BYEONGYUN'S POV
"Why don't we eat first? It's almost lunch, Byeongyun."
"I have something else to do. I can't eat with you."
"But why?"
"Please. I'll just drop you off to your house, then I'll go," pagtatapos ko sa aming usapan ni Soobin.
"I can't believe why you suddenly wanted to take me home."
Ipinako ko na lamang ang aking tingin sa daan habang nagmamaneho at hindi na siya pinansin pa.
I was hurt badly from the accident awhile ago pero kahit na ganoon ay agad kong naisip si Deborah dahil nag-aalala ako sa maraming dahilan.
Nang malaman ko pang sinaktan at sinisi siya ni Soobin ay mas lalo akong nagmadali para makita siya at makausap pagkagising na pagkagising ko.
Masiyado akong nag-alala.
Naging mabigat ang dibdib ko oras na makita kong nakahilig sa balikat ng isang lalaki si Deborah nang magpunta ako sa library.
Kung anu-ano agad ang naisip ko noong mga sandaling iyon kaya agad akong umalis nang walang sinasabing paliwanag kina Einon at Watt. Nagawa ko pa silang biglang iwanan nang walang paalam kanina dahil sa pagkainis ko.
Gamit ang isa kong kamay ay kinuha ko sa bulsa ng aking polo ang aking telepono saka tinawagan ang aking kapatid.
"Why did you suddenly called me?" tanong niya agad nang masagot niya ang aking tawag.
"Where are you?"
"Still in Cebu, but I'll be going home tomorrow. Why?"
"Good. I'll ditch school for three days. I'll be spending time with you. Make me some good food when I come," sunud-sunod kong sabi dahilan para mapansin kong napatingin sa akin si Soobin.
"What? You'll ditch—hey! What's gotten in you? Seriously?" pasigaw niyang tugon kaya bahagya kong nailayo ang aking telepono mula sa aking tainga.
"I'm not that role model student that you're thinking, big sister," sabi ko bago ko iniliko ang aking sasakyan sa kaliwang bahagi ng kalsada patungong village na tinutuluyan ni Soobin.
"No!" sigaw pa ni Ate Jiyun.
"Yes. I'll be there tomorrow and that's final. I will hang up now. Bye."
"Byeong—"
Hindi ko na pinagsalita pa si Ate. Nang maibaba ko na ang tawag ay agad na nagsalita si Soobin.
"You'll not attend school for... for three days? W-why?"
Sa halip na sagutin siya ay isilid ko ang aking telepono sa aking bulsa saka pumarada sa harap ng isang malaking bahay.
"We're here," sabi ko nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.
"Answer me. Why would you—"
"Soobin," pagputol ko sa kaniyang sasabihin saka ko siya tiningnan, "you don't have to know, okay?"
Nang hindi siya natinag ay ako ang bumaba ng sasakyan saka umikot sa kabilang bahagi upang pagbuksan na siya ng pinto.
"Get down," mahinahon kong sabi. "I still have some other things to do."
Nang bumaba siya'y agad niya akong niyakap na bahagya kong ikinagulat.
"Choi Soobin..."
"We used to be like this before, don't you remember?" aniya saka niya hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.
Dagdag pa niya, "I always make sure to give you a hug everytime you drop me off to my house. Then you'll kiss my forehead—"
"Stop it, Soobin," sabi ko saka ko inalis ang kaniyang mga braso sa aking katawan. "That was in the past. It was... it was a long time ago."
"Why can't you just accept me, so we can start over again?" sambit pa niya saka niya ako muling niyakap.
"Choi Soobin, enough!" mariin kong sabi saka ko siya muling inilayo sa akin. "Matagal ng may tuldok ang kung anumang namagitan sa atin noon!"
Nang tumigil siya ay hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.
Doon ay nakita ko ang namamasa niyang mga mata nang tingalain na niya ako.
"Thank you for taking care of me at the clinic," sabi ko, "but that doesn't mean that I am fine knowing that you hurt Deborah. I know what you have done to her. You shoudn't hurt her, Choi Soobin."
Hindi na siya nakapagsalita pa kaya binitiwan ko na rin siya.
Pagkatapos noon ay agad na akong bumalik sa aking sasakyan saka iyon pinaandar paalis.
"Darn it!"
Naihampas ko ang aking mga kamay sa manibela bago ko inihinto ang sasakyan pagkalabas ko ng gate ng village.
Napapikit ako't napasubsob pa sa manibela ng aking sasakyan.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang aking sarili kung ano'ng ginawa ko kanina at kung bakit ko iyon nagawa.
"Ano'ng problema mo, Byeongyun?"
Hindi ko na mabilang ang tanong na iyon mula kay Watt dahil makailang beses ko na rin naman siyang hindi pinansin at hindi tinugon.
Samantalang si Einon ay tahimik lang habang kumakain.
Nagpaalam ako sa kanilang dalawa na gagamit muna ako ng banyo ngunit bago ako dumiretso roon ay dumaan ako sa clinic para kuhanin ang aking bag.
Bahagya akong nagtagal doon dahil tiningnan ko ang sugat at tahi sa aking ulo.
"Ah, so ugly!" bulong ko sa aking sarili habang ibinabalik ang benda sa aking ulo.
Habang naglalakad ako sa pasilyo matapos gumamit ng banyo ay napatigil ako nang makita ko sina Einon at Watt kasama si Deborah harap ng clinic.
Agad naman akong nagtago sa isang bakanteng room saka sila sinilip.
Bakit ba ako nagtatago?
Pagharap ko sa kabilang bahagi ng pasilyo ay nakita ko si Soobin na naglalakad palapit.
Agad kong kinuha ang aking telepono. Hinanap ko ang pangalan ni Watt saka nagtipa ng mensahe.
"I'm on my way home now. I'm fine already, so don't look for me anymore. I'm with Choi Soobin."
Saktong paglabas ko ay nakaharap ko si Soobin na gulat na gulat.
"Ya Byeongyuna! Eodi isseoseo?" Hey, Byeongyun! Where have you been? agad na tanong niya sa akin.
Sa halip na sagutin siya ay agad kong hinawakan ang palapulsuhan niya saka siya hinila at naglakad sa kabilang bahagi ng hallway.
"Why did you leave the clinic right away? You should be resting now," sabi pa niya pero hindi ko siya pinansin at dire-diretsong nagtungo sa kabilang gate ng school para doon dumaan.
"Where are we going?"
"I will take you home," tugon ko.
"Huh? But it's still too early!"
Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko iyong tatlo at doon ko nakita ang hindi ko maipaliwanag na reaksiyon ni Deborah.
Pagtunghay ko ay muli kong nahampas ang manibela ng sasakyan.
"Why are you being like this, Byeongyun? Why? Are you mad at her? Darn it! You're crazy!"