo ng isang tao na kilala mo.
"ehh hindi naman" nagpout siya.
"yeah, dinahilan mo pa na baka mapagtripan ako"
"hmm half half"
"half?" nakakabaliw naman nito kausap! Ang dami niyang alam!
"hmm concerned ako na hindi" ano daw?
"what?"
"ganito kasi, concerned ako na baka mapagtripan ka at the same time alam ko na kaya mo naman ang sarili mo at kailangan din kita" bakit parang double meaning yung sinabi niya na kailangan niya ako? Bakit niya ako kailangan? Mayaman naman siya, di niya kailangan ng pera pa.
"okay" tanging sagot ko.
"hahaha nakapili ka na ba?"
"huh? nakapili saan?"
"kung kick-out or suspension" mapangasar niyang sabi. Grr. Nakakagigil talaga siya. Sarap niyang isako at itapon sa ilog pasig.
"ayoko nga!"
"edi no choice ako kung hindi iparating sa parents mo ang nangyari at sabihin kay dad na ayaw mo maayos ang gulo"
Sinusubukan talaga ako ng lalaking ito. Aish!
"what do you want?" kung hindi ako nagkakamali, nakita ko ang pagkislap ng mata niya sa tuwa. Kung ito lang ang paraan para hindi makarating sa parents ko ang ginawa ko kanina, take the risk na lang.
"woah suhol ba yan?"
"whatever you call it"
"kahit anong gusto ko?"
"yeah"
"talaga?"
"oo"
"talagang talaga?"
"OO NGA!" ang kulit naman nito.
"alam ko na hahaha" sabi niya habang tatawa tawa pa.
"ano?"
"be my girlfriend"
"w-what?" ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko dahil sa sinabi ni Wren.
"hahaha joke lang"
"I'm serious, you jerk!"
"heto na nga, be my friend and slave"
"bakit may slave?"
"gusto ko eh"
"you!" gusto ko na siyang sapakin kaso mas malala magiging kaso ko pag sinapak ko ang anak ng may-ari ng school.
"wag ka mag-alala hindi kita aabusuhin hahaha"
"tch ayoko na"
"sige ka"
"bakit kasi may slave?" naiinis na tanong ko.
"syempre para sigurado"
"sigurado saan?"
"na hindi ka na ulit mawawala sa akin" pabulong niyang sabi pero sadyang matalas ang pandinig ko kaya narinig ko ang sinabi niya.
"mawala ako sayo?"
"ah? ang sabi ko para mawala yung parusa mo"
"geez"
"so ano na? deal? Pag hindi ka nagdeal baka magsisi ka"
"pag-iisipan ko"
"bilisan mo magisip, gagawa ako ng kontrata natin"
"kontrata para saan?"
"sa deal natin hahaha"
Kapag di ako nagtake ng risk, sasabihin niya ang nangyari sa parents ko at suspension or kick-out na naman ako tapos lilipat ulit ng bagong school. Nakakatamad na lumipat ng school tsaka sabi ko magpapakatino ako dito kahit hindi ko pa nagagawa.
Napahinga muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong niya. Sana tama ang desisyon ko.
"deal"
umalon alon ang buhok niya nang umihip ang malakas na hangin. Nakangiti siya na nakatingin sa akin ganoon din ang mga mata niya na parang kumikislap.
Isang imahe ang naalala ko — ang lalaki na nasa panaginip ko. Kasabay ng patuloy na pagihip ng hangin ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang kaharap ang lalaking ito.