Chereads / Fairy Tale Dream / Chapter 4 - IV. Second Dream

Chapter 4 - IV. Second Dream

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang new message. Isang 'hello' lang naman galing sa isang unknown number. I replied asking kung sino siya.

'I'm your master! Kidding haha Wren here'

Wren? that jerk? ahh paano niya nakuha number ko? I'm being confused when an idea pop in my mind.

Hinalungkat ko yung bag at kinuha ang I.D, kung tama ang pagkakaalala ko may nakalagay na phone number dito. Napapikit na lang ako sa isipin na tiningnan niya yung I.D ko habang natutulog ako kahapon ot pwede din namang hinanap niya sa files ng mga students since anak siya ng may-ari ng school?

Hinagis ko na lang ang phone ko sa study table.

Dahil sa wala akong ginagawa at tahimik ang buong paligid, bumabalik sa isipan ko lahat nang nangyari kahapon sa school, kung paano ko naconfirm na ang tinuturing ko na bestfriend pa ang nagpakalat ng fake rumors about me at siya ang ipinagpalit sa akin ng lalaking iyon. Kung paano nila insultuhin ang pamilya ko at tingnan ako ng may halong awa.

Pinigilan ko ang pag-agos ng luha ko at hinayaan na dalawin muli ng antok...

Tumatakbo ako ngayon papalayo sa mga tao. Teka nga, bakit ba ako tumatakbo? Kaya ko naman sila kalabanin.

Gusto ko ihinto ang paa ko sa pagtakbo at harapin ang mga humahabol sa akin pero parang may sariling isip ang mga ito dahil hanggang ngayon patuloy pa din ako sa pagtakbo.

Napatigil ako nang may humablot sa kamay ko at tinakpan ang aking bibig.

"shh wag kang maingay" 

siniko ko siya sa tagiliran kaya napatalon siya sa sakit.

"argh bakit mo ginawa iyon?" mahina niyang sabi.

"kasi di kita kilala, halata ba?"

"pero kilala kita?" hah? ano daw?

"pake ko?"

Dumungaw muna siya sa likod ng puno para tingnan kung nakasunod ba ang humahabol sa akin. Nakita ko ang mukha niya and I can say na he looks like a prince in a fairytale story tapos yung suot niya pang damit is parang pang prinsipe talaga.

"tapos mo na ba akong suriin?"

"tss" di ko naman siya chinecheck eh, slight lang.

"eto oh"

Inilabas niya ang isang papel na nakarolyo at ibinigay sa akin. Ano naman ang gagawin ko sa isang papel? Makakain kaya ito?

"makakain ba ito?" kasi malay mo nga, nagutom din ako sa pagtakbo.

"ano ba naman prinsesa, papel yan!"

"malay mo pagkain na papel pala" nakita ko na napabuntong hininga siya.

"basahin mo na nga lang"

Binuklat ko ang papel na binigay niya sa akin at nakita ko dun ang mukha ko. Oh my ginisa, bakit nandito ang mukha ko?!

"hoy bakit ka may picture ko?"

"hah? hindi lang ako ang meron niyan prinsesa, halos lahat ay pinaghahanap ka na" bakit? may ginawa ba akong masama?

"bakit? may ginawa ba ako na kasalanan para hanapin?"

"basta mahabang kwento"

"paikliin mo!"

"umalis na muna tayo dito prinsesa"

"bakit naman ako sasama sa iyo?"

"dahil ihahatid na kita sa kaharian ninyo"

"may sira ba ulo mo? I'm not a damn princess, okay?!" nakita ko naman ang pagkalito niya sa sinabi ko.

"prinsesa mukhang may sakit ka na"

"shut up! Hindi nga sabi ako prinsesa!"

"basta umalis muna tayo dito sa kagubatan"

wait, what? Kagubatan ang lugar na ito? Kaya pala madaning puno at parang liblib pero teka nga baka nagkakamali ng tingin ang lalaking ito! I'm not a princess, hindi ako nakatira sa palasyo at lalong walang gubat sa subdivision na tinitirahan ko.

"huh? anong pinagsasabi mo? Hindi ko nga alam ang lugar na ito eh"

Imbes na sumagot ay ngumiti na lang siya at ginulo ang buhok ko. Tinapik ko ang kamay niya kaya tumawa siya nang mahina.

Okay, ano nakakatawa doon?

"halika na prinsesa" inilahad niya ang kamay sa akin para alalayan ako sa pagtayo pero tinabig ko lang iyon at tumayo ng magisa.

Sinundan ko siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang parte ng gubat kung saan may puting kabayo.

"diyan tayo sasakay?"

"oo, natatakot ka?"

"bakit naman ako matatakot?"

Well, ang totoo niyan ay excited pa nga ako kasi makakasakay na ulit ako ng kabayo. The last time na nakasakay ako ay noong bata pa ako at walang thrill yun dahil naglalakad lang nang mabagal yung kabayo.

Inilahad niya muli ang kamay sa akin pero gaya kanina hindi ko inabot iyon at sumakay na.

"prinsesa, hindi ba dapat dito ka sa unahan?"

"ano?"

"baka mahulog ka riyan"

"aish bilisan mo na lang nagugutom na ako" hinila niya ang kamay ko at ipinulupot ang braso ko sa bewang niya.

"kumapit ka"

Bago pa man ako makapagsalita ay pinatakbo niya na ang kabayo. Unti-unti ay inalis ko ang pagkakakapit sa kaniya. Bigla naman niyang inihinto ang kabayo.

"ano bang problema mo hah?" buti na lang may balanse ako kaya hindi ako nahulog.

"bakit ka kasi bumitaw?!"

"ano bang pakielam mo?"

"baka mahulog ka!"

"edi mahulog!"

"kumapit ka kasi"

"ayoko!"

"prinsesa" nagbabanta niyang sabi.

"ihahatid mo ako diba? bilisan mo" hindi na siya kumibo pa at nagpatuloy kami papunta sa sinasabi niyang palasyo daw.

Habang nasa daan, ramdam ko ang pagtama ng sariwang hangin sa mukha ko, nakikita ko din ang kapaligiran at ang masasabi ko lang ay nakakarelax pagmasdan, parang sa  fairytale stories lang.

Isang malaking gate ang bumungad sa amin bago kami dumiretso sa tinatawag niyang palasyo kung saan daw ako nakatira.

"andito na tayo" pagkasabi niya noon ay nauna na akong bumaba. May babae naman na kasing edad ko ang patakbo na lumalapit sa amin.

"mahal na prinsesa, saan po ba kayo nagpunta? Lubos na nababahala ang hari at reyna sa iyong paglisan" puno ng pag-aalala ang boses niya. Yumuko naman siya bigla nang makita ang lalaking kasama ko.

"magandang araw po mahal na prinsipe" ngumiti sa kaniya ang lalaking ito tsaka ibinaling ang paningin sa akin.

Isa siyang prinsipe?

Kaya pala ang gara ng suot niya.

"bakit?" imbes na sumagot, pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.

Minamaliit ba ako nito? Pinagkrus ko ang braso ko at tinaasan siya ng kilay.

"haharap ka sa iyong ama at ina na ganyan ang kasuotan? Mukha kang galing sa digmaan" inirapan ko lang siya at bumaling sa babaeng nasa harapan pa din namin.

Kailangan ko siguro mag 'go with the flow' muna para maliwanagan ako sa mga nangyayari dito.

"nasaan ang hari at reyna?" hindi ko na lang ulit pinansin ang tawa ng bwiset na prinsipe na ito at sa halip ay sinundan ko na lang ang babae papasok sa palasyo.

Nakarating kami sa tapat ng malaking pinto. Napanganga na lang ako kasi ang laki talaga tapos double door pa.

"mali ang iyong inaasta prinsesa" sabi na naman ng epal na prinsipe na ito.

Hindi niya ba kayang manahimik kahit saglit? Naiirita ako sa kadaldalan niya. Imbes na sagutin ay inirapan ko na lang siya. Wala akong gana makipagsagutan sa kaniya ngayon.

"narito na ang mahal na prinsesa" sigaw ng isang kawal tsaka binuksan ang pinto.

Napahinga ako ng malalim bago tumapak papasok sa silid.