Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 3 - Catching Paolo

Chapter 3 - Catching Paolo

Alas-diyes pa ang simula ng unang klase ni Angel. Pero dahil sa siya ang Executive Vice President ng Junior Philippine Institute of Accountants CPRU Chapter, kinailangan niyang pumunta sa university ng maaga. Kailangan kasi nilang mag-ayos ng mga bagay-bagay para sa kasisimula pa lamang na school year. Besides, kailangan na niyang mag-practice dahil ang EVP ng organization ang automatic na magiging President sa susunod na school year.

Pagdating niya sa office ng kanilang org ay nadatnan na niya ang incumbent president nila na si Hannah. Natutuwang bineso-beso siya nito.

"This'll be a great year for this org," ani Hannah. "Napakarami kong projects na naka-line up. Siguradong matutuwa ang Dean natin sa JPIA. Baka nga pati ang university administration matuwa din. Sa sobrang brilliant kasi ng mga ideas ko, malamang na kopyahin ito ng ibang mga orgs. Baka nga magkaroon pa tayo ng recognition after ng school year."

Ngingiti-ngiti lang si Angel pati na rin iyong ibang mga kasamahan nila. Ang iba naman ay ginatungan ang pagbibida ng kanilang presidente.

"Kailangan nating ire-decorate itong ating office, Madame President," ang sabi ng isa nilang officer.

"You're right," sang-ayon ni Hannah. "Masyado kasing plain and simple itong office natin. Sinabi ko na kasi kay Pia last year na masyadong boring itong office. Ang sabi niya, hindi naman daw. Tama lang daw at formal nga tignan."

Si Pia ang ex-president ng JPIA. Nag-graduate na ito last year.

"Oh well, past is past. Any suggestions sa magiging bagong design ng ating office?"

Kaagad namang nagbigay ng suhestiyon ang mga officers nila. Tanging si Angel lamang ang hindi nakikigulo sa mga kasamahan. Nag-focus na lamang siya sa kanyang 13-inch Macbook Pro at in-open ang mga files ng JPIA.

"Parang hindi ko masyadong feel iyang mga suggestions ninyo," ani Hannah. "Masyado namang bold iyon. Baka naman magmukha nang club itong office natin. Ikaw Angel, wala ka bang isa-suggest man lang? Ikaw kaya ang EVP natin this year."

"Alam mo namang wala akong kaalam-alam sa arts," ani Angel. "But don't worry. I'll ask my sister to help us. Fine Arts student siya at forte niya iyang pagdidisenyo."

"Oh, great! I-set mo ako ng meeting sa kanya, okay?" natutuwang wika ni Hannah.

"Sure." Saka na bumalik sa kanyang laptop si Angel. Binuksan niya ang accomplishment report ng nakaraang administration at saka tinignan iyong mga unfinished projects nila last year. Nang biglang pumasok sa opisina ang isang babaeng sestudyante.

"Angel!" Kaagad itong lumapit sa kanya.

"Hep! Excuse me Miss-" ani Hannah. "Whatever. What are you doing here in my office? Hindi ka naman officer ng org namin at hindi ka rin member ng JPIA. I should know kasi kilala ko lahat ng accountancy students dito sa school natin. First year ka ba? Sorry pero hindi pa kayo member ng JPIA dahil hindi automatic ang membership ninyo."

"This is Jessie. Kasamahan ko siya sa The Echo," sagot ni Angel kay Hannah.

Ang The Echo ang official website and online publiction ng CPRU Business School. Si Angel ang leader at editor-in-chief nito.

"Well then, sorry pero hindi dito ang office ng The Echo. Alam kong ikaw ang EIC doon pero right now you're here as my EVP. Kaya kailangan sa JPIA ka muna mag-focus-"

"Sorry pero importante lang talaga," putol ni Jessie sa sasabihin pa sana ni Hannah. "Angel, we have a problem. Si Paolo, nag-resign na."

"What?"

Ibinigay ni Jessie kay Angel ang isang puting sobre. "Resignation letter niya."

Kinuha ni Angel ang sobre at saka binasa ang sulat na nasa loob nito. Resignation letter ito ni Paolo, isa sa mga members ng The Echo.

_________________________________________________

𝘋𝘦𝘢𝘳 𝘔𝘴. 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘪𝘯𝘦𝘻, 𝘦𝘧𝘧𝘦𝘤𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘪𝘮𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢𝘵𝘦𝘭𝘺, 𝘐 𝘢𝘮 𝘳𝘦𝘴𝘪𝘨𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘛𝘩𝘦 𝘌𝘤𝘩𝘰. 𝘐 𝘥𝘦𝘦𝘱𝘭𝘺 𝘢𝘱𝘰𝘭𝘰𝘨𝘪𝘻𝘦 𝘧𝘰𝘳 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘴𝘶𝘥𝘥𝘦𝘯 𝘥𝘦𝘤𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯, 𝘣𝘶𝘵 𝘐 𝘩𝘰𝘱𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳𝘴𝘵𝘢𝘯𝘥. 𝘐 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘦𝘯𝘫𝘰𝘺𝘦𝘥 𝘸𝘰𝘳𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶, 𝘣𝘶𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘵𝘰 𝘢𝘵𝘵𝘦𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘢𝘳𝘦 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘩𝘢𝘯 𝘛𝘩𝘦 𝘌𝘤𝘩𝘰.

𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯, 𝘐 𝘥𝘦𝘦𝘱𝘭𝘺 𝘢𝘱𝘰𝘭𝘰𝘨𝘪𝘻𝘦. 𝘛𝘩𝘢𝘯𝘬 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘯𝘥 𝘐'𝘮 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘢𝘺 𝘛𝘩𝘦 𝘌𝘤𝘩𝘰 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘪𝘯𝘶𝘦 𝘵𝘰 𝘴𝘰𝘢𝘳 𝘩𝘪𝘨𝘩. 𝘚𝘪𝘯𝘤𝘦𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘺𝘰𝘶𝘳𝘴, 𝘗𝘢𝘰𝘭𝘰 𝘈𝘭𝘦𝘮𝘢𝘯𝘺𝘢.

_________________________________________________

Kinuha ni Angel ang kanyang cellphone at hinanap ang number ni Paolo. "Nasaan si Paolo?"

"Nandoon pa siya sa baba. Inaayos pa niya ang mga credentials niya. Pupunta na daw kasi siya ng Manila," sagot ni Jessie.

"What!" Napatayo na si Angel. "Hannah, I'm sorry but I have to fix this. I'll be back."

Dali-daling lumabas ng opisina si Angel. Sinundan naman siya ni Jessie. Walang nagawa si Hannah at hindi niya ito napigilan pa.

"O-Okay... Just be quick!" ang tanging nasabi ni Hannah.

Sa may second floor ang opisina ng JPIA. Kaya naman nagmamadaling bumaba ng hagdan sina Angel at Jessie.

"Nakita ko siya kanina sa may Dean's office," ani Jessie.

"Baka nandoon pa siya. Pupunta ako doon. Ikaw na ang pumunta sa may registrar at baka doon siya dumiretso. Hindi ako makatakbo dahil sa sandals ko. Baka hindi ko siya maabutan," utos naman ni Angel dito.

"Sige."

Pagbaba ng hagdan ay naghiwalay na ang dalawa. Dumiretso na sa may registrar's office si Jessie habang sa may Dean's office naman nagtungo si Angel. Hindi na niya naabutan doon si Paolo, kaya lumabas siya ng Business School hoping na mahanap niya ito.

Nasa may student lounge si Paolo sa may gilid ng BS. Kasalukuyan itong nakikiusap sa mga kaklase nito at nagpapaalam na rin. Doon siya naabutan ni Angel.

"Paolo!" Kaagad niya itong nilapitan.

"Angel." Halatang kabado ito sa pagkikita nila.

"Paolo... can we talk?"

"Ahm..." Lumayo sa karamihan si Paolo. Sinundan naman siya ni Angel. "I'm sorry, Angel. Papunta na akong Manila. Doon na ako mag-aaral."

"But... why? Why the sudden... change?"

"I know you'll say I'm stupid... I... I'm doing this for Jade."

"Jade? Susundan mo si Jade sa Manila?" Jade is Paolo's ex-girlfriend.

"Yeah... Look, Angel. I messed up. Alam ko marami akong nagawa kay Jade and pinagsisisihan ko na iyon. Mahal ko siya at gusto kong magkabalikan kami."

"Pero pwede mo namang gawin iyon kahit dito sa Tarlac ka mag-aral, di ba?"

"I need to make this right this time, Angel. Sabi ko nga, you might not understand my decision."

"But Paolo... Can't it wait? Tutal, last year mo na naman ito. Magga-graduate ka na this April. Tsaka alam mo naman na ang dami nating members na nag-graduate last year. Wala na tayong gaanong members and contributors, and ang daming mga activities ng BS na naka-line up! We need to cover every single one of them!" Angel is really desperate.

"I know. I'm sorry Angel... I got to go." Tinalikuran na siya nito.

"Paolo... Wait!"

Hinabol ni Angel si Paolo, pero na-stuck ang takong ng stiletto sandals niya sa isang uka sa paved walk ng school.

"Shucks!" Muntikan na siyang matumba. Buti na lang at nabalanse niya ang sarili. "I shouldn't have worn these." Bahagya ring sumakit ang paa niya. Mukhang natapilok siya dahil sa nangyari.

Pagkaalis sa naipit na takong ay muli niyang sinundan si Paolo. Palabas na ito papunta sa may parking lot nang biglang tumunog ang cellphone niya. Si Jessie ang tumatawag. Sinagot niya ito.

"I found him," ani Angel.

Bahagyang nagulat si Jessie sa biglaang statement nito. "...Good!"

"I'm following him right now. Talk to you later."

Pinutol na ni Angel ang tawag. Sa cellphone siya nakatingin habang naglalakad dahil memoryado na naman niya ang daraanan. Alam niyang ilang hakbang pa ay liliko siya pakaliwa para tuluyang maabutan si Paolo.

Pero pagliko niya, isang tao din ang paliko naman pakanan. Mukhang hindi nito nakita ang nagmamadali niyang pagdating. Kaya naman hindi naiwasan ng dalawa ang mabunggo sa isa't isa.