BYEONGYUN'S POV
Pagkatapos kong maihatid pauwi si Soobin, na wala naman talaga dapat sa aking plano ay umuwi na ako sa bahay.
Wala na rin naman akong ibang gagawin maliban sa mag-impake ng aking mga gamit para sa pagpunta sa bahay ni Ate Jiyun bukas.
Pabagsak akong napahiga sa kama matapos kong isara ang isang malaking bag na may lamang mga damit.
"Are you leaving?"
Lumingon ako sa aking gilid at doon ay nakita ko si Uno habang patay-sindi ang ilaw sa nagsisilbi niyang mga mata. Para siyang kumukurap.
Napangisi ako.
"Are you trying to look cute in front of me, Uno?"
"Can I—"
"Yes, I'm leaving tomorrow, but you can't come with me," pagputol ko sa kaniyang sasabihin.
"Okay," aniya sabay alis sa aking harapan.
Bumangon ako't naupo sa ibabaw ng aking kama habang pinapanood si Uno. Para kasi siyang batang nagtatampo.
"You have to stay in the house for me, Uno. No one's going to take care of it when I'm away," sigaw ko saka napangiti.
Muli akong nahiga makaraan ang ilang segundo. Bumuntong-hininga pa ako nang maisip ko kung ano na ba talaga ang dapat kong gawin.
Kinapa ko ang aking telepono sa ilalim ng mga unan at nang makita ko iyon ay nagtipa agad ako ng mensahe para kay Ate Jiyun.
"Can I call?"
Wala pang isang minuto ay nagreply na agad siya.
"In a meeting. Why? What's up?"
Gumulong pa ako sa kama bago ako nag-reply sa kaniya.
"In a meeting, but you replied instantly? Kidding me, lady. Who are you texting with except to your brother right now?"
"Do you really think I would tell you?"
Napataas ang aking kilay. Habang nakatitig sa screen ng aking telepono ay napasinghap pa ako.
"So I'm right? I'll kill him tomorrow," reply ko.
"Come on, Byeongbyeong. Did I threatened Deborah's life?"
Dahil sa nabasa kong iyon ay natigilan ako. Agad din akong napabangon saka tinitigan ang cursor sa message reply box.
Sa ngayon, sa tuwing naaalala ko si Deborah ay hindi ko pa rin maiwasang hindi maisip ang katangahang ginawa ko kanina.
Humiga ako ulit kasabay ang pagbato ng aking telepono sa aking gilid.
"Naega michingeoya!" I'm going crazy! hiyaw ko nang matakpan ko ng unan ang aking mukha.
Maya-maya'y tumunog ang aking telepono senyales na may tumatawag. Nag-alangan pa ako kung hahayaan ko na lang bang tumunog iyon o sasagutin ko rin.
Inalis ko ang unan sa aking mukha. Nang kunin ko ang telepono at tingnan iyon ay hindi ako nagkamaling si Ate Jiyun ang tumatawag sa akin.
"Where's my reply?" aniya pagkasagot ko sa kaniyang tawag.
Tumikhim ako bago ako nakapagsalita. Sabi ko, "I thought you're in a meeting? Why are you calling me?"
Ramdam ko ang pagtikwas ng kaniyang nguso matapos kong sabihin iyon.
"Tss. Is it because I called you Byeongbyeong or is it because of Deborah? Why? You two had a fight?"
Agad na nanlaki ang aking mata.
"Fight?" nauutal kong sabi.
"Oh, wait. You're stuttering, little cutie. Tell me, am I right?"
"Crazy. I don't know what you're talking about," tanggi ko. "And one more thing, stop calling me Byeongbyeong. I'm not a kid anymore!"
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya saka niya ako binulyawan.
"No, no, no! I can feel it. Don't dare deny it to me," pagtataray niya.
"Tss. Are you a fortune teller of some sort or something?" tugon ko bago nagpakahulog pababa sa aking kama.
"So I guessed it right? You two had a fight? Wow! I didn't know that you're already having an LQ with someone—"
"Stop it, young lady! It's not what you're thinking," pagputol ko sa kaniyang sasabihin bago ko nagulo ang aking buhok.
"Right. You should come to my place tomorrow, so I can ask you. Be ready. I'm going to kill you if you try to lie to me. See you soon, dear," pagbabanta pa niya sa akin bago niya ibinaba ang tawag.
Ni hindi na niya ako pinagsalita pa kaya napahilamos na lang ako sa aking mukha.
She could smell and guess what's up with me. I'm actually starting to think that she's either a mind reader or a fortune teller. Or could she be actually a dog? Tss.
"I should be the one to kill someone, but she managed to threatened me in the end. Ugh!" reklamo ko bago ko naibato ang aking telepono pabalik sa aking kama.
Napapikit na lamang ako saka sumandal sa gilid ng kama, nag-iisip kung papasok na lang ba ako sa school o itutuloy ko ang pagpunta ko sa bahay ng makulit kong kapatid.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kung tutuusin ay hindi naging maayos ang pagtulog ko dahil maya-maya't ay naaalimpungatan ako.
"Where are you? I'll pick you up at the airport," sabi ko nang masagot na ni Ate Jiyun ang tawag ko.
Nang mailagay ko na ang malaking bag ko sa likod ng sasakyan ay napatingin ako sa salamin ng sasakyan kung saan ay nakita ko ang aking sarili.
Nagsuot ako ng isang itim na bonet, nagbabakasakaling maging paraan ito para maitago ko kay Ate ang sugat ko sa aking ulo. Panigurado kasing magwawala iyon kapag nakita niya ito.
"Airport. I just arrived 10 minutes ago. I'll just stroll around to buy something," sagot niya.
"Okay. See you."
"Goodluck. Sale sa isang mall right now. Traffic."
"Alright. I'll message you again later."
Pag-ikot ko para sumakay na sa aking sasakyan ay tumunog naman ang aking telepono.
Si Einon iyon, nagtatanong kung papasok ako ngayong araw dahil isang oras na akong late sa unang klase ngayong umaga, ang P.E.
Sa halip na sagutin pa siya ay itinago ko na sa aking bulsa iyong telepono bago binuhay ang makina ng sasakyan.
Wala na maliban kay Professor Descalsota at Soobin ang nakakaalam na hindi ako papasok. Puwede na rin nilang isipin na nagpapahinga ako kaya wala ako ngayon.
Pasado alas dyes na ng umaga.
Tatlong oras ang itinagal ng aking byahe dahil sa sobrang traffic. Bukod sa sale ang isang mall patungong airport ay may event pa doon kaya halos mapuno ng sasakyan at tao ang paligid.
Kaya sa halip na sunduin ko pa si Ate sa airport ay pinadiretso na niya ako sa bahay niya rito sa Manila.
Naka-isang dosenang pindot yata ako sa kaniyang doorbell bago niya ako pinagbuksan ng pinto.
"Who's the guy? Where's the guy? Are you really that busy to keep me waiting here?" seryoso kong sabi matapos niya akong pagbuksan ng pinto.
Napaawang ang bibig ni Ate Jiyun at bahagya siyang napaurong.
"W-wait. A-are you serious? You just got here, iyan agad ang bungad mo sa akin? Isa pa, I'm talking to some business' friend awhile ago—"
Tinaasan ko lang siya ng kilay bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang bahay.
"We haven't seen each other for 3 months, you rascal! Aren't you going to give me a hug?"
Dahil sa sinabi niyang iyon ay napatigil ako sa aking paglalakad. Ibinato ko iyong aking bitbit na bag sa couch bago ako pumihit paharap sa kaniya.
Nakakrus ang kaniyang mga braso at nakataas ang kaniyang kilay.
Walang anu-ano'y agad akong lumapit sa kaniya saka siya binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"I miss you, brother," bulong niya saka niya ako niyakap pabalik.
"Yeah. So tell me who's that guy who would have the guts to give you a hug other than me, and I'll kill him right this instant," usal ko kaya agad niyang piningot ang aking tainga.
Agad naman akong napalayo sa kaniya saka ko hinimas ang aking kanang tainga.
"Crazy! I still don't have a guy, to be honest. As in, wala akong jowa," nakanguso niyang sabi dahilan para matawa ako. Her Tagalog accent made it funnier.
Maya-maya'y naglakad siya patungong couch saka doon naupo habang may yakap-yakap na unan.
"No one can make me happy again," aniya saka niya inabot iyong cucumber smoothie niya roon sa mesa at saka sumipsip doon.
Tinabihan ko siya.
"So if ever you find the person that can make you happy, never let go," dagdag pa niya.
"What's with the drama?" natatawa kong sabi kaya agad niyang ibinato sa akin iyong unan.
"You bitch! I should be the one asking you that! So what's with the I'll-ditch-school-for-three-days drama of yours, huh? What is really your problem?" nanliliit na mga matang tanong niya sa akin.
Napakamot ako sa aking ulo dahil hindi ko alam kung anong magandang irarason sa kaniya. Kahit ako ay hindi ko rin talaga alam.
"Nothing. I just want to rest. Tired," sabi ko saka sumandal sabay yakap sa unang ibinato niya sa akin.
"I don't believe you." Mas lalo niya akong pinanliitan ng kaniyang mga mata.
"Believe me, Yoon Jiyun," sambit ko saka ngumiti.
Umiling siya bago siya tumayo at namaywang sa aking harapan.
"It's about Deborah, right? Tell me what I need to know, right now!" utos niya sa mataas na boses.
"Aish! Jeongmal aniya," Goodness! It's really not, tugon ko bago ako napaiwas ng tingin sa kaniya.
"Nal sogil suneun opseo!" You can't fool me! hiyaw niya bago niya ako pinaghahampas.
"Ya! Geuman!" Hey, stop it!
Tumagal siguro ng isang minuto ang pamamalo at panghahampas niya sa akin. Dahil sa ginawa niya ay naalala ko na naman si Deborah. Parehas silang mahilig mamalo.
"Jiyun noona!" Ate Jiyun! hiyaw ko dahilan para matigil siya sa pamamalo sa akin.
"Mwo? Mwo?" What? nagtataray na sagot niya sa akin.
Ngumiti ako't niyakap siya.
"Mandu," Dumplings, usal ko. "I want dumplings and Soju."
"Tss. You brat!"
Sinapok pa niya ako bago siya lumayo sa akin. Ngunit laking gulat ko na lang nang bigla niyang hablutin ang suot kong bonet.
"You better not wear this. You look like a... you know 'mukha kang itlog ng pugo' something? Haha!" natatawa niyang sabi habang hindi pa niya napapansin ang dahilan kung bakit ako nagsuot niyon.
"Um... you shouldn't remove it, I guess?" kinakabahan kong sabi saka umayos nang upo sa couch. Nilingon naman niya ako.
"Why? You—wait. What... what happened to your head?"
Nakita ko kung paano nanlaki ang kaniyang mga mata. Agad din siyang lumapit sa akin saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Ya! Eotteohke... museun iriya?" Hey! How... what happened?"
Hindi ko siya sinagot. Pinanood ko lang siya kung paano siya nag-aalala sa akin ngayon.
"You got four damn stitches! What the hell, Byeongyun!" sigaw niya sa akin dahilan para bahagya akong mapapikit.
Hinawakan ko ang pareho niyang kamay saka ko sinabing, "Gokchonghajima. Gwaenchanayo. Jinjja!" Don't worry. I'm really okay.
Nang titigan ko siya'y nakita kong namamasa na ang kaniyang mga mata.
"Ya! Uljima!" Hey, don't cry! natatawa kong sabi. "I'm okay! Look, I'm alive! It's just a small scratch."
"How did you get that? Why the hell didn't you tell it to me? Answer me!" seryoso niyang tanong na mukhang hindi ko na kayang iwasan pa.
"Just make me some dumplings, please? I'm hungry," usal ko pero hindi niya iyon pinansin.
"Byeongyun, I'm serious."
Napabuntong-hininga ako matapos kong makita ang talim ng titig niya sa akin.
"Okay, fine. It's about me and... and Deborah."
Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isip matapos niya akong talikuran bigla saka dumiretso sa kusina.