Makalipas ang tatlong araw ay na-discharge na rin sa ospital si Alex. Isang sorpresa ang inihanda ni Richard para sa kanya sa pag-uwi nito galing ospital. Isang salo-salo ang inihanda nito katulong ang mga magulang nito at ang mga de Vera.
Sa may garden ng mga Martinez ginawa ang salo-salo. Maraming pagkain din ang inihanda ng mga Quinto, lalo na at pagkain ang negosyo ng mga ito.
"Parang pamamanhikan na, ah," biro ni Raul kay Benjie.
"Pwede ba, Pare? Huwag mong sirain ang moment at ang sarap pa naman ng mga dala nina Ricky," ang sabi naman ni Benjie.
"Siguro naman ngayon kakain na kayo sa mga restaurant namin," ani Ricky.
"Oo naman," ani Benjie.
"Actually Tito, lagi po kami sa The Coffee Club," ang sabi naman ni Alex. "Kahit si Mommy nga suki siya doon."
"Ang sarap kasi ng kape nila doon," ani Alice.
"Ang totoo niyan, in-absorb lang ng kumpanya ang The Coffee Club. Sina Miguel talaga ang pasimuno noon," ang sabi naman ni Ricky.
"Tito, si Angel favorite niya iyong mga pasta ninyo sa Roberto's," ang sabi naman ni Bryan.
"Masasarap talaga iyon, Hija," ani Ricky kay Angel. "Original recipes iyon ni Dani, iyong asawa ni Kuya Roberto."
"Dani?" tanong ni Alex.
"Oo," sagot ng katabi nitong si Richard. "As in Daniella Joson Quinto."
"Dani ang palayaw niya? Ang cute naman!" ani Alex.
"Kunwari ka pa! Gusto mo lang masabihan na cute din ang nickname mo," ang sabi ni Angel sa kapatid.
"Hoy, wala akong sinasabing ganoon, ha?" Pero nangingiti naman si Alex.
"Wala daw, pero nangingiti."
Tuluyan nang napangiti si Alex. "Totoo naman, eh. Cute naman talaga. Ako din." Tsaka ito natawa.
"Naks! Grabe oo!" ani Angel.
"Oy oy! Cute naman talaga kayong magkapatid dahil nagmana kayo sa akin," ani Benjie.
"Hayan ka naman Pare!" ani Raul sa kaibigan. "Tanggapin mo na kasi na kay Alice nagmana itong dalawang anak mo kaya magaganda iyang mga iyan."
"Eh tanggapin mo na rin na kay Helen nagmana iyang si Bryan kaya gwapo."
"Ay siyempre hindi tayo papayag diyan."
"O, so alam mo na?" tanong ni Benjie kay Raul.
"Oo, sige. Hindi na ako kokontra. Sa iyo na nagmana ang mga anak mo kaya magaganda ang mga iyan," ani Raul.
"Kuya, tumigil ka na. Nakakahiya ka na," ani Glory sa kapatid.
"Oy, tigilan mo nga ako Glory, ha? Hindi ako si Sam para pagsabihan mo ng ganyan."
"Oo nga pala, Pare. Kumusta na si Sam?" tanong ni Benjie kay Raul.
"Hayun, nasa America pa rin. Ewan ko ba doon. Parang wala nang balak umuwi ng Pilipinas."
"Saan na ba siya ngayon?" tanong ulit ni Benjie.
"Sa San Diego," ani Raul. "Doon na siya nagtrabaho sa isang ospital doon pagkatapos maka-graduate sa Harvard Med School."
"Wow!" humahangang wika ni Benjie. "Harvard Med School."
"Wala eh. Iba talaga si Sam," ang sabi naman ni Raul.
"Dad, sino po ba si Sam?" tanong ni Angel.
"Ay, oo nga pala. Hindi n'yo pala siya kilala," ani Benjie. "Siya ang bunsong kapatid nitong Tito Raul ninyo. Si Samantha de Vera. Sam for short."
"Naku! For sure maganda iyang si Tita Sam. Panlalaki din ang nickname, eh," ani Alex.
Natawa ang lahat sa sinabi ni Alex.
"Ang lakas talaga ng tingin mo sa sarili mo, ano?" ani Angel sa kapatid.
"Oo naman," ani Alex.
"Pero totoo namang maganda si Tita Sam," ani Richard.
"Ikinasal na ba si Sam?" tanong ulit ni Benjie.
"Iyon pa ang isa sa hindi namin maintindihan doon," ani Raul. "Ang tagal na nila nung boyfriend niya, hindi pa rin sila ikinakasal."
"Baka naman hindi pa sila ready sa commitment?" ang sabi naman ni Alice.
"Eh kailan kaya magiging ready ang mga iyon? Thirty years old na si Sam sa Pasko. Parang gusto niyang umabot pa ng kwarenta bago ikasal," ani Raul.
"Thirty? Tatlo lang po kayong magkakapatid, hindi ba?" tanong ni Angel. "Ibig sabihin si Tita Glory na ang kasunod ni Tita Sam. Ang layo naman po yata ng agwat ng edad ninyo?"
"Accountant in the making nga iyang panganay mo, Benjie," ani Raul. "Ang galing mag-analyze at magkwenta."
"Siyempre, mana sa akin iyan, eh," ang sabi naman ni Benjie.
Si Bryan naman ang nagpaliwanag sa katabing nobya. "Si Tita Sam kasi ang living proof ng mga katagang 'menopausal baby.' Forty-three na si Lola Elena nang ipanganak siya nito."
"Akala nga namin noon hindi na magkakaanak pa sina Daddy at Mommy," ani Glory. "Fourteen years old na kasi ako noon. Sino bang mag-aakala na masusundan pa ako?"
"Milagro nga daw, sabi ng mga tao," ani Alice. "Hindi mo alam kung kailan magkakaroon ng panibagong buhay dito sa mundo."
"Sayang naman si Sam kung hindi siya magkakapamilya," ani Benjie. "Para naman may makamana ng katalinuhan niya."
"Sana nga matauhan na iyong babaeng iyon at maisipan nang mag-asawa," ani Raul.
"Hayaan mo na iyong kapatid mo," ani Helen sa asawa. "Hayaan mo siya kung gusto niyang enjoyin pa ang pagiging single. Darating din ang panahon na magugustuhan niyang mag-settle down."
"Iyon na nga rin lang ang iniisip ko," ani Raul. "Pero teka! Bakit ba si Sam ang napag-usapan natin?"
"Dad, magkwento na lang kayo," ani Bryan sa ama.
"Ano naman iyong gusto mong ikwento ko?" ani Raul sa anak.
"Iyong noong mga bata pa kayo nina Tito Benjie."
"Ah, oo. Ikwento mo nga Pare iyong mga adventures natin noon," ani Benjie sa kaibigan.
"Sige, sige," ang sabi naman ni Raul.
"Adventures, o misadventures?" ang sabi naman ni Glory.
Tawanan ang lahat. Todo naman ang pagkontra nina Raul at Benjie sa sinabi ni Glory. At upang patunayan iyon, ikinuwento nila sa mga kabataan, at pati na rin sa ibang naroon, ang kanilang mga karanasan noong kasing-edad pa lamang nila ang kanilang mga anak.
ππΎπ
πβππ‘'ππ π‘βπ πππ’ππ π, π‘βπ πππ ππ π‘βπ πππππ€π. WΙͺΚΚΙͺα΄α΄ SΚα΄α΄α΄sα΄α΄α΄Κα΄, π°ππ'π ππππ ππππ π΄πππ ππππ
Nα΄xα΄: ππΌπΌπ§π―π’π₯π₯π πππ«π’ππ¬ 2: π΄ππππ π»πππ π»πππ