Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 8 - Enlighten Me

Chapter 8 - Enlighten Me

Tahimik ang magkapatid na Angel at Alex habang naglalakad papuntang parking lot ng CPRU. Sa malapit lang naman naka-park ang slate metallic Toyota Corolla ni Angel. Bago makarating doon ay ibinigay ni Angel ang susi kay Alex.

"You drive," ani Angel sa kapatid.

"Ako?" Gulat na kinuha ni Alex ang susi.

"Masakit ang paa ko." Saka na siya sumakay sa may passenger seat.

Walang nagawa ang nagtataka pa ring si Alex kundi ang sumakay na sa may driver's seat at i-start na ang kotse. Marunong naman siyang magmaneho at meron na rin siyang lisensiya. Wala pa nga lang siyang sariling sasakyan. Ang sabi ng daddy nila, bibigyan daw siya nito ng kotse sa 18th birthday nito, katulad ng ate niya na regalo rin sa debut ang kotse nito. Halos dalawang taon pa bago siya mag-eighteen.

Pero okay lang. Gusto rin naman niyang laging nakakasabay ang kapatid niya. Bonding moment na rin kasi nilang magkapatid ito na talaga namang super close sa isa't isa. Minsan din naman ay pinapayagan siya nitong mag-drive. Kagaya ngayon.

Tahimik silang dalawa habang tinatahak ang daan pauwi as Moonville. Wari'y nagpapakiramdaman silang dalawa. Si Alex ang hindi nakatiis at unang nagsalita.

"I didn't know he was a Quinto."

Walang reaksiyon si Angel. Nakatingin lamang ito sa daan sa harapan.

"Classmate ko siya sa Philippine History kaninang umaga. We got along very well. Tapos kaninang last subject, classmate ko ulit siya."

"Then from now on, kailangan mo na siyang iwasan," sa wakas ay wika ni Angel.

"How could I, Ate? Classmate ko siya."

"Marami namang upuan sa isang classroom, Alex. Pwedeng hindi ka sa kanya tumabi."

"But... Like what I've said, we get along very well."

"Do you like that Quinto boy?" Napatingin si Angel sa katabi.

"H-Ha? N-No!" tanggi ni Alex, though halata namang medyo na-rattle siya sa tanong na iyon.

"Are you sure?"

"O-Of course, Ate... Like, I mean, like what I've said, we get along very well..."

"Then stop talking to him."

Napatingin si Alex kay Angel. Magpoprotesta pa sana ito pero inunahan na siya ni Angel.

"Bryan de Vera was applying for The Echo kanina, kapalit ni Paolo. Mom saw him and even though he takes good pictures and make good drawings, hindi pa rin siya pinayagang makapasok ni Mommy."

"Di ba ikaw ang editor-in-chief doon? Bakit si Mommy ang nagdesisyon?"

"Kaibigan ni Mommy si Dean. Kapag nalaman niya na pinayagan kong makasali si Bryan sa The Echo, baka ikapahamak pa iyon ni Bryan. She was there and if I did not immediately do as she said, kukulitin niya ako hanggang sa gawin ko rin ang gusto niya. I could not argue with her. Alam mo naman ang mga iyon kapag iyong issue na with the Quintos and the de Veras ang topic. Nagbi-beast mode sila bigla."

"Sayang naman kung ganoon."

"Nakakalungkot pero wala tayong magagawa."

"Do you like Bryan de Vera?"

It was Angel's turn to get defensive. "Ha? Hindi ko siya gusto! Sabi ko nga, sayang lang kasi he could be a good addition to The Echo."

"That means you like him - for The Echo."

Napabuntong-hininga si Angel. "I guess so..."

"Do you know the reason why this animosity started, Ate?"

"I don't, and I don't dare ask. Siguradong hindi magugustuhan nina Mommy't Daddy na magtanong tayo sa kanila tungkol doon."

"It's just so unfair. Bakit tayo ang kailangang mag-suffer sa mga nangyari 20 years or so ago?"

"Ganoon talaga. History is what makes us."

Hindi na sumagot pa si Alex. Nagpatuloy na lamang ito sa pagmamaneho.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Kararating lamang ng blue Ford Fusion ni Bryan sa Moonville. Mahigpit ang security ng nasabing subdivision. Lahat ng pumapasok na sasakyan ay pinapatigil muna sa may gate upang i-check kung sino ang dumating. Kapag hindi taga doon, tinatawagan muna ng guard ang dadalawin ng bisita at iko-confirm kung papapasukin nga ba nila ito o hindi.

Ibinaba ni Bryan ang bintana at saka binati ang mga guardiyang nagbabantay sa may gate. Katabi nito si Richard na nasa passenger seat. Nakibati rin ito sa mga tagabantay.

"Sige Sir. Pasok na po kayo." Sinenyasan ng guardiya ang kasama na itaas na ang harang sa may entrance ng Moonville.

"Salamat Boss."

Ipinasok na nga ni Bryan ang sasakyan sa subdivision. Malapit lang naman ang bahay nila sa may entrance. Isa kasi ang mga de Vera sa mga pinakaunang nakakuha ng lupa noong itayo ang Moon Village. At dahil si Raul ang naging successor ng yumaong Sebastian de Vera, sila na ngayon ang nakatira sa Spanish inspired three-storey ancestral house ng mga de Vera. Katapat naman nito ang bagong biling bahay ng mga Quinto.

"Siyanga pala. Sumali na ako sa basketball team. Siguradong late na akong umuwi niyan. Baka gusto mo nang mag-drive ng sarili mong sasakyan?"

Napatingin si Richard dito. "Okay lang naman. Hihintayin na lang kitang matapos mag-practice. For sure makakahanap naman ako ng mapaglilibangan while waiting for you."

"Kabisado mo na naman ang daan, di ba?"

"Ngayon pa lang ako nagpunta sa CPRU," aniya.

"Madali kang maka-memorize," ang sabi naman ni Bryan. "Wouldn't it be great to drive your own car?"

"Gusto ko kasi iyong nakakasama kitang umuwi from school. Ganyan kita ka-love," biro ni Richard sa pinsan.

Tumigil ang kotse sa tapat ng two-storey mansion ng mga Quinto.

"Sinasabi ko na nga ba. Kaya iba ang nararamdaman ko sa mga tingin mo, eh," sakay ni Bryan sa biro Richard. "Bumaba ka na nga ng kotse ko!"

"Bye sweetheart!" Saka niya pa finlying kiss si Bryan.

Kunwari naman ay sobrang disgusted si Bryan sa ginawa ng pinsan. Tatawa-tawang bumaba ng kotse si Richard. Saka na ipinasok ni Bryan sa gate ng kanilang mansiyon ang kotse.

Si Richard naman ay pumasok na rin sa black wrought iron gate ng kanilang bahay. Nabili nila ito two years ago. Nag-migrate na daw ang may ari ng bahay sa Australia. Mabuti na lang at ang unang nakaalam ng pagbenta ay ang mga de Vera. Kaagad itong pinaalam ng kanyang Tito Raul sa daddy niya kaya nabili nila ito.

Hindi na nila pinabago ang kulay green na traditional exterior ng bahay. Ang mga furniture and decorations na lang ang binago nila para mahaluan ng modern vibe ang buong kabahayan.

Pagpasok ng pintuan ay bubulaga sa iyo ang dalawang matataas na hagdan. Sa pagitan ng mga ito ay ang papasok sa kanilang marangyang sala. Napatingin siya doon, at bahagyang nagtaka nang makita ang kanyang daddy. Pinuntahan niya ito.

"Dad! Ang aga yata ninyo?"

"Sumakit kasi ang ulo ko dahil sa board meeting na iyon. 'Bored' meeting," ani Ricardo. Nakaupo ito sa puting single armchair at may hawak itong isang libro. "Eh alam mo namang hindi ko forte iyang mga gross profit ratio tsaka kung ano-ano pang business term. I'm a doctor, and my job is to make people feel better."

Natatawang umupo si Richard sa black sofa malapit sa ama. Inilapag niya ang dalang bag sa square na center table na gawa sa kahoy.

"Ganoon talaga, Dad. Kailangan ninyong aralin ang tungkol sa negosyo."

"Kaya nga tinitiis ko na lang iyang mga meeting na iyan."

"Kumusta naman po ang TGH?"

"We're doing great," natutuwang sagot ni Ricardo. "Pwede na nating ipatayo iyong isang building for additional rooms. Para na rin maumpisahan nang i-renovate iyong mga rooms sa main building. Aba, kasing tanda na yata ng Tito Raul mo iyong mga iyon, o mas matanda pa."

Muling natawa si Richard. Si Raul ang daddy ni Bryan, panganay na kapatid ng mommy niya.

"Si Mommy nga pala?"

"Naiwan sa ospital. May pasyenteng biglang nag-labor."

Obstetrician/gynecologist ang mommy ni Richard. Si Ricardo naman ay isang general physician at pediatrician rin.

"Hindi kayo ang Pedia?" tanong niya sa ama.

"Bagong pasyente kasi iyon. Pangalawang anak na niya iyon at ang gusto niya, iyong Pedia nung panganay ang maging Pedia nung bunso niya," sagot ni Ricardo. "Siya nga pala, kumusta ang first day?"

"Okay lang po." Tsaka niya biglang naisip si Alex Martinez.

Para namang nahulaan ni Ricardo ang iniisip niya. "Met someone interesting?"

"Bakit n'yo naman po naisip iyon?" Natatawang tanong ni Richard.

"Wala naman. Baka lang may nakilala kang gusto mong kilalaning mabuti. Kagaya ko noon. I met your mom during my first day in college. First day pa lang naging magkaibigan na kami. We easily got along very well. But, you know, I have a girlfriend then. I was in love with her kaya talagang kaibigan lang ang turing ko sa mommy mo. But, look at us now. Kami pala talaga ang nakatadhana para sa isa't isa."

Biglang naging interesado si Richard sa kwento ng ama. "Dad, how did you know that Mom is the one? I mean, sabi n'yo nga, you love someone then."

"I don't know. I think you'll just feel it?"

"Like the first time you saw her, your world stopped? Like everyone around you did not matter. Parang kayong dalawa lang ang nasa lugar na iyon..." Richard suddenly became dreamy.

"You met someone, didn't you?" Hindi nagtatanong si Ricardo, naniniguro ito.

Napatingin si Richard sa ama. "Me? No! Uhm... Dad..." Humarap siya dito. "What's the story ba behind you and the Martinez?"

Bahagyang natigilan si Ricardo sa tanong nito. Napasandal ito sa inuupuan. Nag-iba rin ang ekspresyon ng mukha nito at tono ng pagsasalita. "You know, Anak, it's something that me and your mom would not want to talk about. It's... a very bad case of misunderstanding."

"But... it was 20 years ago, right? Or more than... Hindi pa ba kayo pwedeng magkabati?"

"Son, kahit na gusto namin ng mommy mo na magkabati kami ng mga Martinez, hindi naman kami sigurado kung iyon ang gusto nina Benjie."

"But, at least you can try. Right, Dad?"

"Ask your mom about it." Muli nitong binuksan ang hawak na libro at muli itong nagsimulang magbasa.

Napatingin si Richard sa binabasa ng ama. "You're reading Inferno?"

Napatingin si Ricardo sa anak.

"Hindi n'yo pa nabasa iyan, Dad?"

"Nope, and I would like to finish it until tomorrow, if possible."

Halos nasa-one third pa lang ng aklat si Ricardo, pero mabilis naman itong magbasa kaya tiwala si Richard na may possibility na matapos nga nito ang binabasa bukas.

"Sige Dad, I'll leave you on that."

♥♥♥ 𝙸 𝚜𝚝𝚒𝚕𝚕 𝚛𝚎𝚖𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚏𝚎𝚎𝚕𝚒𝚗𝚐 𝙸 𝚏𝚎𝚕𝚝 𝚠𝚑𝚎𝚗 𝙸 𝚏𝚒𝚛𝚜𝚝 𝚜𝚝𝚊𝚛𝚝𝚎𝚍 𝚝𝚊𝚕𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚝𝚘 𝚢𝚘𝚞. - 𝙰𝚗𝚘𝚗𝚢𝚖𝚘𝚞𝚜 ♥♥♥