Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 2 - #FirstDayOfSchool

Chapter 2 - #FirstDayOfSchool

๐Ÿ“† | ๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ |

Maagang nagising si Alex nung araw na iyon. First day of school kasi at first day rin niya bilang isang college student. Kaya naman super excited siyang bumangon at nag-ready para sa pagpasok niya sa Carlos P. Romulo University. At lahat ng kaganapan ay nire-report niya sa kanyang Twitter account.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜…๐—ฎ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡ @๐™ฐ๐š•๐šŽ๐šก๐™ฒ๐šž๐š๐š’๐šŽ๐Ÿป๐Ÿบ๐Ÿฟ๐Ÿฟ Good morning everyone! So excited for today! ๐Ÿ˜ƒ #FirstDayOfSchool #CollegeLife

Bago lumabas ng silid ay nag-pose pa siya sa kanyang oval shaped full-length mirror para kunan ang suot niyang yellow sleeveless top at blue skinny jeans na tinernuhan ng yellow wedge pumps, gamit ang kanyang gold iPhone 5S. Agad niya itong ipinost sa Instagram with the hashtag and caption:

#๐—ข๐—ข๐—ง๐—— Have to be pretty on my first day as college student. ๐Ÿ˜Š

Kinuha niya ang kanyang brown Louis Vuitton handbag na naglalaman ng kanyang mga personal things at saka inilagay doon ang isang kulay pink na notebook at ball pen na kulay pink din ang case at may maliit na brown rabbit sa dulo.

Pagkalabas ng silid ay nabungaran niya ang nakatatandang kapatid na si Angel. Magkatabi ang kwarto nila sa second floor ng kanilang two-storey mansion. Katulad niya ay bihis na ito para sa pagpasok sa school. Blue sleeveless Sabrina blouse and white skinny jeans naman ang suot nito na tinernuhan ng silver na stiletto sandals. Kulay black naman ang dala nitong Chanel handbag. Bitbit din nito ang laptop nito na nakalagay sa isang kulay itim na laptop sleeve.

"Good morning Ate!" bati niya dito.

"Anong oras ka bang nagising?" sa halip ay tanong ni Angel. Nakatingin ito sa sariling cellphone na silver na iPhone 5S at nagsu-surf sa Facebook account nito. "Ang aga mo namang mag-tweet."

"Ganyan talaga," ani Alex. "Kailangan masaya ang gising para lively ang buong maghapon."

Nakarating na ang dalawa sa may hagdan at kasalukuyan nang pababa papuntang hapag-kainan.

"Super excited ka, ah," ani Angel sa kanya. "Tignan natin kung ganyan ka pa rin ka-enthusiastic kapag natambakan ka na ng projects at assignments tapos may mga quizzes pa kayo at exams."

"Ate naman. First day ko pa lang. Huwag mo naman akong takutin."

"Ini-inform lang kita."

Ilang sandali pa ay nakababa na sila ng hagdan at narating na rin nila ang dining room. Nandoon nang naghihintay sa eight seater dining table ang kanilang mga magulang na sina Benjie at Alice. Nakaupo sa kabisera si Benjie at nasa may kanan naman nito ang asawa. Parehong naka-office attire na ang dalawa.

Binati ng magkapatid ang mag-asawa at bineso-beso. Saka na sila naupo sa kani-kanilang pwesto - si Alex sa tabi ni Alice, at si Angel sa kaliwa naman ni Benjie. Pagkatapos magdasal ay nagsimula na silang kumain.

"Magkasabay ba ang mga klase ninyo?" tanong ng amang si Benjie.

"Hindi po Dad," sagot ni Angel. "Pero maaga din akong papasok kasi may aasikasuhin pa ako sa JPIA."

Matapos kumain at magsipilyo ay nauna nang umalis ang magkapatid upang pumasok na sa school, kung saan sila nag-aaralโ€ฏ mula pa noong pre-school sila. Si Angel ang nagda-drive at nakikisabay naman sa kanya si Alex. Ganoon na ang routine nila simula noong iregalo ng mag-asawang Martinez ang slate metallic Toyota Corolla sa kanilang panganay na anak sa debut nito noong nakaraang school year.

๐Ÿ“šโœ๏ธ๐Ÿ–‡๐Ÿงฎ๐Ÿ–

Sa Carlos P. Romulo University nag-aaral sina Alex at Angel. Ang CPRU ang maituturing na pinaka-prestihiyosong private school sa probinsiya ng Tarlac. Kahanay kasi ito ng mga prestigious universities sa Manila pagdating sa mga facilities at quality of education. Hindi rin ito pahuhuli sa mga graduates nito at ilang beses na ring mayroong nag-top sa board exams na galing sa school na ito. Kaya naman ang ibang mga taga-ibang lalawigan at bayan na malapit sa Tarlac province ay dito na rin nag-aaral.

Kumpleto mula basic education hanggang graduate school ang CPRU. Ang tertiarty department nito ay nahahati sa limang school. Sa isang school, ang mga subjects ay pwedeng i-take up ng kahit na sinong estudyante. Walang block section; basta makuha mo ang mga required subjects ng isang course, kahit iba't ibang estudyante pa ang makaklase mo ay mai-earn mo ang degree na kinukuha mo.

Sa School of Arts and Humanities kabilang si Alex, dahil ang kursong kanyang kukunin ay Bachelor of Fine Arts Major in Interior Design. Ngunit nang umagang iyon, sa School of Social Sciences siya nagtungo. Philippine History kasi ang klase niya at ang school na iyon ang nakatoka sa lahat ng mga history courses o subjects. At kagaya niya, iba't iba rin ang kurso o degree na kinukuha ng mga estudyanteng makakaklase niya sa umagang iyon.

Maaga pa naman nang makarating si Alex sa klase niya. Pero halos puno na ang classroom na pinuntahan niya. At dahil ang entrance door ng classroom ay sa may bandang harapan, tinginan lahat ang mga estudyante sa kanya pagpasok niya roon. Sa sobrang hiya ay napayuko na lamang siya at naupo na lamang sa pinakaunang bakanteng upuan na nakita niya. Ilang saglit lang naman ay nalihis na mula sa kanya ang atensiyon ng lahat, lalo na nung may dumating nang ibang estudyante.

Kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bag upang ibahagi sa kanyang mga followers sa Twitter ang nangyayari sa kanyang unang klase.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜…๐—ฎ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡ @๐™ฐ๐š•๐šŽ๐šก๐™ฒ๐šž๐š๐š’๐šŽ๐Ÿป๐Ÿบ๐Ÿฟ๐Ÿฟ First class of the day. Kinda scary. ๐Ÿ˜ #FirstDayOfSchool #CollegeLife

Pag-angat niya ng tingin, bumungad sa kanya ang gwapong mukha ng lalaking katabi niya. Dahil sa pagkabigla ay natulala siya dito, lalo na nung ngitian siya nito.

"Hi!" bati nito sa kanya. Friendly naman ang dating nito lalo pa nga at maganda rin ang smile nito.

"Hello..." Lalo namang nahiya si Alex. Na-conscious din siyang bigla. Ang lapit kasi ng lalaki sa kanya dahil nga sa magkatabi ang kanilang mga upuan.

"I'm Richard." Inilahad nito ang kamay.

"Alex." Tinanggap naman niya ang kamay nito.

"Alex... Nice name."

"Thanks." Napangiti na si Alex.

"So... anong course mo?"

"BFA Interior Design. Ikaw?"

"BS Bio."

"Wow!" Alex was impressed. Hanga kasi siya sa mga taong mahilig sa Science dahil isa iyon sa mga subjects na medyo hirap siya. Katulad ng Math.

"I guess you're here for the History subjects as well?" tanong ni Richard.

"Yeah... Same as you, I guess."

"Yup. Have to take them. Even if I don't really like History."

"Ikaw din?" Lalong natuwa si Alex. Tuluyan na siyang naging at ease sa lalaki.

Tumango si Richard. "Boring."

"Ako naman, I love knowing about what happened before. Alam mo iyon?" Tumango si Richard. "Sabi nga nila, tsismosa lang daw akong talaga. Ang ayaw ko lang, ang dami mong mine-memorize. Eh selective pa naman yung memory ko."

"Diyan naman ako magaling," ani Richard. "Hindi naman sa may photographic memory ako, pero madali akong maka-alala tsaka matagal ma-retain yung na-memorize ko."

"Buti ka pa." Bahagyang nainggit si Alex sa narinig.

"Hindi naman ako magaling sa Arts," biglang bawi ni Richard. "Yung sulat ko pa nga lang, parang abstract painting kasi hindi mo maintindihan."

"Akala ko ba hindi ka marunong sa Arts?"

Tawanan ang dalawa. Natigil iyon nang dumating na ang kanilang professor para sa subject na iyon at magsimula na ang kanilang klase.

Pagkatapos ng klase ay magkasabay silang lumabas ng silid.

"So, what's your next class?" Richard asked.

"Ahm..." Alex checked her schedule on her iPhone. "Math. School of Physical Sciences. Ikaw?"

"Filipino. Dito rin, pero I think sa second floor yung classroom," sagot ni Richard.

"Oh..."

Nagkatinginan silang dalawa, as if wanting to say something. Pero pareho naman silang hindi malaman kung ano ang sasabihin.

"I'll go now," Richard finally said. "Start na yung class ko, eh."

Tumango si Alex. "Sige."

"Bye!"

"Bye!"

"See you!"

Tumango lamang si Alex.

Patalikod na naglakad palayo si Richard. Kumaway pa ito at kinawayan naman din ni Alex. Hanggang sa umakyat na ito ng hagdanan at tuluyan nang mawala sa paningin ni Alex.

Alex felt quite bad that a wonderful encounter such as that has ended quite quickly. Hindi bale. Sigurado namang magkikita pa sila sa susunod. Magkaklase naman sila sa subject na iyon, 'di ba?

She then took her iPhone and composed a tweet.

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜…๐—ฎ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡ @๐™ฐ๐š•๐šŽ๐šก๐™ฒ๐šž๐š๐š’๐šŽ๐Ÿป๐Ÿบ๐Ÿฟ๐Ÿฟ The guy I'm sitting next to Phil. History is super nice...

She smiled as she posted the tweet.

โค๏ธโค๏ธโค๏ธ