EINON'S POV
Mabigat ang aking paghinga habang bumababa sa hagdan mula sa library. Simula kasi nang makita ko si Deborah na umiiyak kanina ay bumigat ang aking pakiramdam.
"H-hindi ko sinasadya. H-hindi—"
"Soobin... h-hindi ko naman sinasadya. Wala akong alam—"
"H-hindi ko sinasadya. Hindi ko alam..."
Nasabunutan ko ang aking sarili saka napahilamos sa aking mukha.
Mariin akong pumikit para malimot ang hitsura ni Deborah ngunit sadya yatang makulit ang aking utak.
"Naku! Tara na bro. Kumain muna tayo sa labas. May ilang minuto pa bago magsimula ang klase," sabi sa akin ni Watt sabay hila sa akin palabas ng classroom.
Matapos kasi ang away at sagutan ni Soobin at Deborah ay kinukulit na siya ni Byeongyun ngayon.
Mukhang may pinag-awayan sila kaya itong si Watt, agad ako hinila paalis para bigyan ng oras iyong dalawa.
"Saan tayo kakain?" tanong ni Watt sa akin na nakangiti pa.
"Bumalik na tayo. Malapit na magsimula ang klase," usal ko saka tumigil sa paglakad.
"Ha? Wala pa naman—ops! Paparating na nga ang demonyita! Tara nang bumalik!" natatarantang saad ni Watt sabay takbo pabalik ng classroom.
Natawa na lamang ako saka sumunod sa kaniya.
Pagkarating ko sa may pinto ay napatigil ako. Isang malaking pagkakamali yata na pumasok agad ako sa loob.
"Galit ka ba?" rinig kong tanong ni Byeongyun kay Deborah.
"Remember," sabi pa niya at doon ay inilapit niya ang kaniyang mukha sa bandang tainga ni Deborah.
"I'm too cute to be ignored, midget. I'm telling—"
"Look at them!"
"Omg!"
"They kissed!"
Aksidenteng nagkahalikan silang dalawa na nasaksihan pa ng dalawa kong mga mata.
Iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng selos at doon ko nakumpirmang may gusto nga ako kay Deborah.
Wala maliban sa sarili ko ang may alam tungkol sa nararamdaman ko para kay Deborah. Ano ba'ng magiging laban ko sa kaibigan kong si Byeongyun kung sakali mang may gusto rin siya rito?
"Bakit ba nasasaktan ako? Ganoon ko na ba talaga siya kagusto? Hay!" reklamo ko sa aking sarili sabay tapik sa aking dibdib.
"Gwaenchanayo?" Are you okay?
Napatingin ako sa babaeng kasalubong ko na isa ring Korean base sa kaniyang salita. Siguro ay nagtataka siya sa aking ikinikilos kaya nagtataka ang kaniyang hitsura.
Ngumiti naman ako.
"Gwaenchana. Gwaenchana," I'm okay. I'm okay, tugon ko.
Nang ngumiti siya ay agad akong yumuko saka nagmadali na sa aking pagbaba.
Agad kong tinungo ang clinic. Lakad-takbo ang aking ginawa dahil kahit ako ay nag-aalala rin kay Byeongyun.
Malayo pa lamang ay tanaw ko na si Watt sa labas ng clinic. Pabalik-balik siya sa pasilyo na ikinakunot ng aking noo.
"Watt!" sigaw ko habang papalapit sa kaniya.
"Einon? Einon! Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" bungad niyang tanong sa akin.
Bahagya kong hinabol ang aking hininga bago napasulyap sa bubog na pinto ng clinic.
"Inalalayan ko lang si Deborah papuntang library. Kumusta si Byeongyun? Ano ba talagang nangyari? Bakit narito ka sa labas?"
"Iyon na nga e. Ayaw akong papasukin ni Soobin."
"Ano?"
"Saka nabagsakan daw ng paso si Byeongyun kanina mula sa third floor kasi may mga naghahabulan sa taas. Pinaiimbistegahan na ni Professor Descalsota ang nangyari."
"Tsk!" Napailing ako.
"Ikaw. Subukan mong pumasok."
Napatingin ako sa kaniya bago ko napagdesisyunang hawakan na ang pinto saka iyon itinulak paloob.
Doon namin nakita ni Watt si Soobin na humihikbi sa gilid ng kama ni Byeongyun habang binebendahan na ng nurse ang ulo nito.
Kahit sando na lamang ang suot ngayon ni Byeongyun ay bakas pa rin ang dugo doon.
"Who told the both of you to come inside?" pasaring na sabi ni Soobin nang mapansin na niya kami.
Agad rin siyang tumayo sabay punas ng kaniyang luha sa kaniyang pisngi.
"Wala. Basta ang alam namin, kaibigan namin si Byeongyun. Ikaw Soobin? Kaibigan ka pa ba niya? Kaya wala kang karapatan para hindi kami papasukin at hindi makita si Byeongyun," mahinahon ngunit may diin kong sabi.
Dahil sa sinabi ko'y natahimik siya.
Dagdag ko pa, "Isa pa, aksidente ang nangyari. Bakit isinisisi mo kay Deborah ang nangyari kanina? Bakit kailangan mong manakit?"
Napasinghap siya. "Why? It's her fault! She pushed Byeongyun!"
"It's not her fault, Choi Soobin! Ituwid mo nga iyang utak mo! Hindi kasalanan ni Deborah iyon at hindi siya ang nakatabig sa paso doon sa third floor!"
"Aish jinjja!" Darn it! singhal niya. "Darn it, Einon! Why are you defending her in the first place?"
Nagpanting ang tainga ko. Magsasalita pa sana ulit ako pero pinigilan na ako ni Watt.
"Tama na, Einon. Tama na," aniya saka hinawakan ang aking balikat.
Paglabas ni Nurse D, ang head nurse rito sa school clinic mula sa isa pang pinto sa loob ay agad ko itong nilapitan.
"Kumusta po si Byeongyun?" agad na tanong ko.
"He's okay. There are four stitches on his head dahil sa lakas ng tama noong paso sa kaniyang ulo ay pumutok iyon. Kaunting pahinga na lang at magigising na rin naman siya mamaya," tugon niya dahilan para makahinga na ako nang maluwag.
Maya-maya'y bumalik si Soobin sa tabi ni Byeongyun saka hinagod ang buhok nito.
Bumalik na rin sa kani-kanilang trabaho iyong mga nurse matapos nilang siguraduhing maayos na si Byeongyun.
Napailing na lamang akong muli bago ako umupo sa isang tabi. Sumunod naman sa akin si Watt saka umupo sa tabi ko.
"Kung gano'n, kumusta si Deborah? Okay lang ba siya? Hindi ko na kasi siya napansin kanina dahil kay Byeongyun," tanong sa akin ni Watt dahilan para mapabuntong-hininga ako.
"Hindi ko siya mapatahan kanina. Ang pula ng mga pisngi niya dahil sa sampal na natamo niya mula kay Soobin," naiinis kong sabi saka ko sinulyapan si Soobin na alalang-alala kay Byeongyun.
"Maldita talaga si Soobin."
Ewan ko na lang kung ano'ng mangyayari sa kaniya sa oras na malaman ni Byeongyun ang ginawa niya kay Deborah.
Deborah mean so much to Byeongyun now at kahit hindi iyon aminin ni Byeongyun ay kitang-kita ko ito sa mga kilos niya.
"Mukhang sobra rin siyang nabigla sa nangyari. Sana matapos niya nang maayos ang kaniyang sanaysay," saad pa ni Watt bago siya napasandal sa pader at napapikit.
Makaraan ang mahigit isang oras ay hindi pa rin nagigising si Byeongyun.
"Wait for me, okay? I'll just go buy some drinks," rinig naming usal ni Soobin sa wala pang malay na si Byeongyun bago siya tumayo.
Bago siya tuluyang lumabas ng clinic ay sinulyapan pa niya kaming dalawa ni Watt bago niya kami sinamaan ng tingin.
Doon nagkaroon ng pagkakataon para makalapit nang husto si Watt kay Byeongyun.
"Bro? Gising na. Gusto kong makita ang magiging reaksiyon mo kapag nakita mong hindi na pantay ang gupit ng buhok mo dahil sa mga stitches mo," pabirong sabi ni Watt saka inayos ang kumot ni Byeongyun.
Ano na naman kayang nangyari kina Byeongyun at Deborah? Bakit siya itinulak ni Deborah?
"Sana hindi na bumalik dito si Soobin," nakangusong sabi ni Watt.
"Hindi ako sigurado riyan. Alam mo namang head over heels iyon pagdating diyan," tugon ko.
Ilang sandali pa'y nagising na rin sa wakas si Byeongyun.
"Einon? Einon! Si... si Byeongyun, gising na!"
Agad akong napatayo mula sa aking pagkakaupo saka lumapit sa kama ni Byeongyun.
"Byeongyun?" tawag ko sa kaniya kaya dahan-dahan ay napalingon siya sa aking gawi.
"Bro, okay ka na ba? Kilala mo pa ba kami?" nag-aalalang tanong ni Watt saka lumapit nang husto sa mukha ni Byeongyun.
Iginala ni Byeongyun ang kaniyang paningin sa paligid saka siya tumingin kay Watt at sa akin.
"What happened? W-where is... where is D-Deborah?" halos pabulong na niyang sabi.
Nagkatinginan kami ni Watt dahil sa tinurang iyon ni Byeongyun.
"Ah... eh... ano..." Sinenyasan ko na si Watt na ako na ang bahala.
Ipinaliwanag ko kay Byeongyun kung ano ang nangyari bago siya dinala rito sa clinic at sa huli ay hindi na rin kami nagtaka ni Watt kung agad na lumabas ng clinic si Byeongyun para lang mapuntahan niya agad si Deborah.
Bakas sa hitsura niya ang pag-aalala lalo pa nang malaman na niya ang ginawa ni Soobin dito.
Tumakbo kami ni Watt sa pasilyo kasunod ni Byeongyun patungong library. Parang hindi siya nasugatan sa aksidente kanina dahil sa bilis ng kaniyang pagtakbo.
Pagkarating namin sa harap ng library ay napatigil si Byeongyun. Nakatitig lang siya sa loob at hindi gumagalaw.
Bubog ang pinto ng library kaya't kita rin kung ano ang nangyayari sa loob. Magulo roon dahil maraming tao sa loob.
Nagkatinginan pa kami ni Watt bago namin nilapitan nang husto si Byeongyun.
"Byeongyun, ano'ng problema?" tanong ko sa kaniya sabay tapik sa kaniyang balikat.
Pagharap ni Byeongyun sa amin ay ngumiti siya. Ngiting may halong lungkot.
"Teka, bakit ganiyan ang hitsura mo? Hindi ka ba papasok sa loob? Mukha namang tapos na ang pagsulat ng sanaysay e," saad ni Watt sa nananahimik pa ring si Byeongyun.
"Is she really mad at me?" aniya kasabay ang isang buntong-hininga. Kapagkuwa'y tumingin siya sa suot niyang relo.
Dagdag pa niya, "Fifteen minutes na ang nakalipas matapos ang kanilang pagsulat pero bakit... bakit hindi man lang niya ako naisipang puntahan o kahit silipin man lang sa clinic?"
Kumunot ang noo ko.
"Sandali lang, Byeongyun. Ano ba'ng sinasabi mo?" tanong ko pa.
"Sino'ng galit sa iyo? Si Deborah? Bakit?" nagtataka ring tanong ni Watt.
Napayuko si Byeongyun bago niya kami sinagot nang isang malabong litanya.
"I can't blame her anyway. May dahilan naman siguro," sambit niya bago siya naglakad paalis.
"Wait, Byeongyun! Saan ka pupunta? Sama ako, Byeongyun!" habol na sigaw ni Watt saka niya sinundan si Byeongyun.
"Byeongyun? Akala ko ba ay pupuntahan mo si Deborah?" tanong ko pa ngunit wala na akong natanggap na sagot mula sa kaniya.
Naguguluhan ma'y hindi ko na lang pinansin ang sinabing iyon ni Byeongyun.
Pipihit na rin sana ako patalikod para umalis at sundan iyong dalawa nang mahagip ng mga mata ko ang dahilan marahil kung bakit naging ganoon na lang ang naging reaksiyon ni Byeongyun.
Kumunot lalo ang aking noo at naliit ang aking mga mata.
"Who is she hugging?"