Chereads / Fulfilled Duties (Tagalog) / Chapter 27 - Chapter 27

Chapter 27 - Chapter 27

BYEONGYUN'S POV

I have been staring at the ceiling for awhile now. Finally after staying at Jiyun noona's house for three straight days ay nakauwi na rin ako. Ni hindi man lamang niya ako inihatid pauwi kahit alam niyang masama ang aking pakiramdam kahapon.

I got addicted to dumplings kaya nanibago siguro ang tiyan ko.

Wala naman kasi akong ibang ginawa sa bahay niya kung hindi ang kumain nang kumain, manood ng movie, maglaro ng online games at...

"Noona! I told you na ayaw ko sa blind date! Ayaw ko! Bakit ba tuwang-tuwa kang ibugaw ako? Mukha ba akong langaw?" asik ko kay Ate ngunit hindi niya ako pinansin.

Napasapo ako sa aking noo bago ko tinitigan ang repleksyon niya sa salamin.

Nakaupo kasi siya sa harap ng isang malaking salamin sa kaniyang kuwarto habang may nakatutok na ring light sa kaniya.

"Look, hindi ako pupunta, okay? I won't!" naiinis ko pang sabi bago ako tumalikod upang lumabas mula sa kaniyang kuwarto.

"Ayaw ko! Nonsense!" patuloy na reklamo ko.

"Why? Is it because you're into Deborah already or is it because you're still hoping for Kang Dami?"

Napahinto ako.

"W-what?" sambit ko sabay lingon muli sa kaniya.

Tiningnan niya ako nang may pag-aalala.

"Byeongyun, it's been... four years? Dami left you for a very long time already. I think... I think Kang Dami is really not coming back, brother."

Hindi ko pa rin maikakaila na kahit ganoon na katagal na iniwan ako ni Dami nang wala man lang paalam ay masakit pa rin sa dibdib na parang nilulukot at sinasaksak.

Bumuntong-hininga ako nang masipat ko si Uno sa tabi ng aking kama habang naglilinis. Pero sa halip sa siya ang tawagin ko ay si Zero ang inutusan ko.

"Zero, look for Dami, Kang Dami," sambit ko.

Makalipas lamang ang ilang segundo ay nagsalita na si Zero.

"I'm sorry. There were no results found for Kang Dami."

Mariin akong napapikit.

"Where are you? Why don't you even have a social media account? Ugh, Dami! I really... really miss you..."

"Visitors! Visitors!"

"Kapchagiya!" Why so sudden!

Bahagya akong nagulantang nang biglang sumigaw si Uno.

"Visitors! Visitors!" ulit ni Uno at doon ko lang narinig ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa aking kama saka tumayo. Habang hawak ang nagwawala kong tiyan ay lumakad ako palabas ng aking kuwarto.

"They must be Watt and Einon," bulong ko saka tumungo sa pinto upang siguraduhin mula sa maliit na monitor kung sino nga ang bisita ko.

Nang mabalitaan kasi nilang umuwi na ako ay agad silang nagplanong bisitahin ako.

Pag-encode ko ng password ay agad na bumungad sa akin ang isang mahigpit na yakap mula kay Watt pagbukas ng pinto.

"Byeongyun! Byeongyun, I miss you! Na-miss kita nang sobra, bro!" aniya na halos lumambitin na sa akin.

"Hey, Watt! Get off of me!"

Pilit ko siyang itinulak ngunit dahil nanghihina ako ay hindi ko siya maalis mula sa akin. Para siyang tuko na tinubuan ng tao ngayon.

"Oh, bro! Kumusta? Mukhang namumutla ka?" tanong ni Einon at doon lang ako binitiwan ni Watt.

"Ha? Oo nga. Saka bakit nakahawak ka sa tiyan? Natatae ka ba?"

Tiningnan ko silang dalawa.

"Nakatatlong rounds na ako sa banyo simula pa kaninang umaga," sambit ko.

"LBM? Grabe. Ano ba'ng ginawa mo lang sa bahay ng ate mo?" usisa ni Einon saka naunang tumungo sa sala. Sumunod naman si Watt.

"Kumain ka lang ba doon kaya nagtatae ka ngayon, bro?" sambit ni Watt.

"Yeah. I ate... a lot. Mabuti na lang at walang pasok ngayong Sabado, so I can rest."

"Kumusta ang sugat mo?" tanong pa ni Einon

Agad naman akong napahawak sa aking ulo kung saan ako nagkaroon ng tahi.

"Ah, it's fine. Inalagaan din naman ako ni Ate."

Pabagsak na naupo si Watt sa sofa saka sinilip ang laman ng dalang supot ni Einon kanina.

"Jiyun noona is really kind. Anyway, may dala pa naman kaming Spicy Buffalo Chicken Wings, o? Makakakain ka ba?"

"Teka, kailangan ba talagang mag-english?" natatawang puna ni Einon dito kaya naman nakatanggap siya ng hampas mula rito.

Natawa naman ako.

Sumunod ako sa sala habang nakahawak pa rin sa aking tiyan. Pakiramdam ko kasi ay tinatawag na naman ako sa banyo.

"You can eat all of that if you want. Wala akong gana ngayon," sambit ko bago sila nilagpasan.

"Saan ka pupunta, bro?" tanong ni Einon.

"Banyo. I'm going to take a dump again," tugon ko.

"Fighting, bro!"

Gustuhin ko mang matawa sa tono ng boses ni Watt ay hindi ko magawa dahil baka biglang sumabog sa suot kong shorts ang kung ano mang sasabog dito.

"Damn you!" sabi ko na lamang bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo.

Habang nasa loob ay bigla na namang pumasok sa isip ko si Deborah.

Apat na araw na kaming hindi nag-uusap. Ni tawag o text ay hindi ko magawa hindi dahil masama ang loob ko sa kaniya kung hindi dahil natatakot akong baka mas lalo pa siyang magalit.

Kumusta na kaya siya? Isa pa sa mga tanong na nabuo sa isip ko ay kung sino ang lalaking kasama niya noon sa library? Could he be her boyfriend?

"Why? Is it because you're into Deborah already or is it because you're still hoping for Kang Dami?"

Hindi ko alam kung inaasar lang ba ako ni Ate about Deborah, but the way she reacted right after na malaman niyang inihatid ko si Soobin because I intentionally wanted to see what would be Deborah's reaction ay nagalit siya.

"Am I... am I really... jealous?"

"Byeongyun! Pahinging Soju!"

Napapikit ako sa gulat nang biglang hampasin ni Watt ang pinto ng banyo habang sumisigaw.

"You asshole! Go ahead! Tss," tugon ko.

Sa loob ng tatlumpung minutong nasa loob lang ako ng banyo ay iniisip ko si Deborah. Hindi ko man sigurado na naapektuhan siya sa ginawa ko sa pagsama kay Soobin pero ang inaalala ko pa rin ay iyong nangyari sa kanila ni Tito Paps.

Nag-aalala ako. Nagi-guilty ako. Gusto ko na siyang makausap ngunit kinakain ng hiya ang buong sistema ko.

Nang matapos ako ay naabutan ko iyong dalawa na nanonood ng horror movie.

"King ina! King ina! Nariyan sa taas! King ina tumingin ka sa taas! Gaga!" hiyaw ni Watt na halos ipitin na si Einon kasisiksik niya rito.

Marahan pa rin ang aking paglakad dahil sa hindi mapakaling nararamdaman ng aking tiyan.

"Watt! Lumayo ka nga! Ang hina mo! Ihagis kaya kita lalo sa TV?" reklamo naman ni Einon saka niya itinulak si Watt palayo.

Hindi nila ako napansin kaya tahimik kong tiningnan kung ano ang kanilang pinanonood.

"The Bridge Curse. Oh, a Chinese movie?" sambit ko at doon lang ako nilingon niyong dalawa.

"Oo, bro. Number 10 trending sa Netflix, o?" sambit ni Watt sabay baling muli sa pinanonood.

"Sandali! King ina ulit! Tumakbo ka lang! Huwag lilingon pabalik! Hoy! King ina!"

Palihim na lamang kaming natawa ni Einon dahil sa lakas ng boses ni Watt. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman niya ngayon. Kung natatakot ba siya o sadyang gusto niya lang magmura.

Kung si Deborah siguro ito ay malamang na mapula na ang noo niya sa kapipitik ko.

Hay, Deborah!

Makaraan ang ilang minuto ay nilapitan ako ni Einon nang makita niya akong tahimik na nakaupo sa veranda. Iniwanan niya si Watt doon sa harap ng TV habang nagsisisigaw pa rin.

"Byeongyun," tawag niya sa akin.

"Oh, bro?"

Tiningnan ko siya hanggang sa makaupo siya sa aking harapan.

"Ano'ng balita?" aniya kaya pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Balita? About? Me? I'm fine. Why?"

Nagkibit-balikat naman siya saka nilaro iyong maliliit na pebbles sa paso ng cactus na nasa gitna ng mesa na pumapagitna sa amin.

"Sabihin na nating nagpahinga ka dahil sa nangyari sa iyo pero ang mawala ka ng tatlong araw? Talaga? Sa pagkakakilala ko sa iyo ay balewala lang ang sakit na iyan kumpara sa sakit na dinadala mo sa mga nagdaang taon?"

Natigilan ako.

Inaamin kong bahagya akong nagulat sa kaniyang tanong. Si Einon ito e, maraming hugot sa buhay.

"W-what do you mean?"

Bahagya siyang natawa.

"Bukod sa text mo kay Watt ay nakita kita Byeongyun. Nakita ka namin ni Deborah noong hapon sa school sa event ng Buwan ng Wika na kasama si Soobin."

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko inaasahan na uungkatin niya ang bagay na ito. Kahit alam kong nakita niya rin ang ginawa kong iyon ay hindi ako handa.

"Bakit mo ginawa iyon? Halos karamihan ay alam na galit ka kay Soobin tapos makikita ka ng taong ginawa mong guard para lang huwag kang kulitin na kasama mo siya? Hindi ko lang maintindihan," aniya pa.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko habang sinasabi iyon ni Einon. Hindi ako agad nakapagsalita dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang isasagot ko sa kaniya.

"Hindi man nagsalita noon si Deborah ay nakita ko sa reaksyon niyang nasaktan siya matapos kong basahin ang text mong iyon."

Nasaktan? Si Deborah?

"N-nasaktan?" tanging nasabi ko taliwas sa inaasahang sagot ni Einon mula sa akin.

"Byeongyun, iyong totoo..."

Mas kinabahan ako nang makita ko ang mas seryosong hitsura ni Einon ngayon.

"W-what?" tanong ko.

"Nakita kong nakita mo si Deborah na may kayakap noon sa library. Kaya mo ba ginawa iyong tungkol kay Soobin ay dahil nagseselos ka?"

Napabuntong-hininga ako.

Kapag ba sinabi kong nagselos nga ako ay titigilan na nila ang katatanong nila sa akin niyon?

Hindi inabot ng tanghalian iyong dalawa rito sa bahay.  Nagpaalam na rin sila sa akin matapos nilang masigurong maayos na ako. Hindi rin naman nila ako maisama lumabas dahil sa lagay ko ngayon.

Naiwanan akong mag-isa sa sofa matapos umalis ni Einon at Watt.

"Watt Tercero. Einon Lujan. Watt Tercero. Einon Lujan," rinig kong sabi ni Uno habang papalapit sa akin sa sofa.

"Bakit mo binabanggit ang buong pangalan ni Einon at Watt?" tanong ko rito.

Maya-maya'y nakita kong nag-flash sa monitor ni Uno ang mga stolen pictures niyong dalawa habang narito sila kanina.

Napangiti ako sa ideyang kung hindi siguro robot si Uno ay malamang ay isa siyang babaeng may damdamin upang magkagusto sa isang lalaki.

"Crush mo?" natatawa kong tanong.

"Beautiful faces," aniya.

Kasabay ng mahina kong pagtawa ang pagtunog ng doorbell kaya napalingon sa may pinto.

"Ano naman kaya ang nakalimutan niyong dalawa at bumalik?" naitanong ko sa aking sarili bago tumayo at tinungo ang pinto.

"Two old dudes! Did you two forget something—"

Agad ko iyong binuksan kaya agad din akong nagulat sa sumunod na nangyari. Sakto kasing pagbukas ng pinto ay hindi sina Einon at Watt ang bumungad sa akin kung hindi isang mahigpit na yakap mula sa isang babae.

Hindi ko siya agad namukhaan dahil nakasubsob na ang kaniyang mukha sa aking dibdib.

"Hey! W-why are you hugging me? Who... who are you?" gulat ko pa ring tanong.

"Nanalo ako sa essay."

Napanganga ako sa aking narinig.

"M-midget?"