DEBORAH'S POV
"Coffee?"
Napalingon ako kay Byeongyun na nakatayo ngayon sa aking harapan habang dala ang dalawang kapeng kaniyang tinimpla.
Iniaabot niya sa akin iyong isa.
"Salamat," tugon ko sabay abot niyon mula sa kaniya. Muli akong tumingin sa bintana.
Alas otso na ng gabi at hindi ko akalaing mai-stranded ako sa bahay ni Byeongyun.
Ang lakas ng ulan at hangin sa labas.
Nag-aalala ako dahil bukod sa takot ako sa bagyo ay natatakot ako para sa pamilya ko. Hindi ganoong katibay ang bahay namin para sa signal number 2 na bagyo.
Napabuntong-hininga ako bago ako humigop ng kape.
"You okay?" tanong ni Byeongyun nang mapansin niya ang paghinga ko nang malalim.
Tumango naman ako.
Kanina pa kaming parehong nakatambay sa kaniyang sala habang patay ang karamihan sa mga ilaw. Kaunting liwanag lang ang nagsisilbi naming gabay para makita ang isa't isa.
Ayaw niya kasi akong iwanan dito kaya sinamahan niya ako.
If it is not because him, baka naiiyak na ako.
"Midget?"
Sinulyapan ko siya. "Um?"
Umayos siya ng upo saka muling nagsalita.
"Why are you afraid with typhoons? I mean, yes, it's scary, but did something happen before?"
Saglit akong napatitig kay Byeongyun. Naupo rin siya sa tabi ko.
Muli akong humigop ng kape bago nagsimulang magkuwento.
"Madalas kasing bumagyo noong bata pa ako. Kumpara ngayon, mas madaling magiba ang bahay namin noon dahil purong kahoy, hindi katulad ngayon na kahit papaano ay may semento na. Sa tuwing bumabagyo, natatakot ako kasi palaging nililipad ang bubong namin. Malakas ang ulan, malakas ang hangin, saka maingay... nakakatakot lalo na at tuwing gabi nangyayari iyon. Pakiramdam ko ay may mamamatay," mahabang litanya ko.
"Kaya ba balisa ka ay dahil nag-aalala ka ngayon na baka mangyari ulit iyon?" tanong niya na tinanguan ko naman.
"Don't worry. Pagkatapos na pagkatapos ng masamang panahon na ito ay sasamahan kitang umuwi. Isa pa, your mom just sent you a message that they're all fine. Don't upset yourself too much, okay?" sabi pa niya.
"Sana nga matapos na ito."
Matapos niyon ay nabalot kami ng katahimikan kahit na bahagya naming naririnig ang lakas ng hampas ng pinagsamang ulan at hangin sa bintanang bubog.
Dahil sa katahimikang iyon ay naalala ko ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito sa bahay ni Byeongyun.
Palihim ko siyang sinulyapan. Ito na ba ang tamang tyempo?
"Byeongyun..."
"Midget..."
"Bakit mo kasama si Choi Soobin—"
"Sino iyong kasama mo sa library—"
Napatalikod ako sa kaniya dahil sa hiya.
King ina. Ang daming minutong puwedeng hindi kami magsabay, bakit ngayon pa? Nakakawala tuloy ng lakas ng loob!
"It seems like we're thinking the same thing at the same time, midget," aniya kaya unti-unti akong napaharap sa kaniya.
"Mukha nga," segunda ko.
Ibinaba niya sa maliit na mesa na nasa aming harapan iyong hawak niyang tasa bago muling nagsalita.
"Okay, ganito na lang. Let's have a deal," sabi niya.
"Deal? Na naman? Tungkol saan?"
"Like, let's give each other one minute para magsalita... para sabihin ang dapat o gustong sabihin," suhestiyon niya.
Ibinaba ko rin iyong hawak kong tasa saka siya tinugon.
"One minute? Sa tingin mo sapat na iyon?" tanong ko.
"I guess?"
Nagkatitigan kami. Para kaming tanga at duwag para magkaroon pa ng deal. Mukhang pareho nga kaming nahihiya... nahihiya sa kasagsagan ng bagyo.
"Sige. E sino'ng mauuna?" tanong ko pa bago namin mapagpasyahang magbato-bato-pik.
Nakatatlo kaming subok at talo ako. Ibig sabihin, ako ang mauunang magsalita sa loob ng isang minuto.
Parehas kaming naglabas ng telepono para sa timer. Tumalikod din kami sa isa't isa para iwas pressure.
Magkaibigan nga kami.
"Bawal muna'ng mag-comment pagkatapos magsalita, ha?" paalala ko sa kaniya.
"We're crazy, aren't we?" tanong niya kaya napatikwas ang nguso ko.
"Ikaw lang. Bakit idadamay mo pa ako?" pang-aasar ko at doo'y narinig ko ang pagsaltik ng kaniyang dila.
Bahagya naman akong natawa na nakatulong para maalis ang nararamdaman kong hiya at kaba.
"So, are you ready?"
Huminga ako nang malalim.
"Oo," sagot ko.
"One minute starts now."
Pumikit ako. Ito na. Magsasalita na ako.
"I'm sorry. I'm sorry for acting so stupid. Iyong nagalit ako dahil sa pagtulong mo kay tatay... may dahilan iyon. I was bullied before dahil nangutang si tatay ng pera para sa tuition ko sa taong inaakala kong kaibigan. Kinutya niya ako, minaliit niya ang pamilya ko. Ipinagkalat niya sa school na mahirap kami at magaling mangutang ang tatay ko sa mga mayayaman. Dahil doon, nagpalipat ako ng school. Natatakot ako, Byeongyun. Mayaman ka, mahirap lang kami. Natatakot akong baka muli kaming maliitin dahil lang sa wala kaming yaman. Masakit para sa akin iyon. I'm sorry. At iyong aksidente mo... I'm sorry sa ginawa ko noong event sa school. Hindi ko sinasadya at hindi ko alam. I was crying so hard that time dahil sobrang nagi-guilty ako. Pagkatapos ko sa library, pinuntahan kita pero hindi na kita naabutan. Nalaman ko na lang na kasama mo si... si Choi Soobin. Saka iyong lalaking kasama ko sa library, siya si Bavi. He's a friend... a good friend."
Pagkatapos kong magsalita ay saktong natapos ang isang minutong nakalaan sa akin. Narinig ko pang tumunog ang telepono ni Byeongyun.
Napahinga muli ako nang malalim. May racing na naman sa loob ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung nasabi ko ba lahat o kung tama ba ang mga nasabi ko.
"My turn," aniya.
Hinawakan ko ang aking telepono saka inihanda ang timer.
"Your one minute starts now."
And he never fail to startle me.
Halos tumilapon ang hawak kong telepono nang bigla niya akong hilahin paharap sa kaniya para yakapin.
Nabato ako habang namimilog ang aking mga mata.
Tama. Sa halip na magsalita siya ay niyakap niya ako nang mahigpit na halos maging dahilan ng atake ko sa puso.
"B-Byeongyun..." sambit ko kaya mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin. Halos ibaon na rin niya ang kaniyang mukha sa aking leeg.
"You don't have to say sorry, midget. I understand now. Hindi ko kayang magalit sa iyo, but I admit na sumama ang loob ko kasi akala ko wala kang balak na silipin ako sa clinic when I was hurt. I'm sorry. Napaka-childish ko para lapitan si Choi Soobin because... because I was... I was jealous. I was jealous with the guy you were with at the library."
Parang may kung ano'ng humampas sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito.
Pati nararamdaman ko ay nakikisabay sa gulong dala ng bagyo. Naguguluhan ako.
"I was jealous, midget."
J-jealous?