Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 4 - Head Over Heels

Chapter 4 - Head Over Heels

Alas-diyes pa ang simula ng unang klase ni Bryan de Vera. Pumasok lamang siya ng maaga sa CPRU dahil sa imi-meet niya ngayon ang coach ng university basketball team nila. Sa wakas kasi ay naisipan na niyang tanggapin ang alok nito na sumali sa basketball team.

College na nang mag-aral siya sa CPRU. Mula sa Manila, dito siya nag-transfer dahil na rin sa dito na sa Tarlac tumira ang parents niya. Ang father niya, si Raul De Vera, ay ang presidente ng Tarlac General Hospital. Lumipat ito sa Tarlac four years ago, nang ma-diagnose ang tatay ni Raul ng liver cancer. Tinrain siya nito para maging successor nito.

At dahil nasa high school pa noon si Bryan, nagpaiwan muna siya sa Manila kung saan siya isinilang at lumaki. Nang maka-graduate na ito, hindi na pumayag ang mommy niyang si Helen na hindi siya umuwi sa Tarlac para doon na rin manirahan kasama nila.

Member din siya ng basketball team nila noong high school, at ang coach nila doon sa Manila ay nagkataong kaibigan naman ng coach ng CPRU basketball team. Kaya naindorso na siya ng ex-coach niya nang lumipat siya dito. Pero dahil bago pa lang sa school, at medyo reluctant pa siya sa bagong buhay niya, nagpasya siyang huwag nang sumali sa team. Isa pa, naisip niya noon na baka hindi niya gaanong magustuhan dito sa Tarlac at bumalik din siya sa Manila.

Pero tuluyan na niyang nagustuhan ang manirahan sa Tarlac lalo na at nagkaroon na rin siya ng mga kaibigan. Lumipat na rin dito ang pinsan at best friend niyang si Richard at dito na rin nag-college. Kaya tuluyan na siyang nag-settle dito sa Tarlac.

At ngayon nga, nagpasya na siyang sumali sa basketball team ng university. Dalawang taon din siyang hindi naglaro, kaya naman excited siyang maglaro ulit ng isang buong basketball game. At ang meeting na ito ay para i-finalize ang pagsali niya sa team.

Bago pumunta sa office ni Coach Rico, ang coach ng basketball team, ay dadaan muna siya sa Business School upang ilagay sa locker ang kanyang mga gamit. Nakasalubong pa niya si Paolo Alemanya na palabas naman ng nasabing school. Kaklase niya ito sa mga management subjects niya.

Pagliko niya sa may BS, siya namang pagliko din ng babaeng makakasalubong niya. At dahil nagmamadali ang babae, hindi niya ito kaagad naiwasan. Hindi na rin nakaiwas ang babae. Kaya naman nagkabungguan silang dalawa.

Sa sobrang pagkagulat ay napatili ang babae. Babagsak din sana ito, kung hindi lamang ito nahawakan sa may likuran ni Bryan. Napakapit naman ang babae sa may balikat nito. Saka lamang nakilala ni Bryan ang nakabungguan nang mapagmasdan ang mukha nito.

It's Angelica Pascual Martinez, classmate niya sa lahat ng subjects niya, which is quite unusual sa CPRU na wala namang block section. Sa dinami-dami nga naman ng makakabungguan, si Angel Martinez pa, the Terror Chick from Moonville.

"A-Are you okay?" he managed to ask.

"Y-Yes." Unti-unti itong lumayo sa kanya. "Thanks."

Angel looked at him awkwardly. Very unusual kasi para dito ang ganoong insidente, lalo na't parang lagi itong sigurado sa mga kilos nito. Kahit kailan ay hindi pa niya ito nakitang ma-out of balance man lang. She always have this grace and poise and elegance. Kaya nakakapanibago na parang hindi nito nakita ang makakasalubong at nabunggo pa ito doon.

Hindi siya sanay na makitang nahihiya si Angel, kaya naman he's enjoying the moment right now. Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso. Nagkaroon tuloy siya ng chance na masuri ang ayos nito. She's simple but chic as always. Kahit na ano yata ang isuot nito, kaya nitong dalhin effortlessly. And she's sexy without even trying.

𝘖𝘰𝘱𝘴! He thinks he had crossed the line there. Napaiwas siya ng tingin at ang stiletto sandals ni Angel ang napagdiskitahan niya.

"You should not wear high heels if you don't know how to use them."

And with that, the Terror Chick was back.

"Bryan de Vera." Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya.

He smiled. "Angelica Martinez." This is the Angel that he's used to, fierce and tough.

Napapailing na nag-walk out na lamang si Angel. Napansin niyang parang iika-ika itong tumatakbo.

"Natapilok yata."

He was about to proceed to his destination nang mapansin niya ang papel na nasa sahig. It doesn't look like trash at mukhang importanteng document ito, lalo na at sa stationery ng Business School ito nakasulat. He picked it up and read it.

It was Paolo Alemanya's resignation letter. Noon lamang niya naintindihan kung bakit nagmamadali si Angel. She was trying to catch up with Paolo. Mukhang siya ang dahilan kung bakit hindi niya ito naabutan. Or, maybe it was because of the stiletto heels.

He read the letter again. An idea suddenly struck him. He smiled handsomely then continued on his way to CPRU's Business School.

👠🏀