Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 5 - Mr. Perfect

Chapter 5 - Mr. Perfect

Hindi na nga nahabol pa ni Angel si Paolo. Wala siyang nagawa kundi ang hayaan na lang itong umalis at mag-transfer sa Manila. Not that she can change his mind, but at least she tried.

She's beginning to think this day sucks. First is her aching foot dahil sa pagkatapilok niya kanina. Ngayon siya nagsisi na iyong stiletto sandals pa ang napili niyang isuot. Nakalimutan din niyang magbaon ng comfy shoes sa kotse kaya talagang naiinis siya sa sarili ngayon.

Then the dreaded eating-lunch-in-the-cafeteria-alone. Oo, mag-isa lang siyang kumakain ng tanghalian sa university cafeteria. Hindi na kasi magtugma ang schedule nila ni Alex simula noong mag-college na siya. Wala naman siyang mayayang iba at wala rin namang gustong yayain siyang sumabay sa kanilang mag-lunch. Unlike her sister na kahit sino ay kaya nitong gawing kaibigan, she doesn't have friends.

Isali pa sa hindi magandang pangyayari sa araw na iyon iyong professor nila sa isang accounting subject. Wala daw itong pakialam kung kaibigan ng magulang nila ang dean nila sa BS. Obvious naman na siya ang pinatatamaan nito dahil matalik na kaibigan ng mommy niya ang dean nilang si Elvira Sison. As if naman ginamit niya ang impluwensiya ng mga magulang niya para gumanda ang performance niya sa school? Magaling lang talaga siya kaya naging consistent honor student siya noong elementary at high school at dean's lister naman ngayong college siya.

Pagkatapos ng klase niya ay dumiretso siya sa opisina ng The Echo. Naabutan niya doon si Jessie.

"O, anong nangyari sa iyo?" tanong ni Jessie pagkakita sa paglakad niya.

"Natapilok ako kakahabol kay Paolo," sagot ni Angel. Umupo na siya sa may mesa niya bilang editor-in-chief ng The Echo.

"Tapos wala man lang nangyari," ani Jessie. "Mukhang desidido na kasi talaga iyong si Paolo. Wala na tayong magagawa pa doon."

"Apat na lang tayo, Jess. Ang daming activities na naka-line up ngayong month pa lang. Lalo na sa JPIA."

"Kailangan na nating makahanap ng bagong members," ani Jessie. "As in ASAP."

Tiyempo namang may kumatok sa pintuan ng office. Napatingin silang dalawa doon. Bumukas iyon at iniluwa noon si Bryan de Vera, in his usual get up kapag hindi sila naka-uniform - t-shirt and jeans and rubber shoes. His back pack is clinging on his right shoulders and a white G-shock is on his left wrist.

Bryan is one of those few men who look good even in his white t-shirt. Ilang beses na ring humanga si Angel sa galing nito sa pagdadala ng damit, iyong parang sa isang modelo. Maybe it's because of that exuding confidence he has.

If only that smirk is not on his face.

"Hi!" bati nito sa kanila ni Jessie.

"What are you doing here?" mataray na tanong ni Angel.

"Kumusta ang paa mo?"

Angel was taken aback.

"I saw you limping kanina, after nung... nung nangyari sa atin..." He gave her a meaningful look.

Na lalong nagpainis kay Angel. "It's fine and it's none of your business."

"Good. Actually, I came here for this." Inilabas niya ang resignation letter ni Paolo at inilapag sa harapan ni Angel. "Nahulog mo kanina."

"Hindi ka na sana nag-abala pa," ani Angel. "Okay lang naman kahit hindi mo na ibinalik iyan sa akin."

"Isn't this important? I mean, for documentation purposes."

"Hindi naman ito isang kumpanya na kailangan pa ng resignation letter kung aalis ang isang member."

"Ah... I just thought it might be important," cool pa ring wika ni Bryan. "Anyway, aside from bringing that back to you, I'm here to apply for the position." Itinuro nito ang nakasulat sa letter.

"Gusto mong sumali sa The Echo?"

"Yup. Magaling akong mag-drawing pati na rin kumuha ng litrato. And I know a lot about IT stuff kaya matutulungan ko kayo sa pagmi-maintain ng The Echo," answered Bryan.

She smirked. "What we need are writers, Mr. de Vera. We need contributors. Hindi lang basta-basta website ang pinagkakaabalahan namin. We write news articles at iyon ang pino-post namin sa The Echo."

"There are drawings and pictures, too," ani Bryan na nagpainis lalo kay Angel. "But, I could write, too."

"Really?" Angel said sarcastically. "Sige. Let's try your writing skills." Kumuha siya ng papel at lapis. "Write any article you want. O kaya kahit anong literary piece – poem, short story – whatever you like. And then, draw something about it."

Kinuha ni Bryan ang papel at lapis. "Okay."

"And you only have an hour," pahabol ni Angel.

"Okay," walang anumang wika si Bryan. Lumapit siya sa isang mesa at inilapag ang dalang bag doon. "Can I sit here?"

"Sure. Do what you want," ani Angel.

Nagsimula na si Bryan sa paggawa. Ilang sandali rin siyang parang nag-isip ng gagawin bago tuloy-tuloy na gumawa sa papel.

"Are you sure about this?" bulong ni Jessie kay Angel. "Bryan doesn't seem to be the writer type."

"Hayaan mo siya. Masyadong mayabang," sagot naman ni Angel.

"I think he was just being nice. He found out that we don't have enough members so he volunteered. What if he's good?"

"Then we'll get him," ani Angel. "But I'm very positive he won't get in. Sabi mo nga, he's not the writer type."

Wala pang isang oras ay natapos na si Bryan sa ginawa niya. Ibinigay nito ang ginawa kay Angel.

"You made a comic strip?"

"Not just a comic strip," sagot ni Bryan. "It's an informative comic strip. Come on, read it."

Binasa ni Angel ang ginawa nito. Maging si Jessie ay nakibasa na rin. Tungkol ito sa mga freshman students at kung paano sila makakasali sa iba't ibang organizations sa Business School.

"I could actually imagine that on The Echo page," ani Bryan.

"Si Angel ba iyon?" Itinuro ni Jessie ang drawing ng isang babae. Nakalagay kasi doon ang pagsali sa The Echo ng isang estudyante at si Angel ang nag-accommodate sa applicant.

"Yup," sagot ni Bryan.

"Ang cute naman!" ani Jessie. "Sana meron din ako."

"Okay." Inilapag ni Angel ang papel sa mesa.

"Okay? What do you mean okay?" tanong ni Bryan.

"Okay," sagot ni Angel.

"Okay as in well done... good job..."

"Okay."

At wala na ngang nagawa pa si Bryan. "Okay."

"Now, we will see if you're good at taking pictures." Inilabas ni Angel ang Sony DSLR camera mula sa kanyang drawer. "Here's our camera at ingatan mo iyan dahil kapag nasira iyan ipapabayad namin sa iyo."

"Okay," walang anumang wika ni Bryan. Kinuha nito ang camera.

"Take pictures of anything you like," ani Angel.

"Hindi n'yo ba ako sasamahan?"

"Huh?"

"Hindi ba kayo nag-aalala na baka ipakuha ko lang sa kahit kanino ang mga litratong ipapasa ko sa inyo?"

Napaisip si Angel. Nice point. But it just gave her the idea that Bryan is capable of cheating.

"Okay. Jess, samahan mo siya."

"Uh, magsisimula na ang next class ko, eh. Sorry Angel." Kinuha na ni Jessie ang mga gamit niya. "Bye everyone. Sorry talaga Angel."

Tuluyan nang umalis si Jessie. Walang nagawa si Angel kundi ang sundan na lamang ito ng tingin.

"So..." Bryan hinted.

"I can't believe this day could go worse." Tumayo na si Angel. Nang itapak niya ang paa ay kumirot itong muli. Napasandal siya sa mesa niya para sa suporta.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Bryan.

"You should have thought about that before you gave me the idea that you might cheat."

"Nagmamalasakit lang naman." He grabbed her arm to help her.

Na itinaboy naman ni Angel. "What are you doing?"

"Inaalalayan ka."

"I can manage- Agh!" Muli siyang napasandal sa mesa.

"No, you can't."

Muli siyang inalalayan ni Bryan and this time, hindi na siya pumalag. Though she feels a little bit awkward, she still felt safe. For the first time since she met Bryan, she felt she could really trust him.