Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 11 - Getting to Know You

Chapter 11 - Getting to Know You

Isang pink spaghetti strap dress ang napiling isuot ni Alex nang araw na iyon. Malambot ang tela nito at may ruffles sa bossom hanggang sa may waistline. Ang skirt naman nito ay pa-balloon. Tinernuhan niya ito ng nude strappy stiletto sandals. Ang kanyang long black straight hair ay ini-style naman niya sa isang side swept fishtail braid.

Inaasahan na niya ang mga naging reaksiyon ng kanyang kapamilya sa kanyang OOTD pagbaba niya sa may dining room.

"Wow! Saan ang party?" tukso sa kanya ng kanyang ate.

"Sa CPRU," sagot naman niya. Hinalikan niya ang mga magulang bilang pagbati.

"Hindi ba masyadong revealing iyang suot mo?" tanong naman ni Benjie. "Baka hindi ka papasukin sa CPRU."

Saka niya biglang naisip ang dress code nila sa school. Okay lang ang sleeveless kapag ordinary days, pati na rin ang gathered neckline na hindi masyadong litaw ang balikat. Pero hindi ang spaghetti straps, lalo na ang tube cut at backless.

"Mukhang nakalimutan mong pareho lang ang dress code sa high school tsaka college," ani Angel. "Pwede ka lang mag-ganyan kung may party talaga."

"Mag-bolero ka na lang," ang sabi naman ni Alice.

"Sige po, Mom." Nalungkot siya dahil sa nangyari, pero wala rin naman siyang magagawa. Nakalimutan nga kasi niya ang dress code dahil gusto niyang maging maganda ngayong araw na ito.

"Anong bolero?" tanong naman ni Benjie sa asawa.

"Bolero: it's like a mini-jacket," sagot naman ni Alice.

"Kayong mga babae talaga. Ang dami-dami ninyong ka-artehan sa damit," ang sabi na lamang ni Benjie.

"Siya nga pala." Humarap si Alice sa mga anak. "Nakausap ko si Raquel. Tapos na daw iyong mga uniforms ninyo."

"Talaga Mom?" Muli'y na-excite si Alex. "Wow! May uniform na ako."

"Bukas na lang po namin kukunin, Mom," ang sabi naman ni Angel. "Medyo late na kasing matatapos ang klase ko ngayon, eh. Di ba hanggang 6PM lang ang Casa Rafaela?"

"Sige, ite-text ko na lang ulit ang Tita Raquel ninyo," ang sabi naman ni Alice.

Nabalik na ang magandang mood ni Alex na saglit na naglaho kanina dahil sa pagkaka-disapprove ng kanyang outfit of the day. Excited na kasi siyang makita ang bago niyang uniform. Parang nai-imagine na niya ang sarili na suot ang uniporme bilang isang college student. Nang bigla siyang may naalala.

"I need a new pair of shoes. Di ba, hindi na black shoes lang ang ka-terno ng uniform ng mga college students? Ladies shoes na. I need to buy new shoes. Meron akong nakitang shoes sa mall nung isang linggo." Excited na idinescribe niya ang itsura ng nakitang sapatos.

Napapangiting nakinig na lamang sa kanya ang tatlong kasama niya.

👗👠👜

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ni Alex ay dumiretso na siya sa cafeteria. Tatlo ang cafeteria ng CPRU. Ang isa ay para sa pre-school at elementary; meron din ang mga middle and high school students; at ang pangatlo ay para sa mga tertiary at graduate school students. Sa pangatlo nagpunta si Alex.

Kaagad namang namataan ni Alex si Richard. Nakaupo ito sa mesang kitang-kita agad pagpasok mo ng cafeteria. Nakaharap din ito sa glass door.

Nginitian niya ito nang magtama ang kanilang paningin. Gumanti rin ito ng ngiti. Gwapong-gwapo ito sa suot na polo shirt na stripes na green and white ang disenyo.

Tumayo si Richard pagkakita sa kanya. Nilapitan naman niya ito kaagad.

"Hi!" bati niya dito.

"Thanks for coming," Richard said. Halatang nasiyahan talaga ito sa kanyang pagdating.

"Pasensiya na, na-late ako, ha? Ang tagal mo na yatang naghihintay."

"No, it's okay. Hindi naman natin hawak ang oras ng mga klase natin."

"Pati na rin ang disposisyon ng ating mga professor."

Napangiti si Richard sa biro ni Alex. "So, bili na muna tayo ng food?"

"Sure."

Magkasunod silang nagtungo sa may counter. Tig-isang serving ng lasagna at diet coke in can ang inorder nilang dalawa. Si Richard na ang nagprisintang magbuhat ng lahat ng inorder nila. Ito na rin ang nagbayad para sa kanilang dalawa.

"Araw-araw mo ba akong ililibre?" pabirong tanong ni Alex.

"Kung bang araw-araw kitang makakasama, bakit hindi?" ang sagot naman ni Richard.

Ewan ni Alex kung totoo ba iyon, o nakisakay lang si Richard sa biro niya. Kahit ano pa, hindi niya naiwasang kiligin dahil sa sinabi nito.

Naghanap sila ng mesa na hindi gaanong kita ng mga tao. Iyong kubling lugar pero madali mong makikita ang mga papasok ng cafeteria. Kaagad naman nilang nahanap ang mesang iyon.

"Alam mo, masarap ang lasagna nung concessionaire na iyon," ani Alex. "Go ahead. Try it para malaman mong totoo ang sinasabi ko. Favorite ko iyan, eh."

"I know this tastes good."

Napatingin siya sa kasama. "Natikman mo na ba iyan?"

"A lot of times. Roberto's was named after my Dad's oldest brother."

"Inyo ang Roberto's?" Namangha siya sa narinig.

"It's actually the fourth restaurant in the chain of restaurants of the Quintos."

"Kasama pala sa chain of restaurants ninyo ang Roberto's? Hindi kasi ako aware kung sino ang may-ari nito, though alam ko naman na kayo ang may-ari ng halos lahat ng kainan dito sa Tarlac."

"Sinimulan iyon ng lolo't lola namin, na minana ng mga tito at tita ko pati na ang ibang mga pinsan. Si Daddy nga lang ang walang mina-manage na restaurant. Naiba nga kasi ang hilig niya. Pero may share pa rin naman kami sa kumpanya."

Biglang may naalala si Alex. "Kaya pala never kaming kumain sa Roberto's."

Halatang nagulat si Richard sa narinig. "Talaga?"

"Oo. Nakakakain lang kami ng mga luto nila dahil sa concessionaire sila ng school cafeteria. Kapag sina-suggest namin na doon kami kumain, sinasabi nina Mommy na sa iba na lang daw. Laging sa ibang restaurants kami pumupunta. Madalas sa mga restaurant sa mga hotel ng mga Fernandez."

"Hindi ko yata kilala ang mga iyon."

"Sila ang may-ari ng chain of hotels and motels dito sa Tarlac. Iyong pinakamalaki nila iyong Melting Pot Hotel. Isa iyong four star hotel sa may downtown Tarlac."

"Ganoon ba?" Biglang napaisip si Richard. "Kung ganoon nga na pati sa mga restaurants namin ay hindi kayo nagpupunta, ibig sabihin lang noon, hindi lang ang mga magulang ko ang kagalit ng mga parents mo. Ang buong angkan namin ang iniiwasan nila. Kung ganoon iyon kalaki, hindi lang iyon isang simpleng kaso ng misunderstanding."

"May punto ka nga doon."

Nalungkot si Alex sa narinig. Mas komplikado pala ito kaysa sa naisip nila.

"Huwag na nga muna nating pag-usapan iyon," ani Richard. "Nasisira tuloy ang magandang vibe ng lugar. Ang ganda pa naman dito."

Napangiti si Alex. "Wait till you see the basic ed's canteen."

"What do you mean?"

"Para kang nasa isang park. Murals everywhere, tapos may pagka-rustic yung mga mesa. Yung counter may design din, pati yung serving ng food. Yung school coop kasi ang namamahala noon para masiguro nila na masustansiya ang kinakain ng mga batang estudyante."

"Dito ka ba nag-aral since elementary?"

"Since nursery," sagot ni Alex. "Tapos elementary at high school. Yung cafeteria naman ng high school, green and purple ang theme. Very chic, sarap din tambayan."

"Chic. Eh paano iyong mga boys?"

"Doon sila sa mga booths. Yung upuan nila green ang kulay. Backless nga lang. Okay lang naman iyon. Magugulo naman ang mga boys."

"Hindi naman lahat," ani Richard.

Napangiti si Alex. "Ikaw, saan ka nag-basic ed?"

"Elementary ako nung lumipat kami sa Manila. We came from the States. Doon nagpakasal sina Mommy and Daddy ang they've decided to stay there for good. Until mamatay si Lola, my Mom's mother. Nagsisi si Mom na hindi na niya ito nakita before ito mamatay. Naisip nila ni Daddy that family still matters the most. Mas mahalaga pa ring kasama mo ang pamilya mo kaysa sa mga opportunities abroad. So they wrapped things up in the States, and decided to go back here and stay for good."

"So sa Manila kayo nag-stay?"

"Yup. Doon kasi nakatira sina Tito Raul, kapatid ni Mom. Doon din nakahanap ng trabaho sina Mommy at Daddy. Isa pa, ayaw yata ni Lolo Baste na dito kami tumira sa Moonville with him. Mula kasi nung mamatay si Lola Elena, lagi na siyang umiinom at hindi na rin halos nagpapahinga sa trabaho. Dinamdam niya talaga iyong pagkamatay nito."

"Mahal siguro talaga niya ang lola mo," ani Alex.

"Oo, mahal na mahal. Kaya hindi na siya naka-recover. Pinagsasabihan siya lagi nina Tito Raul at ni Mommy, pero nagagalit lang siya. Kaya nga ayaw niyang patirahin ang kahit na sino sa mansiyon. Hanggang sa magkaroon siya ng liver cancer dahil sa pag-abuso niya sa katawan niya."

"Kawawa naman sila..." Biglang nalungkot si Alex sa kwento ni Richard.

Nagkibit-balikat ang binata. "Ganoon talaga. Hindi naman natin siya masisisi dahil mahal niya lang talaga si Lola."

"Ang Tito Raul mo ang pumalit sa lolo mo sa TGH, right?"

"Oo. Nang ma-diagnose si Lolo ng liver cancer, pinauwi na niya dito sa Tarlac si Tito Raul. Tinrain niya ito kung paano ima-manage ang TGH. After a year namatay na si Lolo. Buti na lang magaling si Tito Raul. Nakaya niyang pag-aralan nang madalian ang lahat ng pasikot-sikot sa TGH. Pero kinailangan niya rin ng tulong, kaya pinauwi rin niya dito sa Tarlac si Mommy. Kaya napunta kami dito sa Tarlac."

"So kailan kayo lumipat dito? Ang alam ko, the late Sir Sebastian de Vera died in 2010."

"Yung parents ko last year lang lumipat. Ako, nitong May lang."

"As in last month?"

Tumango si Richard. "Yah. Kaya nga wala pa akong gaanong alam dito sa Tarlac, eh. Kahit dito sa CPRU, hindi pa ako nakakalibot."

"Pwede pala kitang iligaw dito, kung ganoon," biro ni Alex.

"Huwag naman."

Alex smiled. "Don't worry. Ililibot kita dito sa CPRU whenever we have time."

"Wow! Ang swerte ko naman. Isang maganda at mabait na babae ang tour guide ko."

"Well, thank you, Mr. Quinto."

Si Richard naman ang napangiti. "Ikaw naman and magkwento. I assume dito ka na sa Tarlac ipinanganak."

"Tama ang assumption mong iyan," ani Alex. "Dito kami ipinanganak at lumaki ni Ate. Pati nga yata sina Mommy at Daddy ganoon din."

"Close na close talaga kayo ng ate mo, no?"

"Super... Wala ka palang kapatid, ano?" May mga nabasa siyang posts nito kagabi tungkol sa pagiging mag-isang anak lang nito.

"Yup! Kaya nga close kami ni Bryan. Solong anak din kasi siya. Sabay kaming lumaki sa Manila noon kaya parang magkapatid na rin kami."

"Buti na lang. Feeling ko kasi ang lungkot kapag solong anak ka lang."

"Depende naman iyon. Kung marami ka namang friends, tapos isa pa doon si Bryan de Vera."

Natawa si Alex sa sinabi nito. "Ano bang meron kay Bryan?"

"Wala lang. Perfect kuya kasi siya, though hindi ko siya tinatawag na Kuya. Nasanay kasi ako dahil nga sa States wala namang kuya at ate. Pero iyon na nga, perfect kuya siya. Lagi niyang iniisip ang kapakanan mo."

"Para pala siyang si Ate. Perfect ate din siya. Mas una niyang iniisip ang welfare ko kaysa sa sarili niya. Alam mo iyon?"

"Kaya ba spoiled brat ka?"

"Hindi ako brat! Spoiled, oo. Pero kahit si Ate din naman, spoiled kina Mommy at Daddy. Lahat naman ng hilingin niya binibigay din nila. Iyon nga lang, dapat mataas lagi ang grades namin. Pero para sa amin din naman iyon, di ba?"

Tumango si Richard. "Alam mo, mukha namang mabait ang parents mo. And I guarantee you, mabait din sina Mommy at Daddy. So, I really don't know kung ano ang maaaring maging problema nila sa isa't isa."

"Oo nga, ano? Ayaw din sabihin nina Mommy at Daddy iyong dahilan..."

"Sinusubukan ko ngang kausapin si Daddy kahapon. Ang sabi niya, it's a very bad case of misunderstanding."

Napatingin si Alex kay Richard. Nakatalikod ang lalaki sa may pintuan ng cafeteria. Siya naman ay nakatilikod din sa pintuan sa kabilang pasukan ng cafeteria. Dahil sa pwesto nila, makikita nila kung sino mang papasok ng cafeteria.

Dalawang estudyante ang pumasok sa pintuan sa may likuran ni Richard, isang lalaki at isang babae. Ang lalaki ay naka-polo shirt na blue at ang aura nito ay tulad sa mga cool and popular kids in school sa mga pelikulang pinapalabas sa Hollywood. Ang babae naman ay may pagka-boyish ang dating. Loose t-shirt at straigh cut pants ang suot nito. Naka-ponytail din ang buhok nito, at katulad ng kasamang lalaki ay isang backpack ang dala nito at hindi shoulder o handbag.

Biglang nag-panic si Alex pagkakita sa dalawa. Kaagad niyang nabitbit ang bag at cellphone niya sabay tayo.

"Iyong kabitbahay namin, nandiyan."

"Ha?" Napatayo na rin si Richard.

"Baka makita niya ako. Baka isumbong niya ako kina Mommy." Dali-dali siyang umalis na.

"Sandali!"

Pero hindi na siya nahabol pa ni Richard. Dire-diretso at walang lingon-likod siyang lumabas na ng cafeteria.