Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Moonville Series 1: Secret Lovers

πŸ‡΅πŸ‡­joanfrias
85
Completed
--
NOT RATINGS
248.7k
Views
Synopsis
Alex's first day as a college student was great so far. Nag-enjoy naman siya sa mga bago niyang klase at kaklase, lalo na iyong lalaking nakatabi niya sa first subject niya. The guy's name is Richard. He's handsome and nice, and Alex cannot help but be mesmerized with him. And then she met him again on her last subject. Tadhana nga sigurong magkita silang muli, at mukhang the feeling is mutual between the two of them. May isa nga lang problema. Richard is a Quinto, at ang mga Quinto ay mortal na kaaway ng mga Martinez, ang pamilya naman nina Alex. Buti na lang at nandiyan ang ate niyang si Angel. Kahit na masunurin ito sa mga rules ng kanilang mga magulang ay kinampihan pa rin siya nito at tinulungan sa relasyon nila ni Richard. At sa panig naman ni Richard, nandoon ang pinsan nitong si Bryan na parang kapatid na rin ang turing sa binata. Mukhang nakikiayon ang lahat kina Alex at Richard. Nagawa nilang ilihim sa mga magulang nila ang kanilang relasyon. Hanggang sa mapagkamalang girlfriend ni Bryan si Angel. And then things started to become complicated. Gaano nga ba katibay ang pagmamahalan nina Richard at Alex? Kaya ba nitong buwagin ang alitang nag-ugat pa 20 years ago? At ano naman kayang kapalaran ang naghihintay kina Angel at Bryan, na dahil sa pagtulong sa dalawa ay siyang laging napapahamak?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Kung and Makati City ay may Forbes Park, ang San Juan ay may Greenhills, at Ayala Alabang Village naman ang sa Muntinlupa, ang Tarlac City naman ay mayroong Moon Village. Kilala rin sa tawag na Moonville, isa itong private subdivision and gated community na sikat hindi lamang sa buong probinsiya kundi maging sa mga karatig bayan ng Tarlac. At katulad ng mga nasabing subdivision, puro mga mayayaman at kilalang mga pamilya din ang nakatira sa Moonville.

Halos lahat ng pinakamayamang pamilya sa Tarlac ay sa Moonville nakatira. Ang mga bahay dito ay sari-sarili ang disenyo. Walang itinalagang batas ang pamunuan ng subdivision pagdating sa tema ng bahay na gustong itayo ng mga may-ari. Kung ano ang gusto nila, pwede nilang ipagawa. Wala ring limit ang laki ng lupa na pwede mong bilhin sa Moon Village. Kahit isang ektarya pa ang bilhin mo, basta kaya mong bayaran, pwedeng mapasayo.

Isa sa mga mayayamang pamilyang nakatira doon ay ang mga Martinez. Parehong Certified Public Accountants ang mag-asawang Benjamin at Alicia Martinez at sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking accounting and auditing firm hindi lamang sa probinsiya ng Tarlac, kundi maging sa buong Region III. Halos lahat ng kumpanya sa Tarlac Province ay kliyente ng kanilang partnership na Martinez, Pascual, Cordova, Feliciano, and Associates na itinayo nineteen years ago kasama ang kanilang mga partners.

Dalawa ang anak nina Benjie at Alice. Ang panganay nila ay si Angelica. Third year college na ito sa pasukan, at BS Accountancy din ang kursong kinukuha nito. Balak nitong sumunod sa yapak ng mga magulang at balang araw ay ito ang napipisil ng dalawa na papalit sa kanila sa pwesto nila sa MPCF and Associates. Ang bunso naman nilang anak ay si Alexandra. Kabaligtaran naman ito ni Angel, dahil wala itong hilig sa larangan ng accounting o maging sa pagnenegosyo. Arts ang hilig nito, at Bachelor of Fine Arts ang gusto nitong kuning kurso sa pasukan. Pinayagan na rin ito ng kanilang mga magulang.

Sikat ang Pamilya Martinez sa buong subdivision. Halos lahat kasi ng mga nakatira sa Moonville ay mga kliyente ng MPCF and Associates. Anim na taon ding naging presidente ng home owners si Alice. Natigil lamang iyon nang tumira sa Moonville ang pamilya nina Raul at Helen de Vera, apat na taon na ang nakakaraan.

Ang totoo, may hindi pagkakaunawaan ang mga Martinez at de Vera na nag-ugat pa twenty years ago. Ganoon din ang kapatid ni Raul na si Gloria Quinto at ang asawa nitong si Ricardo. Kaya para umiwas na lang, iniwasan na nina Benjie at Alice ang maging masyadong involved sa mga activities ng subdivision. Nag-focus na lamang sila sa MPCF. Lalo na noong tumira na rin sa Moonville ang pamilya Quinto na galing din sa Manila katulad ng mga de Vera.

Ngunit mapaglaro nga yata talaga ang kapalaran. Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang pag-iibigan ang mabubuo sa dalawang residente ng Moonville. At ang dalawang taong ito ay nagmula sa dalawang pamilyang mortal na magkaaway, ang mga Quinto at mga Martinez.